Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

Chapter 1

Imbitasyon

Isa lamang ang naiisip kong kasagutan sa katanungan ng ikalawang Prinsipe ng Deltora. Ito'y ang punyal na ngayo'y aking pag-aari, ang siyang naging saksi ng lahat ng paghihirap ko simula nang ako'y nasa Deeseyadah hanggang sa mundong ito.

"Ang punyal..."

Inilabas ko ang punyal at mariin ko iyong hinawakan habang nakaharap kaming lahat sa nakasaradong kweba.

Malakas ang kutob ko na susi ang punyal ngunit alam kong parte lamang ito. Ang susi'y mananatiling nag-iisa lamang kung ito'y ang kapangyarihan ni Dastan, ngunit kung bubuksan ang kweba ng ibang kamay ay may karampatang susi na siyang hinihingi ito.

"Hindi sapat ang aking punyal, Rosh..."

Sa halip na manatili sa tabi ko'y nagsimula siyang maupo sa ilalim ng isang puno habang naglalabas ng kanyang plauta.

"Paumanhin ngunit ako'y isang hamak lamang na nakatataas na kawal, ang pagsagot sa mga bugtong ng paglalakbay na ito'y tanging nasasa'yo lamang, Mahal na Diyosa mula sa Buwan."

Sina Hua at Nikos ay nanatiling nasa tabi ko habang nakatitig din sa kweba at nag-iisip ng paraan upang matulungan ako.

Sa pagitan nang aming katahimikan ay nagsimula nang humalo ang musika mula sa plauta ng ikalawang Prinsipe ng Deltora, humalimuyak din ang mababagong rosas mula sa paligid na tila kinikilala ang kanilang dapat paglingkuran, at ang liwanag ng papalubog na araw na sumisiwang sa malalaking puno'y patuloy sa pagsayaw.

Ang buong paligid ay tila kay banayad, na parang walang batalyong siyang humahabol sa amin upang kitilin ang aking buhay.

Nagpahid ako ng luha habang patuloy na nakatanaw sa bukana ng saradong kweba. Ang himig ng plauta ni Rosh ay kay sarap pakinggan, ngunit ang bulong nito sa puso'y matinding kalungkutan.

"B-bakit?"

Hindi ko mapigilang magsalita at magtanong na sa mga nangyayari sa akin. Hinintay kong may sumagot sa kanilang tatlo ngunit wala akong narinig at nagpatuloy lamang ang plauta ni Rosh.

"Wala akong maintindihan... hindi ko nais gawin iyon kay Dastan. M-mahal ko siya..." pumiyok na ang boses ko.

Kay sakit isipin na nagawa ko iyon sa sarili kong minamahal, ang gulat at matinding pagtataka sa kanyang mga mata, ang sakit, at pagdaramdam. Mga emosyong hindi ko nais igawad sa kanya. Isinubsob ko sa aking mga palad ang aking mukha at hinayaan ang sariling humagulhol.

"Leticia..." usal ni Nikos. Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang siko ko para pakalmahin ako.

"Hindi ko na alam kung sino ang kalaban ko... kung sino ba ang dapat kong pagkatiwalaan... natatakot na 'ko..."

"Ako, Leticia... pagkatiwalaan mo 'ko..." lumapit na rin ang binatilyong anyo ni Hua.

"I-ikaw? Kayong dalawa ni Nikos? Hanggang ngayon ay isang matinding katanungan pa rin ang bigla n'yong magkawala at pagpapakita sa akin na tila alam n'yo nang lahat na mangyayari ang mga ito."

Kapwa sila natigilan sa sinabi ko.

"Nagkaroon nga tayo ng pangako sa isa't-isa, ngunit hindi ko pa rin maiwasang isipin na bawat isa sa inyo'y may mas mataas sa akin na siyang inyong sinusunod. Ang inyong katapatan ay hindi lubos na para sa akin..."

Bago kami makarating sa harap ng kwebang ito'y buo na ang loob kong ipagkatiwala sa kanilang tatlo ang kaligtasan ko, ngunit tila may kakaibang kakayahan ang presensiya ng kweba kung saan nagagawa nitong ilabasa ang kinatatakutan ng nilalang na siyang nais pumasok sa kanya.

Ngayo'y ang inakala kong matatag na desisyon at mga salitang sinabi ko bago ko tuluyang tanggapin at harapin ang paglalakbay na ito'y nagsisimulang humina dahil sa takot na unti-unting lumalamon sa akin.

"Bakit tila alam n'yong lahat ang mangyayari? Bakit sa halip na pigilan n'yo ay hinintay n'yong mangyari?! Sana'y hindi ko iyon nagawa kay Dastan..."

Natigil na ang plauta ni Rosh, at ngayo'y ang aking boses na ang siyang namamayani sa pusod ng kagubatan.

"Kayo'y naririto sa iba't-ibang mithiin, hindi ba? At sa dulo ng kwebang ito'y magsisimula ang lahat."

Sinimulang pitasin ni Rosh ang bawat piraso ng puting rosas na ngayo'y hawak niya. "Someone might be waiting for us..."

Hindi ko napigilan ang kilabot na bumalot sa aking buong katawan nang sabihin iyon ni Rosh.

"S-sinong naghihintay sa atin?" nangangatal na ang boses ko.

Nagkibit-balikat siya at pinagpatuloy ang atensyon sa kanyang rosas. Tumagal kami ng isang oras ngunit hindi pa rin kami nakakaisip ng kasagutan upang mabuksan ang kweba.

Sumapit na ang gabi, pumili ng ligtas na mapagtataguan si Nikos at si Hua naman ang nagsiga ng apoy para magkaroon kami ng liwanag. Kapwa kami mga nakaupo at nakatitig doon na tila may kasagutang makukuha mula roon.

"Sa paanong paraan kayo nakapasok ni Haring Thaddeus sa kweba, Rosh?"

"He's the most powerful vampire during those times, kaya hindi kami nahirapang makapasok."

"At bakit ikaw ang kasama niya at hindi ang kanyang mga anak?" tanong ni Nikos.

Tumaas ang kilay ni Rosh. "Why don't you introduce yourself first? I am a Le'Vamuievos. Does it ring a bell?"

Nasamid si Nikos sa sinabi sa kanya ni Rosh. Wala akong natatandaan na may sinabi ako sa kanya tungkol sa pagkatao ni Nikos at ang koneksyon nito sa mga Le'Vamuievos. Ngunit dapat pa ba akong magtaka?

Siya nga pala si Rosh.

"I am Naha's father and your Aunt's—"

"At hindi ka man lang nagpakita kahit minsan kay Naha? How insolent!"

"Komplikado ang sitwasyon ko, Mahal na—" ikinumpas ni Rosh ang kanyang kamay sa ere.

"I am just a higher guard. And I don't need your explanation, all you need to do is to stay alive and meet Naha after this journey."

"I will..."

"Good..."

Habang pinagmamasdan ko si Rosh alam kong may hindi siya sinasabi sa amin.

"Rosh, nais kong sagutin mo ang katanungan ni Nikos. Bakit ikaw ang kasama ni Haring Thaddeus sa halip na ang kanyang mga anak?"

"Dahil hindi niya ako anak?"

"Bakit hindi mo maibahagi sa amin ang nasa loob ng kwebang—"

"It's a curse, Leticia. Ang anumang nangyari sa loob ng kwebang iyon ay mananatiling nasa kweba lamang. Isa pa, hindi ko nais maging abo dahil lamang nagbanggit lang ako ng ilang salita. Patawad..."

Lalo akong nawalan ng pag-asa sa kasagutan ni Rosh. Mukhang tama nga ang sinabi sa akin ni Kalla, ang hari'y laging magbibigay ng bakas ngunit ako'y higit niyang pahihirapan upang hanapin at sagutin iyon.

Mas lumalim ang gabi, lumapit sa akin si Hua at nag-abot siya ng makapal na kumot na siyang maaari kong gamitin sa aking pagtulog.

"Kami ni Nikos ang magbabantay ngayong gabi. Maaari na kayong magpahinga ng Prinsipe ng Deltora, lalo na't kapwa kayo napagod dahil sa engkwentro n'yo kanina."

Sumulyap ako kay Rosh, akala ko'y makikita ko na sa unang pagkakataon ang prinsipe na matulog sa lupa dahil sa hirap ng sitwasyon, ngunit hindi iyon mangyayari.

Kasalukuyan na siyang nababalot sa tila makapal na balat ng halaman tanging mukha niya lamang ang nakikita ko. Katulad siya ng paru-paro na nakabalot pa sa kanyang balat bago tuluyang makalipad.

"Is that a cocoon?" tanong ni Nikos kay Hua.

"A vampire inside a cocoon, hindi ko akalain na makakasaksi ako." Kumento ni Hua.

Inabot ko na ang kumot kay Hua at ibinalot ko na iyon sa aking sarili. Sumandal na ako sa ilalim ng puno at pinilit ipikit ang aking mga mata para matulog.

Ang susi...

Ano ang susing siyang kailangan ko?

Buong akala ko'y ang pagtulog ang siyang makakatulong sa akin upang mas malinawan ang aking isipan, ngunit parang nagsisimula na akong pagsisihan iyon. Lalo na't ang aking kaluluwa'y nagbalik sa Parsua Sartorias.

Sa haring aking minamahal...

Nagkakagulo ngayon sa silid ni Dastan habang walang tigil sa pag-iyak si Reyna Talisha at Harper. Pilit iginagapos nina, Zen, Finn at Evan ang kanilang kapatid na hanggang ngayon ay nagdurugo mula sa tarak ng punyal.

Ang mga kamay ni Claret ay kapwa nagliliwanag upang gamutin iyon. Maging sina Kalla at Naha'y walang nagawa.

"Allow me to follow her... please..." nagmamakaawang sabi ni Dastan.

Sabay-sabay umiling sina Zen, Evan at Finn.

"Kailangan kang gamutin, kamahalan... malalim ang tama mo. Hindi pa rin tumitigil sa pagdurugo... you'll die..." paliwanag ni Claret.

"Mother... Zen, brother... Evan... Finn... I saved all of you! Ngunit bakit hindi n'yo ako magawang pagbigyan!? Allow me to follow her, it was a trick. She was possessed!"

Sa sobrang lakas ni Dastan ay nagawa niyang patalsikin ang tatlo niyang kapatid na gumagapos sa kanya.

"Dastan! Sinaksak ka niya! Possessed or not, kailangan siyang hulihin upang magawan ng aksyon at tanggalin kung anuman ang nakasanib sa kanya. Dahil hindi natin alam kung maaari niyang ulitin ang ginawa niya sa'yo. But she ran away! Dapat ay nagpahuli siya kung nais niyang matanggal ang sumasanib sa kanya." Sigaw ni Lily sa kanya.

Hindi nagawang makasagot ni Dastan sa kanya. Kahit ako'y walang maisip na kasagutan, kinapa ko ang sarili kong presensiya at kapangyarihan ngunit wala akong pakiramdam na may ibang presensiyang nakasanib sa akin.

Isang bagay na mas ikinatakot ko, kung wala akong nararamdaman na nakasanib sa akin, paano ko iyon nagawa kay Dastan? Hindi ko iyon nais...

Sa pagkakataong iyon naman ay sina Casper at Caleb naman ang nagtulak kay Dastan pabalik sa kama.

"Harper, Naha, Kalla! Please clean the castle, palabasin n'yong lahat ang ating mga tagasunod o ang kahit sinong nilalang na labas sa pamilyang ito. No one is allowed to witness how wrecked our king..."

Mabilis tumango ang tatlong babae.

Ipinagpatuloy pa rin ni Claret ang panggagamot kay Dastan na nagpupumilit humabol sa akin, ngunit ngayo'y lahat na ng mga kapatid niyang lalaki'y pursigido siyang igapos.

"Dastan, tama na... ang mahalaga'y gumaling ka..." umiiyak na sabi ni Harper.

"Patulugin mo muna, Claret..." sabi ni Zen.

"Hindi maaari, Zen... mahina pa siya..."

"Mahina!" sabay-sabay na sabi ng mga lalaking Gazellian na bakas na ang pawis sa kanilang mga mukha.

Gusto ko siyang yakapin at aluin, gusto kong sabihin sa kanya na huwag na akong habulin, pero patuloy siyang nanlalaban sa kanyang mga kapatid.

"Maayos na ako... nais ko siyang makita. Ako ang kakausap sa kanya, hindi pa siya nakakalayo. Baka saktan siya ng mga kawal natin... natatakot siya sa mga oras na ito... natatakot ang mahal ko..."

Pansin ko ang ilang beses na pag-iling ni Claret habang patuloy niyang ginagamot si Dastan.

"Bumubukas lalo... kamahalan... hindi nakakabuti--"

"Ibalik n'yo si Leticia..."

Humagulhol na ako sa pag-iyak habang pinagmamasdan ang paghihirap ni Dastan.

"Move... ako ang gagapos..." sabay-sabay lumingon ang mga lalaking Gazellian kay Lily.

"Lily..." rinig kong tawag ni Zen.

Nag-aalinlangan ang mukha ng mga Gazellian dahil sila'y lima na ngunit walang magawa.

Kahit ako'y nag-aalinlangan ngunti si Zen ang siyang unang bumitaw na tila agad nagbago at pinaniwalaan ang kakayahan ni Lily.

"Ibigay n'yo kay Lily... she used to calm me when Claret was away..."

Sa isang iglap ay unti-unting humiwalay ang mga lalaking Gazellian kay Dastan na nagwawala, mabilis nakasampa sa kama si Lily at niyakap niya ang hari. Noong una'y nagpumiglas siya ngunit nang haplusin na ng panganay na Prinsesa ng mga Gazellian ang ulo ng kanyang kapatid ay unti-unti iyong kumalma.

"Sshh... everything will be alright, Dastan. I will chase her for you, I will hunt her down like what I did to Claret. I will slap her for stabbing you, for leaving you like this. But I will welcome her after that. Like how I threatened Kalla and Naha for staying near our brothers' side. Walang tumatakbo sa mga kapatid ko..."

"Hinabol mo kasi agad, Lily, ayan tumakbo." Kumento ni Caleb na nagpatalim sa mga mata ni Lily.

Mas kumalma si Dastan sa yakap ni Lily at mas naging mabisa ang panggagamot ni Claret.

"Nagsisimula nang tumigil ang pagdurugo..." sabi ni Claret.

Napahinga nang maluwag ang mga Gazellian.

"Tell me how to unlove you, Lily?" tanong ni Zen sa kanyang kapatid na umirap sa kanya. Hinawakan niya ang balikat ni Claret upang magbigay ng suporta.

"How to unlove, Lily? Kapag isang buong linggo niyang ipinaalaga sa'yo si Dawn at Dusk."

"Shut up, Caleb."

Akala ko'y mas magtatagal pa ako sa eksenang iyon, ngunit natagpuan kong muli ang sarili ko sa parte ng palasyo ng Sartorias. Pero ang siyang lubos na nakapagpagulat sa akin ay ang nakangiting batang babae sa gitna ng daan habang nakasalikop ang kanyang dalawang kamay sa kanyang likuran.

Divina Esperanza Amor, ang anak ng prinsipe ng mga nyebe at ni Claret. Naalala kong nasabi sa akin ni Claret na isa sa kakayahan ni Divina ay makakita ng mga nilalang na namatay na o mga naglalagbay na mga kaluluwa.

Ngumiti siya sa at naglahad siya ng kamay sa akin.

"I can see you, Goddess of the Moon! Come with me, grandfather king wants to meet you!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro