Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Epilogue

Thank you for reaching this far! It was a fun writing journey! Huhu.  Hindi ko akalain na ganito na kalayo ang mararating ng series na ito. Gazellian Series made me realize that I am really meant to be a fantasy writer.  The happiness, enjoyment, and excitement every time that I am writing this series is incomparable. Nemetio Spiran is a world of sacrifices and pain, but the Gazellian, the families inside this world made this pain so small, and weak because of their endless love. 

As I created this beautiful world, I didn't notice that I made another world – you, my beautiful readers. Your love for my works, and your appreciation for my words, made me forget all my frustrations as a writer. If Nemetio Spiran finally felt their warmth, I have mine too!

It's you! You!

Maraming maraming maraming maraming maraming maraming salamat po!

Epilogue

The knights lined up like an aisle, the armors glistened as the burning fire on torches dance, threads of smoke lingered with the wind, the leaves rustle, trees waved mournfully, and the flag of our kingdom swayed on top of the castle victoriously.

An aisle of victory towards our empire.

A victory?

Is it really a victory?

My eyes looked upon the dark sky. It was cloudless. It was moonless.

My shoulders started to shake as my footsteps overwhelmed the whole empire of Parsua Sartorias. My tears fell, but my arms around her tightened, wishing it would make her warm.

"Malapit na tayo, mahal ko. Malapit na tayo," I whispered.

But my Queen didn't respond with her closed eyes, pale face, and cold body.

Mas lalong nagtuluan ang luha ko sa bawat hakbang papalapit ko sa palasyo. Ngunit nangako ako sa kanya. Nangako akong babalik sa emperyong ito upang umupo sa tronong sabay naming ipinaglaban.

"D-Dastan..." usal ni Lily.

Sa dulo ng mga nakahilerang kawal ay ang mga kapatid kong sugatan din mula sa nakaraang digmaan, nanatili silang nakahilera sa bawat mandirigmang nakalinya para sa amin upang bigyan daan ang aking bawat mga hakbang.

I looked at Lily. I wanted to beg her and tell her how tired I was. Gusto ko nang sumuko, gusto ko nang sumama kay Leticia. I wanted to stop the pain.

But I would waste all Leticia's sacrifices...

Ako ang hari.

Ako ang kikilalanin ng lahat bilang kanilang hari.

As I continue to walk inside the palace, I faltered a few times, coughed blood, shed tears, and wished everything was a nightmare—wishing that my Queen is still breathing.

Sa mga oras na ito pilit akong pinanunuod ng mga kapatid ko sa kabila ng kagustuhan nilang tulungan ako. They knew that this walk should be mine and Leticia, even if I ended up crawling to the throne.

Inakala ng lahat na sa trono ako unang magtutungo, ngunit isang lugar lang ang siyang nais puntahan ng aking mga paa.

The place where I claimed her, and now the place where I am willing to let her go.

I am not ready and will never be ready to let her, but my queen needs peace. Nang sandaling makarating ako sa malaking ugat ng aking puno. Ang puno ng liwanag at buhay, sa unang pagkakataon ay natakot ako. Mas humigpit ang yakap ko kay Leticia at halos magmakaawa akong sana'y hindi dumating ang araw na ito.

That I will give her lifeless body away.

Sa unang pagkakataon hinayaan kong mas tumulo ang aking mga luha habang isinisiksik ang aking sarili sa malamig niyang katawan.

"L-Leticia, mahal ko..."

My knees fell on the ground with my shaking arms around her and my tears on her hair.

"Mahal na mahal kita, ikaw lang ang diyosang mamahalin ko..."

Nang sandaling lumuwag na ang aking mga braso sa kanya, kusa nang nagliwanag ang kanyang katawan. Nanatili akong nakaluhod habang nakatitig sa kanya.

Hanggang sa marinig ko ang boses ng kapatid ko, Harper and her singing voice, trying to soothe the pain. Ngunit tila wala na iyong magawa.

Silver light
She turned her face up to the starlit sky
And on this night began to wonder why
She knew that soon the day would come

Ilang minuto lang akong hinayaan ni Lily na mag-isang nakaluhod roon, ngunit hindi rin nagtagal ay lumapit siya sa akin at niyakap ako nang mahigpit.

She whispered something that I didn't hear.

Born to be
An heir of beauty and serenity
Into this world she entered quietly
To her surprise she was the one

Nagsimulang lumutang ang katawan ni Leticia. Ang puti niyang kasuotan na laging napapalibutan ng gintong alikabok ay patuloy pa rin nagniningning, ang mahaba at umaalon niyang buhok ay tila nagsasaway sa hangin, at ang maganda at maamo niyang mukha'y hindi man lang nabawasan sa kabila ng nakapikit niyang mga mata.

Destiny was close behind her
Phantom of borrowed life
And the sea was a reminder
Mirror of given light

"She's so beautiful..."

Hindi sumagot sa akin si Lily, sa halip ay ipinadama niya sa akin ang mainit at mahigpit niyang yakap. Habang nanatiling nakatindig sa likuran ko ang aking mga kapatid na pinili rin ang sariling katahimikan.

Tanging ang boses lang ni Harper ang nanatiling namamayani sa mga oras na ito.

Then one day
The sign she'd waited for in skies of grey
Traversed a winding road and came her way
She found the love she hoped she would

Nang sandaling mabuhay ang ugat ng aking puno at tuluyan nang makilala si Leticia, kusa na iyong gumalaw at hinanap ang presensiya ng diyosa na nagdala sa buhay ng prinsipeng nagtataglay ng lubos na kapangyarihan.

"We will love him. He's the greatest gift of Leticia to us..." bulong sa akin ni Lily.

Wala sa sarili akong tumango.

Ang malalaking ugat ay nagsimula nang yumakap sa nagliliwanag na katawan ni Leticia, sinubukan kong tumayo at agawin ang katawan niya, ngunit ang mahigpit na yakap ni Lily ang pumigil sa akin.

Sa pagkakataong iyon, mas naging emosyunal na ako.

"L-Leticia, mahal ko..."

"Dastan..." umiiling na sa akin si Lily habang nanatili siyang nakayakap.

"She's still alive, Lily. Please, do something..." I begged her.

But she knew
That she had promises to stay true to
The dormant daughter of the silver moon
Then all at once she understood

"You promised me, you will do everything for me," nang muli akong sumulyap kay Leticia, halos hindi ko na makita ang katawan niya.

Mas lalo akong sumubok kumawala sa yakap ni Lily. This time she called my brothers' help. Sabay-sabay silang yumakap sa akin upang pigilan akong habulin ang katawan ni Leticia na nilalamon na ng sarili kong puno.

Destiny was close behind her
Phantom of borrowed life
And the sea was a reminder
Mirror of given light

"Leticia..."

Paulit-ulit ang pag-usal ko sa pangalan niya habang tuluyan nang inaangkin ng Puno ng liwanag ang kanyang walang buhay na katawan.

Natapos ang awitin ni Harper kasabay nang unti-unting panghihina ng aking katawan, at pagbaba ng talukap ng aking mga mata.

How will I wake up again if I knew that when I open my eyes, the throne beside mine will be forever empty?

***

After a year...

"This isn't necessary, kilala na ako ng lahat bilang kanilang hari. A coronation is a—" hindi nila pinatapos ang anuman pang nais kong sabihin.

Sabay-sabay lang silang umiling sa repleksyon ng salamin kung saan ay naroon ako at nakatindig.

Pinagpatuloy lang ni Harper ang pag-aayos ng aking pulang kappa. Pinapatungan nito ang aking itim na uniporme na may linya ng ginto.

"You are a royal blood, Dastan. Alam mong importante ang pormal na seremonya kahit na nakikilala ka na ng lahat. Ceremonies are always necessary, or you can change the law?" biro ni Harper na may kasamang pagkibit ng balikat.

Pinili niyang humarap kay Naha na katulad nina Claret at Kalla ay naroon din sa loob ng aking silid.

"He needs more gold. Naha, please?"

"As you wish, Harper," mabilis tumindig mula sa kanyang upuan si Naha habang hawak iyong isang kahon na napupuno ng iba't ibang klase ng bato na nasisiguro kong kinuha na niya nang sapilitan sa puno ni Evan.

Nakapamaywang na si Harper doon habang namimili ng magandang bato sa aking kasuotan.

"Gold will always be perfect for our king!"

Saglit akong napatungo sa aking kasuotan. "Too much gold."

"It's just the lining! You need some stones, Your Majesty!" ani ni Naha.

Habang si Lily naman ay abala sa pag-aayos ng pagkakatali ng dulo ng aking buhok.

"The king should stand not just with full of power, but also handsomely," sabay-sabay silang tumango sa sinabi ni Lily dahilan kung bakit hindi ko na napigilan ang pag-ikot ng aking mga mata.

"Today's your formal coronation, Dastan. And we'll make sure that you'll claim the crown in the whole Nemetio Spiran at your best," marahang tinapik ni Lily ang aking dibdib.

"Salamat."

Several knocks on the door diverted our whole attention. Si Claret ang siyang nagtungo roon upang pagbuksan ang nilalang sa likuran ng pintuan, ngunit hindi pa man tuluyang nabubuksan iyon ay agad ko na silang nakikilala.

Sila na ang mismong nagtulak ng pintuan. Divina, Dawn and Dusk looked around excitedly. At halos sabay-sabay silang napatalon sa tuwa nang makita ako.

"King Dastan!"

Lumawak ang ngiti sa mga labi ko nang mag-unahan sila upang makarating sa akin. Divina and Dawn immediately hugged my legs with their eyes happily glaring at me. While Dusk quickly jumped on me to carry him.

"Congratulations, King Dastan!"

"Dusk, magugusot ang kasuotan ni kamahalan," sita ni Lily na akma nang aagawin sa akin si Dusk.

"It's fine."

"Me too! Me too!"

Sunud-sunod ang pagtalon nina Divina at Dawn habang nakabuka ang mga braso upang buhatin ko. Maybe hugging my legs is one of their favorite mannerism, but when they saw Dusk in my arms, the two silly little princesses easily get jealous.

Yumakap si Dusk sa leeg ko. "I am King Dastan's favorite because I am not as silly as you, Divina, Dawn."

Napuno ng tawanan ang buong silid habang kapwa na namumula ang ilong nina Divina at Dawn.

"Of course, the two princesses are also my favorite," bahagya na akong lumuhod habang buhat si Dusk. At ibinuka ko ang aking isang braso para magtungo roon sina Divina at Dawn.

"Come on, you'll ruin the king's outfit!" sita muli ni Lily.

"It's fine," ulit ko.

"I'll go down. I am a boy," saglit naningkit ang mga mata niya sa dalawang prinsesa. Nagkibit balikat lang ako at ibinaba siya.

"Congratulations, King Dastan!" nang sabay humalik sa aking magkabilang pisngi sina Divina at Dawn, tila hinaplos ang dibdib ko.

These little happiness of mine...

"Can we stay here for a bit? I got an idea!"

Ibinaba ni Naha ang kahon na hawak niya at nagmadali siyang lumabas ng aking silid, ngunit sa isang iglap ay agad rin siyang nakabalik na dala iyong mga gamit niya sa pagpinta.

"I'll make a portrait! It's your coronation, Your Majesty. You need to have a souvenir."

Handa na sana sina Claret at Lily na agawin ang mga bata sa akin nang pigilan ko sila.

"I want my portrait with them."

Walang tumutol sa mga babae at inayos na nila ang posisyon naming apat. Kumuha sila ng isang eleganteng upuan kung saan doon ako uupo, sina Divina at Dawn ay kapwa nakaupo sa binti ko habang si Dusk ay nakatindig sa tagiliran ng upuan at nakahawak sa aking balikat.

Dati'y nahihirapan akong ngumiti sa harap ng mata nang napakaraming nilalang, ngunit habang ako ngayo'y nakaupo, ramdam ang presensiya ng munting kaligayahan ko, hindi man lang ako makaramdam ng pag-aalinlangan.

Habang tahimik na nagpipinta si Naha, pansin ko ang tipid na pagtulo ng mga luha nina Lily, Claret, Kalla, at Harper.

Ang sunod na ipininta ni Naha ay kapwa naman nakatayo sina Divina at Dawn sa tagiliran habang si Dusk ang nasa aking kandungan, habang ang huli'y ako lamang ang nakaupo habang ang mga bata'y nasa tagiliran ko at nakangiting nakatayo sa unahan.

A regular painter might need hours for those three paintings, but Naha's ability made it possible to create a masterpiece in a few minutes. Lily insisted on placing the paintings in our ancestral gallery, but I preferred it inside my room.

Ako mismo ang isa-isang nagsabit ng mga obra-maestrang iyon na hindi ko pagsasawaang pagmasdan.

Panibagong katok sa pintuan ang siyang umagaw sa atensyon naming lahat. Sina Caleb at Evan.

"The council is already complete. Even the important visitors are all present. Ikaw na lang ang hinihintay," ani ni Evan.

Tumango ako.

"There you are! Kanina ko pa kayo hinahanap tatlo! I already saw Lumps! Bumabagal na raw kayong tumakbo," sabay-sabay napailing ang mga babae sa sinabi ni Caleb.

Samantalang sina Divina, Dawn, at Dusk ay sabay-sabay rin napangsinghap.

"Lumps told that!"

"That bad rabbit!"

"Yes. Yes. That bad rabbit!" dagdag ni Caleb. Tuluyan nang naagaw ang atensyon ng tatlong bata mula sa akin. Kumindat pa siya sa akin bago naunang umalis sa may pintuan kasama sina Divina, Dawn, at Dusk.

"Matagal na sigurong pinatay ni Lumps si Caleb sa kanyang isipan," kumento ni Lily.

"Indeed."

Mas ibinuka na ni Evan ang pagkakabukas ng pintuan at hinayaan ako ng mga babaeng maunang maglakad sa kanila, at nang sandaling ako'y lumabas, sinundan nila ako sa aking likuran.

Today's the day, Leticia.

Tipid akong napatigil sa paglalakad at tumanaw sa labas ng bintana kung saan tanaw ko ang buwan.

Mahal ko...

A year has passed, and a lot of things happened. All the promises that we vowed together to all the creatures are slowly fulfilling. At sinisiguro kong lahat iyon ay unti-unting makakamit sa susunod pang mga panahon.

Ngayon na naibigay na natin sa kanila ang kalayaan— na siyang isang pinakamagandang regalong maaari natin ibigay sa kanila, maari kayang ako naman ang humiling?

But that's impossible, right, My Queen?

Ang mabagal na pagbubukas ng pintuan ng bulwagan ang higit na nagpaangat ng aking tanaw sa lahat. Hindi iilang beses na akong humarap sa napakaraming nilalang, ngunit hindi ko akalain na iba pa rin ang epektong madadala ng aking koronasyon.

Sumalubong sa akin ang pulang karpet, napakahabang pila ng mga kawal na kapwa nakaangat ang mga espada na siyang aking naging daan, higit na sumiklab ang asul na simbo sa unahang altar, at ang sabay-sabay na pagtindig ng iba't ibang nilalang mula sa kanilang mga upuan.

Mga nilalang na ngayo'y sama-samang nakatindig hindi sa paraan ng pagkakabuklod-buklod ng kanilang mga lahi, kundi sa posisyong sila'y kumportableng humanay sa ibang lahi na walang pag-aalinlangan.

Higit kong inangat ang aking ulo sa tindi ng galak na aking nararamdaman. Ang nasasaksihan ko sa mga oras na ito'y isang patunay ng aming tagumpay.

Sa ilang pagitan ng mga kawal ay nakaposisyon na rin ang pinakamagigiting na mandirigma ng Nemetio Spiran na siyang lumaban sa digmaan. Kapwa sila nakauniporme at tipidi na yumuyuko sa akin sa bawat paglampas ko.

Mula sa aking mga lalaking kapatid. Sa mga itinakdang prinsipe, kay Tobias, sa magkakapatid na Viardellon at Thundilior. Sa mga lobo na siyang tumulong, at maging sina Nikos at Hua.

Sa dulo ng mahabang hilera ng mga mandirigma'y naroon ang mga babaeng nangalaga ng relikya. Sila ang representasyon ng muling pagkakabuklod-buklod ng mga lahi.

Sa altar, nakatindig si Inang Reyna at ang dalawang anak ni Diyosa Eda na siyang nasa kanyang tagiliran. Hawak ng isa sa kanila ang aking magiging baston, at ang isa naman ay ang aking korona. Habang si ina ay may hawak na espada.

Kusa akong lumuhod sa harap ni ina at iniyuko ang aking ulo. Opisyal niyang itinapik sa aking magkabilang balikat ang espada.

"Ang kapangyarihang ito'y opisyal nang igagawad sa kasalukuyang hari ng Parsua Sartorias. Ika'y natatangi at karapat-dapat sa iyong prinsipyo at kabayanihan, ang iyong mga kamay hindi lang para sa isang emperyo kundi ng isang mundo. At ikaw— sa mata ng libong nilalang na narito'y aming sabay-sabay na hihiranging aming hari."

Matapos akong basbasan ng espada'y unti-unti ko nang naramdaman ang paglapat ng korona sa ibabaw ng aking ulo.

Huminga ako nang malalim at sinalubong ko ang mga mata ni ina. Her story is still a mystery to me, to everyone... to all of us. And I doubt she'll give me an answer. Kahit ngayon na hirangin akong higit na makapangyarihan sa kanya.

After all, a queen's power is still a mystery in the game of chess, right, my dearest father?

Nang sandaling tumayo na ako at tanggapin ang baston at korona kasabay nang pagharap sa lahat ng nilalang, tila nabingi ako sa malakas nilang palakpakan.

I am a King.

I am born to be the King.

***

Mahabang selebrasyon ang siyang naganap sa kabuuan ng Nemetio Spiran. Bagaman ang nais ko lang ay isang mahabang pahinga, dapat bilang hari'y sumunod ako sa tradisyon.

"The after party is always the best!" sigaw ni Caleb na walang tigil sa pagsasalin ng alak sa aming mga baso.

Naiiling na lamang si Tobias sa tabi ko habang tipid na iniinom ang bagong salin ni Caleb. Sa palibot ng aming malaking bilog na lamesa'y naroon din sina Rosh, Zen, Finn, Nikos at Hua. Habang abala naman sa paglalaro ng baraha sina Evan, Casper, Seth, at Pryor. Nanunuod sa kanila sina Adam at Lucas, ilang mga Viardellon at Thundilior.

"So, what now? Are you going to pass your throne to someone else? I mean for Parsua Sartorias," tanong sa akin ni Tobias.

"No one's willing to claim the position," tipid kong sagot.

"How about Zen?"

"Seriously?" tutol ni Rosh.

"Why not me?" asik na sagot sa kanya ni Zen.

"Are you willing?" agad kong tanong.

Tila nasamid si Zen. "Not interested. I told you, ask Evan or Casper."

Sabay umiling sina Casper at Evan mula sa kabilang lamesa. "Naha's gonna be a Queen? Not that I underestimate my mate, but I want to give her freedom and free from responsibilities. It's a no."

Samantalang si Casper ay umiling lang muli at hindi na nagpaliwanag.

"Ako na lang kaya? Powerful naman ako," sabat ni Caleb na nagpailing sa aming lahat.

"I am still unstable. I can't," dagdag ni Finn.

"But it is not written in the law that Dastan it is required to pass the throne. He can reign an empire and a whole world," ani ni Rosh.

"Well, I was just asking," kibit balikat na sagot ni Tobias.

"But what happened to those kings?" biglang tanong ni Pryor na nagpatahimik sa lahat. "You didn't kill them, right?"

"I freed them," tipid kong sagot.

Nang matapos ang digmaan ay wala nang nakakita pa sa dalawang hari.

"What if they become a threat in the future? You should have killed them," matigas na sabi ni Zen.

"And create another Andronicus? He was wrongly accused, punished, and killed for the sins that he never did. The goddesses manipulated them like Andronicus. They deserved their freedom, na hindi nakamit ng haring pinarusahan nang napakatagal na panahon."

"Do you think that's freedom?" biglang tanong ni Rosh.

"Yes," mabilis kong sagot. "Dahil kung ako ang nasa posisyon nila'y pipiliin ko na rin maglaho ng parang isang bula sa mundong ito. Forgotten without traces, rather than remembered with fallacies."

Ilang beses tumango si Tobias. "They preferred an image of death, since it will put an end."

"How about the two unborn?"

Kung kanina'y si Pryor ang siyang umagaw sa atensyon ng lahat, ngayo'y na kay Nikos ang mga mata naming lahat.

"Hindi lang si Leticia ang may dinadalang sanggol sa kasagsagan ng digmaan. We might not have someone who can read a prophecy, but we're all aware that it wasn't just a coincidence. Those unborn—" natigil si Nikos nang magsalita si Rosh.

"That hideous goddess is still lucky. Hinayaan ni Leticia mabuhay ang kanyang anak. The child is in good hands."

"Who's the other child?" nagtatakang tanong ni Pryor.

"Alanis' child," sagot ni Evan.

Lahat ng kanilang mga mata'y muling nalipat sa akin. "Yours?" tanong ni Tobias.

"Alanis never mentioned the child's father," kalmadong sagot ko.

"And you accepted to be that child's father?" nakaangat ang isang kilay ni Rosh.

"Wala na ang mag-ina sa Sartorias. They vanished," sabat ni Zen.

"Just like those kings..." tumantangong sabi ni Seth.

"And there's a possibility that one of those kings is that goddess'...well lover?" nakangiwing sabi ni Rosh.

"Three unborn from three powerful kings, huh? A bothering coincidence..." ani ni Nikos.

Humugot nang malalim na paghinga si Caleb at ilang beses niyang pinaingay ang bote ng alak. "Why don't we focus on our celebration first? And please! Let's all congratulate not just Dastan! Look at Pryor right now! He just came out from his coffin!"

Napuno nang tawanan ang buong silid. Nakailang ilag pa si Caleb nang batuhin siya ng bote ni Pryor. Handa na sana akong muling sumimsim ng alak nang bigla akong may maramdaman.

Bigla na akong napatayo mula sa aking upuan, at agad akong napatungo sa aking kanang palapulsuhan kung saan may tila gintong ugat na bumakat doon. Mabilis ang tibok ng aking ugat, nag-iinit at tila sasabog.

"It's time," ngiting sabi ko.

Lumakas ang sigawan ng lahat nang sabihin ko iyon.

My little prince is coming.

Hindi lang ako ang nagmamadaling nagtungo sa aking nagliliwanag na puno, kundi pati na rin ang aking mga kapatid, at ang ilang malalapit na nilalang na siyang sumaksi ng aking laban.

At nang sandaling makarating na nga ako sa harap ng puno, kung saan sa puso nito'y nakikita ang kabuuan ng aking pinakamamahal na prinsipe na unti-unting gumagawa ng maliit na kilos, hindi ko na namalayan ang pagtulo ng luha ko.

Sa tabi ko'y walang tigil sa paghagod sa aking likuran sina Ina at Lily. Habang si Harper ay sinalubong nang magandang awitin ang aking anak.

Wandering child of the earth

Do you know just how much you're worth?

You have walked this path since your birth

You were destined for more

Kusang gumawa ng mga hakbang ang aking mga paa. Marahan, magaan at punung-puno ng galak. Buong akala ko'y ang aking paglalakad sa altar habang naghihintay ang koronang aking pinaglaban ang higit na magdadala sa akin ng lumulutang na kasiyahan, ngunit tila wala nang kapantay ang bawat hakbang na siyang aking tinatahak sa mga oras na ito.

I am now a father.

A father...

Walang tigil sa pagpatak ang aking mga luha habang unti-unti kong inaangat ang aking mga braso patungo sa puso ng aking nagliliwanag na puno.

There are those who'll tell you you're wrong

They will try to to silence your song

But right here is where you belong

So don't search anymore

The whole Nemetio Spiran honored me as their father, thousands of lives brought into my hands, endless beating hearts, and calming warmth. But nothing is incomparable for holding the warmth of a newborn child...

You are the dawn of a new day that's waking

A masterpiece still in the making

The blue in an ocean of grey

You are right where you need to be

Poised to inspire and to succeed

You'll look back and you'll realize one day

Tuluyan nang lumutang mula sa puso ng puno ang bilog na liwanag kung saan naroon ang aking munting prinsepe, higit kong inangat ang aking mga braso upang siya'y salubungin, at nang sandaling tuluyan na siyang lumapat sa aking mga kamay at higit na maramdaman ang tibok ng kanyang puso, yumugyog na ang aking mga balikat sa tindi ng kasiyahan.

Higit nang tumulo ang aking mga luha kasabay nang malakas na iyak ng biyayang ipinagkaloob sa akin ni Leticia. Mas inangat ko siya hanggang sa madama ko siya sa aking pisngi.

"Maraming salamat, mahal ko... maraming salamat. I will love him endlessly..." muli kong naramdaman ang yakap nina Ina, Lily at Harper sa akin.

"He's a beautiful child, son."

"Y-Yes... just like his mother."

Halik sa noo ng aking munting prinsipe ang muling nagparamdam sa akin ng nag-uumapaw na kasiyahan.

Humarap ako sa lahat, hindi alintana ang luha sa aking mukha at ang malawak na ngiti sa aking mga labi.

"My son, Prince Leviticus Lancelot Gazellian."

***

"He's still young. He can't talk yet," ani ni Dusk.

Kasalukuyan kaming nasa hardin ni Levi kasama nina Divina, Dawn, at Dusk na tinuturuan siyang tawagin ako sa unang pagkakataon. Nakaupo kami habang kalong ko si Levi na natutuwa habang kinakausap siya ng tatlo.

"But he's an intelligent prince just like us!" giit ni Divina.

"Daddy. Daddy. Baby prince, call King Dastan daddy!" itinuturo pa ako ni Dawn.

"You're annoying him," umiiling na sabi ni Dusk.

"No!" sabay na sabi nina Divina at Dawn.

Tipid akong napapangiti sa kanilang apat.

Ilang beses itinuturo nina Dawn at Divina ang dibdib ko habang sinasabi ang dapat itawag sa akin, kahit ang munting kamay ni Leviticus ay siyang mismong ginagamit nila upang ituro sa akin.

"Dad-dy. Dad-dy. Dad-dy," nilagyan na ng tono nina Dawn at Divina ang pagtawag sa akin.

Napahinga na ako ng maluwag, at hinayaan silang magkulitan apat. Wala sa sarili akong tumanaw sa paligid, ang katahimikan at kapayapaan sa hardin, ang ganda ng mga bulaklak, at maging ang makukulay na mga paru-parong nagliliparan.

"Sige na, baby prince. Isa lang, it's easy."

"It's not easy, Dawn. I told you he's still young," giit muli ni Dusk.

"He will," mas matigas na sabi ni Divina.

Hindi nawalan ng pag-asa ang dalawang prinsesa sa pagtuturo kay Levi.

"Come on, baby prince, Dad—dy! Call him your Daddy!"

Nagpapabalik-balik na ang tingin ni Levi sa akin at kina Divina at Dawn. Hindi ko na napigilan tipid na matawa dahil sa nakikitang kalituhan mula sa aking anak.

"Maybe he needs—" ngunit hindi na natuloy pa ang aking anumang sasabihin dahil sa mga salitang nagpatulala sa akin.

"D-Da—da... Dada!"

Sabay napapalakpak sina Divina at Dawn sa tuwa.

"Wow..." humahangang sabi ni Dusk.

Nangangatal ang kamay ko habang inilalapit iyon kay Levi, marahan kong inilahad ang aking hintuturo na siyang agad hinawakan ng aking anak.

"D-Da—da..."

"Y-Yes. I am your Daddy..."

Kusa akong humalik sa ibabaw ng kanyang ulo na siyang sinundan din nina Divina at Dawn.

"Prince Levi's first word is Dadda!" masiglang sabi ni Divina.

Nang gabing iyon, tila hindi lang ako ang higit na nagdiwang dahil pati ang magagandang paru-paro ng hardin ay sinaksihan ang unang salita ng aking prinsipe.

***

"Where is my handsome grandchild?"

Masiglang naggagalaw sa aking kandungan si Leviticus na kanina'y tahimik at tila naiintindihan ang aklat ng aking binabasa nang sandaling nabuksan ang pintuan ng silid-aklatan at bumungad si ina.

"Your grandmother is here..." bulong ko kay Levi.

Ibinuka ni Levi ang kanyang mga braso nang akma na siyang kukuhanin ni ina sa akin.

"Hindi mo dapat sinasanay si Leviticus na madalas nasa iyong kandungan, Dastan."

"It's fine, mother."

"You are really just like your father, Dastan. When you were just our child, halos hindi ka na rin niya ibaba. He even brought you in some of his meetings."

Tipid akong ngumiti at pinagpatuloy ang pagbabasa ng aklat.

"Mother, when are you going to tell me everything? Are you even planning to tell me? What happened to Goddess Eda after the war? She also disappeared. It seems like you even gave us scattered information. May parte ako...si Lily, Harper at maging ang iba ko pang mga kapatid. Are we going to connect it again like father's endless puzzle?"

Inosenteng nagpatuloy si ina sa pakikipaglaro kay Levi at paulit-ulit na paghalik sa kanya.

"Maybe I will tell everything to Levi? To Divina? Or the twins?"

Sarkastiko akong napabuga ng hangin. Sinarado ko na ang aklat na binabasa ko at sinalubong ko na ang mga mata ni ina.

"Mother," madiing sabi ko.

"Goddess Eda's last day in this world was that war, Dastan. Ibinigay niya lamang ang pormal na basbas kay Leticia."

"Too ironic, right, mother? My Queen received a blessing that she didn't even hold for a day..."

Hinalikan ni ina ang kamay ni Levi na walang tigil sa paghagikhik dahil sa panggigigil ng aking ina. "Maybe it was not the right time?" sagot niya na hindi na sinasalubong ang aking mga mata.

"When is the right time, then?"

Nagkibit balikat siya.

Ibinalik na niya sa kandungan ko si Levi at kapwa kami nakatanggap ng halik mula sa kanya. "Mahal na mahal ko kayong dalawa..." hinaplos niya ang pisngi ko at pinisil niya ang ilong ni Leviticus.

At hindi ko akalaing ang gabing iyon na ang huling pagkakataong makakapiling ko si ina.

Buong palasyo ng Parsua Sartorias ay nagimbal sa mga sulat na iniwan ni ina sa aming magkakapatid. Mga sulat ng pamamaalam at punung-puno ng pagmamahal.

Pagtataka...luha at katanungan ang sumalubong sa aming lahat, ngunit nang sandaling ang aking sariling liham ang aking binuklat, isang lugar lamang ang siyang pumasok sa aking isipan.

Hindi na ako nagsalita at mabilis akong nagtungo sa kuwadra upang hanapin ang aking pinakamabilis na kabayo. Si Hua na siyang kasalukuyang may alaga kay Leviticus ay agad rin naramdaman ang dahilan ng aking pagmamadali. Nakangiti niyang inabot sa akin si Leviticus.

"Maraming salamat..."

Nang sandaling patakbuhin ko na ang kabayo habang yakap ko si Leviticus, walang humpay ang lakas ng tibok ng dibdib ko. Ilang beses akong humalik sa ibabaw ng ulo ng aking prinsepe habang hindi mapawi ang ngiti sa aking mga labi.

At nang tuluyan na akong nakarating sa harapan ng lugar kung saan pinangarap ng lahat pasukin at angkinin ang kapangyarihan, napatingala na lamang ako sa unti-unti nitong paggulo.

Nagsasara na muli ang kweba, ang nag-iisang koneksyon namin sa mga Attero. Sa kwebang nasisiguro kong higit na nakasaksi ng kabuuan ng nakaraan.

The cave isn't just a portal... because it holds more power.

The Attero is just a decoy. It's not them that the cave is holding the most. And I think... that will remain a mystery to us.

Sa ngayon ay tatanggapin ko muna ang kayang ipakita nito sa akin at alam kong darating ang takdang panahon, na may hihigit sa akin at makakasagot sa misteryo nito.

"Hindi ba, mahal ko?"

Bago tuluyang gumuho ang bukana ng kweba patungo sa mundo ng mga Attero, iniluwa nito ang pinakamagandang diyosang araw-araw kong hinihiling na aking muling mayayakap at mahahagkan.

May hawak siyang pulang lotus habang tipid na naglalakad patungo sa akin.

Malawak ang ngiti sa akin ni Leticia na tumigil ng ilang hakbang sa pagitan namin ni Leviticus. Inilahad niya ang maliit na lotus sa akin, ngunit ang munting mga kamay ng aming anak ang siyang umabot nito.

"The last blessing of Nemetio Spiran's peace..."

Nagliwanag ang bulaklak sa kamay ni Leviticus, at higit iyong nagliwanag nang ito'y hawakan ko, at tuluyan pa iyong lumawak nang ang mga kamay ni Leticia ang dumaop sa amin.

"Maligayang pagbabalik, Mahal ko..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro