
Chapter 8
Chapter 8
-- HARI --
Espada
My right hand continued to glisten with my inner light. Some threads of my hair whirled with the unusual air around me. I couldn't even suppress the warmth, power, and the overwhelming feeling of this light as my eyes sparkled with it.
Every time I used it; it feels like the first time. Na kahit ilang taon na ang lumipas na kasama ko ang kapangyarihang ito, hindi pa rin ako makapaniwala na sa akin ito ipinagkaloob.
I am nothing compared with my father, not even with those known vampires in our bloodline... that's why I kept wondering why?
Bakit ako ang napili? Is it because I am the eldest son of the greatest King Thaddeus Leighton Gazellian?
I've been serving an empire, sat formidably on my throne, my crown always shines on the crowd, and the moment I stood, millions of creatures would bow their heads on me.
I am the known King Dastan Lancelot Gazellian, bowed by many, admired by some, but secretly loathed by hidden enemies.
Ngunit lingid sa kanilang lahat, ang haring kanilang tinitingala ay may mga katanungan din, pagtataka at ilang beses na panghihina ng loob. Ilang beses kong ginustong bumaba sa pwesto, ilang beses kong tinawag ang pangalan ni ama upang sabihin sa kanyang nagkamali siya sa akin at ilang beses akong humiling na sana'y hindi sa akin ibinigay ang malaking responsibilidad na ito.
Napapagod rin ako. Nanghihina... at humihiling na sana'y magkaroon ng saglit na kapayapaan.
I wouldn't have survived my life as the King without my siblings... akala ko noon ay makakayanan ko habang nasa likod ko silang lahat. But the fate tested me... dumating ako sa punto na kahit ang presensiya ng mga kapatid ko'y hindi ko na magawang kapitan upang tumayo at humarap sa lahat bilang hari.
This was when I've met my mate, a goddess.
Ang diyosang nagpasiklab ng liwanag na mayroon ako.
Her light embraced my dimming existence. The answer to all of my prayers, a missing piece to my puzzle, an endless match to burn my candle – My Queen.
I trained enough since I was a kid, read tons of books, listened to my parents' wisdom—I thought I made myself almost perfect in the eyes of ton. I thought I was ready to face deeper challenges, but Leticia—the Goddess of the Moon, made me realized that I wasn't, because my existence has been waiting for her.
I am destined to hold something... not just power, but lives. Thousands of lives, millions of lives... with her.
At ang liwanag na nagniningning ngayon sa mga mata ko -- ang liwanag na hindi ko hahayaang hipan ng iba. I should light this, make it bigger, powerful and unstoppable.
I should hold a light that will not conquer, a kind of light that will not sting someone's eyes, a light that will not burn someone's skin, but a powerful, bright, and gentle light that will lead the way – a right way for freedom, peace, and unity.
A light with her.
Even my siblings were left in awe as they witnessed how this power works. Katulad ko ay hindi rin sila sanay na makita itong siyang ginagamit ko.
When I first discovered that my power wasn't just about blood manipulation, and realized that it was just a cover-up to hide my true power, I couldn't believe that I possessed something that would flick thousands fire of greed.
Akala ko noon ay tanging ang kapangyarihan lang ni Finn ang siyang pag-iinteresan ng nakararami. But it seemed like it really runs through the blood. Dahil isa rin ang liwanag sa pinaka-mimithing kapangyarihang nais hawakan ng nakararami.
I possessed the Tree of Light. I possessed the Power of Light. I possessed the Goddess of the Moonlight...
And soon... with my siblings on my side, my empire, and my Queen. This world will look at me as their King—King of the Light.
Nang sandaling kumuyom ang nagliliwanag kong kamay at tumuon ang aking mga mata sa pamilyar na espada ni ama, hindi ko maiwasang maalala ang panahong unang beses ko iyong makita.
My training with my father had never been easy when we were alone. He's not the caring father or a king, but a strict teacher who's willing to punish his student for his mistakes. And my young age didn't stop him from giving me experiences of the real strenuous training that a future king should have.
Pero sa tuwing kasama namin si Zen, ibang-iba siya. My training with him is always different, tough and serious. At kahit kailan ay hindi ko iyon ikinagalit sa kanya, dahil alam kong para sa akin din ang lahat ng ito.
"Up." Matigas at malamig na utos niya sa akin.
His sword glimmered with the moonlight as his eyes stared down at me – cold eyes. Mga matang hindi ko akalain makikita ko sa sandaling tumama sa akin. His eyes were always soft and caring, sa tuwing pagmamasdan niya ako, ang mga kapatid ko at ni ina. Ngunit sa tuwing nasa pagsasanay kami, ipinadadama niya sa akin ang bigat ng responsibilidad na siyang aking haharapin sa hinaharap.
"Up, Dastan." Ulit niya.
Mariin kong itinusok sa lupa ang aking espada at iyon ang siyang ginamit kong suporta upang muling tumayo. Halos hindi ko na mabilang kung ilang beses akong natumba ngayong gabing ito.
Nangangatal ang mga binti ko nang sandaling muli akong tumindig, marahan kong pinaghiwalay ang aking mga paa upang higit kong maalalayan ang sarili ko, dalawang kamay ko ang nakahawak sa aking espada habang nakaharap iyon kay ama, pilit kong sinalubong ang kanyang mga mata na punung-puno ng determinasyon.
"Good."
Inihampas niya sa hangin ang kanyang tanyag na espada. Umihip ang hangin at tinangay ang nakatali niyang buhok sa dulo. Ang kabuuan ng kagubatan ay tila sumayaw sa kanyang napakalakas na presensiya, ang malayang malilit na dahon ay gumawa ng awitin at ang mababangis na mga hayop na umaasang kami'y mapapasama sa kanilang mga biktima'y isa-isang umatras at piniling magkubli para sa kanilang buhay.
Ang kagubatang kilala sa tindi ng panganib ay tila naging palaruan ng mga inosenteng bata sa presensiya ni ama. Ang malalakas ay nanghina at natutong yumuko sa higit na malakas.
Ako kaya'y magiging katulad ni ama? Na maging ang kanyang simpleng pagtindig at paghampas ng espada sa ere'y nagagawang makapagpahina ng iba't ibang nilalang?
My father—my teacher stood formidably in front of me. Pakiramdam ko'y tila napakalayo ko sa kanya... ang kanyang lakas, impluwensiya at nag-uumapaw na presensiya'y tila imposible kong makamit.
Bakit kailangan niya pa sa aking ipasa ang trono? Si ama lang ang tamang nilalang sa posisyong iyon.
"Dasta, focus!" sigaw niya sa akin.
Hindi ko agad nahabol ang sunod na galaw ni ama, at muli'y nagawa niyang paliparin sa ere ang espadang hawak ko.
Malakas na sipa sa aking dibdib ang siyang natamo ko, dahilan kung bakit lumipad ang aking katawan sa malaking puno. Nang sandaling tumama ang likuran ko sa puno at dumaosdos ang katawan ko sa lupa habang nakaupo ako, pansin ko ang paparating na pigura ni ama.
Nagsisimula na iyong manlabo dahil sa tindi ng panghihina ng aking katawan. Nang sandaling higit siyang makalapit sa akin, mas idinikit ko ang sarili ko sa puno at itinutok niya sa akin ang dulo ng kanyang espada. Sa gitna ng leeg ko.
Ramdam ko ang talim ng dulo nito na maaaring kumitil sa akin.
"Your enemies will never give you mercy, Dastan. They will kill you right away!"
Inalis ni ama ang kanyang espada sa leeg ko. "Up."
Sinubukan kong sundin ang sinabi ni ama, ngunit katawan ko na mismo ang hindi sumusunod sa akin. Hindi ko na magalaw ang mga braso at binti ko. Maging si ama'y nanlalabo na sa harapan ko.
"Up!"
Nang sulyapan ko ang espada ko na nalapag sa lupa, alam ko sa sarili ko na hindi ko na iyon magagawang abutin. Ang makatayo nga'y tila imposible, paano pa ako makapaglalakad para kuhanin iyon at harapin si ama?
Gusto ko nang umiling sa kanya at sabihing pagod na ako, hindi ko na kaya at babagsak akong muli, ngunit may pilit na bumubulong sa akin na kayanin ko, na hindi rito matatapos ang pagsasanay namin ni ama.
I should give him a scratch, at least.
I should show him any signs of improvement. Ilang buwan na niya akong sinasanay at ni minsan ay hindi man lang ako nakatama sa kanya.
Huminga ako ng malalim at pilit kong idinilat ang aking mga mata. Inihawak ko ang aking isang kamay sa aking tuhod at ganoon din ang ginawa ko sa isa, ilang beses akong muntik nang mabuwal sa pagtayo ngunit paulit-ulit kong ibinubulong sa sarili ko ang mga katagang binitawan ni ama.
Hindi ako bibigyan ng awa ng mga kalaban, papatayin nila ako sa sandaling ipakita ko sa kanila ang kahinaan ko.
I can never protect myself, my siblings, and this empire if I am this weak.
"Who are you?" tanong ni ama. Paulit-ulit niya itong itinatanong sa akin sa tuwing nagsasanay kami. Paraan niya upang ipaalala sa akin kung gaano kabigat ng responsibilidad na dinadala ng pangalan ko.
"Dastan Lancelot Gazellian."
"Who are you?"
Sa bawat tanong niyang iyon, tila may lakas na sumasanib sa akin at nagtutulak sa akin tumayo at magpatuloy.
"Prince Dastan Lancelot Gazellian."
"Who are you?" nahihimigan ko ang pagkawili ni ama habang nakikita ang paghihirap ko. Ngunit sa kabila niyon, nagsisimula na rin humigpit ang hawak niya sa kanyang espada.
"Prince Dastan Lancelot Gazellian." Mas mariin kong sagot.
"Who are you?"
Pinaikot na ni ama ang kanyang espada sa harapan ko. Tuluyan na akong nakatindig ng maayos, mga kamay na mariin nakahawak sa espada at mga matang matalim na sumasagot sa kanya.
"The eldest of the Gazellian. The future King of Nemetio Spiran."
Hindi man ngumiti si ama, ngunit nakita kong lumambot ang kanyang mga mata nang marinig ang mga salitang lumabas sa aking bibig.
"Who are you?"
Nagsimula nang maglakad papalapit sa akin si ama, ang kanyang mga mata'y higit na nagningas.
Gamit ang matalim kong kuko gumawa ako ng hiwa sa aking palad, hindi pa man ako sanay sa kapangyarihang ito, may nagtutulak sa aking muli akong sumubok.
Ang dugong ngayon ay umaagos muli sa hiwa ng aking palad ay ginawa kong aking espada, kawangis ng espadang hawak ko kanina. Ang aking mga mata'y sabay ko ring pinagningas habang mabagal na lumalapit si ama.
"Who are you?!" mas malakas na tanong niya sa akin.
"I am King Dastan Lancelot Gazellian!"
Kasabay ng pagsigaw ko niyon ay ang biglang pagkawala ni ama sa aking harapan. Mas pinatalas ko ang aking pakiramdam at hinayaan ko ang sarili kong damhin ang kabuuan ng kagubatan.
Wala si ama sa likuran... sa kanan o kaliwa.
Mas nagningas ang aking mga mata ng ang anino niya'y nagpakita mula sa itaas. Ang mga binti ko'y mabilis kong inayos ang posisyon upang mabigyan ng suporta ang aking sarili mula sa malakas na pag-atake mula sa itaas.
Umalingawngaw ang malakas na pagtatama ng aming mga espada.
Nangangatal ang mga braso namin habang pilit na itinutulak ang isa't isa. Maging ang mga paa ko'y nagsisimula nang lumubog sa lupa, ang pawis ko'y walang tigil sa paglandas at ang puso ko'y walang tigil sa matinding pagtambol.
Marahas kong itinulak si ama ngunit hindi siya natinag, nagawa man niyang tumilapon ngunit ginagawa niya iyong bwelo upang sunud-sunod na umatake sa akin mula sa iba't ibang direksyon.
Taginting ng aming mga espada ang namayani sa kabuuan ng kagubatan.
Sa unang pagkakataon ay nakikita ko nang nakangiti si ama sa aming pagsasanay.
"That's my son..." tila hinaplos ng kakaibang init ang puso ko nang marinig iyon. Ngunit hindi iyon naging indikasyon na titigil na siya sa pag-atake. Tuluy-tuloy pa rin siya at hindi nanghihina ang bawat hampas niya.
Kung kanina'y puro pagprotekta ang ginagawa ko, ngayon ay nakikita ko na ang sarili kong umaatake sa kanya. Ang karamihan sa kanyang mga atake ay pamilyar na rin sa akin na nagagawa ko nang ilagan.
Dahil higit na maliit pa ang katawan ko kay ama, nagawa kong mabilis na lumusot sa pagitan ng mga binti niya. Pinadaosdos ko sa lupa ang katawan ko dahilan kung bakit naging bukas sa akin ang kanyang likuran, itinusok kong muli sa lupa ang aking espadang gawa sa dugo upang pigilan ang mas paglayo ng katawan ko, ginamit kong bwelo iyon upang itinulak ang sarili ko patungo sa kanya.
Kasabay nang paglipad ng katawan ko patungo sa kanya ay ang marahas kong paghila sa aking espada sa lupa upang marahas na ihampas sa likuran niya.
Tila nagulat si ama sa biglaan niyang paglingon sa akin, ngunit ang gulat ay nagpalitan din ng ngiti. Akala ko'y magagawa kong masugatan si ama, ngunit ang tanging nagawa ko'y pagkaputol ng mahaba niyang buhok.
Ang atakeng iyon ay tila kumuha sa akin ng matinding lakas, dahil sa muli kong paglapag sa lupa'y nakasuporta na naman ang aking espada sa aking pagtayo habang mabigat akong humihingal.
Akala ko'y matatamaan ko na siya!
Kinakapa ni ama iyong buhok niya. Ngumisi siya. "Wala nang mahihila ang iyong ina." I blinked twice. What?
That was the first time that he's giving me his usual expressions while we were on training. Ngunit mabilis lang niya iyong ipinakita dahil muli na naman siyang umatake.
Bigla siyang nawala sa harapan ko at sa isang iglap ay nasa kanang direksyon ko na siya, ang kanyang espada'y nasa likuran niya upang kumuha ng bwelo at bigyan akong muli ng isang nakakapanghinang atake.
Ngunit hindi ko na hinayaan pang muli akong tumumba. Buong lakas kong sinalubong ang kanyang espada ng sa akin. Ngayon pa ba ako panghihinaan ng loob? Nakikita ko na ang mga galaw niya, nagugulat na siya sa aking mga atake...
"I am King Dastan Lancelot Gazellian!"
Mas lumakas ang mga tuhod ko at tumalon ako ng malakas upang ibigay ang lahat ng pwersa ko. Gusto ko tanggalan siya ng espada.
He smirked. "Not too fast, My King..."
Sa isang iglap ay nagawa muling tumilapon ng aking espadang gawa sa dugo dahil sa atake ni ama at higit na pwersa. Ang katawan ko'y muling tinamaan ng matinding pwersa at natagpuan ko na naman ang sarili kong nakasandal sa puno, nanlalaki ang mga mata at nakatulala sa kanya, kasabay ng mga pawis kong tila humiwalay na sa mukha ko.
He disarmed me again.
How powerful are you, father?
"This is enough, Dastan. Let's go home."
Tinalikuran na ako ni ama at sinimulan na niyang ibinalik ang kanyang espada sa kanyang bewang. Kumuyom ang mga kamao ko sa lupa.
No. Hindi rito magtatapos ang pagsasanay. I will not just cut his hair.
You are the king, Dastan. Someday, you will surpass your father. Walang sinuman ang makapagpapabagsak sa 'yo.
Marahas kong pinunasan ang dumudugo kong ilong. Pilit akong tumayo habang nagsisimula nang lumayo si ama.
Hindi pa tapos. Wala pa sa kalahati. Hindi pa ako talo.
Nang kinuyom ko ang kamao ko, kahit tumutulo ang dugo ko'y hindi na iyon sumunod sa utos ko. I can't turn it into something useful.
Lumalayo na si ama.
But I am desperate to prove myself. Kaya sa huling pisi ng lakas at kapangyarihan ko, mabilis akong tumakbo patungo sa likuran niya na punung-puno ng motibasyon sa aking sarili.
Iyon na siguro ang pinakamabilis kong patakbo, nadaanan ko ang aking dalawang espada sa lupa at dalawang kamay ko ang may hawak niyon. Tumalon ako sa ere upang doon magmula ang aking atake.
My father looked up on me. He immediately pulled his sword and swung it against me. Tumilapon ang dalawang espada sa aking mga kamay, sa isang iglap ay kapwa na kami nasa ere ni ama.
He's going to attack me from below.
"Rest now, my son."
Hindi ko matanggap ang mga salitang iyon, ramdam ko na tila may matinding init na nagmumula sa loob ko, may gustong kumawala.
Nasa akto nang ihahampas sa akin ni ama ang hawakan ng kanyang espada upang tuluyan akong makatulog nang pilit akong magpakawala ng espada mula sa aking dugo.
Sa una'y inakala kong gawa iyon sa dugo ngunit nang sandaling kapwa magliwanag ang mukha namin ni ama...
A sword of light on my hand overwhelmed the famous forest of Parsua Sartorias.
At sa unang pagkakataon ay nabitawan ni ama ang kanyang espada.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro