Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 47

Note: For background music see the video above.

Chapter 47: Nemetio Spiran

Lahat sila'y nakatuon ang buong atensyon sa akin. Kung akala ko'y wala nang ilalakas pa ang tibok ng puso ko, ngayo'y halos hindi ko na iyon masukat. Isa ang pagpili sa nilalang na iiwanan ang siyang sitwasyon na kailanman ay hindi ko na nais pang maranasan.

Pagpili ng isasakripisyo at hayaang ang nilalang na iyon ang siyang haharap sa isang problema na dapat ako na reyna ang siyang lumutas. Bagaman kinikilala nila akong lahat na kanilang reyna na dapat sundin at tingalain, hindi kapangyarihan at karapatan ang pagpili ng buhay na siyang dapat ibuwis.

Nang sandaling maipit kami nina Rosh, Nikos at Hua sa tulay ng temptasyon, hindi ako nag-alinlangang ibuwis ang aking sariling buhay masiguro lamang na maigting akong nakahawak sa gintong taling nag-uugnay sa aming apat. Kung bibigyan ako ng pagkakataon sa mga oras na ito'y nais kong muling hayaang dumaloy ang aking mga gintong sinulid sa kanila upang hilahin sila pabalik sa lugar na malayo sa bingit ng kamatayan.

Bagaman hindi na nagbaba ng mga salita sina Blair at Seth, ang kanilang mga mata'y sumasalamin sa determinasyon na sa sandaling isa sa kanila ang itinuro ko'y hindi sila magda-dalawang isip na humarap sa makakapangyarihang nilalang na siyang handang agawin ang kanilang mga katawan.

"Leticia, I promised Dastan to protect you. I promised my king. Allow me..." mas humakbang papalapit sa akin si Zen.

"No. Dastan needs a right hand. Ikaw ang matinding kailangan niya sa malaking digmaang magaganap. I can do it. Ako na lang ang lalaban. Marami nang nagawa sa akin si Leticia," mas humakbang papalapit sa akin si Nikos at hinawi niya si Zen na mas lalo lang kumunot ang noo.

Umikot ang mga mata ni Rosh. "Can't you see? My parents are here! Dinala na ako rito ni Haring Thaddeus upang mapaghandaan ko ang araw na ito," hinawi niya sina Nikos at Zen.

"My empire and my brothers will be disappointed if I didn't make something better in this journey. I can fight better than these three," nagsalita na rin si Seth.

Mas lalong tumaas ang kilay ni Rosh na umiinit na rin ang ulo katulad ni Zen. Si Blair na matalim nang tinititigan nina Rosh at Zen ay tipid na lang humakbang at pumantay sa kanila.

"If they tried to kill each other to win the duel against these Atteros, maybe I can fight instead of one of them, and I am sure all of them are already exhausted by the end of the selection," seryosong sabi ni Blair na diretso ang titig sa akin at pilit hindi pinansin ang naglalabasang ugat sa noo ng mga katabi niya.

Si Hua naman ay nanatiling nasa tabi ko. Ito ang unang beses na hindi niya iniharap sa akin ang kanyang sarili. Siguro marahil ay hindi maaari sa panuntunan ng mga Attero na maaaring lumaban ang kapwa nila. Isa pa, humihingi kami ng tulong at hindi iyon maibibigay kung hindi mula sa sarili naming mundo ang hihingi niyon.

Nagpalipat-lipat ang aking mga mata sa harapan ng mga itinakdang prinsipe, Caleb at Nikos.

Ilang beses lang akong umiling sa kanila. "Hindi ko kayang pumili. Wala akong pipiliin."

Lumampas ang mga mata ko sa kanila at sinalubong ko ang mga mata ng lalaking Attero na naghihintay ng aking kasagutan. "Ako. Ako ang kanilang reyna. Ako ang lalaban sa duwelo—"

Hinawakan ni Hua ang aking balikat. "The war needs the queen the most, Leticia."

"H-Hua..." ilang beses akong umiiling sa kanya. Siya, bukod kay Dastan ang nilalang na higit na nakakakilala sa akin. Ito ang bagay na kinamumuhian kong maranasan.

"Dastan is waiting for you, Leticia. Ipaubaya mo na ito sa akin," ani ni Zen. Lumapit na siya sa akin at hinawakan ang aking mga kamay. "Just give me the blessing. Marami na akong pinagdaanan at ipinangangako kong babalik ako kasama—"

"Zen, hindi lang para sa Nemetio Spiran kaya't nais kong akuin ang laban na ito. This is also for my parents. Just secure Leticia's safety. You have a wife and a beautiful child. This isn't a joke! My father is as powerful as your father, but look at him—" sa unang pagkakataon ay seryosong nagsalita si Rosh kay Zen, ngunit agad rin iyong pinutol ni Caleb.

"Are you saying that you have nothing to lose? O kaya'y walang mawawala sa 'yo kung maging unggoy ka man?" pinagtatabig niya sina Zen at Rosh na nag-aagawan sa kamay kong naghihintay ng basbas.

Akala ko'y haharap na sa akin si Caleb, ngunit pinili niyang tumalikod sa akin habang bahagyang nakabuka ang dalawa niyang mga kamay, hindi ko man nakikita ang kanyang mga mata'y alam kong nagniningas na iyon.

"Among us, I have the power of the element. Sagana ang lupa sa lugar na ito. I told you, I am powerful."

"Caleb!" sigaw sa kanya ni Zen. Ngunit wala nang narinig si Caleb dahil kusa nang gumagalaw at nagtataasan ang mga lupa upang harangan sina Rosh, Seth, Blair, Zen at Nikos upang hindi na makaharap pa sa mga Atteros.

Ang tanging naiwang espasyo na lang ay ang harapan ko, kapwa na madilim sa harapan ng mga itinakdang prinsipe, Nikos at maging si Claret.

"C-Caleb..."

Saglit siyang lumuhod habang ang dalawa niyang kamay ay sabay niyang itinubog sa tubig, nang sandaling iangat niya iyon may bahid iyon ng putik, katulad ng mga linyang nakaguhit sa lalaking Attero na nasa harapan ay inilagay niya rin iyon sa magkabilang pisngi niya.

Nanatiling nakatalikod sa akin si Caleb, tila hindi na niya naririnig ang tawag sa kanya ng mga prinsipeng nasa likuran na ng kanyang matigas na lupa.

"Tell to my king... to my brother to wait for me. Susunod ako... will you give me your blessing, Queen Leticia?"

Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng prinsipyo ko at pag-aalinlangan kanina na pumili sa kanila, kusa ko na lang nakita ang sarili kong kamay na umaangat upang bigyan ng basbas si Caleb.

Napahinga siya nang maluwag nang maramdaman niyang hindi ako tumutol, tuluyan na siyang humarap sa akin at kusa niyang iniluhod ang kanyang mga paa. Inangat niya ang dalawa niyang mga kamay upang hawakan ang sa akin.

"Those idiots contributed enough in this journey. Hayaan mong ako naman, Mahal na Reyna," malawak siyang ngumiti sa akin tulad ng madalas niyang ipakita sa aming lahat.

"M-Mag-iingat ka, Caleb."

"I will."

Tumayo na siya at unti-unti na niyang inangat ang siya niyang kamay upang tuluyan nang takpan ng lupa ang kaunting espasyo kung saan maaari'y huli ko na siyang makikita.

"I can be a pink carabao kung hindi papalarin, at least Divina and I are still relatives," ngunit bago pa man tuluyang magsarado ang lupa'y nakahabol pa si Zen upang sumigaw sa kapatid niya.

"Lily will fucking cook that fucking pink carabao! I swear! Come back as a vampire! Fuck you!" ngumisi lang si Caleb bago kami tuluyan nitong tinalikuran at magsarado ang mataas na lupa.

Kadiliman ang siyang yumakap sa amin ng ilang segundo bago nagbukas ng asul na apoy si Nikos.

Sina Zen, Rosh, Blair, Seth at maging si Claret ay kapwa nakatulala sa mataas na lupa na parang hindi makapaniwala sa nangyayari.

"That should be—" hindi na naituloy ni Rosh ang kanyang sasabihin at napailing na lang.

"W-We need to hurry. Let's not waste C-Caleb's effort," ani ni Zen na parang biglang sumakit ang ulo.

"Can't you trust him? Caleb is also a Gazellian. Isa pa, binigyan siya ng basbas ni Leticia. Makakasunod siya," sabi ni Claret.

"I never doubt my sibling, baby," tipid na sagot ni Zen bago sumulyap sa akin. "We should go, Queen Leticia."

Tumango ako sa kanya. Hindi na namin kailangan pa ng palitan ng salita dahil isa-isa na kaming tumakbo nang napakabilis sa abot ng aming makakaya upang makalabas sa kweba. Ngunit habang tumatakbo ako, hindi ko maiwasang lumingon pabalik sa mataas na lupang gawa ni Caleb.

Babalik siya. Babalik siya.

"I tried my best to scare everyone, but that damn Caleb!"

"What?" tanong ni Zen.

"You're an idiot if you believed that my father lost against the Atteros, my father's love for my mother is immeasurable that he chose to sacrifice his body just to stay beside our mother. Walang labanang naganap. My father volunteered to stay beside my mother, and that's the only way. Wala pang bampira ang lumalaban sa mga Atteros. Caleb's the first time. I even asked King Thaddeus before; he said that fighting the Atteros was not plan of his plan," napasinghap nang malakas si Claret.

"Shit," iyon na lang nausal ni Zen.

"At least, you'll have a pink carabao as a brother," humalakhak ng malakas si Rosh.

"King Thaddeus didn't attempt the duel, maybe because he knew that one of his sons is already destined to make the first history of the alliance with them. Isa pa, malaking katanungan kung bakit higit na nahuli ang paglaki ni Caleb kumpara kina Evan at Finn. One of the indications that someone has a unique power. Queen Leticia had the same—" pinutol ni Rosh ang sasabihin ni Claret.

"I grew up late too. Hindi katanggap-tanggap na pareho kami ni Caleb."

Kung kanina'y tensyon ang nababalot sa amin, napuno ng tawanan ang lahat kasabay nang aming patuloy na pagtakbo.

Paglabas namin sa kweba ay sinalubong na kami ng grupo nina Harper, Lucas, Kalla at Iris. Agad nataranta si Harper nang mapansin na kulang kami at bago pa man siya mawalan ng panimbang ay agad nang nakalapit sa kanya si Zen.

"He's alright. Susunod na lang daw siya."

Pansin ko ang tipid na paglalakad ni Iris sa bunganga ng kweba at pagtitig niya sa loob niyon. Si Kalla ay agad humapon sa balikat ko habang si Lucas ay nanatili sa kanyang posisyon.

"What happened? Bakit siya naiwan?"

Ngunit bago pa man makasagot si Zen ay kapwa naagaw ang atensyon naming lahat nang makarinig ng tatlong malalakas na putok ng kanyon patungo sa himpapawid, isang hudyat na nakikilala naming lahat.

"Dastan's group has arrived!" sigaw ni Claret.

Napahinga ako ng maluwag.

Muling sumulyap si Harper sa kuweba, ganoon din kaming lahat bago kami isa-isang nagtanguhan na tila konektado na ang mga isipan.

"Tayo na," anunsyo ko.

Hinayaan nila akong humakbang ng ilang beses pauna sa kanilang lahat. Ngayo'y handa na akong ilabas ang kanina ko pang binibinbing kapangyarihan, ibinuka ko ang dalawa kong braso at pinagliwanag ko ang dalawa kong kamay.

Gintong usok ang humarap sa akin kung saan kami dadaan patungo sa gitna ng magsasalubong na digmaan. Ngunit bago ako muling humakbang hinayaan kong bumalot ang gintong usok sa katawan ng mga nilalang na nasa likuran ko, iniyakap ko sa kanila ang aking basbas bilang kanilang kinikilalang reyna. Kasabay niyon ay ang unti-unting pagbabago ng kanilang kasuotan katulad ng kawangis ng kulay ng mga kawal na kasalukuyang nagmamartsa patungo sa pangmalakihang labanan.

Si Caleb na nasisiguro kong mangunguna sa pagdadala ng bandila ng dating Nemetio Spiran ay hinayaan kong dalhin nina Zen, Seth, Blair at Rosh, mga prinsipeng nangunguna mula sa emperyo ng Parsua upang muling pagbuklod-bukludin ang nawasak na mundo.

Huminga ako muli ng malalim bago humarap sa kanila.

"Tayo na."

Malakas na sigawan ang isinagot nila sa akin kasabay nang pag-angat ng pare-parehong bandila.

At nang sandaling ako'y tumawid na ng usok na agad na sinundan nilang lahat, ang siyang sumalubong sa akin ay ang ikalawang batalyon mula sa Parsua Sartorias, hindi na iyon pinangungunahan ng isa sa mga Viardellon.

Kundi ang unipormadong haring pinakamamahal ko na kasalukuyang nakasakay sa itim na itim na kabayo na may nakataling buhok. Katabi niya ang kanyang mga kapatid na handang-handa na rin sa labanan.

"Mahal k-ko..." usal niya.

Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Dastan, mabilis niyang tinalon ang kanyang matayog na kabayo, hindi ko na hinintay pa ang pagdating niya sa akin dahil kusa nang tumakbo ang aking mga paa upang salubungin siya.

Kusang umangat ang aking katawan kasabay nang pagyakap ng mga bisig niya sa katawan ko.

At alam kong ang pakiramdam ng kanyang mga halik, ang mainit niyang usal ng pangalan ko at ang mga bisig niyang kumukulong sa akin ang bagay na kailanman ay hihilingin kong maramdaman sa bawat oras na ako'y nabubuhay pa.

"D-Dastan..." sinapo ko ang magkabilang pisngi niya habang magkadikit ang aming mga noo.

"Nahahawakan na kita... nahahagkan, Leticia..."

"Tapusin na natin ito, mahal ko... Tuldukan na natin ang kanilang kahibangan at bigyan natin ng magandang mundo ang ating munting prinsipe."

Tumango si Dastan bago niya ako ibinaba at sumulyap sa grupong nasa likuran ko. Saglit kumunot ang noo niya.

"Nasaan si Caleb?"

"He will be late," sagot ni Zen.

Tipid na sumulyap sa akin si Dastan, ngunit hindi na siya nagtanong. Ibinalik na niya ang atensyon sa batalyon na natigilan sa pag-usad dahil sa muling pagtatagpo ng kanilang hari't reyna.

Nagsakayan na rin sa mga kabayo ang aking grupo at tanging si Lucas lamang ang hindi, ilang beses gumala ang mga mata ko ngunit hindi ko na makita si Iris. Ipinilig ko na lang ang ulo ko bago muling humarap kay Dastan. Bumalik na rin siya sa kanyang kabayo habang ako'y lumulutang sa tabi niya, si Kalla'y nanatili sa balikat ko.

"Now that we're all complete, formation!" sigaw ni Dastan kasabay nang pagpapatakbo ng kanyang malaki at matikas na kabayo.

Ang buong batalyon ay mabilis na umusad sa pangunguna ng kabayo ni Dastan bilang tuktok ng napakalaking tatsulok. Sina Rosh at Zen sa makabilang tabi niya na sinundan nina Blair at Seth na kapwa may hawak ng nagtataasang bandila ng Nemetio Spiran. Kahilera niya'y naroon din sina Finn, Evan, Lily, Casper, Harper, Hua, Nikos, at Lucas.

Sa unang pagkakataon, inangat ni Dastan ang kanyang nagliliwanag na espada sa kasalukuyan, kapangyarihang ilang taon niyang ikinubli sa paniniwalang siya'y hindi karapat-dapat.

Mataas niya iyong inangat kasabay ng yumawagayway na mga bandila.

Sabay-sabay nagningas ang mga mata ng mga nilalang na ngayo'y nasa likuran namin ni Dastan habang nakaangat ang mga mata sa gintong espada at mga bandila. Ang mga armas ay itinaas, espada, palaso, kalasag, pana, kanyon at iba pa.

At muli'y umalingawngaw ang boses ng haring tatapos sa lahat, ang haring muling bubuo sa mundong ipinagkait libong mga taon.

"Para sa Nemetio Spiran!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro