Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 45

Chapter 45: Sa likod na kweba

"Ano ang gagawin natin sa kanila? Just like the initial plan?" tanong ni Caleb na sumilip sa mga nilalang na ngayon ay kasalukuyang nakasabit sa ilalim ng aming mga naglalakihang mga ibon.

Sila'y tila mga isdang pinagsiksikang pilit sa nakabiting lambat na gawa sa pulang sinulid ni Prinsipe Blair.

Ngayo'y higit nang mabilis ang paglipad ng dalawang ibon dahil sa nangyaring pagharang sa amin. Isa pa ay kailangan na naming magmadali, kung mangyaring hindi pa nakalalabas ang grupo ni Dastan mula sa nakaraan, dapat ay mabilis na kaming makarating sa kweba at magtungo na sa digmaang anumang oras ay maaari nang sumiklab.

Si Rosh ay kasalukuyang nakaangat ang isang kamay habang may ilang paru-parong nakadaop roon. Si Rosh at ang mga uwak ni Seth ang mistulang mga mensahero namin sa paglalakbay na ito, sila ang siyang nagbibigay sa amin ng impormasyon tungkol sa sitwasyon ng kabuuan ng Nemetio Spiran.

Halos sabay tumalim ang mga mata ng dalawang prinsipe ng kapwa na nila marinig ang mga balita ng kanilang mga paru-paro at mga uwak.

"They're starting to approach the boarders, Leticia," anunsyo ni Rosh.

"With large troops. Hindi lang mula sa dalawang emperyong naglaho, kundi pati na rin ang malalaking emperyo ng Halla. What do we expect? We never had a good relationship with that damn empire," ani ni Seth na may kasamang magkuyom ng mga kamay.

"How about Dastan and the others? Any news from them?" tanong ni Zen.

"I asked one of my crows about them. Mukhang hindi pa sila nakakabalik," sagot ni Seth.

Nang sabihin iyon ni Seth, higit na naging mabigat ang presensiya ng tatlong Gazellian na siyang kasama namin.

"Our mother... the children..." naiiling na sabi ni Caleb.

"Don't worry about them. Naroon sina Naha, si Adam at ang kanyang buong grupo at ang magkakapatid na Viardellon. Our kingdom is well protected, Caleb," paninigurong sagot sa kanya ni Harper.

"The core... the heart of our battalion is the Parsua Sartorias. Kailangan nating makabalik agad sa lalong madaling panahon. Kailangan nang makabalik nina Dastan mula sa nakaraan. We need to bring our biggest weapons from our journeys," sabi ni Zen.

Hindi na naging kalmado sina Zen, Rosh, Seth at Caleb matapos ang usapang iyon. At pinili na ng mga itong manatiling nakatayo at tumanaw sa unahan kung saan patungo ang aming mga ibon.

Saka lang nila muling naalala ang usapan tungkol sa aming mga bihag.

"Let's stick with the plan. Let's offer their heads in front of the cave or we can pour their blood. Katulad ng unang ipinag-utos sa atin ni Leticia," sabi ni Zen.

"Or maybe our Queen has another plans?" tanong ni Seth dahilan kung bakit lahat sila'y ibinalik sa akin ang kanilang mga atensyon.

"May isa pa akong katanungan, lahat ba tayo ay maaaring pumasok sa kweba?" tanong muli ni Caleb. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa katanungang iyon.

Siguro'y agad nang napansin ni Seth ang pag-aalinlangan kong sumagot. "Is it really for the queen to answer? Bakit hindi natin tanungin ang bampirang nakapasok na roon?"

"Is there any qualification? Baka bigla na lang ako masunog. Sa mga naririnig ko, tanging higit na makapangyarihan lang ang maaaring makapasok doon. I am not saying that Rosh is more powerful than I am, but he's with my father, it might—" hindi na siya pinatapos pa ni Rosh.

"Shut up, Caleb. Hindi ka makakapasok sa kweba dahil hindi nito hinahayaang may makapasok na baliw sa kanyang teritoryo."

"Oh, then, we're all qualified. If the cave didn't consider Rosh as a crazy psychotic prince, we can all enter without any problem," ngising sabi ni Caleb.

Napabuntonghininga na lang ang lahat.

Sumulyap sa akin si Zen na naghihintay ng sagot sa akin tungkol sa aming mga bihag.

"If you're having a problem of disposing them, Leticia, I can handle them for you. I'll behead them right away. Hindi mo na kailangan pang bigyan sila ng higit na oras," kaswal na sabi ng prinsipe ng mga nyebe.

Umiling ako. "Kakailanganin natin sila. Let's keep them."

Tumango si Zen bago muling tumanaw sa unahan.

"How about our troops? Sino ang nangunguna?" tanong ni Claret.

"One of my brothers, Claret. I got twelve brothers. We're also skilled with battle tactics. Naroon din ang mga kapatid ni Blair. Wala man ang mga Gazellian, may malalakas na pamilya pa rin ang kabuuan ng Parsua. Our empire will never consider as unbeatable without the Viardellons, Thundiliors and the Le'Vamuievos," taas noong sagot ni Seth.

Saglit na tumango si Blair at nagkibit balikat si Rosh. Minsan ko nang narinig na hindi maganda ang relasyon ni Blair sa kanyang mga kapatid, ngunit kung tungkol naman sa relasyon ng mga ito sa ibang kaharian ng Parsua, hindi naman ang mga ito gumagawa ng problema.

"Tobias is there, don't worry. He's also a king, Dastan's adviser. Our absence is not a weakness," dagdag ni Rosh.

Matapos ang usapang iyon ay mas bumilis pa ang paglipad ng mga ibon na siyang sinasakyan namin. Pilit ko man pinakakalma ang sarili ko, hindi ko magawa.

Ano ang nasa loob ng kweba? Anong klaseng kapangyarihan ang nasa loob niyon na kahit ang mga diyosa'y kinatatakutan?

Sa sandaling iyo'y makamit namin, matatapos na kaya ang lahat ng ito?

Hindi na tumigil sa malalim na pag-iisip ang utak ko hanggang sa matanaw ko na ang kabuuan ng Parsua mula sa himpapawid. Ang Parsua Sartorias, Parsua Deltora, Parsua Trafadore, at Parsua Avalon. Ang mga pulang bandilang nakataas at wumawagayway sa hangin, ang mga bandilang simbolo ng bawat emperyo, ang mga nagliliparang ibong pandigma, ang mga kanyon, daang batalyon ng mga kawal na may nagniningning na mga kalasag at espada, mga kabayo at iba pang klase ng mga hayon na pandigma.

"Nagsisimula nang magmartsa ang lahat..."

Hindi lang mga nilalang na may malaking parte ng digmaan ang siyang abala sa mga oras na iyon, dahil pati ang bawat palasyo'y walang tigil sa pagpapatugtog ng kanilang naglalakihang tambol at trumpeta, hudyat ng malaking pagsuporta sa bawat mandirigmang ngayo'y mag-aalay ng kanilang mga buhay.

Sinabi ko na sa sarili kong hindi ko na ipapakita sa kanila ang nanghihinang diyosa na siyang pinagmulan ko, klase ng diyosa na madaling yakapin ng sakit at pangamba...diyosang madalas lumuha. Ngunit hindi ko mapigilan ang sarili ko sa dami ng buhay na maaaring mawala sa paparating na digmaan.

Kusang kumuyom ang mga kamay ko sa aking kasuotan. Kagat ko ang pang-ibabang labi ko at pilit akong hindi kumurap upang hindi lumaglag ang namumuong luha sa sulok ng aking mga mata.

Ipinapangako kong ito na ang katapusan. Ang digmaang ito na ang puputol sa ilang daang taong panlilinlang ng mga diyosa ng Deeseyadah...at ang mundong sasalubong sa aking munting prinsipe'y ay isang mundong kay init at payapa...

Ipinapangako kong maraming buhay ang muling isisilang sa bagong mundong punung-puno ng pagmamahal at katahimikan...malayo sa sakim at karahasan.

Inalis ko na ang aking mga mata sa mga kawal na ngayo'y nagmamartsa na, nang sumulyap ako sa mga nilalang na kasama ko ngayon sa ibabaw ng ibon, kanya-kanyang emosyon ang nakikita ko sa kanilang mga mata.

Galit, determinasyon, takot, nerbiyos... halos lahat ng aming mga kamay ay ngayo'y nakakuyom, mga matang nagniningas at mga labing tikom at wala nang masambit.

Habang papalapit na kami sa kweba'y higit ko nang nararamdaman ang mga kapangyarihan ng susi. Kusa na iyong lumabas mula sa pangangalaga ko at inilahad ko na ang dalawa kong kamay upang higit ko siyang mamanipula.

Muli'y naagaw ko ang kanilang atensyon.

"Malapit na tayo..." anunsyo ko. Kusa na akong tumayo habang nanatiling nakalahad ang dalawa kong kamay at ang mga susi'y kapwa nagliliwanag.

Ngunit ang inaasahan na naming payapang pagbaba sa lupa ay tila sa panaginip lamang, dahil sa sunud-sunod na atakeng iniilagan ng aming mga ibon mula sa lupa.

Mga kanyon. Hindi pangkaraniwang kanyon dahil may basbas iyon ng mga diyosa, klase ng atakeng maaaring pumatay sa akin.

"Shit!"

"Ilang kanyon?! Hindi ko makita!" sigaw ni Seth.

Wala sa mga lalaking makakita ng eksaktong lokasyon ng mga kanyon sa ibaba at ang tanging nakakita lamang ay ako, sina Claret at Harper. Kahit ang mga ibon ay hindi na magawang Ilagan ang bawat atake, dahilan kung bakit tinamaan ang mga ito.

Sabay-sabay kaming nabuwal sa ibabaw ng dalawang ibon, napuno ng malulutong na mura mula sa mga bampira ang himpapawid. Bago pa man umatake ang mga kanyon ay ginamit ko ang kapangyarihan ko at sabay-sabay kong pinaulanan ng atake ang mga kanyon, dahilan kung bakit nakita agad iyon ng mga prinsipe.

Apat na kanyon. Mabilis naghiwalay sina Caleb, Zen, Seth at Rosh upang magtungo sa mga kanyon at kitilin ang nilalang na gumagamit niyon. Si Blair ay piniling manatili sa tabi ko at hawakan ang mga bihag.

Ako at Hua ang siyang umalalay sa iba hanggang sa tuluyan na kaming makarating sa harapan ng kweba.

Sa paglapag ko pa lang sa lupa, ramdam ko na ang bilis ng aking paghinga at tagaktak ng aking pawis. Ipinangako ko man sa kanila na hindi na ako gagamit pa ng kapangyarihan, hindi ko naman maaaring ibigay na sa kanila ang lahat ng responsibilidad, lalo na kung kapangyarihan ko na ang siyang kailangan.

Pagsabog ng isang kanyon ang siyang una naming narinig, ngunit wala na roon ang atensyon namin kundi sa kwebang siyang nasa harap namin. Bagaman narito na kami sa hangganan ng paglalakbay, hindi bumaba ang depensa at pagiging alerto ng lahat.

Habang nasa kweba ang tanaw ko, sinikap nina Claret, Iris, Harper, Lucas, Nikos, Hua at Blair na pumalibot sa akin upang protektahan ako mula sa anumang atake.

"We can't enter the cave together. Kailangang may maiwan para may magbantay. We can't wait for the princes of the prophecy. Kailangan mo nang pumasok, Leticia."

Si Blair ay pormal na naglakad at ibinigay ang tali ng kanyang pulang sinulid kay Lucas. "I will join them inside. Wala pa iyong tatlo, kailangan ng reyna ng prinsipe mula sa propesiya."

Agad tumango si Lucas at tinanggap ang tali ng mga bihag. Sina Hua at Nikos ay agad nagtungo sa tabi ko.

"Hindi ako mapapanatag kung wala ako sa tabi ng reyna," ani ni Hua.

"Ganoon din ako," dagdag ni Nikos.

Tumabi na rin sa akin si Claret. "I need to secure your health, Leticia." Si Kalla na nakahapon sa aking balikat ay lumipad at nagtungo sa balikat ni Harper.

"I'll be a messenger," bulong niya sa aking isipan.

Tumango ako.

Ngayo'y sina Harper, Iris at Lucas ang naghiwa-hiwalay at gumawa ng pormasyon sa palibot namin para sa kung anumang atake na bigla na lang magpakita. Nasa gitna si Harper habang nasa magkabila ang dalawang dalawang lobo.

Sina Claret, Hua, at Nikos ay sabay-sabay naglakad paatras habang nakayuko ang mga ulo nang sandaling unti-unting nagliwanag ang aking katawan kasabay ng marahan kong pag-angat ng mga relikyang buwis buhay naming kinumpleto nang sama-sama.

Tila nagkaroon ng sariling hangin ang aking paligid na kusang nalagyan ng gintong alikabok at kakaibang init na tanging ang harapan lang ng kweba ang siyang nakakaramdam.

Hanggang sa umabot ang aking mga kamay sa pagtaas ng tuwid na tuwid sa kalangitan. Nagsayawan ang mga puno sa paligid, higit na nagliwanag ang aking posisyon, nagliparan ang mga ibon, nagtakbuhan ang mga ligaw na hayop, lumakas ang hangin tangay ang aking kasuotan at mahabang buhok... higit na nagningning sa ginto ang aking mga mata.

Nagsinghapan ang mga bihag.

Ang mga relikyang nasa dulo ng aking tuwid na mga kamay at nakabukang palad patungo sa kalangitan ay higit na nagliwanag kasabay ng aking mga mata. Ang mga relikya'y kusang umikot sa isa't isa na nagsimula sa mabagal hanggang sa unti-unting bumilis na hindi na makita ang pagkakakilanlan nito.

Nang sandaling ipikit ko ang aking mga mata'y... kusang lumandas sa aking isipan ang mga alaala at pinagdaanan ng mga babaeng unang humawak ng mga relikya. Ang kanilang mga ngiti, luha... galit, poot at higit na pagmamahal. Ang kanilang mga mithiiin at pangako sa kapayapaan...tila iyon ay nagsama-sama sa akin, sa puso kong tila sasabog sa iba't ibang emosyon.

At nang sandaling ako'y nagmulat ng mga mata... ang mga relikya'y nag-isa at naging isang bato. Isang malaking kristal na bato at nang ito'y lumapat sa aking mga palad, matinding init na tila apoy ang siyang pinadama nito sa akin.

Isa lang ang siyang pumasok sa isipan ko sa mga oras na iyon. Ang mga relikya'y susi... gabay na siyang aming dapat sundan, sa isang kwebang sa nakalipas ng mga tao'y nabalot ng higit na kadiliman.

Sa kabila ng matinding init ng kristal na bato'y pilit ko iyong ibinaba hanggang sa aking dibdib. Marahan akong yumuko roon at bumulong doon na punung-puno ng pag-asa.

"Kami'y gabayan mo..."

Kasabay nang pagningning ng aking mga mata'y buong lakas kong ibinato papasok ng kweba ang kristal na nagliliwanag na bato, at nang sandaling ito'y direktang pumasok sa loob ng kweba'y tila nagkaroon ng pagsabog sa loob na nasundan ng nakasisilaw na liwanag.

Ngunit hindi iyon naging dahilan upang hindi kami pumasok doon.

"Sundan natin ang liwanag!" malakas na sigaw ko.

Sabay-sabay tumango sina Claret, Blair, Nikos at Hua. Ako ang siyang nanguna sa pagtakbo na siyang mabilis sinundan ng apat na nilalang na ngayo'y kasama ko sa pagpasok sa kweba.

Ngunit nang sandaling makapasok na kami'y unti-unti nang nagsasarado ang lagusan ng kweba.

"L-Leticia..." ani ni Claret.

Hindi na ako nangamba. Si Nikos na ang siyang sumagot sa pangamba ni Claret.

"Rosh Le'Vamueivos can always open this cave whenever he wants. After all, this cave can only recognize the true blood of a king."

Ngunit hindi lang iyon ang siyang naging dahilan ng pagsinghap ni Claret at maging ako, dahil nang sandaling maabot namin ang hangganan ng daan ng kweba'y hindi inaasahang nilalang ang siyang sumalubong sa amin.

Mga nilalang na tila may pinuprotektahan, mga kakaibang nilalang na akala ko'y alamat lamang...

Isang napakagandang babae sa gitna ng napakataas na talon, lumulutang at napapalibutan ng mga halamang ugat. Ang mga mata'y nakadaop... at mga kamay ay magkalapat sa dibdib na may hawak na buhay na buhay na pulang bulaklak—lotus.

Pulang lotus.

Umawang ang bibig ni Blair, ganoon din si Nikos habang si Hua'y napatulala.

"Who is she?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro