Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 43

Chapter 43: Utos

Lahat kami'y napatingin kay Harper sa katanungan niyang higit na nakapagpatulala kay Rosh.

Kung ako'y nagkaroon pa ng alinlangang direktang itanong iyon sa prinsipe, si Harper ay hindi man lang kumurap at nagdalawang isip na harapang tanungin iyon.

Hindi na nagtagal ang atensyon namin kay Harper at muli'y bumalik ang atensyon namin kay Rosh na bihira lang namin masaksihang matigilan sa kahit anumang pagkakataon. Kilala ang prinsipe sa pagmamanipula ng sariling emosyon na nagagawa niyang malinlang ang lahat sa totoo niyang saloobin, ngunit tila sa pagkakataong ito'y bahagyang nasira ang kakayahan niyang iyon.

Hindi lang iisang minuto ang pagkakatulala niya sa aming lahat na parang naghahanap siya ng mga salitang maaari niyang sabihin sa amin.

Nasisiguro kong hindi si Astrid ang nilalang na nasa loob ng kweba kung totoo ang hinala namin ni Harper, ngunit sino pa? Sino pang nilalang ang higit na magtutulak kay Rosh upang ibuwis ang kanyang buhay sa paglalakbay na ito?

Akma na sana akong magsasalita nang biglang nagbago ang banayad na daloy ng paglipad ng malaking puting ibon, dahilan kung bakit lahat kami'y mariing napakapit dito at ang ilan ay biglang napasigaw.

"R-Rosh!" sigaw ni Claret.

Bagaman may harang na malalaking halamang ugat ang paligid ng ibon upang higit kaming hindi umagaw ng atensyon mula sa mga kalalakihan, hindi nito maitatago ang biglaang pagbaba ng ibon.

"Fucking Rosh Alistair!" malakas na sigaw ni Zen mula sa malaking itim na ibon ni Seth.

Doon tila nagising si Rosh at ilang beses na napakurap, agad siyang umiwas ng tingin sa aming lahat. Nanatili siyang nakaupo ngunit pinili niyang tumalikod sa amin at marahang haplusin ang balahibo ng kanyang puting ibon. Marahil ay naramdaman ng kanyang alaga ang biglaang pagbabago ng kanyang presensiya.

Si Harper na ang siyang tumayo at sumigaw pabalik sa mga kalalakihan. "We're fine, Zen. Stop being paranoid."

"H-How's Claret? What the fuck are those vines, Rosh—"

"Zen! We're fine! Goodness! Caleb, just do something about your brother, please," lumingon siya kay Harper. "Wala na bang kasawa-sawa iyang kapatid mong iyan, Harper? Walang kupas."

Naiiling na lang si Harper.

Ibinalik sa akin ni Claret ang kanyang atensyon, handa na sana siyang hawakan muli ang aking tiyan para pagaanin ang pakiramdam ko pero hinwalan ko na ang kamay niya.

"Maayos na ang pakiramdam ko, Claret."

Hinawakan ni Hua ang dalawang balikat ko bago siya tumango kay Claret. Ngunit ang buong atensyon ko'y naroon sa likuran ni Rosh na bigla na lang naging tahimik.

Habang tumatagal ay tila higit na lumalamig at lumalakas ang hangin sa paligid, si Hua'y tinanggal ang kanyang isang kasuotan at ipinatong iyon sa balikat ko. Hindi rin naman umalis sa tabi ko sina Harper, Iris, Kalla at Claret.

"You can't just brush us off, Prince Rosh," matapang na sabi ni Harper. Tahimik pang napalingon sina Kalla at Claret upang patigilin ang prinsesa pero nagkibit balikat lamang ito.

Bagaman ay hindi bukas o lantarang pag-usapan ng lahat ang kaalamang sina Haring Thaddeus at si Rosh ay nanggaling na sa loob ng misteryosong kweba ng Parsua Sartorias na hanggang ngayon ay katanungan pa rin sa paanong paraan, ang marinig ang rebelasyon at maaaring matinding dahilan ni Rosh sa pagtulong sa paglalakbay na ito'y higit na nakakuha ng interes ng lahat.

Kilala ang prinsipe sa bawat pagtulong niyang may higit na kapalit. Madalas man siyang nariyan at hanggang gawin ang lahat, hindi pa rin mawawala ang kanyang pagkakakilanlan pagdating sa bagay na ito. Lahat ng kilos at desisyon niya'y may dahilan at pakinabang sa kanya.

Kilala ang misteryosong kweba ng Parsua Sartorias sa kakaiba nitong kapangyarihang itinatago na higit na nanaising angkinin ng kahit sinong nilalang. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang tanging may kakayahan lamang makapasok doon at angkinin ang kung anumang kapangyarihan itinatago roon ay ang mga nilalang na may higit din kapangyarihan.

Hindi na nakapagtatakang nakapasok doon si Haring Thaddeus, ngunit hindi ba't higit din rebelasyon na sa lahat ng maaari niyang kasama'y napili niyang si Rosh?

Posible kayang bukod sa kaalaman niyang ang kanyang anak na si Dastan ang muling bubuo ng Nemetio Spiran ay alam niya rin na pagdating pa ng ilang daang taon ay ito'y ipagpapatuloy ni Rosh?

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko, kusang gumalaw ang mga kamay ko at nangangatal kong mas ibinalot sa aking katawan ang kasuotan ni Hua.

Buong akala ko'y natatanging si Dastan lang ang haring titingalain ko. Ngunit ang buhay at ang kasaysayan ng kabuuan ng Nemetio Spiran ay hindi magkakaroon liwanag, dilim, init at lamig, karahasan, sakripisyo... at ang inaasam na kapayapaan kung hindi dahil sa apat na hari ng kasaysayan.

Ang mga hari sa nakaraan, kasalukuyan... at sa hinaharap.

Andronicus Clamberge III, na siyang nakasaksi ng buong Nemetio Spiran at ang pagkawasak nito.

Thaddeus Leighton Gazellian, ang haring ibinuwis ang buhay upang ibalik ang nawasak na mundo at hanggang ngayon ay nag-iwan ng bakas para sa ikabubuti ng kasalukuyan.

Dastan Lancelot Gazellian, ang magtutuloy at tatapos ng pinakamalaking digmaan na magtatama sa maling paniniwala ng lahat.

Rosh Alistair Le'Vamueivos... ang haring hindi inaasahan ng lahat na hanggang ngayon ay nagtatago sa imahe ng isang prinsipeng mapaglaro at mapanlinlang.

"We have nothing to talk, Princess Harper Esmeralda," seryosong sagot sa kanya ni Rosh na panay ang banayad na haplos sa kanyang alagang puting ibon.

"Is it still forbidden? All we need is the name. Bawal pa rin? I heard that someone might die if they tried to spill something they've witnessed inside the cave. Is it true? Or it is someone's way to—"

Marahas nang lumingon kay Harper si Rosh. "You are really a Gazellian."

Ngumisi si Harper. "Yes."

Agad iyong dinagdagan ni Rosh. "And a nosy one. I like Lily better."

"The feeling is mutual, Prince Rosh. I like Tobias better."

Sarkastikong napabuga ng hangin si Rosh at saglit na napatingin sa itaas na parang insultong makarinig na may babaeng higit na nais ang kapatid niya kaysa sa kanya.

"Now tell us."

Saglit lumipad ang mga mata sa akin ni Rosh, wala man kaming koneksyon sa aming isipan pero tila agad kong nakuha ang nais niya. Humihingi siya ng tulong sa akin.

Buong akala ko'y tanging si Lily lang ang may kakayahan sa magkakapatid na Gazellian ang madaling makakuha ng impormasyon mula sa kahit sinong nilalang sa pamamagitan lang ng matatalas niyang dila, ngunit tila mayroon din tinatagong kakayahan ang bunsong prinsesa ng mga Gazellian.

"C-Could it be connected with A-Astrid?" tanong ni Claret.

Huminga ako nang malalim. Wala na akong ibang pagpipilian kundi tulungan si Rosh, hindi ba't patungo na kami sa kweba? Kung hindi man niya sabihin ngayon ay malalaman din naming lahat ang higit niyang nais sa loob ng lugar na iyon.

"K-Kung naalala n'yo ang saglit na pagtawag ko kay Rosh, sinubukan naming alamin kung nasaan si Astrid," saglit umawang ang bibig ni Rosh upang magprotesta ngunit itinikom niya na rin iyon at hinintay niyang ako na ang magdahilan sa kanila.

Saglit tumaas ang kilay ni Harper na sumulyap kay Rosh na mabilis nang ibinalik ang seryoso niyang ekspresyon.

"Nalaman n'yo? Saan n'yo siya nakita?" muling tanong ni Claret.

"Hindi ba't ang huling balita'y nagmula pa sa 'yo, Claret?" ani ni Kalla.

Tumango siya bago tipid na ngumiti kay Rosh. "So, you've seen her again. The last time was through Danna, right? I am happy for you, Rosh."

"Higit pa roon..." kumento ko.

Saglit na nanlaki ang mga mata ni Rosh na tila hindi na niya nais pang malaman ng mga kababaihan ang kaunting oras niyang kasama ang babaeng pinakahihintay niya.

"I don't want to talk about it. Please." Umikot na ang mga mata ng prinsipe at akma nang tatayo upang iwan kami, ngunit sabay siyang hinila nina Claret at Kalla dahilan kung bakit hindi na siya nakatakas sa amin.

Si Hua ay dumistansya na at pinili na lang tumayo mula sa unahan, sinubukan siyang tawagin ni Rosh upang tulungan siya mula kina Claret, Kalla at Harper ngunit tumaas lang ang sulok ng labi ni Hua.

"Fucker ant," asik ni Rosh.

"I can still remember how Rosh reacted when he first saw Astrid... he collapsed!" halos hindi maipinta ang mukha ni Rosh kay Claret.

"How about now?" tanong ni Kalla.

"Are you really serious? A prince like me will—goodness! This is absurd! Lumayo kayo sa akin!"

"You should have kissed her, Rosh... or more? Sayang naman ang imahe mong nagkakandarapa na lahat ng kababaihan ng Parsua, ngunit sa katotohan ang kanilang prinsipe'y tiklop pala... parang rosas—" pinatigil na niya ang anuman pang sasabihin ni Harper.

Napatayo na si Rosh at hantarang napamaywang sa harapan naming lahat. "Oh my god, these ladies from Sartorias...huwag n'yo akong igagaya sa mga baliw na lalaki ng Sartorias. The idiot Zen and his endless chain series under your castle... Finn and his escape from that university, he even killed himself! And Dastan! Goodness!"

Pormal na inayos ni Rosh ang kanyang kasuotan kahit hindi iyon ang madalas niyang kasuotan bilang prinsipe. Naglabas siya ng isang tangkay na rosas at tipid niya iyong inamoy sa harapan namin.

"I am a chill lover. I am not like those Gazellian idiotic vampire males. Mga mamamatay sa pag-ibig."

Hindi na kami sumagot sa sinabi ni Rosh dahil humalakhak na naman siya ng napakalakas kasabay nang pagtalikod sa amin, unti-unti nang bumaba ang mga halamang ugat na nakaharang sa amin dahilan kung bakit nakikita na namin ang grupo nina Seth na lahat ay nakalingon at nakakunot ang noo kay Rosh na humahalakhak na may hawak na rosas.

"What?" tila inosenteng tanong ni Rosh.

Si Seth na siyang nakakuha ng tensyon sa ibabaw ng ibon namin kanina at sinadyang hindi ilapit ang sa kanya ay nagpasyang nang paliparin iyon malapit sa amin.

"Bakit sa halip na sa akin n'yo ibaling ang inyong atensyon ay sa kanila kayo maghanda?"

Marahang inilahad ni Rosh ang kanyang mahabang oras sa harapan dahilan kung bakit nagtungo roon ang atensyon naming lahat.

Ang mga kalalakihan sa kabilang ibon ay unti-unti nang nagtayuan mula sa kanilang mga posisyon.

"Ang aga ng salubong sa atin," kumento ni Caleb.

"Probably they can sense the keys united together. Sisiguraduhin nilang maagaw iyon sa atin at mapapasok nila ang kweba. And we will never allow that, right?" ani ni Zen na nagsimula nang maglakad sa unahan katabi si Seth.

"Air fight?" tanong ni Blair na agad nakatalon sa aming ibon at tumabi na rin kay Rosh. Ganoon din si Nikos na piniling tumabi kay Hua.

Isa-isa nang humilera na may nagniningas na mga mata sina Blair, Rosh, Nikos at Hua. Ganoon din sina Caleb, Zen, Seth at Lucas.

Kombinasyon ng mga pulang mata ng mga itinakdang prinsipe, ni Caleb at Nikos, habang nagniningning sag into ang kay Lucas... at sa unang pagkakataon ay nakita ko ang kaibang ningning ng mga mata ni Hua...Lilac.

Tanging sina Harper at Iris lang ang tumindig sa aming mga kababaihan habang si Kalla'y piniling magpalit ng anyo at pumatong sa ibabaw ng aking balikat. Si Claret ay naging higit na alerto at gumawa ng proteksyon sa paligid ko.

Nais ko man lumaban sa pagkakataong ito katulad ng mga nauna naming paglalakbay, alam kong nalalapit na ang limitasyon ko. At sisiguraduhin kong ang natitira kong lakas ay gagamitin ko sa piling ni Dastan, sa gitna mismo ng digmaang naghihintay sa amin.

Mariin kong pinagsalikop ang aking dalawang kamay at nanalangin na sana'y nakabalik na ang grupo nina Dastan at ng mga kapatid niya mula sa nakaraan.

Habang sabay ang pagaspas ng pakpak ng naglalakihang ibon namin sa himpapawid, unti-unting naglilinaw ang dami ng malalaki ring ibon na tila hinihintay na lamang ang aming pagdating.

Makakahinga na sana ako ng maluwag dahil malaki ang tiwala ko sa mga lalaking nasa unahan namin, ngunit malakas na kumalabog ang dibdib ko nang makakita ng hindi lang mga bampira at iba pang mga nilalang... kundi kapwa ko diyosa mula sa Deeseyadah.

Kailanman ay diyosa lamang ang makatatalo sa isang diyosa...

Narinig ko ang sunud-sunod na mura nina Rosh at Zen. Saglit akong napahawak sa tiyan ko bago ako akmang tatayo upang tumulong nang iharang nina Claret at Harper ang kanilang mga braso sa akin.

Si Claret ay tipid na napatingin kay Harper.

"H-Harper...?"

"I have a goddess blood too, right, Queen Leticia?"

Sabay napalingon sina Zen at Caleb na kapwa nakangiwi. "W-We have?"

"Kami lang ni Lily. I think the blood refused to mix with yours... I can handle Seth's group and my brothers. You can stay here, Claret with the Queen. Kalla, Iris... kayo na ang bahala kay Leticia."

Agad tumalon si Harper sa grupo kung nasaan ang mga kapatid niya na sinadya niyang banggain ang mga balikat at gumitna sa mga ito.

"Huwag kayong magulo. We're in a hurry, brothers."

Umawang ang bibig ko. Si Dastan lang ang Gazellian na nasisiguro kong higit na nakakaalam ng kanilang totoong pinagmulan, sa paanong paraan lahat ito'y nalalaman ni Harper na iniiisip ng lahat na munting prinsesa?

"Eh?" sarkastikong ngumisi si Rosh kay Harper. "No wonder Tobias..." umiiling na bulong nito at pinili nang hindi ituloy.

Lumingon na siya kay Claret at nagbigay ng espasyo rito katulad ng posisyon ni Harper sa kabila.

"Let's make this quick everyone. The cave is waiting for us to open, right, Queen Leticia?"

Tumango ako sa sinabi ni Harper.

"Can we show mercy, Queen Leticia?" muling tanong niya sa akin.

Dumiin ang tingin ko sa papalapit na mga diyosang may dalang napakaraming bampira at iba pang nilalang na alam kong hindi magbibigay ng kaunting awa sa amin sa sandaling ibinaba namin ang aming depensa.

Alam kong hindi ko na kailangan pang maglabas ng kapangyarihan, ngunit nais ko silang bigyan ng basbas at ipadama sa kanila ang kaunting kapangyarihan ko.

Unti-unti kong inangat ang isa kong kamay, kusang umikot ang liwanag sa paligid ko kasabay ng hanging may dalang init. Manipis na liwanag na tila gintong sinulid ang sabay-sabay tumapik sa kanilang mga likuran kasabay ng pagniningas ng aking mga mata.

Hinding-hindi ko mapapatawad ang panlilinlang at kalupitang pinaranas nila sa napakaraming nilalang ng mundong ito.

Lahat iyon ay ibabalik ko sa kanila.

Mas tumalim ang mga mata ko sa mga pamilyar na diyosang itinuri akong isang taksil, pangahas, sakim at kriminal.

"Sabay-sabay nating iaalay ang dugo nila sa harapan ng kweba. Wala kayong ititira." 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro