Chapter 35
Chapter 35
Paglalaho
Nang sandaling nagmulat ako ng aking mga mata, ang magkadaop naming mga kamay ni Hua ang siyang una kong nasilayan. Nanatili akong nakatungo roon ng ilang minuto, hindi ko akalain na sa simpleng pagdadaop ng aming mga kamay na iyon ay malayo na ang mararating ko. Na hindi lang pala pagsaksi sa nakaraan ang siyang gagawin ko, kundi mismong pagparte rito.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ako, si Dastan at ang kanyang mga kapatid ay may higit na parte sa nakaraan. Akala ko noo'y dahil lamang iyon sa kaalamang may natuklasan si Haring Thaddeus tungkol sa mga diyosa at sa pinagmulan ni Reyna Talisha, ngunit talaga palang higit pa roon ang partisipasyon ng magkakapatid na Gazellian.
Sila'y may malaking parte sa nakaraan na kailanman ay hindi nasulat sa kahit anong aklat, o maaaring ito'y binura na—
Unti-unting nag-angat ng tingin ang aking mga mata. Imposibleng hindi magkaroon ng kahit kaunting bakas ng mga Gazellian ng panahong iyon. Kahit gumawa ng paraan si Finn, mayroon pa rin maiiwan na maliit na bakas.
Ngunit bago pa lumabas sa mga labi ko ang sarili kong katanungan, nasagot na iyon ng aking isipan.
Haring Thaddeus.
Siya lamang at ang paglalakbay nila ni Danna ang siyang lumabas sa nakaraan at tanging nalalaman ngayong kasalukuyan. Si Diyosa Eda mismo ang nagsabi na hindi ang tulong nina Danna at Thaddeus ang kailangan niya ng mga panahong iyon. Ngunit kung hindi man direkta sa kanya ang hakbang na ginawa ng dalawa, nasisiguro ko na hindi sila basta na lang nagtungo roon na walang kontribusyon sa ikabubuti ng hinaharap.
Malaki ang posibilidad na nilinis na nina Danna at Haring Thaddeus ang maaaring bakas na iniwan ng magkakapatid.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Hindi ko maintindihan ang dapat kong maramdaman, nalulungkot, humahanga, nangangamba?
Lahat ay tila planado... plando ngunit ang katapusan ay kay sakit.
Huminga ako nang malalim. Mapait ang ngiti sa akin ni Hua na hanggang ngayon ay nakadaop pa rin ang kamay sa akin. Nasagot na ang lahat ng katanungan sa isip ko.
Hindi si Haring Clamberge ang siyang matinding kalaban ng Nemetio Spiran. Kundi ang mismong pinagmulan ko. Ang mundong inakala kong perpekto at habang buhay kong titingalain.
Nang sandaling saglit kong ipinikit ang aking mga mata upang balikan sa aking isipan ang lahat ng pinagdaanan ko sa nakaraan, lahat ng iyon ay kay linaw at kay sariwa. Alam kong hanggang ngayon ay nakikipagsapalaran pa ang natitirang magkakapatid na Gazellian sa nakaraan, ngunit nasisiguro kong sila'y magbabalik at magtatagumpay. Lahat kami'y sabay-sabay haharap sa digmaan dala ang aming pinakamalakas na sandata— ang isa't isa.
"Hua..."
Ngayon naman ay ako ang mapait na ngumiti sa kanya. Hindi ko akalain na ganoon kalaki ang magiging partisipasyon ko at ng mga Gazellian sa nakaraan... sa pitong matataas na trono, sa pagdiriwang, kay Diyosa Eda, at maging kay... natigil ang pag-iisip ko nang sandaling putulin iyon ng malakas na halakhak ng prinsipeng may pinakamalaki rin partisipasyon sa lahat.
Bago ako tuluyang humiwalay kay Hua ay mas dumiin ang pagkakahawak ko sa kanyang kamay. "Ipinapangako ko, Hua, lilinisin ko ang pangalan ng iyong hari. Ipinapangako kong isisiwalat ang totoong pangyayari sa nakaraan at wala nang iba't ibang bersyon ang kakalat sa mundong ito, kundi tanging ang bersyon ko lamang."
Lumambot ang ekspresyon ni Hua sa sinabi kong iyon. "Nangangako ako, Hua."
"Maraming salamat, Leticia... maraming salamat... mahal na reyna." Nangangatal pa ang mga kamay ni Hua nang dalhin niya ang dalawa kong kamay sa noo niya at marahan siyang yumuko sa akin.
Nang sandaling matapos kami ni Hua sa aming pag-uusap, saglit lang akong nagmasid-masid. Katulad ng aking inaasahan ay hindi man lang lumipas ang mahabang oras na wala ako, tila minuto lamang ang nawala nang sandaling naglakbay ako sa nakaraan at wala man lang kaalam-alam ang lahat.
Abala pa rin si Claret sa panggagamot kay Caleb at sa mga natitirang itinakdang prinsipe. Tanging si Rosh lang ang nakatayo na at nakapaywang na humahakhak na tila nanalo na naman sa kanyang pang-iinsulto.
Kung hindi ako nagkakamali ay kasama rin siya sa mga nakaupo sa ilalim ng puno at nanghihina bago ako naglakbay, o maaaring mas mabilis umepekto sa kanya ang panggagamot ni Claret?
"Shut up, Le'Vamuievos." Asik ni Caleb. Katabi na niya si Harper na kaunti na lang ay mauubos na ang pasensiya sa kapatid na walang tigil sa paggalaw.
"Can't you stop moving, Caleb?! You're not fully healed. Marami pa kayo." Sita niya sa kapatid.
Umiiling lamang sa ilalim ng isang puno ang nakaupong si Zen habang naniningkit ang matang nakatitig kay Blair na kasalukuyan nang ginagamot ni Claret. Habang si Blair naman ay sobra ang pagkakalingon sa ibang direksyon hindi lang masalubong ang titig ng prinsipe ng mga nyebe.
"I think I am fine, Claret..." nag-aalangang sabi ni Seth nang makita ang reaksyon ni Prinsipe Zen.
Tumigil sa pakikipagsagutan si Rosh kay Caleb nang lapitan na siya ni Kalla, saglit na napalingon sa direksyon ko si Rosh dahilan kung bakit tuluyan nang naagaw ang kanyang atensyon.
Ilang beses akong napalunok. Hindi ko alam kung ano ang siyang dapat kong maging reaksyon sa paghaharap naming ito na tila kay tagal na simula nang huli kaming nag-usap.
Si Hua ay nanatili sa likuran ko. Saglit ko rin sinulyapan ang mga anghel sa paligid, alam kong anumang oras ay maaari na silang magyaya sa amin patungo sa huling relikya, hinihintay na lang nila na tuluyan nang matapos si Claret sa kanyang panggagamot.
"Sigurado ka ba na hindi mo nais magsama pa ng iba?" tipid siyang sumulyap kay Hua.
"Not that I don't trust your ant. But—"
Gusto ko man anyayahan si Rosh, ngunit nasisiguro kong hindi papayag ang natitirang itinakdang prinsipe kung siya lamang ang siyang isasama ko. Nguni tang pinunong anghel na rin ang nagsabi na limitado lang ang siyang pwede kong isama.
Pansin ko ang pag-aalinlangan ni Rosh sa sasabihin niya, pero sa huli ay bumuntong hininga siya at tipid na lumapit sa akin.
"Matatanggap ko pang protektahan ang magagandang kababaihan ng Parsua, kumpara sa mga hangal na prinsipeng ito. Look at them? Injured, hopeless, weak and ugly. They're burden."
Hindi man lang hininaan ni Rosh ang sinabi niyang iyon dahilan kung bakit higit na nagwala iyong mga nakaupo sa ilalim ng puno.
"Fucking Rosh Le'Vamuievos!"
Naglabas lang ng pulang rosas si Rosh sa harapan ko at tipid niyang inamoy iyon na parang walang naririnig mula sa kanyang likuran. Gusto ko man siyang isama, hindi ko nais na sumama ang loob sa akin ng mga natitirang itinakdang prinsipe, at lalong hindi papayag ang prinsipe ng mga nyebeng maiiwan siya.
Wala akong nagawa kundi umiling. Halos hindi maipinta ang mukha ni Rosh at unti-unting nalagas at nagkulay itim iyong pulang rosas na hawak niya.
"Prfft..."
Asik na lumingon si Rosh kay Caleb. "You!"
Hindi ko na pinakinggan pa ang pagtatalo ng mga lalaking bampira. Lumapit na ako sa mga babae at itinanong kung handa na sila. Agad naman silang tumango. Tanging si Claret na nga lang ang siyang hinihintay namin.
"Mga kalahating oras pa, Leticia."
Sumulyap ako sa babaeng anghel na siyang pansamantalang namumuno sa grupo. Tumango lang siya sa akin.
Akala ko ay magagawa kong pakalmahin ang sarili ko, ngunit sa tuwing napapasulyap ako kay Rosh ay biglang bumabalik sa aking alaala kung paano ko pinadala sa mundo ng mga tao ang babaeng nakatakda sa kanya.
Noon pa ma'y binigyan ko na siyang liwanag at pangakong siya'y tutulungan kong matagpuan ang babae, ngunit sa pagkakataong ito na may higit akong nalalaman, nais ko iyong iparating sa kanya. Dahil hindi lang sakit, hinagpis at pangungulila nina Nikos at Hua ang siyang nasaksihan ko mula sa tulay ng temptasyon. Nakita ko rin iyon mula kay Rosh... sa prinsipeng ngayon ay malakas na tumatawa na tila walang dinadalang sakit.
Kasalukuyan na rin akong nakaupo sa tabi nina Kalla, Harper na humiwalay na kay Caleb at Iris.
"Malakas ang pakiramdam niya, Leticia. Alam kong kanina ka pa niyang napapansin na sumusulyap ka sa kanya. Bakit hindi mo siya kausapin? He'll die of curiosity." Bulong sa akin ni Kalla.
Hindi agad ako makakilos. Alam kong sa sandaling mukha na namin ang huling relikya'y mahihirapan na akong humanap ng libreng oras upang kausapin si Rosh tungkol sa mga nalaman ko. Ngunit hindi ko alam kung paano iyon sisimulan.
"Sa ilang minutong magkadaop ang mga kamay namin ni Hua'y malayo na ang narating ko...sa nakaraan kasama ng grupo nina Dastan." Agad napasinghap sina Harper at Kalla sa sinabi ko.
"A-Ano ang ginagawa nila sa nakaraan?" mabilis na tanong ni Harper.
"Iyon ang misyon nila."
Naglaho na ako sa panahong iyon dahil tapos na ang partisipasyon ko, ngunit naroon pa ang magkakapatid at nasisiguro kong may dapat pa silang gawin.
"May ilan akong natuklasan na hanggang ngayon ay halos hindi ko mapaniwalaan."
Pinagsalikop ni Kalla ang kanyang mga hita at niyakap niya iyon habang nakapatong ang baba niya sa kanyang tuhod. "Ganoon naman talaga ang nakaraan, Leticia. Halos hindi mo kayang paniwalaan... ngunit wala tayong magagawa kundi tanggapin, hindi ba?"
"But we can always change the present. Ang pangyayaring hawak at hahawakan pa natin." Ani ni Harper.
Tipid akong tumango sa kanya.
"At sa sandaling tayo'y magtungo sa huling relikya... ating mga kamay ang hahawak sa kasalukuyan at hinaharap ng Nemetio Spiran."
Sumulyap ako sa kalangitan. Maliwanag iyon dahil sa buwang nakasilip. Alam kong ngayo'y kapwa na kami nasa huling yugto ng aming paglalakbay ni Dastan at muli'y kami'y magtatagpo upang tuparin ang aming mga pangako sa buong Nemetio Spiran.
Tumayo na ako at tipid na pinagpagan ang aking kasuotan. Kailangan kong gamitin ng wasto ang libreng mga oras ko. Dinala ako ng aking sariling mga paa patungo kay Rosh na agad rin namang nakaramdam ng nais kong mangyari.
Pansin ko ang lalong pagtaas ng kanyang noo habang nakikipagsukatan ng tingin kina Zen, Blair at Seth. Bago pa makabuo ng konklusyon ang tatlo ay agad ko nang binasag iyon.
"Hindi ito tungkol sa pagsama sa aming mga babae, mananatiling iwan si Rosh. May kailangan lamang akong sabihin sa kanya."
Halakhak ni Caleb ang siyang nangibabaw na agad rin sinundan ng tatlong itinakdang prinsipe. Laglag ang balikat ni Rosh na sumunod sa akin sa paglalakad. Pinili ko sa hindi kalayuang puno tumigil, nauna akong naupo sa kanya at tipid na tinapik ang tabi ko upang siya ay maupo rin.
Bakas na ang pagtataka sa mukha niya ngunit sinunod niya ang kagustuhan ko.
"L-Leticia, I'm used to favoritism, but can't you tone it down? Naninibugho na sa akin ang mga inutil na iyon." Sabi niya na hindi tumitingin sa akin.
Alam kong isa ito sa mga paraan niya upang matanggal iyong tensyon sa paligid.
Tipid akong napangiti.
"Paumanhin ngunit hindi ikaw ang paborito kong prinsipe."
Marahas na napalingon sa akin si Rosh. "At sino? Ako ang higit na—" itinigil niya na ang dapat niyang sasabihin. "What is it, Queen Leticia? Matapos ang pag-uusap n'yo ng alaga mong langgam ay kakaiba na ang ikinikilos mo."
Huminga ako nang malalim at tipid kong hinawakan ang isa niyang kamay na nakapatong sa mayamang bermuda na siyang aming inuupuan.
"Sa ilang minuto naming magkausap ni Hua, Rosh, nagawa niya akong dalhin sa nakaraan. Doon ay nakasama ko ng saglit sa paglalakbay ang grupo ni Dastan."
Ilang beses siyang napakurap. "Bakit sa akin mo lang ito sinasabi?"
"Malalaman din nila ang bagay na ito mula sa kanilang mga kapatid. Ngunit hindi ako mapapakali kung hindi ko agad ito sasabihin sa 'yo. Ang ilang natuklasan ko..." wala akong balak sabihin sa kanya ang buong detalye sapagkat maaaring mabago ang kasalukuyan, ngunit gusto ko lang pagaanin ang kanyang kalooban.
"Is this about my m-mate?"
Biglang nawala iyong magaang awra ni Rosh, tila katulad ng kanyang pulang rosas kanina na bigla na lang nalanta at unti-unting naubos.
Dumiin ang pagkakahawak ko ng kanyang kamay bago ako tumango. "Now from the past? A news from the past?"
Tinanggal ni Rosh ang kamay kong nakapatong sa kanya. "Please, don't give me false hope, Leticia... not now." Mahinang sabi niya.
Agad kumunot ang noo ko sa kanya. "Ngayon?"
Sa pagkakataong iyon ay siya ang humugot ng malalim na paghinga. "Her name... it's slowly disappearing... bigla ko na lang nakakalimutan, Leticia. All I can do is to write her name daily on roses, leaves... or whisper it to every butterfly to keep reminding me... she's disappearing not just in my dreams."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro