Chapter 30
Chapter 30
Bulwagan
It's customary in this era to witness the symbolic performance of the most powerful goddess—Goddess Eda. It's the most awaited part of the celebration, and everyone was expecting that we'd be witnessing it at the end of the event. But the sudden changes of the traditional settings had flicked the curiosity and intrigue to different creatures around the Nemetio Spiran.
Hindi muna kami dinala sa likuran ng entablado. Dahil maging kaming mga tagapagtanghal ay binigyan ng pagkakataong masaksihan ng maayos ang magiging pagsalubong ni Diyosa Eda sa pagdiriwang.
I've seen different arenas from my timeline. I've received different invitations from different empires or even noble families to witness a grand celebration. Hindi na dapat bago sa aking mga mata at maging sa aking pakiramdam ang hinahatid ng kabuuan ng lugar na siyang nasisilayan ko. Ngunit ngayo'y tila hindi ako isang maharlika na sanay nang makakita ng mga ganito, not even a king who just showed his presence as a formality. Dahil ngayo'y nakikita ko ang sarili kong gumagala ang mga mata sa paligid habang papalapit sa bulwagan.
"How could they have this side? Kung hindi ako nagkakamali ay nasa dulo na ng matarik na parte ng lupa ang palasyo. Hindi ba't tubig na dapat ang nilalakaran natin? How come we exited from the palace and welcomed by this?"
Sa likuran kami ng palasyo lumabas. Tulad ng sabi ni Finn ay iyon din ang siyang unang katanungan ko, ngunit nang makitang may panibagong lupa kaming lalakaran at ngayon ay pataas, nasisiguro kong parte na ito ng kapangyarihan ng diyosa.
"Kapangyarihan niya ito..." usal ni Leticia na parang hindi na rin mapalagay sa nasasaksihan niya.
Goddess Eda is truly powerful. Dahil paano niya ito magagawa sa maiksing panahon? Lalo na't hindi lamang pangkaraniwan ang mga nilalang na ngayo'y maglalakad sa mismong kapangyarihan niya.
Kung kanina'y nakahilerang mga karwahe ang siyang patungo sa palasyo, ngayon nama'y halo-halong nilalang ang patungo sa napakalaking bulwagan gamit ang kanilang mga paa, nagliliwanag na mga lampara habang suot ang kanilang magagarang kasuotan.
It was like an elegant parade filled with hundreds of creatures. Ang mga tanyag at maimpluwensiyang pamilya'y agad makikilala hindi lang dahil sa gara at pareho nitong kulay ng kasuotan, dahil kapwa pa rin nakataas ang maliit na mga banderang simbolo ng kanilang bawat pinanggalingan.
Ang mga kamay kong nakasalikop sa aking likuran ay kusang kumuyom. Hindi ko mapigilan ang tensyon at kaba na nararamdaman ko. We're here. Naririto na talaga kami, sa panahon kung saan nagsimula ang lahat.
We're about to witness those historical creatures from the forbidden book about the forgotten Nemetio Spiran.
Habang patuloy kaming naglalakad ng mga kapatid ko patungo sa bulwagan, pansin ko rin ang kabang pilit nilang itinatago. Kung kanina'y nagagawa pa nilang tingnan ang bulwagan na siyang aming patutunguhan, ngayo'y tila wala na sa kanila ang nais pang tumingin doon.
The arena is screaming of intense power.
Kanina pang nauna si Albino na siyang sasalubong sa amin sa bulwagan at magbibigay ng impormasyong maaaring makatulong sa amin.
Saglit akong sumulyap kay Leticia, nanatili siyang lumulutang ngunit ang kanyang mga mata ay naroon pa rin sa bulwagan. Dahil sa sobrang bagal at dami ng mga nilalang na naglalakad patungo roon, nasisiguro ko na ilang minuto pa ang lilipas bago kami makarating sa loob.
Halos magkakadikit na rin ang mga balikat ng bawat magkaka-grupo dahil sa bagal ng usad ng pila.
"Kinakabahan ako, Dastan..." bulong ni Lily. Simula nang dumating kami rito'y pilit hindi ipinakita sa akin ni Lily ang takot, panghihina at maging pangamba niya, ngunit ngayo'y bukas niya iyong inamin sa akin.
"Ako rin..." ani ni Evan.
Habang si Finn ay tipid lang ang tingin sa unahan at si Casper ay nanatiling nakatungo. Alam kong ramdam din nila ang nararamdaman ko. Ang tindi ng kapangyarihan sa loob na maging ako'y mahihirapan tapatan.
Ngunit hindi na kami maaaring panghinaan ng loob o umatras pa. Narito na kami, ilang hakbang na lang sa kasaysayan. Nasa kamay naming magkakapatid hindi lang ang kasalukuyan kundi ang hinaharap ng Nemetio Spiran.
Ang dami ng nilalang, ang mabagal na usad ng pila at ang dilim ng gabi ang siyang nagtago sa unti-unting pagdadaop ng aming mga kamay. Inumpisahan ko iyon sa tipid na paghawak sa kamay ni Lily at marahang pagpisil doon, ngunit agad niya iyong sinundan nang hawakan niya ang kamay ni Finn, ganoon din si Finn kay Evan hanggang sa makarating iyon kay Casper. Sa kabila ng kaalamang tatagos lang ang kamay ni Leticia sa akin, sinikap niya rin ilapat ang kanyang kamay sa libre kong kamay.
And together, we silently walked towards our new battlefield.
Hindi ko binitawan ang mga kamay nila at ganoon din ang mga kapatid ko sa isa't isa hanggang sa magkarating na kami sa bungad ng bulwagan. Siguro nga'y kapwa kami nakakaramdam ng kaba at takot, ngunit sa kaalamang kami'y magkakasama unti-unti rin namin iyong nakakalimutan.
Bago tuluyang pumasok sa bulwagan ay binibigyan ng magandang pagbati ang ilang kilala at matataas na pamilya, ang mga matataas na politiko, ang ilang nilalang na bihasa sa kani-kanilang larangan at maging ang mga pamilyang pinagmulan ng mga kinikilalang mga bayani.
Huli na nang malaman namin na maging ang grupo na siyang magtatanghal ay bibigyan din ng saglit na pagpapakilala. Iyon ay dahil na rin sa gaganapin na pustahan ng matataas na pamilya at ng bawat kaharian bilang katuwaan.
"D-Dastan..."
Mariin akong papapikit sa tawag sa akin ni Lily. Kung wala rito sina ama at Danna, hindi ako makakaramdam ng alinlangan, ngunit ang pakakita nila sa amin dito'y maaaring gumawa ng komplikasyon.
"I think I can do something about our father." Ani ni Finn.
"Can you find them?" tanong ni Casper.
"I can make an illusion for them. I mean for father..."
"How about Danna?" tanong ni Lily.
Umiling si Finn. "I can't. Dahil iisa ang dugong nananalaytay sa amin ni ama, maaari ko iyong gamitin koneksyon at mamanipula ang makikita niya sa sandaling ipakilala tayo rito sa bulwagan. I can do it to the rest of the old Gazellians here. But not Danna..."
"I think Danna will not hinder us. Nagtama ang mga mata namin. She knew us." Sabi ko na umagaw sa atensyon nilang lahat.
Napamasahe sa kanyang noo si Evan. "I still can't get why they're here. Ibig sabihin matapos nilang matulungan ang diyosa ay bumalik sila sa mas maagang panahon?"
"Let's just trust Finn in this matter."
"Nasaan si Leticia?" nang marinig kong sabihin iyon ni Lily ay napalingon ako sa paligid. My goddess is gone. Ngunit sa kanila ng kaalamang iyon, hindi man lang ako nakaramdam ng takot.
Sa aming lahat, si Leticia ang higit na may kakayahang maglakbay rito at kilalanin ang sitwasyon.
"She's doing her job as a queen." Nang tipid kong sabihin iyon ay sabay-sabay silang tumango sa sinabi ko.
Sinisimulan na rin ipakilala ang mga naunang grupo sa amin, dalawang grupo na lang bago ang sa amin nang tumigil na kami sa pag-uusap sa aming isipan at kapwa na kami naging alerto sa atensyong ibibigay sa amin ng bulwagan.
Tulad ng inaasahan ay hindi lang basta pagpapakilala ang siyang mangyayari. We'll be giving the crowd a good teaser that will make them interested about our performance. Sunud-sunod iyong palakpak ng mga manunuod sa bawat grupo na natatapatan ng ilaw at yumuyuko sa kanila bilang pagggalang.
"This era is so lucky to witness the future king's performance." Ani ni Finn sa aming mga isipan na sinang-ayunan ng mga kapatid ko.
Hindi na muli nagsalita si Finn at nasisiguro ko na ngayon ay ang buong atensyon niya ay nasa mga Gazellian at kay ama upang mahadlangan ang pagkakakilala niya sa aming magkakapatid.
But our mind link is still connected with our similar heartbeats. Lalo na nang sinimulan na naming maglakad sa pangunguna ko. Hinayaan ko ang aking pulang unipormeng nakapatong sa aking balikat habang bahagya iyong nililipad ng hangin kasabay ng aking mahabang buhok.
"At ang susunod na grupo!"
Mabagal ang bawat mga hakbang ko, ganoon din ang hakbang ng mga kapatid ko sa likuran, ngunit ang tamang distansya ay pinanatili namin.
"The small thing that I can do to them...mahirap man tanggapin iyon..." huling sabi ko bago kami unti-unting lumalabas sa malaking anino mula sa labas at ngayo'y mabagal na niyayakap ng liwanag ng bulwagan.
But my sister, Lily, never agreed to it.
"No, My king. It's a big thing. You might not save them now, but their sons, daughters, their every bloodline will continue to live to the present until to the future... you will create a better world than this, peaceful, warm, and full of harmony that no king could ever have done, but only you."
Halos matigilan ako sa sinabing iyon ni Lily. At pinigilan ko na lang ang sarili kong lumingon pabalik sa kanya at yakapin siya ng mahigpit.
Pinagpatuloy ko ang aking paghakbang.
"Let the forgotten Nemetio Spiran have a glimpse of the most powerful King in the future..." dagdag ni Evan.
Hindi ko akalain na maging sa mga oras na ito'y magagawa pang palakasin ng mga kapatid ko ang aking loob sa kabila ng kabang kanilang nadarama. They're assuring me that they're just here, behind my back, looking up at me not just a king but a brother who needs his family.
"And soon, they'll realize before they took their last breath... that a King from a future came here, masked in different identity that saved their children, their family, and their bloodline..." ani ni Casper.
Unti-unti nang nag-angat ang mga ulo naming magkakapatid sa pitong trono na kasalukuyang nakatanaw sa amin mula sa itaas, habang si Diyosa Eda'y kasalukuyan nang lumulutang patungo sa gitna at pinakamataas na trono.
Si Finn ang siyang huling bumulong sa aking isipan.
"Sila'y walang katapusang magpapasalamat sa 'yo..."
Iyon ang siyang huling salita ng mga kapatid ko bago nila ako hinayaang ipakilala ang aming grupo sa pamamagitan ng pagpapakita ng saglit na silip sa aming pagtatanghal.
Siguro'y higit na epektibo kung ang magkakapatid na Le'Vamuievos ang narito sapagkat ang larangang ito'y nananlaytay sa kanilang pamilya, ngunit sa pagkakataong ito'y may masasabi akong ipagmamalaki kay Tobias.
Dahil ang dragon na siyang kanina'y sumalubong sa amin sa labas na siyang ginamit ng mga diyosa upang pigilan kaming makapasok ay siyang ginamit ko.
Not its real version, but its replica from my own power.
Sabay-sabay napatayo ang pitong nakaupo mula sa matataas na trono at kapwa sila napatingala sa itinutuon ng isang palad ko sa ere. The open sky dome, the hundreds... thousands of witnesses was all looking up.
Ang malakas na pagaspas ng pakpak ng dragon na gawa sa liwanag na tila ang ginto ang higit na nagpaliwanag sa buong bulwagan.
This opening might be bold and can bring immediate suspicion, but in this world, nothing is impossible from performers like us, we can create great illusions and some forbidden acts as entertainment.
Maskarang hindi nila aakalaing nagtatago sa isang buong pamilya.
Ang dragon na kanina'y handa kaming kitilin ng mga kapatid ay ngayo'y sumusunod sa aking pinag-uutos. It wasn't really the dragon, but my phoenix trying to replicate the dragon against her will. Nagkaroon pa kami ng pagtatalo sa aking isipan bago siya pumayag.
But this move is not to prove that a dragon is more powerful than a phoenix, but a bold message to the evil goddesses that I defeated their first attempt to stop me. And I am using it high and proud to mock them.
That I can summon a dragon, I can show the light without erasing the memories of the witnesses, that the king they choose to kill is not a coward.
Iisa-isahin ko silang tapusin mula sa nakaraan, kasalukuyan at hanggang sa hinaharap.
Halos yakapin ng gintong dragon ang kabuuan ng bulwagan, ngunit nang sandaling ibuka nito ang kanyang bunganga, hindi apoy kundi gintong alikabok ang sinalubong ng buong bulwagan.
Pormal akong yumuko sa harapan ng humahangang pitong trono habang nakahawak ang isang kamay ko sa aking dibdib. Maging ang titig ni Diyosa Eda'y matindi ko ring nararamdaman.
Unti-unti akong tumuwid ng pagkakatayo at taas noong humarap sa kanila.
"Isang karangalan ang magtanghal sa inyong harapan."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro