Chapter 27
Dedicated to Javen Sotelo
Chapter 27
-- HARI --
Pagbati
All eyes were fascinated not just by the illusion that they believed to be a part of the show, but the confidence and elegance of the performers in front of them.
Nawala man sa paningin nilang lahat ang malaking dragon na siyang mistulang siyang naging kalaban ng pagtatanghal, sa mga mata naming magkakapatid ay naroon pa rin sa himpapawid ang tatlong imahe ng mga diyosang unti-unti nang naglalaho. But their eyes were still alive and burning us.
The thousands of phoenix on the night sky slowly turned back to its original size, flapped its wings elegantly before it flew down to me. My hand automatically lifted-up to welcome my King's form.
My siblings' gave me distance and stepped down with their heads down at my back. I stood straight even with the wind intensifying as the strength of the huge bird overwhelmed us.
Tanging ang aking nakapusod na buhok at ang nakapatong na pulang kasuotan ang siyang natinag sa presensiya ng ibon.
And when its beak touched my palm, and the legendary bird had its own version of a bow to its master, I knew right at that moment that fate gave me the best King's form.
I am a golden phoenix. I can be the light and the power.
Paraan na iyon ng kanyang pagpapaalam. Hindi ko na kinailangan pang maglabas ng mga salita dahil kusa na rin naglaho sa harapan ko ang makasaysayang ibon.
Kahit si Leticia ay bumalik na muli sa dati niyang kaanyuan. My untouchable goddess. Pero nanatili nang nakayakap sa akin ang usok niyang katawan.
"What's happening?" tanong ni Lily.
Kung mga gintong alikabok ang makikita sa mga oras na ito, iisipin ko na galing ito kay Leticia, but this time is a different dust.
"Silver dust..."
"They are trying to tamper the audience memories." Ani ni Casper.
"Hindi sila nagtagumpay na harangan tayo at magkakaroon ng komplikasyon sa loob kung makakapasok sa kanila ang impormasyong may nangyaring ganito. Of course, they will corrupt their memories." Dagdag ni Evan.
"The problem here is... what if the enemy goddess from the past and present will join force?" tanong ni Evan.
"I don't think they are willing to change the present right now. They are here to stop us to dig and discover deeper. Dahil kung gusto nilang may baguhin sa nakaraan, matagal na nilang ginawa iyon. They're all capable of travelling in the past. Samantalang tayo'y bihira lang ang may kakayahan niyon..." I almost said in whisper the last few words.
Danna is still a sensitive topic to us.
Ang gintong daan na mismo ni Leticia ang siyang nagdala sa amin sa harapan ng malaking arko ng palasyo.
Casper showed to the royal guards our performers' invitation. Bago kami tuluyang pinapasok, saglit akong sumulyap sa likuran. The queue of the hundreds of carriages is now at last moving.
We were greeted by a series of torches from the aisle towards the huge door of the palace. I thought I'd just see this in a history book, but here I am, walking straight into it.
Hindi lang simbo ng may apoy, mga lampara at mga kawal ang nagkalat sa paligid habang tahimik kaming magkakapatid na naglalakad patungo sa palasyo. We were used to grand welcome with swords, trumpets, our flags and the cheer of our disciples, but now we're just the guests... no the lowly performers.
Nawala na ang presensiya ng mga diyosa ngunit higit kaming naging mga alerto ng mga kapatid ko. Evan was right, there's a possibility that the enemy goddesses will join force to stop us.
At sa sandaling kumilos muli sila higit kaming mas mahihirapan. How could we prove that they're guilty if they suddenly stripped our identity and announced to this timeline that we came from the future?
Siguradong buong Nemetio Spiran ang tatapos sa buhay naming magkakapatid.
We couldn't just explain to them our knowledge and we will end up as the laughing stocks of this celebration. Saglit akong sumulyap kay Leticia, I trust my mate.
Siya ang bumuo ng mga plano sa sandaling pumasok kami rito sa palasyo. All we need to do is to follow her and trust her every decision. After all, she's the only one who's truly capable of defeating the goddesses. Lalo na't saka lang tumatalab ang kapangyarihan namin sa kanila sa tuwing nahahaluan ng kanyang kapangyarihan.
When an old vampire welcomed us, Casper immediately showed our performers' invitation again. Hindi kami pinadaan sa unahan ng palasyo, we were led to the back entrance.
Nagkibit-balikat lang si Finn. Naunang sumunod sa matanda sina Lily at Casper, sumunod sa kanila si Finn, hinayaan akong mauna ni Evan habang siya ang nasa pinakahuli.
Samantalang si Leticia ay nanatiling nakayakap at lumulutang sa aking balikat. Mas maliit na bakal na pintuan ang siyang sumalubong sa amin. I heard Finn whistled that made Lily glared at him.
Saglit lang lumingon sa amin ang matandang bampira, ngunit napansin ko ang pagtagal ng titig niya sa akin.
"There's no way she'd notice us, right?" Leticia just nodded.
Nang sandaling buksan ng matanda ang itim at maliit na bakal na pintuan, kadiliman ang siyang sumalubong sa amin. The only light that welcomed us was the old lamp hanging on the wall. She held the lamp and pushed it towards the darkness. It's a narrow hallway that would lead us somewhere.
Hindi na kami bagong magkakapatid sa parteng iyon ng palasyo dahil ilang beses na rin kaming dumadaan sa ganoong klase nang sandaling ikulong namin si Zen sa ilalim ng palasyo.
Lily and Casper confidently stepped in an instant, followed again by Finn and his whistling, me and Leticia's invisible smoke and Evan.
Muli'y ang aming mga yabag ang siyang namayani sa buong pasilyo na sinasabayan ng paggalaw ng lamparang napupuno na ng kalawang.
"Hindi ko akalaing may mga bampira pa ring pinipiling ibaba ang kanilang mga sarili. Bakit sa lahat ng propesyon ay manananghal?" sarkastikong tanong ng matandang babae.
Of course, our kin were believed to be the highest. Pinaglilingkuran at sinasamba ibang nilalang. Kahit sa nakaraan na maayos pa ang Nemetio Spiran ay karamihan pa rin sa mga bampira ay ganito na ang paniniwala.
Siguro' sa panahong ito'y talagang kahihiyan kung isa kang normal na bampira at naglilingkod lamang sa ibang nilalang.
Kahit nasa likuran ako'y hindi ako nagkakamaling naglalabasan na ang mga ugat malapit sa mata, ang mga pangil at matatalas na kuko ng mga kapatid ko para kitilin ang matanda.
She didn't even know that our eyes were now glowing in blood red, brighter than her old lamp.
Nakaangat na iyong isang kamay ni Lily at mahahaba na ang kuko niya, pero nang sandaling tumikhim ako ibinaba niya iyon. Lumingon sa amin saglit ang matandang bampira at mabilis bumalik sa itim ang nagkukulay dugo naming mga mata.
"Sa tingin ko'y higit na magandang tingnan ang kamay ng isang bampira kung ito'y may dalang instrumentong pang-musika at hindi espadang punung-puno ng dugo." I said in my lively voice. A cover-up as a leader with a light and friendly personality.
The old vampire woman laughed with my statement. Finn laughed together with her sarcastically. Pero natigil din iyon nang mapansin niya ang titig ko sa kanya mula sa likuran.
"Mas pinipili n'yo ang magtanghal kaysa maging mandirigmang mga kawal?"
"May kaibahan ba ito? Lahat ay nagsisilbi sa pitong trono. May bahid man ang mga kamay ng dugo o wala." Sabat ni Lily.
Natigil muli ang matandang babae at saglit naningkit ang mga mata niya kay Lily. Huminga ako nang malalim at malawak na ngumiti sa matanda.
I saw how Finn, Lily and Casper grimaced with my performance. "Paumanhin sa asal ng aking mga kapatid. Sa katotohanan ay hindi kami natanggap sa pagsusulit na pisikal bilang maging kawal ng palasyo. May kakulangan ang aming mga kakayahan..."
Muli'y natawa ang matanda at nanunuya niyang sinipat ang kabuuan ni Lily at saglit na sumulyap sa mga kapatid ko.
"Mabuti at marunong ng mabuting asal ang inyong panganay nga ba?" tumango ako at ngumiti.
Saglit lumapit sa akin ang matanda at marahang tinapik ang aking pisngi. "Ika'y may angking kakisigan, sabihin mo lang sa akin kung nais mo ritong magtrabaho sa palasyo."
"A-Anong—" hindi ko man nararamdaman ang yakap ni Leticia sa akin, nakikita ko ang pangangatal ng braso niya.
Tipid akong yumuko at ngumiti sa matanda. "Isang karangalan..."
Finn immediately opened our links together. "This is getting nauseous..." reklamo niya.
"I want to kill her." Dagdag ni Lily.
"Why the friendly leader?" tanong ni Evan.
"Y-Your Majesty is amazing..." humahangang sabi ni Casper.
When the old vampire turned her head in front again, our eyes glowed in anger again. Ngunit higit na nagningas ang mga mata ni Leticia na gumagawa ng gintong liwanag.
"A-Ano iyon?" marahas na lumingon pabalik ang inutil na matanda.
But she seemed fascinated with my handsome face, so I smiled friendly at her. I blinked at her innocently.
Ilang beses siyang kumurap at nanghihinalang muling bumalik sa paglalakad. And our eyes returned to red again and about to murder her in any moment.
Mahaba at madilim na pasilyo ang siyang tinahak namin hanggang sa salubungin kami ng isang malawak at pabilog na silid. Ngunit sa halip na ang mataas na kisame nito at ang nag-iisang maliit na bintana ang mas bigyan namin ng atensyon ay mas natuon ang aming mga mata sa iba pang nilalang na naroon.
The other performers with their different uniform.
"Hindi ba't si Diyosa Eda ang unang magtatanghal?" tanong ni Finn sa aming isipan.
"Probably a change of schedule?" sagot ni Evan.
Pinili namin ukupahin ang sulok na parte ng silid habang nakasunod ang mga mata ng ibang manananghal sa aming magkakapatid.
Iba't ibang grupo ng nilalang, may ibang may iisang lahi at mayroon din na halo-halo sa ibang grupo, ngunit ang natatanging grupo ay sa aming magkakapatid dahil kami lamang ang mga bampira.
"Why do I have this feeling that we're not just about to fight those goddesses but to compete in these groups?" tanong ni Finn.
"Don't focus with them. Hindi sila ang kalaban, Finn. Just like that idiot old vampire, it's very unusual for us to enter as performers. We're vampires and prideful. Is this really a good idea?" tanong ni Casper.
Halos lahat sila ay tumingin sa akin. I was about to give them a good answer when someone interrupted us. Agad binigyan ng daan ng mga kapatid ko ang paparating, nawala ako sa pagkakasandal sa pader at inilabas kong muli ang aking pekeng ngiti at mainit na pagsalubong.
"This light and friendly personality doesn't suit you really, Dastan. I am having goosebumps." Reklamo ni Finn.
"Shut up, Finn. You know... I am quite enjoying it." Lily answered in humor.
"I don't think so..." sagot ni Evan.
"He's amazing..."
Hindi ko na pinansin ang pagtatalo ng mga kapatid ko sa aking isipan at hinarap ko ang nilalang na nasisiguro kong kinikilala na ang aming grupo.
"Akala ko ay hindi totoo ang narinig ko kanina lang, ngunit nakakagulat ngang may grupo ng mga bampirang mananaghal. Albino Rigidon." Inilahad niya ang kanyang kanang kamay sa akin.
A merman in his other form.
"Natad Galleon." Pakilala ko.
"Oh..."
"We're Galleons now."
"Oh shit! We should think of our cool names!"
And the idiots suddenly forgot our situation.
"We can hear you, Dastan!"
I took his hand and I felt the intense grip from him. It was a symbol of rivalry. Ngunit sa halip na patalimin ko ang aking mga mata sa kanya, mas naningkit lamang iyon dahil sa malawak na ngiting ibinibigay ko sa kanya.
"Sa sobrang lawak ng ngiti ni kamahalan, I have this feeling that I'll have my heart attack within a moment. This image of him is so..."
Hinayaan ko siyang unang bumitaw sa magkadaop naming mga kamay. "Hindi ko nais ang ngiti mo, huwad at mapanlinlang."
Natigil sa pagtatalo ang mga kapatid ko sa aking isipan at alerto silang humakbang malapit sa akin. Agad kong ibinaba ang kamay ko at binalaan silang huwag lumapit.
"Kung ganoon ay isang karangalan ang magkaroon ng katunggaling hindi inutil." Nawala ang ngiti ko at diretso ko nang sinalubong ang kanyang mga mata.
Sarkastiko siyang ngumiti sa akin, namulsa at kusang yumuko upang bumulong sa akin.
"Nakaamoy ako ng ibang panahon, bampira."
Saglit akong natigilan. Narinig kong suminghap si Leticia ngunit hindi ako kumurap. My siblings couldn't move as well.
I remained composed and looked straight into his eyes. Muli'y ibinalik ko ang aking mapanlinlang na ngiti at nagkibit balikat sa kanya.
"Sana'y may ganyan din akong kakayahan." Sa pagkakataong iyon ay ako ang humilig sa kanya upang ako'y makabulong.
"Nakakaamoy ako ng pagta-traydor, Albino Rigidon Quazello."
I saw how his eyes widened in surprise. He is the unnamed illegitimate child of the Quazello family. The family where Cathan Quazello came from, the merman of the seven high thrones.
In this time travel, I am not just armored with power on the battlefield. I got knowledge. I've read thousands of books before I sat on the throne and claimed myself as the king.
I knew you through pages, Quazello.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro