Chapter 24
AN/ Hi, angels! If you want to feel more about this chapter, you can try to hear the video I've posted above. I listened to this song while writing the chapter and the feeling was so overwhelming! Huhu. I hope you enjoy this chapter the way I enjoyed writing it! Huhu. Sobrang sarap sa feeling magsulat ng Gazellian Series! Supeeer sasabog sa feels. I hope you'll feel my emotions too! Thank you so much! Happy reading!
Chapter 24
HARI
King of the Light
Buong akala ko'y ang apoy na yumayakap sa malaking dragon ang siyang higit na magliliwanag sa mga oras na ito. Ang tindi ng init at ang dala nitong kapangyarihan na siyang nararamdaman ng mga matang ngayo'y humahanga mula sa ibaba ang siyang dapat ngayo'y nag-uumapaw, ngunit nang sandaling magningning sa aking mga mata ang makasaysayang nilalang na hindi ko akalaing magmumula sa akin...
Hindi ko masukat ang nararamdaman ko, matinding tuwa? Galak? Pagkagulat?
My King's form is a phoenix.
A golden phoenix...
Sa buong buhay ko iilan lamang ang nalalaman kong kulay ng apoy. Pula kawangis ng dugo, asul mula sa isang diyosa at maging ang kulay ng abo mula sa isang pagtataksil. Ngunit ang makitang ang panibagong uri ng aking simbolismo'y may kakayahang maglabas ng sariling apoy...
Akala ko'y hindi kailanman magkakaroon ng kulay ang hangin, ngunit sa bawat banayad na pagaspas ng pakpak ng makasaysayang nilalang, tila ang hangin ay nagiging ginto.
Wala sa sariling naglandas ang mga daliri ko sa gintong sinulid na nakakonekta sa puso ko habang ang aking mga mata'y nananatiling humahanga sa makasaysayang ibon sa himpapawid.
From the Tree of Light that symbolizes my life and authority...
The Sword of Light that symbolizes my endless power...
To Goddess of the Moonlight that owns everything of me...
And now, a legendary creature that ignites light... a golden light of fire.
Apoy na kulay ginto.
Muli akong napatitig sa tuktok ng makasaysayang ibon, halos hindi ko na makita ng maayos ang kabuuan ni Leticia dahil tila humalo na siya roon, maging ang mga kapatid ko sa iba't ibang parte nito'y tila naglalaho na ang mga katawan.
"Ama..." wala sa sariling nausal ko.
Hindi ko maiwasang hilingin na sana'y narito siya at nakikita ang nasa harapan ko. Ang kasagutan sa kanyang tanong... ang kasagutan sa palaisipang iniwan niya sa akin noon.
Hindi ko akalain na si Leticia at ang mga kapatid ko ang sasagot sa matagal nang katanungang iyon.
How did Leticia discover? Matagal na kayang alam ng aking diyosa na mayroon ako nito?
Does it mean that every King has? Alam kong hindi ito ang tamang oras upang isipin ito, ngunit minsan kaya'y ipinakita sa amin ni ama ang sa kanya?
Muli akong napayuko ako sa gintong sinulid na nakakonekta sa dibdib ko. The golden string feels so warm.
Sa paglalakbay na ito ang siyang unti-unting humuhubog sa amin ni Leticia upang higit na maging karapat-dapat na manungkulan sa buong Nemetio Spiran. Our every obstacle serves as a realization... na dadalhin namin sa mga taong mauupo kami sa trono.
This journey made me realize that I can bring out the best of me with my goddess beside me.
What will happen to me without you, Leticia, my Queen?
Ikamamatay ko... mahal ko.
Nang nag-angat akong muli ng tingin sa itaas, mas lalong tumaas ang lipad ng makasaysayang ibon, mas lumapad ang malaki nitong pakpak na nasusundan ng gintong apoy habang patuloy pa rin ang paglutang ng mga maliliit na bilog na liwanag mula sa iba't ibang parte ng lugar.
How could a battle look so perfectly beautiful?
Nasanay ako'y pawang dugo at ang sandata lamang ang nakikita sa gitna ng labanan. Ngunit ipinakilala sa amin ni Leticia ang paraan niya ng pakikipaglaban.
Nakamamangha...
The vast land with a series of tall wild trees covered by the darkness of night should be the arena of this farce performance, and the only source of light was the moonlight and the lit lanterns from each carriage. But Leticia and her power that brings out the best of anyone's ability made every part of this place as an art... a masterpiece.
From the golden beads floating from everywhere like rains of showers dripping oppositely, the warm wind with the dust of gold, the glittering strings of our connection, and lastly, the flying bird above us, elegantly flapping its golden wings.
A war filled of gold...
At tanging si Leticia lamang ang may kakayahang gumawa niyon. My mate, my goddess... my only Queen.
Akala ko'y higit na malaki ang dragon sa masaysayang ibon, ngunit nang sandaling ipakita nito ang kanyang kabuuan sa kalangitan, hindi lang ang mga manunuod sa ibaba ang halos matulala.
It's huge... beautifully huge and powerful.
"Kasing laki ng puso ng hari, mahal ko..." rinig kong bulong ni Leticia sa akin.
Hindi ko na nagawang makasagot sa aking diyosa. Dahil ang marinig ang boses niya sa aking isipan... ay tila umuubos na sa mga salitang nais kong sabihin sa kanya.
Leticia's my power and my weakness.
Inaasahan kong mananatili siyang naroon sa tuktok ng ibon, ngunit nang makaramdam ako ng mainit na usok sa buong katawan ko... pinilit ko ang sarili kong huminga ng maayos.
Why is it always like this?
Leticia's effect on me never seizes to weaken. Para akong mababaliw at hindi mapalagay, nahihirapang huminga at halos hindi ko mapakalma ang kabog ng dibdib ko.
It's just that I am a Gazellian, and I am good at hiding and pretending because if I didn't try to suppress her intense effect on me, I might look like a fool like my brother Zen.
But her every touch, whisper, the way she calls my name, our endearment, her smiles... I want to bring back the time when we were near my golden tree, inside the broken carriage... our room and own her in different way.
A King lusting his Queen isn't bad... in the middle of the war...
Sarkastiko akong napatawa sa sarili ko at marahan kong minasahe ang noo ko.
"Nababasa ko ang isipan mo, mahal ko..." magiliw na boses ni Leticia ang narinig ko.
"You did?" I asked with a small smile on my lips.
Hindi na sumagot sa akin si Leticia.
But I felt a golden smoke that slowly curling around my body, a mixture of Leticia and Lily's power.
Buong akala ko'y mananatili lang iyong gintong usok sa katawan ko, ngunit mas nagningas ang aking mga mata nang magkaroon iyon ng hugis.
When I turned to see my goddess, I saw her in a spirit form again, but with more golden dust and lingering smoke around her. Her hair was fluttering together with her golden dress, but what made me feel overwhelmed was the new ability of her form.
Touchable...
Mas nararamdaman ko na ang mga haplos ni Leticia.
Nawala na ang puting kabayong sinasakyan ko at ngayo'y nakatayo na ako sa gintong daan. Ang usok na katawan ni Leticia'y nanatiling nasa likuran ko habang ang mga braso niya'y nakayakap sa mga balikat ko.
I could feel her softness and warmth.
Habang siya'y lumulutang na nakayakap sa likuran ko, bahagyang nakahilig ang mukha niya sa mukha ko sa aking kanang balikat.
Ngayo'y hindi lang ang mga mata kong nagniningas ng kulay dugo ang mariing nakatitig sa dragon at sa mga diyosang ngayo'y unti-unti na muling nagpapakita mula sa noo ng malaking nilalang.
Dahil kapwa na nagniningning ang mga mata namin ni Leticia... ang sa akin ay kulay ng dugo at sa kanya'y ginto.
"Mahal ko..." usal niya.
Akala ko'y mananatili roon sa itaas ang tingin ko ngunit isang bulong lang ni Leticia sa akin, agad akong napalingon sa kanya. Kusang umangat ang kanang kamay ko at masuyo kong hinaplos ng likuran ng aking kamay ang pisngi ng aking diyosa.
Hinayaan kong sumayad ang tungki ng ilong ko sa pisngi niya.
"Tell me what to do, My Queen." Bulong ko na may kasamang higit na pagniningas ng aking mga mata.
Ramdam ko ang mas paghigpit ng braso niyang nakayakap sa akin.
"Tell me what to do... susundin, mahal ko..." mas mahinang bulong ko sa kanya.
"D-Dastan..."
I know that this isn't the right time to do this. Ngunit alam ko sa sarili kong mauunang matatapos ang buhay ko sa dragon kung hindi ko magagawang angkinin ang labi ng aking minamahal na reyna.
With her golden arms around my shoulders, her hair fluttering in the wind and her eyes screaming of possession... our lips satiate our long-time hunger.
Nawala ang pagkakayakap ni Leticia sa akin at lumutang siya sa harapan ko. She delicately placed her palms on the sides of my face as we slowly closed our eyes together.
And then...after all the hardships, conflicts, heartaches... I felt the warmness, home, and endless happiness...
I am always yours, My Queen.
We're in the middle of the war yet I allowed my eyes to close it slowly, and made myself unprotected to feel her soft lips into mine.
"Kill them, My King..." she whispered between our kisses.
"As you wish, My Queen." Bulong ko sa malapit sa labi niya.
"Come on! Kissing in front of us!" malakas na sigaw ni Finn mula sa itaas.
I arched my brows. Buong akala ko ay hahayaan na lang talaga nila akong manuod sa labanang ito. It turned out that they just allowed me to figured it out what was my real role.
Sa isang iglap ay nawala ako sa pagkakatayo sa gitna ng gintong daan at hinayaan ko ang sarili kong tuwid na nakatindig sa tuktok ng makasaysayang ibon.
Mas lalong lumawak ang nag-aapoy nitong gintong pakpak at mas tumindi ang hampas ng hangin dahil sa bawat pagaspas nito.
When the dragon roared... emotions of fear, panic and protectiveness overwhelmed us.
"Let's finish this, Leticia."
Humiwalay siyang muli sa akin at muli sumanib sa makasaysayang ibon. The phoenix suddenly had a fire crown when Leticia entered its form again.
I drew my sword using my one hand and made a half moon form in a very slow motion. My eyes now were not just red as blood... but gold as light.
My golden phoenix siren its beautiful voice, and it burns not just power, light, fire... but hope and new beginning.
I will create a new world filled with endless warmth and light.
Who am I again?
I am just King Dastan Lancelot Gazellian. The King of the Light.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro