Chapter 23
Chapter 23
King's form
"Does it hurt?" tanong ni ama nang makita niya ako sa ilalim ng puno.
Kanina pa akong nakasandal doon habang iniinda ang hapdi at kirot mula sa huli niyang atake. Kaiba sa mga pinsala at sugat na natatamo ko mula sa ibang bampira, higit na malaki ang epekto ng mula sa mga atake ni ama.
Maybe because he's the king or because his unique power. Ano nga ba ang magagawa ng katawan ko mula sa makapangyarihang bampirang katulad ni ama?
Hindi na ako magtataka kung malalaman ko na wala pa sa kalahati ng kapangyarihan niya ang kanyang ginagamit sa tuwing sinasanay niya kaming magkakapatid.
Huli na bago ko naibaba ang kasuotan ko at itago ang sugat sa aking braso.
I don't want him to see me in my weak state. Lalo na at halos araw-araw niyang ipinapaalala sa akin na kailanman ay hindi ako dapat magpakita ng kahinaan mula kaninuman.
Ngunit nahuli pa rin niya ako... napapailing na ako sa aking isipan. Kahit nakita niya na ang sugat, pinili ko pa rin tanggalin ang pagkakalilis ng aking kasuotan, pinilit kong hindi mapapikit nang saglit na lumapat ang kasuotan ko roon.
"Hindi na." Pagsisinungaling ko.
Naupo na rin si ama sa ilalim ng puno at sumandal doon katulad ko.
Wala sa sarili siyang napatingin sa taas, kung saan payapa ang mga ulap, banayad lamang ang sinag ng araw at nagliliparan ang mga ibon. Ngunit sa halip na sa kapaligiran ako mapatitig, ang aking mga mata'y napako sa aking minamahal na ama.
I want to be like him someday... most respected king, powerful, hailed...
Nang sandaling humimig siya sa mapapagitan ng mahinang pagsipol, ang kaninang mga ibon na lumilipad lamang sa saliw ng malamig na hangin ay ngayon ay tila mga gamo-gamong nakakita ng kaakit-akit na liwanag sa dilim.
Dahil sila'y unti-unting nagliliparan sa ilalim ng puno.
Hindi mawala ang mga mata ko kay ama at ang tanging naririnig lamang ng aking mga tenga ay ang banayad na musika mula sa kanya...
The wind blew, the leaves rustled, both of our long hair flutters, the chirping birds overjoyed, and my heartbeats overwhelmed with the peaceful sight in front of me.
How could my father shift his ambiance from a warrior igniting with power and fierce to a peaceful king with the innocence of birds and mellow music around him?
I will never get used to my father's different version... from a King, a friend, a father, a warrior...
Na sa kabila ng mahirap na pagsasanay kasama siya, ng mga kapatid ko... ibang klase pa rin ang pakiramdam na ipinadadama niya sa akin sa tuwing katabi ko lamang siya.
It was just his simple presence... but the happiness inside me is so overwhelming...
"A-ama..." wala sa sariling usal ko habang nakatitig sa kanya.
Nakaangat ang isang kamay ni Amang Hari habang nakahapon ang isang maliit na ibon doon. Bilang isang dugong bughaw, sinanay kaming tawagin ang mga magulang namin sa pormal na paraan.
Sa katunayan na minsan lang namin sila tinatawag ng mga kapatid ko na ama o ina. Kaya sa tuwing tinatawag namin sila sa paraang iyon ng biglaan... agad naming nakikitang magkakapatid ang kislap ng kanilang mga mata.
Agad napalingon sa akin si ama. Ilang beses siyang napakurap habang nakatitig sa akin. Sa aming magkakapatid ako ang pinakatipid sa pagtawag sa kanya ng ganoon.
I am the eldest. I should follow the royal rules, kahit walang mata ng aming nasasakupan.
Biglang lumipad ang maliit na ibon mula sa kanyang kamay at nanatiling magkatitigan ang aming mga mata.
"A...ama..." ulit ko.
Unti-unting lumapad ang ngiti niya sa akin dahilan kung bakit nag-iwas ako ng tingin, wala sa sarili kong inililis pataas ang aking kasuotan upang ipakita ang sugat na natamo ko mula sa kanya.
"Y-yes... I am hurt. I am sorry."
Nanatiling tahimik si ama ngunit ramdam ko na nasa sugat ko ang kanyang mga mata. I wasn't expecting that he'd do something about it... but when my father pulled me towards him and pressed my face on his chest while patting my head, I knew right at the moment that I did the right thing.
"I thought you'll never..." halos hindi makapaniwalang sabi ni ama.
"It's you who told me that I shouldn't show any—"
"During war! Of course, son! But if you're in front of your father... tell me everything! You are so different from your brothers and sisters! Puro reklamo sa akin ang mga kapatid mo, but you..."
Tinanggal ni ama ang pagkakayakap sa akin, ang isang kamay niya'y nasa balikat ko habang marahan ang isa kong balikat para hindi ako masaktan.
I averted my eyes. "I am the eldest."
"And? You are still my son!"
"I can't heal fast..." pag-iiba ko ng usapan. I slightly moved my injured arm.
Mas lumapit sa akin si ama at pinagmasdan niya ang sugat ko. "Hmm... should I kiss it to remove the pain, son?"
I rolled my eyes. "You are just like Caleb."
He chuckled. "I am kidding. I have something here..." ipinasok ni ama ang kamay niya sa kasuotan niya at may kinapa siya roon. Hanggang sa may ilahad siya sa akin mula sa palad niya.
A white pill.
"A medicine?"
"Enchanted..." usal niya.
"From?"
"A friend..." kibit balikat na sabi niya.
I was about to say something when he immediately put the pill inside my mouth. "Swallow it, Dastan."
Naniningkit ang mga mata ko sa kanya habang tinutunaw ko iyong gamot na ibinigay niya sa akin. Aside from being a great leader, a warrior, a strategist... there is also a version of him that I like less...
He's childish.
"Let me see..."
"What? Seriously, father... you're being Caleb again."
Bago ako pa humiwalay sa kanya, hinawakan na ni ama ang mukha ko. He forcefully opened my mouth to see the pill, lumawak ang ngisi niya.
"Good boy." He patted my head.
"Come on..."
Akala ko ay makakatayo na ako at maiiwanan ko na si ama nang biglang umikot ang paningin ko. Inaasahan ko nang babagsak ako sa lupa, but I felt my father's arms around me.
"Probably the side effect..." kibit balikat na sabi niya habang nanlalabo ang mga mata ko.
"But I still have training—"
"Rest, my son..."
Before I finally closed my eyes, I felt a small warmth on my forehead. When will he stop giving us a kiss?
"I wonder what will be your King's form, Dastan? You're quite cold... a cold creature... mailap? Hmm..."
That was his last words that time... a mysterious question that keeps asking me every time I think about my happy moments with father.
A King's form?
***
Hindi ko alam kung bakit iyon ang pumasok sa isipan ko sa gitna ng labanang ngayon ay kinahaharap namin.
But seeing the dragon made by the goddesses made me think of that time. I never heard of anything about the King's form... bukod kay ama, ngunit totoo kayang mayroon ako noon?
Nanatili akong nakasakay sa puting kabayo habang nasa unahan ko ang likuran ng mga kapatid ko at si Leticia.
Can I really do this? Just sitting here and watching them fight for me? Pero iyon ang gusto ng mga kapatid ko at ni Leticia.
Huminga ako nang malalim at pinatatag ang sarili ko. Malaki ang tiwala ko sa kanila. Magagawa nila ito.
Mas itinaas ko ang paningin ko sa nilalang na ngayon ay nagpapamangha sa daang mga matang ngayo'y nag-aakala pa rin na kami'y nasa gitna ng pagtatanghal.
Bumaba sa mula sa ere si Leticia at itinapak niya ang kanyang mga paa sa nagliliwanag na daan, tila mas nagliwanag iyon sa pagbaba niya. Ngunit ang higit na umagaw sa atensyon ng daang mga mata mula sa nag-aapoy na dragon ay ang maliliit na bilog na liwanag na nagmumula sa iba't ibang parte ng paligid.
Ngayo'y hindi lang apoy mula sa dragon, mga simbo mula sa mahabang daan, mga lampara mula sa bawat karwahe, ang sinag ng buwan, ang daang nagliliwanag, kundi pati na rin ang maliliit na bilog na lumulutang maitaas.
It's my goddess power.
Nang sandaling marahas niyang ibinaba ang dalawa niyang kamay, sa pagkakataong iyon ay ang mga kapatid ko ang lumutang sa ere, ngunit ang maliit na nagliliwanag na sinulid ay nanatiling nakakakabit sa kanila.
Hindi man lang ako nakaramdam ng pagkabigla sa mga kapatid ko sa ginawang iyon ni Leticia na parang katulad ko'y nagsanay rin sila ng magkakasama ng napakaraming taon.
Ngunit kaiba sa natural ng anyo ng mga kapatid ko at sa presensiyang kanilang tinataglay kapag nasa gitna kami ng labanan, ibang-iba ang nag-uumapaw sa kanila ngayon. Kaiba ang epekto ng kapangyarihan ni Leticia sa tuwing lumalapat o humahalo iyon sa iba.
With my vampire vision, I could see the golden roots from the side of my siblings' eyes until to their temple. And their eyes ignite different shades, red as blood to their right and gold to their left.
Akala ko'y ang kapangyarihan naming magkakapatid magkakasama'y wala nang makakapantay... ngunit nang sandaling si Leticia ang humalo rito, hindi ko maiwasang humanga.
Halos matulala ako hindi lang sa nag-uumapaw na kapangyarihan kundi sa kakaibang ganda nito sa aking mga mata. Lalo na nang nagsimula nang gumalaw si Leticia gamit ang mga sinulid na nakakabit sa kanyang mga daliri, ang bawat ikot ng kanyang katawan, hampas ng kanyang mga braso, ang pagpikit ng kanyang mga mata, ang bahagyang pagtalon niya sa ere, ang sayaw ng kanyang gintong buhok at ang nag-uumapaw na liwanag sa ere.
Sometimes... I could see life as cruel, but every time I see my goddess... I just realized that it isn't cruel after all.
Dahil biniyayaan ako ng hindi lang babae, babaeng mamahalin ako. Kundi diyosa... diyosang nag-uumapaw sa pagmamahal, hindi lang para sa akin kundi sa napakaraming buhay.
"Mahal ko... mahal ko..." paulit-ulit na usal ko habang hindi mawala ang mga mata ko sa kanya.
Raining of lights, with her golden strings, hundreds of blood eyes as our witness, the fire dragon with smoke emitting from his nose, a palace covered by enchanted barrier... and us, Gazellians with a touch of unusual power.
Wala pa kami sa mismong loob ng palasyo ngunit ang higpit ng laban namin ay nag-uumapaw na. We couldn't just let an artificial dragon hinder us from entering the castle.
When Leticia moved her first attack, Evan and his speed brought him on top of the dragon, his igniting lighting from above made another way of light accompanied by thunder. It was supposed to a powerful attack since the lightning directed hit the head of the dragon, but when it growled and almost burned Evan when Leticia does not pull back the strings, right at that moment, we all knew that this fight isn't going to be easy.
But that didn't make my siblings back down. Sa halip ay nagbiruan pa sila sa gitna ng laban at nagpapagalingan sa isa't isa.
"That's quite a weak attack, dearest brother. Kung hindi dahil kay Leticia..."
"Shut up, Lily."
"My turn... manuod kayo sa nakakatanda." Ani ni Lily na may paghawi ng buhok. Tipid lang tumaas ang sulok ng aking mga labi.
That's our Lily.
Since Leticia and Lily already have the connection, it's way easier to them to combine their strength and power. The whole place suddenly became foggy with the blinking circle of lights, but the thing that ignite the most isn't the fire or the hundreds of eyes below...but the strings of Leticia... and the two shades of Lily's eyes behind her thick smoke.
Even my vampire vision started to get weaken because of Lily's poisonous smoke, pero pinilit kong sundan ang bawat galaw ni Leticia at ang kanyang mga sinulid at ang mga mata ni Lily na animo'y dalawang uri ng bituin na biglang lumilitaw at naglalaho sa iba't ibang direksyon.
Until we heard an intense wailing of the dragon, dalawang magkasunod na pag-atake ang natamo nito sa kanyang mukha mula kanan at kaliwa. The dragon blasted another batch of fire, dahilan kung bakit mabilis kinabig ni Leticia ang kanyang mga sinulid na nakakonekta kina Casper at Finn na muntik nang tamaan.
"Lily Esmeralda!" sabay na sigaw ng tatlo kong kapatid kay Lily.
"Sorry, brothers!" natatawang sabi niya.
Saglit nang napaatras ang dragon dahil sa atakeng iyon ni Lily. We all thought that it will weaken it... but its tail made an unexpected attack.
Lily was hit.
"Lily!" sigaw ni Leticia.
Sa halip na tumakbo sa kanya sina Casper at Finn, kapwa naging agresibo ang dalawa, agad silang inalalayan ni Leticia at dalawang kamay niya ang kanyang ikinabig upang bumuwelo.
Nagsisimula nang bumangon si Lily mula sa daan at inangat niya ang kamay niya. She's damn laughing.
"My bad, sorry. I am fine."
Napamasahe ako sa aking noo. Kasalukuyan nang halinhinan sa pag-atake sina Finn at Casper sa dragon na bumubuga ng apoy.
This will take more time... at alam kong hindi basta matatapos ito kung ganito lamang ang paraan nila. Wala sa sarili akong napahawak sa espadang nasa bewang ko.
Ngunit napansin ko ang pag-iling ni Leticia kahit nakatalikod siya sa akin.
"Nagsisimula pa lang kami, Dastan. Just watch us..." ani ni Lily.
"Yeah, kahit tinatamaan na ng buntot." Sagot ni Finn.
"Muntik nang mabugahan ng apoy..." dagdag ni Evan.
"This dragon is actually weak..." napataas ang kilay ko sa sinabi ni Casper.
"Sisimulan ko na." Anunsyo ni Leticia na sabay-sabay nagpatango sa mga kapatid ko.
Saglit na kumunot ang noo ko nang hinayaan nilang hilahin sila pabalik ni Leticia at nagkaroon ng panibagong harang sa gitna upang maprotektahan sila sa atake ng dragon.
"Hihiramin ko lang saglit sa 'yo, Dastan..." bulong ni Leticia.
Tila saglit na humangin dahilan kung bakit tumaas ang buhok ni Leticia, panibagong sinulid ang nabuo mula sa kanya, ngunit sa pagkakataong iyon ay mula sa kanyang batok.
Ang manipis at gintong sinulid ay unti-unting nanulay hanggang sa maabot niyon ang dibdib ko.
Hihiramin....
Nang sandaling tuluyan nang nabuo ang koneksyon namin, si Leticia muli ang lumipad sa ere at naiwan sa ibaba ang mga kapatid ko. Ngunit ang mga sinulid na nagmumula sa kanyang daliri ay tila kumakapal at mas nagliliwanag hanggang sa muling maghiwa-hiwalay ang mga kapatid ko at magtungo sa iba't ibang direksyon.
Disbelief overwhelmed my whole system when I saw their form... dahil katulad ni Leticia ay tila buong katawan na ng mga kapatid ko ang nagniningning na parang sa sandaling sila'y hahawakan ay tatagos ang aking mga kamay.
I could see a formation from them. Leticia as the top, Finn, and Evan were on both side, Lily's in the front and Casper's on the back.
And when Leticia made a slow spin on air with her strings around her body like showers of light, it was like a bomb of lights... spreading warmth and power...
May nabubuo... nabubuo sa kanilang mga katawan.
Wala sa sarili akong napahawak sa nag-iinit kong dibdib, habang unti-unting bumabalik sa akin ang nakaraan... our father's words.
Malakas na singhapan at sigawan ang pumuno sa ibaba, tila wala nang natira sa loob ng kanilang mga karwahe at ang kanilang mga nagniningas na mga mata'y hindi na magawa ikurap sa dalawang maalamat na nilalang na lumantad sa kanilang harapan.
A huge phoenix of light... igniting dust of gold emerged in the thin air with my knights as its body, my goddess as its brains... and heart as mine.
Umawang ang bibig ko sa eleganteng ibon na sumisimbolismo sa akin...bilang isang hari.
Isang makasaysayang nilalang...
My King's form.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro