Chapter 2
Chapter 2
-- REYNA --
Pangalan
Akala ko'y hanggang doon na lang ang pagkakataon kong makita ang aking mag-ama, ngunit siguro'y naawa ang tadhana sa akin at hinayaan pa akong manatili ng ilang minuto kapiling sila.
Kapiling nila sa buhay ng ibang nilalang.
Sa kabila nang nalalaman ko na hindi nila ako nakikita, hindi ako umalis sa harapan nina Dastan at ng aming munting prinsipe.
Upang hindi na ako lubos na masaktan, pinili kong ipagsalikop ang aking dalawang kamay sa likuran ko para hindi na ako sumubok pang hawakan sila at makitang tumagos ang aking mga kamay.
Sinubukan kong ngumiti at makipag-usap sa aming anak. "Napakalusog mo naman anak..."
Hinanap ko sa bawat anggulo ng aming prinsipe ang maaaring nakuha sa akin, ngunit tila namana niya lahat kay Dastan ang kanyang pisikal na anyo. Buhay na buhay ang dugo ng Gazellian sa kanya. Tanging ang nakuha sa akin ay ang kulay ng kanyang buhok at ang umaalong habi nito.
"Brown hair din like me si baby prince..." natutuwang sabi ni Divina.
Ngunit kaiba ang buhok ng anak namin ni Dastan, dahil sa sandaling maliwanagan iyon na kahit anong uri ng liwanag tila nagkukulay ginto iyon, katulad ng sa akin. Isang simbolismo na anak siya ng purong diyosang katulad ko.
Nang sumulyap ako kay Dastan, nakatitig din siya sa buhok ng aming prinsipe na ngayo'y tila ginto dahil sa liwanag ng mga pakpak ng mga paru-parong nakikipaglaro sa kanila.
"Have you decided, King Dastan?" tanong ni Divina.
Nawala ang atensyon ni Dastan sa buhok ng anak namin at tumungo siya kay Divina.
"About what?"
Bahagya nang lumuhod si Dastan upang hindi na mahirapan tumingala sa kanya si Divina. Lumapit na rin sa kanila sina Dawn at Dusk na katulad ni Divina na nakipaglaro na sa aming anak.
Hawak ng munting kamay ng aming prinsipe ang maliit na daliri ng dalawang prinsesa na mukhang pinipilit hindi manggigil sa bata.
"Yes, you should decide!" dagdag ni Dawn.
"Do not force King Dastan."
"Why not?" tanong ni Divina.
"I think it should be Papa..." ani ni Dawn.
"I already used Papa... ayaw ni Papa na pareho sila ni King Dastan." Katwiran ni Divina.
Hindi ko man naiintindihan ang pinag-uusapan nila, hindi ko magawang matanggal ang ngiti sa mga labi ko, lalo na nang makita ko muli ang malambot na ekspresyon ni Dastan na akala ko'y hindi ko na muli masasaksihan.
Naupo na si Dastan at ikinalong niya ang anak namin, sa kabila naman ng braso niya ay sina Divina at Dawn. Si Dusk ay piniling sumampa sa likuran habang kinukulit ang pisngi ng anak namin.
"Which do you prefer?" nawiwiling tanong ni Dastan.
"Amang Hari..." sagot ni Dusk.
"That's too cold, Dusk!" reklamo ni Dawn.
"Father... we call our father like that." Muling sabi ni Dusk.
Tipid na natawa si Dastan. "That's odd. You have conflicting calls for your parents."
Pansin ko rin iyon kina Lily. Ama lang ang naririnig kong tawag nila kay Adam, habang gamit nila ang Mommy kay Lily.
"Mommy told us that our father is still an old fashion werewolf." Sagot ni Dawn.
"Mama and Papa is okay with how I call them." Natutuwang sabi ni Divina.
"But it's different with King Dastan... don't be silly, right, baby prince?" muling pinisil ni Dusk ang pisngi ng anak namin ni Dastan.
"No!" sabay na sabi nina Divina at Dawn.
"From now on, our Baby Prince will call King Dastan as Daddy!" masiglang sabi ni Divina.
"Yes! Yes, Daddy!" natutuwang sabi ni Dawn.
Natigilan si Dastan sa narinig niyang iyon. Simula ba ng isilang ang aming anak ay hindi niya naisip na sa sandaling mangyari iyon ay may tatawag na sa kanyang ama?
O hanggang sa mga oras na ito'y hindi pa rin niya napapatawad ang kanyang sarili? Alam kong malayo man ako sa kanya sa kasalukuyang panahon, nagsisisi siya sa desisyong pinili niya.
Bago pa man pumutok ang aming malaking suliranin, ibinahagi na sa akin ni Dastan ang kagustuhan niya ng malaking pamilya, pamilyang katulad ng nakamulatan niya.
At ang maipit sa sitwasyong kailangan niyang pumili sa pagitan ko at ng anak namin... alam kong ang napili niyang desisyon ay hanggang ngayo'y nagdadala ng bigat sa kanyang kalooban.
Umaasa akong sana'y dumating ang araw na maibsan ang bigat at sakit na nararamdaman niya... wala man ako sa piling niya.
"Dad—dy." Sabay na sabi nina Dawn at Dusk.
Sinulyapan kong muli si Dastan, hindi ko mabasa ang ekspresyon niya at tanging pagkatulala lang ang nakikita ko mula sa kanya.
Mas inilapit nina Divina at Dawn ang mukha nila sa anak namin ni Dastan at dalawang kamay na ang inihawak nila sa munting kamay ng aming prinsipe.
"Let's try now, baby prince... Dad-dy..." turo ni Divina.
"Dad-dy..." ulit ni Dawn habang itinuturo ang dibdib ni Dastan.
"He is your Daddy... he is the powerful king! Try it baby prince!" pagkumbinsi ni Divina.
Ilang beses pinaulit-ulit nina Divina at Dawn ang pangalang Daddy sa harapan ng munting prinsepe na nakatitig lamang sa kanila. Natatawa na si Dusk dahil wala naman nangyayari.
"He's still young. He can't talk yet." Ani ni Dusk.
Naupo na rin ako sa tabi nila. Pinili kong tumabi kay Dastan at humilig bahagya sa katawan niya. "Patawad... isa lang ang nabigay ko, Dastan... ingatan mo siya, mahalin..."
Nang bahagya akong sumulyap muli kina Divina at Dawn, saglit na nagtama ang mga mata namin ni Divina, ngunit siya rin ang nag-iwas ng kanyang mga mata sa akin.
Napatuon sa lupa ang dalawa kong kamay at mas inilapit ko ang aking sarili sa kanya. Muntik ko nang makalimutan ang kapangyarihan ni Divina, siya ay may kakayahang makakita ng mga namatay na at mga kaluluwang naliligaw.
"D-Divina..."
"But he's an intelligent prince just like us!" ani ni Divina.
Hindi sila tumigil ni Dawn sa pagkausap sa anak namin ni Dastan. "You're annoying him..."
"Dusk!" naiinis na tawag sa kanya ni Dawn.
Ilang beses itinuturo nina Dawn at Divina ang dibdib ni Dastan habang sinasabi ang salitang iyon, kahit ang munting kamay ng aming prinsipe ay siyang mismong ginagamit nilang panturo para lang makuha ng bata.
"Dad-dy. Dad-dy. Dad-dy." Halos lagyan na ng tono nina Divina at Dawn ang pagsambit sa salitang iyon.
Tahimik lamang si Dastan na pinagmamasdan ang mga bata. Bumalik na ako sa posisyon ko kanina at tinanggap na ang partisipasyon ko sa eksenang ito. Manunuod na lamang ako.
Hindi na ako umalis sa tabi ni Dastan. Nakasalikop ang aking mga binti habang niyayakap iyon ng aking mga braso. Alam kong sinuman sa mga oras na ito ang mapadaan at makita ang eksena nina Dastan at ang mga batang ito'y matutunaw ang puso.
Isang makisig na hari na may nag-uumapaw na presensiya sa kanyang kapangyarihan, mga makukulit na munting prinsipe at prinsesa, isang napakagandang hardin at mga paru-parong nagliliparan.
"Sige na baby prince... isa lang... it's easy."
"It's not easy, Dawn. I told you he's still young."
"He will." Matigas na sabi ni Divina.
Hindi nawalan ng pag-asa ang dalawang prinsesa sa pagtuturo sa munting prinsipe.
"Dastan, ano ang ipinangalan mo sa kanya?" tanong ko sa haring katabi ko. Hindi ko pa naririnig ang pangalan niya simula nang magpakita ako.
"Come on, baby prince... Dad—dy..."
Nagpapabalik-balik na ang tingin ng anak namin ni Dastan sa kanya at sa mga prinsesang nangungulit sa kanya.
"Maybe he needs—" ngunit hindi na natuloy ni Dastan ang sasabihn niya nang unti-unting bumuka ang bibig ng aming prinsipe.
"D-Da—da... Dada!"
Nanlaki ang mga mata ni Dastan habang nagpapalakpakan na sina Dawn at Divina. "Wow..." usal ni Dusk.
Tumulo ang luha ko na may ngiti sa aking mga labi.
"Masaya ako para sa 'yo, Dastan..." bulong ko sa kanya.
Nangangatal ang kamay ni Dastan habang inilalapit niya iyon sa aming prinsipe, inilahad niya ang hintuturo niya para hawakan iyon ng munting kamay ng aming anak.
"D-Da—da..."
"Y-Yes... I am your Daddy..."
Humalik si Dastan sa ibabaw ng ulo ng aming anak, ganoon din kina Divina at Dawn. "Prince Levi's first word is Dadda!" ani ni Divina.
"Levi?" ulit ko.
Muling nag-init ang sulok ng aking mga mata. Mukhang isinunod sa akin ni Dastan ang pangalan ng aming anak.
Si Dastan na ngayon ang nakikipaglaro sa maliit na kamay ng aming anak. "Prince Leviticus Lancelot Gazellian, my son..."
"Leviticus Lancelot Gazellian."
Inulit ko nang ilang beses sa isipan ko ang magandang pangalan ng aming anak. "Mahal ko kayong dalawa..." huling bulong ko na iyon sa mag-ama ko dahil nang bitawan ko ang mga katagang iyon, kadilimang muli ang siyang lumamon sa akin.
**
Nag-aalalang mga mata nina Claret, Kalla, Iris at Harper ang sumalubong sa akin. Inilahad sa akin ni Harper ang kanyang puting panyo upang ipahid ko iyon sa nagdurugo kong ilong. Habang sina Kalla at Claret ay inalalayan na akong umupo ng maayos.
Tipid akong sumilip sa bintana ng karwahe, kasalukuyan pa rin itong tumatakbo patungo sa direksyon na walang kasiguraduhan.
Ang sunod na relikya'y ang kina Kalla at Finn, siguro'y kung narito si Divina ay nagpakita na ang punyal mula sa loob ko, ngunit ngayong wala na ang munting prinsesa... tanging si Kalla na lang ang aming pag-asa. Dahil siya na lamang bukod sa akin, kay Divina ang siyang natitirang may koneksyon sa relikya.
Isa na rin siguro iyong dahilan kung bakit sa mga kapareha ng mga Gazellian ay isa si Kalla sa grupong sumama sa akin.
"Leticia, uminom ka ulit ng gamot na ito."
Tumango ako sa sinabi ni Claret, at muli ay inalalayan niya akong uminom.
Gusto ko man ibahagi sa kanila ang aking naging panaginip, pinili ko na lamang yakapin ang katahimikan. Malaki ang posibilidad na magkaroon pa ng pagbabago ang hinaharap sa sandaling may isa sa kanila ang makaalam ng kahihinatnan ng paglalakbay na ito.
Hawak ng dalawa kong kamay ang bote ng gamot habang nakatitig ako sa lapag ng karwahe. Nanatiling tahimik iyong mga babae habang pinakikiramdaman ako.
"Tapos na tayo sa mga lobo, sirena at maging ang mga demonyo..." panimula ko. "Kaiba sa mga lobo at sirena, hindi ako nagkaroon ng pagkakataong makausap ang tagapangalaga ng susi sa mundo ng mga demonyo dahil sa limitadong oras... ngunit malakas ang pakiramdam kong katulad ko'y iisa pa rin ang hangarin niya..."
Nag-angat ako ng tingin sa kanila at isa-isa kong sinalubong ang kanilang mga mata. "Kaayusan..."
Lobo, sirena, demonyo, bampira, anghel, diwata at babaylan. "Sa apat na natitirang nilalang..." nabitin ang sasabihin ko.
"Sino sa kanila ang may hawak ng sunod na relikya?"
"Katulad ng mga nauna'y kailangan natin ng bugtong na siyang tutugma sa mapang hawak ko." Ani ni Iris.
Muling naglandas sa mga babae ang aking mga mata. Kung tutuusin ay maaari rin palang si Claret ang maging tagabasa, isa siyang babaylan.
"Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin ang kasagutan sa likod ng kwebang iyon. Bakit halos lahat ng nilalang ay minimithing buksan iyon?" tanong ni Kalla.
"At bakit sa dami ng pwedeng kalagyan ng ng kweba'y sa Sartorias iyon?" dagdag na tanong ni Claret.
"Nabuhay na akong bampira at hanggang ngayon ay katanungan din sa akin. It's just very odd that my parents once had the keys, pero wala man lang akong ka-ideya sa mga bagay na ito." Ani naman ni Harper. "Or maybe... it's just me. At alam iyon ng mga kapatid ko."
Kapwa kami napalingon lahat kay Harper. Kung tutuusin ay lahat kami ay naging saksi kung paano ilayo ng mga Gazellian si Harper sa mas komplikadong bagay. Ibang-iba sa trato nila kay Lily. Kung ang tingin nila sa panganay na prinsesa'y palaban na tila bakal kayang sumalubong sa mga palaso, kabaliktaran ang pagtrato nila kay Harper. Tila babasaging salamin...
Ngunit ang pagsama rito ni Harper sa grupo ko'y alam kong may matinding dahilan din, hindi basta mahahati ang mga Gazellian na walang basehan.
Kung si Claret ay upang mapanatiling maayos ang kalagayan ng aking anak at ako, si Kalla at ang nalalaman niya sa kasaysayan, si Iris at ang kakayahan niya sa mapa, ang apat na prinsipe sa propesiya, si Caleb, sina Nikos, Hua at Lucas na nangako para sa aking kaligtasan... alam kong may importante ring gampanin si Harper sa mga oras na ito.
Hindi siya isinilang na Gazellian para sa wala. "Sino sa apat?" muling tanong ni Iris.
"Ito ba'y bampira, anghel, diwata o babaylan?"
"It's my music box, right?" tanong ni Kalla.
Tumango ako sa kanya. "Dalawang nilalang lang ang maaring maghawak niyon kung simbolismo ang susundan natin..." dagdag niya.
"I've seen the music box. It has a white ballerina." Ani ni Harper.
"Diwata o anghel..." usal ko.
Akala ko'y hahaba pa ang usapan namin nang biglang tumigil ang pagkatakbo ng karwahe dahilan kung bakit muntik na kaming tumilapon lahat.
"Oh shit!" biglang sumilip sa may bintana si Caleb. "We're under attack!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro