Chapter 19
Hi, angels! Sorry if it took so long before I finally had this update. I focused on the Island Trap first. Haha. I was a bit hesitant to write this a while ago since I couldn't find the feel yet. The genre of the two stories is too different, and I had a hard to switch. But when I started to write Leticia's POV, she immediately overwhelmed me. Iba pa rin talaga kapag Gazellian Series ang sinusulat ko, parang laging sasabog ang puso ko sa feels.
I hope you'll feel it this chapter. And yes, I am back in Gazellian Series! Yay!
Chapter 19
– REYNA –
Plano
Nang mga panahong nasa murang edad pa lamang ako, tanging Deeseyadah lamang ang kinikilala kong nagniningning at nagliliwanag. Ang mundong kinamulatan ko... ang mundo ng mga diyosa na inakala kong isang perpeksyon.
Deeseyadah... na maaaring iwangis sa mga ginto, diyamante, esmeralda o kahit anong klase ng magagandang batong nalikha mula sa iba't ibang mundo.
Nasabi ko sa sarili ko na napaka-swerte kong ipinanganak sa Deeseyadah, sa mundo ng mga diyosa na tanging kabutihan at pagmamalasakit lamang ang siyang namamayani... na tanging init ng pagkakaisa, pagmamahalan at pagtutulungan ang siyang bumubuhay sa bawat isa, na ang lamig ay tila wala nang paglagyan.
Ang Deeseyadah ay Paraiso na naglalaman ng mga nagliliwanag na nilalang... ang mga diyosa at ang kanilang mga puso na maging ang mga magagandang bato'y hindi mapantayan... ngunit nang sandaling sumiklab ang apoy ng katotohanan, unti-unti akong namulat sa liwanag na akala ko'y tahanan... at nagising sa liwanag na nakasisilaw at nakabubulag.
Ang Deeseyadah ay hindi kailanman naging Paraiso, kundi isang malaking panlilinlang sa mga matang ilan-daang taon nang nasisilaw sa liwanag na inakala nilang pag-asa.
Si Dastan... ang Parsua Sartorias, ang mga unang diyosang bumaba mula sa Deeseyadah at binansagang mga traydor at ang iba't ibang nilalang na sumubok isiwalat ang lahat ng katotohan ang siyang nagmamay-ari ng totoong liwanag.
Liwanag— na ngayo'y tinataglay na ng isinumpa kong haring habambuhay kong titingalain. Ang aking hari... ang aking minamahal na Hari ng Sartorias.
"Mahal ko..." usal niya sa akin.
Ang mga mata niya'y nagniningning sa nagbabadyang luha dahil sa mga katagang binitawan ko.
Nagkaroon man kami ng masakit na nakaraan ni Dastan, mga desisyon na halos pumutol sa aming dalawa, tumulo man ang walang katapusang mga luha at lumabas man ang mga salitang hindi namin akalain na lalabas sa aming mga labi laban sa isa't isa... namayani pa rin ang aming pagmamahalan.
Buong akala ko'y pipiliin ko lamang ang anak namin at siya'y mananatiling ako lamang ang pipiliin, ngunit nang dahil na rin sa tulong at suporta ng kanyang mga kapatid, nagawa namin paliwanagan at ipaintindi kay Dastan ang lahat... na ang problema'y hindi sa kanya lamang dahil siya ang hari.
Siya'y haring may reyna... siya'y may haring may batalyong ang katapatan ay hindi mapapantayanan ng kahit anong malakas na diyosa. Siya'y haring hinubog para hindi mag-isa, nasa likuran ang mga kapatid niya... nakaagapay at laging nakahawak sa kanyang likuran— at ngayo'y nadagdagan pa ng panibagong pag-asa... ang aming munting prinsipe.
"Hawakan mo siya, mahal ko..." nang sabihin ko iyon mas lalong lumalim ang pagtitig niya sa akin.
Alam ko ang ibig sabihin niyon, ramdam ko ang sakit na ipinakikita ng mga mata niya sa sitwasyon namin ngayon. Magkasama man kami at nagagawang ipahayag ang aming pagmamahal sa isa't isa, iba rin ang maramdaman ang init ng aming mga yakap.
"Mararamdaman ka pa rin niya, Dastan..." ngumiti ako sa kanya.
Isang beses siyang napakurap. Una niyang inangat ang kanan niyang kamay ngunit agad niya rin iyong binawi, hindi nawawala ang pangangatal niyon. "Mahal ko, hinihintay ka niya..."
"Leticia..."
Mas pinalawak ko ang ngiti ko sa kanya habang haplos ko ang aking tiyan. Hindi pa man iyon halata, ngunit ramdam ko ang matinding kapangyarihan ng anak ko... ang kapangyarihan niyang pilit niyang ikinukubli para protektahan ang kanyang sarili... maging laban sa akin.
Huminga siya nang malalim at sinubukan niyang mag-angat muli ng kanang kamay. Hindi na ako nagulat na naroon pa rin ang pangangatal. Dahil alam kong ilang beses ko man sabihin sa kanya na pinapatawad ko na siya... kailanman ay lamat na iyon sa kanya.
Nang tanggalin ko ang aking kamay at hinayaan ko si Dastan na unti-unting ilapat iyon sa akin, sa kabila ng kaalaman tatagos lamang ang kamay niya sa aking imahe, ramdam na ramdam ko iyong mainit na haplos sa puso ko habang papalapit ang kamay niya sa tiyan ko.
At nang sandaling tila nakahawak na nga ang hari sa aking tiyan, hindi ko napigilan muli ang aking mga luha. "Dastan..."
"P-Prinsipe...?"
Nasapo ko ang bibig ko para hindi na kumawala ang bibig ko. Narinig ni Dastan ang ibinulong ko kanina nang akalain kong siya'y natutulog pa rin. Marahan akong tumango sa kanya kasabay ng pagpatak ng aking mga luha.
"Prinsipe... munting prinsipe, mahal ko..."
Nang sabihin ko iyon, tila napatid na ang manipis na pisi na kanina pang pinipigilan ni Dastan na maglalabas ng kanyang emosyon. Ang kanyang mga braso'y tila yumakap na sa bewang ko at napasubsob na siya sa lupa na kung titingnan ay parang nasa aking mga hita.
Yumuyugyog ang kanyang mga balikat.
Lumuluha ang aking hari... sa kandungan ng kanyang reyna't munting prinsipe... sa dalawang nilalang na alam kong tanging pakikitaan niya lamang ng kanyang kaunting oras na panghihina.
"P-Patawad... mahal na mahal kita, Leticia... na nagawa kong... ang anak natin..."
"Dastan..." nais ko sanang haplusin ang kanyang buhok ngunit natigil sa ere ang mga kamay ko. Sa halip ay tinanaw ko na lamang ang kalangitan at wala sa sarili kong hinawakan ang aking mahabang buhok na sumayaw kasabay ng hangin at nalaglag na mga dahon sa paligid.
"Hindi ba't sinabi ko nang pinapatawad ka na namin ng anak mo, Dastan? Mahal na mahal ka naming dalawa..."
Hindi siya sumagot sa akin at pinili ko na lamang manatiling tahimik. Hinayaan ko si Dastan sa kanyang posisyon ng ilang minuto upang pakalmahin ang kanyang sarili.
Nabibilang lamang sa aking mga daliri ang makita siyang ganito, kahit sa harapan ng mga kapatid niya ay bibihira lamang siyang magpakita ng kahinaan... ngunit ngayong ako'y naririto na, kasama ng aming anak, handa kaming yakapin si Dastan sa iba't ibang bersyon nito. Isa mang haring matatag o kaya'y haring pinaghihinaan ng loob.
Nang sandaling muling nag-angat ng tingin sa akin si Dastan at nagawa na niyang ibalik ang natural niyang pakikiharap na isang magiting na hari, muling lumawak ang ngiti ko sa mga labi.
Hinawakan niya ang mga kamay kong nakahawak sa ibabaw ng aking mga hit ana tila pisikal namin nahahawakan ang isa't isa.
"Ipinapangako kong sa muli nating pagkikita, mahal ko... magagawa ko nang ipadama sa 'yo at anak natin ang totoong init ng aking mga yakap."
"Hihintayin ko, mahal ko..."
Nagtagal pa kami ni Dastan sa ilalim ng puno. Hindi na kami nagkaroon pa ng pag-uusap at hinayaan na lang namin damhin ang presensiya ng isa't isa. Akala namin ay mas magtatagal pa kami nang ganoon hanggang sa sumapit na ang oras ng pagpunta namin sa pagdiriwang... nang kapwa kami napalingon sa narinig naming yabag patungo sa amin.
"Forgive my intrusion, King... Queen, but I think you need to hear this." Ani ni Evan sa pinakapormal niyang paraan na may kasama pang pagyuko sa aming dalawa ni Dastan.
Hinayaan ko ang sarili kong lumipad sa ere habang si Dastan ay mabilis na tumayo mula sa kanyang kinauupuan. Tipid niyang pinagpagan ang kanyang kasuotan bago sumunod ng paglalakad kay Evan.
Alam kong natural na ang makaramdam ng kaba dahil hindi biro ang makakaharap namin sa pupuntahan naming pagdiriwang, hindi lang ang pitong umupo sa matataas na trono, kundi ang mga dyosang siyang naging puno ng sunud-sunod na kasinungalingan hanggang sa kasalukuyan.
Nang sandaling muli kaming bumalik sa tinutuluyan ng magkakapatid na Gazellian, tensyon ang siyang unang sumalubong sa amin.
Si Lily na nakatulala sa mga nakalatag na lumang papel sa lamesa, ang mga kamay ay magkadaop habang ang noo'y nakasandal doon, si Casper na nakatayo ngunit ang mga kamay ay mariin nakahawak sa lamesa, maging ang pagtulo ng pawis niyang nakikita kong lumandas sa kanyang perpektong mukha at si Finn na nakakunot ang noo na tila hindi na maiintindihan ang nangyayari.
"What do you mean that we need to change plans? Halos isang oras na lang ang natitira... we can't just..." napailing siya. "Hindi dahil kayo na ang pinakamatatalino sa Parsua sa panahon natin, may lakas tayo ng loob sumugal—"
"Can't you think of another way, Finn?" marahas na tanong ni Lily.
"Why? May naiinis pa ba kayo? Why the sudden fucking change, Casper!? Ano ba ang nakita mo? Hindi ba at sinabi na ni kamahalan na maghintay na lang tayo? Your discovery might—"
Nang sandaling tumikhim si Dastan ay natigil sa pagtatalo ang magkakapatid. Napabuntong-hininga si Evan at nauna siyang pumasok sa loob. Nang sandaling tuluyan na rin kaming pumasok ni Dastan, kusa nang nagsarado ang pintuan.
Hindi nawala ang tensyon sa magkakapatid habang papalapit si Dastan sa lamesa.
"We already settled everything. What is happening here?" kalmadong tanong ni Dastan.
Nakagat ni Lily ang pang-ibaba niyang labi bago siya napasulyap kay Casper. Habang si Finn naman ay nakakuyom sa kanyang mga kamao. Si Evan naman ay hindi na rin nagawang makaupo.
"What did you discover, Casper?"
Si Casper naman ngayon ang huminga nang malalim.
"Dastan... it's not just us."
Agad umawang ang bibig ko. Hindi man ituloy ni Casper ang kanyang sasabihin, nakukuha ko na kung bakit ganito na lang ang tensyon at takot ng magkakapatid.
"It's not just us who traveled in this era..." pagtatapos ni Casper.
Nang sulyapan ko si Dastan, maging siya'y napatulala. Sinong hindi magugulat?
Isa nang malaking sugal ang paglalakbay nilang magkakapatid sa panahong ito dahil maraming maaaring mangyayari sa kasalukuyan sa isang maling pagkakamali, ngunit ang madiskubreng mayroon pa bukod sa kanila ang nangahas makigulo sa nakaraan...
"O-one of the Kings... isa sa mga karibal mo sa trono."
"Oh, shit." Napahilamos si Finn sa kanyang sarili na parang unang beses niya pa lamang narinig ang balitang iyon, gayong nasisiguro ko na kanina pa nilang pinagtatalunan iyon magkakapatid.
"Can you name him? Sino sa kanila?" tanong ni Evan.
"I wasn't sure about his identity, but—"
"Paano mo nalaman na galing din siya sa kasalukuyan kung—"
"I am sure of it. I felt his presence. Kadarating pa lang natin sa panahong ito, Finn, marami na akong nakasalamuhang iba't ibang nilalang. Maiksing panahon man ang inilagi ko rito, madali kong masasabi ko ito'y galing mismo sa panahong ito o katulad natin..." katwiran ni Casper.
"So, this isn't going to be easy. Hindi lang ang pitong trono ang kailangan natin bigyan ng atensyon at ang mga diyosang bumaba rito sa lupa na siyang naging dahilan ng lahat... we also have that unknown king. And he isn't gonna be a friend, right?"
"It was never easy, Finn. We only knew those seven high thrones from books, but never in person. To deal with them with our words as a basis will be very hard for us." Dagdag ni Evan.
"I can assure that the King was surely sent by the goddesses from the present. Alam nilang naririto tayo... but why are they so confident to bring one power? Sa tingin ba nila ay kaya ng isang hari ang kapangyarihang mayroon tayong magkakapatid?" biglang nagningas ang mga mata ni Lily.
"Unless Casper just saw one from them..." tipid na dagdag ni Dastan na nagpatuon muli ng mga mata sa kanya.
Namayani ang katahimikan sa pagitan ng magkakapatid.
"Fuck. How can we fucking deal with this? Sobrang dami na nating kalaban at hindi na natin alam kung saan sila aatake... the thrones might be on our same side, but we can't just tell them the real situation and ruin the history..." halos sabunutan na ni Finn ang kanyang sarili.
"Our real plan was just to collect and see their weakness... the flaws, but why suddenly we're already facing a real battle?" napapailing na sabi ni Lily.
"The goddesses don't really want us to do everything we wanted... gagawa sila at gagawa ng mga bagay para pigilan nila tayo—kayo ni Dastan." Ani ni Casper na kapwa sinalubong ang mga mata namin ni Dastan.
Iyong unang plano nilang magkakapatid ay kusa nang gumuho at tila naglaho ng parang bula. Hindi na nila magagawa pang ibigay ang atensyon sa totoong mga kalaban—ang mga mapanlinlang na mga diyosa.
Gumamit sila ng sarili nilang pananggalang... ang mga nilalang na pinuno nila ng galit at panlilinlang sa puso. Sa pagkakataong iyon ay ang mga kamay ko naman ang kumuyom, dahil kahit anuman ang gawin ng mga haring katunggali ni Dastan laban sa amin, hindi ko sila magawang kamuhian, dahil ako higit kanino man ang siyang nakakakilala sa kanila.
Nasaksihan ko ang kanilang nakaraan at ang iba't ibang klase ng kanilang paghihirap para protektahan ang sarili nilang mundong... inakala nilang kinakimutan na ng lahat.
Napatitig ako sa mga kamay ko. Ang mga mundong una kong isinakripisyo dahil sa labang ito...
Pinaiikot-ikot lang kami ng mga diyosa gaya nang kung papaano nila pinaikot noon ang pitong malalakas na trono.
Huminga ako nang malalim at hinarap ko ang magkakapatid. Isinusumpa ko, sa mga oras na iyon na ititigil ko na ang walang katapusang pagmamanipula nila sa aming lahat.
Inangat ko ang aking kamay at hinayaan kong yumakap ang liwanag sa aking mga kamay patungo sa buhanging orasan at unti-unti ko iyong ibinaliktad. Hudyat ng natitira naming oras sa loob ng lugar na iyon.
Ibinaba ko ang aking mga paa mula sa ere at hinayaan ko ang sarili kong maglakad patungo sa lamesa. Nauna ako kay Dastan habang nanatili siyang nasa likuran ko.
Taas noo akong humarap sa kanilang lahat.
"Sa pagkakataong ito, ako ang hayaan n'yong bumuo ng plano."
Nasanay na akong bigyan ng respeto nina Rosh, Hua at Nikos, ang mga naunang nakasama ko sa paglalakbay.
Ngunit iba ang pakiramdam nang sandaling sabay-sabay nagningas ang mga mata ng pinakamatatalinong Gazellian sa lahat.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro