Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16

Dedicated to Roi Arron James Calaunan

Chapter 16

– REYNA –

Dambana

"He's the purest king, Leticia... he doesn't deserve this... all the hatred."

Napatitig ako kay Hua. Nang sabihin niya sa akin kung sino ang haring una niyang pinaglingkuran, halos bumaliktad ang mundo na hindi ko alam kung paano ko iyon paniniwalaan o matatanggap.

Isa lang ang inakala kong haring nais niyang muling paglingkuran kung bibigyan siya ng pagkakataon. Isang Hari lang ang lubos kong hinangaan sa kabila ng mga ilang desisyon niyang hindi ko magawang sang-ayunan.

Si Haring Thaddeus Leighton Gazellian.

Isa sa naging rason kung bakit hindi ko na pinilit sabihin sa akin ni Hua noon ang pagkakakilanlan ng kanyang hari ay dahil may malaki na akong paniniwala na nakikilala ko na iyon.

Sino pa ba ang Hari ang lubos na konektado sa kasalukuyang nangyayari? Hindi ba't ang amang hari ng mga Gazellian? Sinong hari ang siyang ginawa ang lahat para magkaroon siya ng koneksyon sa bawat nilalang na nakatakda sa kanyang mga anak? Si Haring Thaddeus.

Ngunit nang sandaling lumabas sa mga labi ni Hua ang haring paulit-ulit niyang bibigyan ng katapatan—halos hindi ko na alam kung anong reaksyon pa ang siyang maibibigay ko. Kailanman ay hindi pumasok sa isip ko na siya...

Si Haring Andronicus Clamberge III, na siyang kinamumuhian ng lahat. Ang pinaniniwalaan ng lahat na siyang pinagmulan ng walang katapusang kaguluhan ng Nemetio Spiran.

Umawang ang bibig ko upang magsalita, ngunit agad ko rin iyong itinikom dahil walang salitang nais lumabas. Mahirap paniwalaan ang mga sinasabi ni Hua, isa ako sa napakaraming nilalang na siyang nakarinig at naniwala sa bersyong ngayon ay pinanghahawakan ng lahat.

Ang bersyong pinagpasa-pasahan ng bawat salinlahi. Ang bersyong pinagmulan ng walang katapusang muhi patungo sa kilalang sakim na hari ng nakaraan.

"H-Hua, ngunit ang bersyon ng mga lobo'y--"

Nanghihinang umiling sa harapan ko si Hua. "Their version might be the accurate one, but no one in this world knows what really happened before that. Ang tanging alam lang ng lahat, Leticia, ay nang sandaling pumutok na ang kaguluhan."

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Hua. Hindi niya itinanggi ang mga nangyari at nalalaman namin. Ibig sabihin pa rin nito'y totoong nangganap ang kaguluhan sa pitong trono sa pamumuno ni Haring Clamberge III.

Inamin ko na saglit akong umasa na mali ang nalalaman naming lahat.

"Nang sandaling makakita na ang lahat ng nilalang na sisisihin, ang bawat salinlahi at henerasyon ay hindi na muling inalam ang totoong nangyari sa pitong makasaysayang trono. They blamed my king, killed his bloodline..." saglit akong lumingon kay Nikos.

Ito siguro ang dahilan kung bakit sa dami ng nilalang na siyang kasama namin, si Nikos ang siyang mabilis niyang nakapalagayan ng loob. Dahil ang dugong nananalaytay kay Nikos ay sa haring siyang una niyang pinaglingkuran.

Ngunit ang siyang malaking katanungan ko, bakit pinili akong gabayan ng tapat na kanang kamay ng kilalang hari ng kasaysayan ng Nemetio Spiran?

Ano ang rason?

"B-Bakit Hua? N-Nagkataon bang ako ngayon ang napili mong paglingkuran o ito'y mula s autos ni—"

"Leticia..." inilahad niya sa akin ang kanyang dalawang kamay.

Nagtataka akong sumulyap sa nakalahad niyang mga palad sa akin. Bigla akong ginapangan ng kaba. "Hua..."

"Ngayong nakikilala mo na ang siyang Haring tanging magdadala sa aking pangungulila, ang tingin mo ba sa akin ay nag-iba na, aking reyna?"

Saglit akong sumulyap sa sarili kong grupo.

Nang makilala ko ang mga Gazellian, ipinakita na nila sa akin ang kanilang katapatan. Sina Zen, Caleb at Harper ay handang ibuwis ang buhay para sa akin, ganoon din sina Claret at Kalla, maging ang dalawang lobo, sina Lucas at Iris.

Si Rosh, na ilang beses pinatunayan at maging ang natitirang mga itinakdang prinsipe sa propesiya. Maging si Nikos... na kailanman ay hindi nawalan ng pag-asa sa lahat ng mga pangako ko.

Ibinalik ko ang aking mga mata kay Hua. Ang binatilyong nilalang na kasama ko simula aking pagkabata.

Ang kanang kamay. Si Hua.

Nasisiguro ko sa sarili kong hindi ako makakarating sa kung anuman ang kinatatayuan ko kung wala si Hua at ang paulit-ulit niyang sakripisyo sa akin.

Kung anuman ay mayroon sa mga palad niyang iyon, buong puso kong ipinatong ang aking mga kamay roon.

Ipinikit ko ang aking mga mata kasabay ng init na nagmula sa magkadaop naming mga kamay. Init na unti-unting yumakap sa aking buong kabuuan. Sanay na ako sa pakiramdam na iyon, sa tuwing dumadalaw si Diyosa Neesa sa aking panaginip, sa sandaling dinadala ako sa nakaraan at hinaharap o kaya'y may mga gunita, babala at memoryang nais magpaalaala sa akin.

Ngunit nasisiguro kong sandaling ito'y dadalhin ako ni Hua sa panahong nalalapit na ang makasaysayang pagkasira ng pinakamatataas na trono ng Nemetio Spiran.

Nang sandaling nagmulat ako ng aking mga mata'y wala na ang mga palad ni Hua sa akin. "H-Hua?"

Ngunit sa halip na ang aking kanang kamay ang siyang sumalubong sa akin, muntik na akong mawalan ng malay sa dambanang siya'y aking nakikita sa malapitan.

"Diyosa E-Eda..."

Mabilis akong yumuko at agad kong iniluhod ang aking mga tuhod upang bigyang galang ang dambana ng diyosang kinikilala kong siyang pinakamalakas sa lahat.

"D-Diyosa Eda..." halos mangatal ang aking mga labi.

Hindi ko ito panahon, wala akong kakayahang hawakan ang mga bagay na nabubuhay rito, ngunit ang presensiya niyang nagmumula pa lang sa dambana'y tila tutunaw sa puso ng isang diyosang katulad ko.

Halos hindi ko magawang punasan ang luha sa mga mata ko habang kumukuyom ang mga kamao ko.

Lumaki ako sa Deeseyadah na ang galit ay hindi hinahayaang mag-umapaw sa akin, paghihiganti at matinding pagnanasa na manakit. Ngunit paano? Anong klaseng kasakiman ang bumalot sa mga nilalang na itong saktan at pagmalupitan ang diyosang presensiya pa lang ay tila nililinis na ang iyong kaibuturan?

Siguro nga'y wala pa sa kalahati ng kapangyarihan niya ang kapangyarihang mayroon ako. Ngunit ipinapangako kong ang mundong pinangakuan niya ng kaayusan ay ngayo'y ipaglalaban ko.

Unti-unti kong inangat ang aking mga mata sa kanyang napakagandang dambana. Isang mataas na dambana na may mahabang hagdan na tila gawa sa diyamante. At ang dambana'y napapalibutan ng tila parte ng matutulis na pakpak na nagniningning din sa tindi ng ganda at liwanag. Sa taas ng kanyang trono'y isang malaking bolang tia nakasabit sa diyamanteng mga sapot.

Napakaganda.

Huminga ako nang malalim at marahan kong pinagdaop ang aking mga palad sa tapat ng aking dibdib.

"Nawa'y bigyan mo ako ng patnubay, Diyosa Eda..." hinipan ko ang dulo ng daliri ko habang nanatiling magkalapat ang aking mga palad. Ang aking mga mata'y nakapikit habang ang mainit na ihip na nagmula sa aking mga labi'y gumawa ng maliit na hanging nagniningning at nagliliwanag.

Nang sandaling nagmulat ako ng mga mata'y alam kong nagliliwanag na rin iyon. Ang hanging nagmula sa akin ay tila naging laso na may sariling buhay, hinayaan ko iyong lumipad sa paanan ng trono ng diyosa hanggang sa makapansin ako ng kakaiba roon.

Tali na gawa sa liwanag at nakatali iyon sa isang paa ng trono.

Umawang ang bibig ko kasabay nang tuluyang pagpulupot ng sarili kong kapangyarihan sa paa ng trono.

"D-Dastan..."

Narito ang aking Hari. Ngunit kaiba sa aking lasong nagliliwanag, ang mismong tali na mula sa kapangyarihan ni Dastan ay tila... buhay... buhay sa panahong ito.

Yumuko muli ako sa dambana ni Diyosa Eda bago ako unti-unting humakbang patungo sa kanyang trono, yumuko ako at sinubukan kong hawakan ang taling gawa sa liwanag.

Tumagos ako.

Ibig sabihin narito kami ni Dastan sa magkaibang paraan...

Tumuwid ako ng pagkakatayo at tinanaw ko ang ibaba ng dambana. Nanggaling dito si Dastan at pisikal siyang naglalakbay sa panahong ito. Ngunit sa paanong paraan? Sino ang kasama niya? Sino ang nagdala sa kanya sa mundong ito?

Wala sa sarili kong hinaplos ang aking tiyan at tipid na gumuhit ang ngiti sa mga labi ko.

"Narito ang iyong ama, aking munting prinsipe..."

Bago ako tuluyang bumaba sa mataas na trono'y muli akong lumuhod sa harapan nito at buong puso kong inihalik ang aking labi sa upuan ni Diyosa Eda.

"Ipinapangako ko... sa sandaling ang Nemetio Spiran ay muling mabuo. Itatayo kong muli ang dambanang ito para sa 'yo, aking mahal na diyosa. Ipinapangako..."

Nang tumayo na ako, saglit kong muling sinulyapan ang dalawang klase ng liwanag sa paanan ng trono. Ang akin at sa aking hari.

"Muli naming itatayo ang iyong trono... na may iisang mithiin. Kapayapaan, kaayusan... at walang katapusang pagmamahalan."

Bumaba na ako sa mataas na hagdan, at sa bawat hakbang ko pababa, ilang pigura ang siyang unti-unting naglilinaw sa akin.

Si Hua!

"H-Hua!" ngunit hindi niya ako narinig. Ang kanyang mga mata'y nasa dambana. Mariin ko siyang pinagmasdan at napasinghap ako nang mapagtantong siya ang Hua sa panahong ito.

Ngayon ko napansin na siya'y higit na matangkad, matikas at tila hindi nalalayo sa edad ng magkakapatid na Gazellian. Seryoso ang kanyang mukha habang unipormadong nakalagay ang mga kamay sa kanyang likuran.

"Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at dumalaw ako sa dambanang ito, Hua..." ang boses na nagmula sa aninong unti-unting nagliwanag.

Paglipad ng pulang mansanas sa ere ang siyang una kong nasaksihan hanggang sa bumagsak iyon sa kamay ng nagmamay-ari ng boses. Saglit lamang naglandas ang aking mga mata sa kanya, ngunit nasisiguro kong siya...

Siya ang kinamumuhian ng lahat. Si Haring Andronicus Clamberge III.

Halos mapaatras ako sa kanyang buong presensiya, na kahit ang espiritung parte ko lamang ang naririto'y nararamdaman siya. Malaki ang pagkakahawig niya kay Nikos.

Muling bumalik ang aking mga mata kay Hua. Hindi ko pa nalalaman ang lahat at ang tungkol sa sinasabi niyang nangyari bago pumutok ang matinding kaguluhan, pero ngayon ay naiintindihan ko na ang kakaibang koneksyon ni Hua kay Nikos...

"Kailangan mo nang maghanda sa darating na pagdiriwang, Mahal na Hari."

Hindi sumagot si Haring Clamberge, sa halip ay mas pinagtuunan niya ang kanyang mansanas habang nakatingala sa dambana.

"And continue the endless façade of being the cruel and cold king of vampires? I should find a private place inside that palace, and I'll whisk my mate away from everyone." Natatawang sabi niya. Mas lalong umawang ang bibig ko. Hindi ko akalaing ganito ang paraan ng magiging pakikipag-usap niya sa kanyang kanang-kamay, sa nilalang na nakakababa sa kanya.

Sa kasaysayang nalalaman ng lahat siya'y malupit, tahimik at kinatatakutan ng lahat, ngunit si Hua'y hindi ko man lang makataan niyon.

"It's the path that you've chosen, My King."

Muling kumagat sa kanyang mansanas si Haring Clamberge III. "Dahil hindi ko nais maging katulad ng ibang hari, pinagtatawanan sila sa tuwing sila'y tatalikod. Yes, they admired them, the creatures are at ease with them, but they seemed to forget respect. I'll stick with this façade. Ang mahalaga nagagawa ko ang tungkulin ko."

Tipid na ngumiti si Hua.

"How about you? Don't you have any lover? I can recommend you to—"

Yumuko si Hua. "Paumanhin, Mahal na Hari, ngunit naniniwala akong hindi pa ipinapanganak sa panahong ito ang babaeng iibigin ko."

Tumawa si Haring Andronicus Clamberge III.

"I wonder... ano kaya ang nais na regalo ni Elin? Nalalapit na ang araw kung kailan siya unang naging puting lobo." Kita ko ang pagniningning sa mga mata ni Haring Clamberge III.

Nasapo ko na ang dibdib ko dahil sa mga nakikita at naririnig ko. Sumisikp na ito at halos hindi ko na magawang huminga ng maayos.

Ano ang nakikita kong ito?

Kasalukuyan na akong nasa gitna ng mahabang hagdan ng dambana ni Diyosa Eda. Sa gitna ng kanyang presensiya at sa presensiya ng Haring inaakala ng lahat ng kalaban ng buong Nemetio Spiran.

Naiiling ako kasabay ng pagtulo ng aking mga luha. Pakiramdam ko'y naiipit ako sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung paano at saan ako magsisimula...

Kung hindi si Haring Andronicus... kung totoo ang mga nakikita ko... ngunit dapat pa ba akong mag-alinlangan? Hindi ako bibigyan ng kasinungalingan ng dambanang pinanggalingan ko.

"Bakit hindi mo ibigay ang bagay na matagal mon ang itinatago sa 'yong bulsa, Mahal na Hari?" nanlaki ang mga mata ni Haring Clamberge sa sinabi ni Hua.

"Y-You saw it..."

Tumango si Hua na may tipid na ngiti. "Of course, I will ask her to marry me. Together... we'll get down on the throne at mamumuhay kaming dalawa ng tahimik."

Sa huli'y hindi na mansanas ang inihagis ni Haring Andronicus Clamberge III sa hangin, kundi ang isang napakagandang singsing na tumama pa sa liwanag ng buwan ng panahong iyon.

"I will devote myself to her for the rest of my life..."

At nang sandaling muling bumalik ang singsing sa palad ng hari'y mas naglandas ang luha sa aking mga mata, kasabay nang paglinaw ng panibagong aninong parating... na nasisiguro kong ang atensyo'y nasa hari din ngunit unti-unti rin nagtungo sa akin.

My King.

"D-Dastan..." usal ko.

Hindi makapaniwala ang kanyang mga mata. "Mahal ko..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro