Chapter 11
Chapter 11
-- HARi --
Third, Fourth, Fifth
All of my brothers were all excited, except Zen.
"I think it's too early. These idiots are more troublesome than Lily before." Zen said as we watched Finn, Evan, and Caleb, howling different kinds of swords inside our one of weaponry's room.
Lily gasped irritatingly. "How dare you call me troublesome, Zen? If it weren't because of me, you and Dastan—" Zen immediately raised his hand in defeat.
"Alright. My fault. My apologies, Princess Lily Esmeralda." He bowed formally.
I shook my head. Here we go again, Zen and his sarcasm. Hindi naman siya manalo kay Lily.
"Whatever, Zen."
Nanatili kaming nakatayong tatlo habang tanaw iyong nagkakagulong sina Caleb, Finn at Evan sa pagpili ng espada.
Time really flies, dati ay si Lily lang ang tinatanaw namin ni Zen noon. But now, she's right beside us, a lesser silly, a lesser crybaby, but still the spoiled one.
Ilang taon din ang lumipas bago kami nasundan tatlo. Noong una ay inakala kong sina Zen at Lily na lang ang mga magiging kapatid ko. But when our parents had returned from a long vacation, they brought unexpected gifts, new siblings.
Hindi lang isa kundi tatlong munting prinsipe.
I can still remember how Finn and Evan tried to hide behind our father's legs when he first introduced them to us. How Lily sweetly welcomed them and how Caleb's hand ripped my favorite royal suite when I tried to play with his little fingers.
Akala namin ay mapag-iiwanan pa si Caleb nina Finn at Evan, dahil sa kapangyarihan niyang nagpapabagal sa kanyang paglaki. Iyon din ang siyang unang napansin namin lahat nang umuwi sila sa palasyo. Dapat ay nakalalakad at nakatatayo na rin siya noon katulad ng dalawa, lalo na't mas matanda siya kay Evan, pero dahil nga sa kapangyarihan niya'y naintindihan na namin iyon. Ngunit matapos lang ang isang taon, mabilis nakahabol si Caleb sa dalawa.
Hindi miminsang may nag-akala mula sa mga karatig-emperyo na nagkaroon ng triplets sina ama at ina.
But they're not. Hinahayaan na lang namin sila maniwala sa gusto nilang paniwalaan.
"I am not really sure about this." Ulit ni Zen.
"Why not? We can try them. We have natural talents, Zen. Besides, it was our father who—"
"Alright. Yes, Lily." Sagot ni Zen na hindi na nais pahabain ang sinasabi ni Lily.
Nasa pagitan namin ni Zen si Lily. Nakapamaywang habang nakangiting pinagmamasdan iyong mga kapatid namin na nagtatakbuhan at nag-aagawan ng iba't ibang uri ng armas.
"H-How about you, Dastan?" Zen asked.
I shrugged. "It's our father decision."
Saglit kong nakita ang sarili ko kay Zen nang sandaling malaman ko na isasama na siya ni ama sa pagsasanay ko at ang naramdaman ko nang makitang nasa likuran ng binti ni ama si Lily.
He was worried.
Kinapa ko ang sarili ko habang pinagmamasdan sina Finn, Evan at Caleb. Hindi ko na nararamdaman iyong pangamba sa kaalamang sasama sila sa pagsasanay.
And that was because of them—Lily and Zen. Alam ko na kung anuman ang mangyari, hindi lang ang mga kamay ko ang aabot sa mga pasaway na iyon.
"I think they're all done." Anunsyo ni Lily.
Halos magulo ang kabuuan ng silid dahil sa tatlo, lumapit na sa amin sina Evan, Finn at Caleb na may kani-kanila nang dalang espada.
Yes, they're too young for weapons. But we're Gazellian, a royalty born with responsibilities. Nararapat lang na maaga kaming mamulat sa paggamit nito.
"Who will brief them?" tanong sa amin ni Lily. Sumulyap siya sa amin ni Zen habang kapwa kami nakatungo sa kanya.
Lily might be taller now, but she's still small for us. Hindi man lang siya umabot sa balikat namin ni Zen.
"The floor is yours..." usal ni Zen.
She looked at me for approval. "Yes. Ikaw na lang."
"Alright."
Marahang yumuko si Lily sa tatlo naming kapatid. They were like her before. Akala siguro nila ay maglalaro lang kami.
"Today, our father will test your fighting skills. You can use that sword or even your powers." Sabay-sabay nagningning ang mga mata ng tatlo.
I remained quiet, while Zen huffed in annoyance.
"And I don't think you'll need these swords..." inagaw ni Lily ang mga espadang dala ng tatlo.
Zen laughed. "Pinahirapan lang kayo ni Lily... poor rascals."
Sabay-sabay sumama ang tingin ng tatlo kay Zen, halos sumugod na nga ang mga iyon nang humarang sa harapan nila si Lily.
"Don't mind him. He's just insecure. When it was his first time, Dastan complained, while you? Hindi naman nagreklamo si Dastan. He's actually excited."
I wasn't really excited. Zen was right. Panggulo talaga sina Caleb, Evan at Finn. Hindi ko rin alam kung paano sila tutulong. But Lily's here to take good care of them, so there's nothing to worry about.
Excited? No.
Nagliwanag iyong mukha ng tatlo kong kapatid. Simula nang tuwid na silang nakapagsasalita, nakakagamit ng bilis ng mga bampira at nakakagamit ng kapangyarihan, nagsimula na rin sumakit ang ulo ko sa kanila.
Hindi miminsan inisip ko na tirisin silang tatlo, isama na rin si Zen sa tuwing nagtatalo sila sa maraming bagay, lalo na sa hapag-kainan.
Lumingon sa akin si Lily. She smiled. A threat.
I almost choked.
"Y-Yes... very much."
Nagtalunan sina Evan, Finn at Caleb. Biglang yumanig ang palasyo, saglit na nagkaroon ng kidlat sa labas at tatlong beses nagpatay sindi ang ilaw.
Saglit nagtama ang mga mata namin ni Zen. "Excited, eh?"
"Shut up, Zen."
"Alright. Now listen again, all you have to do is to attack in long range. Use your powers to attack our father. Sword is for Zen and Dastan. Then, I'll do the protecting..."
Sabay kaming tumango ni Zen sa sinabi ni Lily.
"Long range? You mean... we'll not join Zen and Dastan?" tanong ni Caleb.
"Of course, it's too early for you. Our father is serious during trainings. He'll test your power first. Ganoon din ang ginawa niya sa amin. You can't fight like Zen and Dastan..."
"B-But we're not yet trained in long range, Lily. Paano kung bigla kong matamaan ng kidlat sina Dastan at Zen?"
Sabay kaming naubo ni Zen. Hindi nga kami napinsala ni ama, ang kapangyarihan naman ng tatlong ito ang papatay sa amin.
"It's okay! Our brothers will dodge it. Magaling naman silang umilag." Lily said confidently.
"Lily!" sabay naming tawag ni Zen sa kanya.
We're already concentrate with our father's movement. Paano pa namin maiilagan ang biglang atake ng tatlong ito?
"They don't look confident." Nakangiwing sabi ni Finn.
Sabay muli kaming tumikhim ni Zen. I immediately straightened myself and Zen did the same.
"Very well. Give your best shots, brothers." Ani ni Zen.
Tumango ako.
Sabay-sabay naningkit ang mga mata sa amin ng tatlong pasaway. They're trying to annoy us. Pilit kong itinago sa likuran ko ang dalawa kong kamay na magkadaop. Nangangati na akong pitikin ang noo ng tatlong ito.
But Zen did a very well job. Dahil isa-isa niyang binatukan sa ulo sina Finn, Caleb at Evan. "Payag na nga kaming umatake kayo nang umatake! Iilag na lang kami! Diskumpiyado pa kayong mga—"
Pinilit ko ang sarili kong hindi tumawa. I tried my best to hide my emotion and remained calm.
"Ouch, Zen!" sigaw ni Caleb habang hawak ang ulo niya.
"Why are you so mean to us?" si Evan na humihikbi na rin.
"You will get a nightmare!" nanggagalaiting sabi ni Finn.
Si Lily ay naniningkit na rin ang mata sa kanya. "You are so bully, Zen. Come here, boys."
Nasa kalagitnaan na ng pag-alo si Lily sa tatlo na umiiyak na nang sumilip na si ama sa amin.
"Are you all ready---"
Hindi niya nasundan ang dapat niyang sasabihin nang makita niya sina Evan, Caleb at Finn. Zen whistled innocently.
"What happened to my little boys?"
Nagtakbuhan sina Caleb, Evan at Finn at kanya-kanya silang yakap sa binti ni ama. Sabay-sabay nilang itinuro si Zen na siyang bumatok sa kanila.
"Zen keeps hurting us!"
"Yeah!"
"He's insecure because he's weaker."
Zen smirked.
"Zen..." father called him accusingly. "You should be kind to your little brothers."
"I am. Pasaway lang talaga sila."
"And you're not during your days?"
"Of course—"
"No. Mas malala ka pa." Singit ko.
"W-what?"
Lily giggled. "It's okay father. Zen is just jealous. Kasi kay Dastan lagi nakabuntot ang tatlong iyan. He's a jealous idiot. We all know that. Kaya asar na siya kapag—"
"What the hell, Lily!"
Since Caleb, Evan and Finn were all young and innocent, and it's easy for them to believe everything that comes inside their ears. Our father and mother raised them to see every good side around them. At ang madalas na pagkaubos ng pasensiya ni Zen sa kanila ay nagkaroon na ngayon ng sariling eksplanasyon.
And our father knows well how to manipulate a situation like this.
"You heard it? Kayo naman pala ang dahilan kung bakit nagagalit si Zen sa inyo... he's also your big brother. Hindi lang si Dastan... now go to your brother and--"
"W-what? No..." naiiling na sabi ni Zen. Napapahakbang na siya paatras, pero huli na ang lahat. Our father wickedly changed the situation, dahil nag-unahan nang tumakbo sina Caleb, Evan at Finn patungo kay Zen.
Tumalon sa likuran ni Zen sina Evan at Finn habang si Caleb naman ay sapilitang yumakap sa leeg niya. "We're sorry, kuya, from now on, we'll ask you to play with us. Hindi lang si Dastan..."
Zen rolled his eyes. "Come on..."
Natawa na sina Lily at ama sa aming nakikita, tipid akong napangiti.
"He's not just the second prince. He's Kuya Zen, right?" dagdag ni Lily.
Our father's eyes softened when he heard those words. Kahit ako ay saglit na ngumiti kay Lily.
"Yes!" sabay-sabay na sagot ng tatlo.
That was the day when the three troublemakers started to enjoy Zen's company than mine. And for the very first time, I got jealous of Zen, aside from his brown hair and its style.
***
Just like our usual training, Lily's responsible for the protection, and the only difference was we have other attacks. Nasa likuran na rin namin sina Evan, Finn at Caleb.
Kami ni Zen ay kapwa pa rin may hawak na espada, habang si ama ay tila mas nawiwili sa pagdami ng kanyang kalaban. Akala namin ni Zen ay masusundan pa ang pagtalsik ni ama dahil sa kapangyarihan ni Lily, pero hindi na iyon naulit.
The first attack came from us. Hindi naman nahirapan si ama umilag. Walang pinagkaiba sina Finn, Evan at Caleb kay Zen, atake lang sila ng atake at puro gigil kay ama na tumatawa na lamang.
Evan's calling his lightning, ilang beses na kaming muntik tamaan ni Zen, Caleb keeps hitting the earth, halos magbanggaan na kami ni Zen sa biglang pagtaas at baba ng lupa, and Finn's using his illusion, bigla na lang kaming magugulat na may lalabas na embargo at hindi lang si ama ang sinusugod pati kami.
Pansin ko na nagpipigil na lang ng pagtawa si ama, si Zen ay parang puputok na ang ugat sa noo sa sobrang pagkainis habang napapahampas na sa kanyang noo si Lily.
Nang sumulyap ako sa tatlo, kapwa na rin sila namumutla. At least, they knew what's happening right now.
"Evan, Caleb, Finn..." tawag ko sa kanila. They froze in an instant. Ilang segundo yata silang tulala sa ibang direksyon bago sila kapwa lumunok at unti-unting lumingon sa akin.
I gave them a small smile. "It's okay."
Kapwa umawang ang bibig nila sa akin nang sabihin ko iyon sa kanila. I didn't pressure Lily and Zen before. I want my brothers to enjoy their first time and discover themselves in the right process. Hindi iyong pinipilit nila ang kanilang sarili.
Afterall, Zen and I can still survive.
Nang humarap na akong muli kay ama, nakita kong nakatitig din sa akin si Zen. "You are really soft, Dastan..."
I shrugged. "Ako muna ang aatake..."
"Alright."
When I started to run fast with my blood blade, a sudden thunder grumbled upon the sky, a shower of lightning danced around the forest, the earth moved, and different pairs of eyes were igniting from the shadows.
Saglit akong lumingon sa likuran.
And for the very first time, I saw Finn, Evan and Caleb's eyes ignite with blood color.
My father tried to attack me with his invisible power, pero walang tumama dahil sa kapangyarihan ng tatlo. Sa ibang pagkakataon ay hindi ko na magagawang makalapit sa kanya, pero habang bumibilis ang takbo ko, mas lalong humihigpit ang hawak ko sa aking espada.
If I'll give father a big blow, I might disarm him and I'll surprise him with physical combat.
But when I looked at him, he's not even worried! Why? There's something else in here. May mali, hindi ganito kadali...
He's not the goal...
Marahas kong itinusok sa lupa ang aking espada at buong lakas kong inikot ng buong pwersa pabalik ang katawan ko. Then, I was right! Dumudugo na ang ilong ng tatlo! They are damn pushing themselves!
"The idiots!" sigaw ko.
Ang atensyon nina Zen at Lily ay nadako sa tatlo at hindi na sa antisipasyon na matatamaan ko si ama.
Isang galaw lang ang siyang namayani sa amin tatlo.
Lily, Zen, and I immediately pushed Caleb, Evan, and Finn's head on land to wake them up, and hastily dragged them up against our chests.
Isang katanungan lang ang lumabas sa mga bibig nila nang sandaling bumalik sila sa kanilang malay.
"Did I do well?"
Zen, Lily and I answered in unison, as we looked at our father, watching us proudly.
"Yes..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro