Chapter 9: The Dog and Cat
STAN'S POV
"Andyan na si Stan!"
"Ang pogi talaga niya!"
Hindi ko mapigilang sumimangot habang naglalakad sa hallway. Bakit ba palaging puno ng mga babae ang hallway tuwing uwian? Wala ba silang ibang mapupuntahan?
"Ang ingay naman! Akala mo naman ngayon lang nakakita ng lalaki na dumaan sa hallway." Rinig kong bulyaw ni Maja.
"Ano na naman ba ang problema mo? Hindi naman ito classroom, ah?" Tanong ko pagkalapit ko sa kanya. Umirap lamang ito at saka pumasok sa classroom nila.
"Bakit ba tuwing nakikita ko kayong magkasama, palagi kayong nag-aaway?" Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Lucas.
"Uy! Bakit ngayon ka lang nagpakita? Last week ka pa namin hinahanap." Tanong ko rito ngunit umiwas lamang ito ng tingin.
"May kinailangan kasi akong asikasuhin. Sorry." Maiksing sabi nito bago naglakad papasok sa classroom namin.
Hindi ko alam kung bakit pero parang may kakaiba sa kanya ngayon.
"Lucas! Buti naman at pumasok ka!" Bati ni Blaze nang pumasok kami sa classroom.
"Oo nga eh. Marami ba akong namiss na notes?" Tanong ni Lucas sabay upo sa tabi ni Liam.
Agad akong dumiretso sa pinakadulong bahagi ng classroom at doon umupo.
"Ang dami! Ito oh. Tanungin mo lang din pala si Maja tungkol sa research niyo. Deadline na yata ng topic bukas." Sabi ni Liam sabay abot ng notebook niya kay Lucas.
Teka. Research?!
Agad akong tumayo at pumunta sa classroom nila Maja. Buti na lang at wala pa si Ma'am Sydney kaya nilapitan ko ito.
"Ano na ang nangyari sa research natin?" Tanong ko sa kanya. Napatigil naman ito sa pagsusulat sa notebook niya at saka tumingin sa akin.
"My eyes have been blessed!"
"Ang pogi talaga ni Stan!"
Agad naman na sinaway ni Giana ang mga kaklase nila.
"Ayun, research pa rin. Akala ko ba gagawin natin iyon mamayang hapon?" Tanong ni Maja sa akin. Ay, oo nga pala! Bakit ko ba nakalimutan iyon?
"May practice ang EXO mamaya. Bago lang din dumating si Lucas kaya sasabihan ko na lang siya mamaya." Sabi ko rito.
"Tapos ikaw, hindi tutulong? Aba ang daya naman yata non! Isusumbong ko kayo kay Ma'am!" Sabi ni Maja. Akmang tatayo na sana ito nang paupuin ko ito ulit.
"Wag! Sige, tutulong ako. Konti lang naman ang alam ko tungkol sa mga estudyante dito." Sabi ko dito at tumawa lang siya.
"Palagi nga kayong pinagkakaguluhan ng mga estudyante tapos sasabihin mong hindi mo alam kung ano hilig nila?" Sabi nito kaya naman binigyan ko lang ito ng masamang tingin.
"Sa tingin mo ba, may pakialam ako sa kanila? At saka sila Kyle lang naman ang pinagkakaguluhan, hindi ako." Sabi ko rito.
"Sus, pahumble. Umalis ka nga rito! Nandyan na si Ma'am!" Sabi niya sabay tulak sa akin palabas ng classroom.
MAJA'S POV
Hindi ko mapigilang umirap habang naghihintay sa dalawang iyon.
Kung bakit ba naman kasi hindi kami magkagrupo ni Giana. Edi sana tapos na namin iyong research ngayon.
Mukha tuloy akong loner na nakaupo dito sa may garden dahil dito raw kami magkikita.
Umasa na naman ako.
"Maja? Bakit nandito ka?" Tanong ni Liam sa akin nang madaanan niya ako.
"Hinihintay ko kasi sila Stan. Nakita mo ba sila?" Tanong ko at napakibit-balikat lamang ito.
"Maaga silang umalis nung last subject na namin. Hindi ko alam kung saan sila pumunta ni Lucas." Sagot niya kaya naman napahilamos na lamang ako ng mukha.
Isusumbong ko talaga ang dalawang iyon kapag nakita ko si Ma'am Sydney ngayon!
Agad akong tumayo at saka kinuha ang bag ko para umuwi.
Bahala sila sa buhay nila!
STAN'S POV
"Bakit ba tayo nandito?" Tanong ko kay Lucas nang makarating kami sa isang ospital.
"May kailangan akong bisitahin dito." Sagot nito bago kami pumasok sa isang kwarto.
Noong last subject na kasi ay may tumawag kay Lucas. Sinamahan ko na lang siya dahil wala rin naman akong naiintindihan sa tinuturo kanina.
Nagulat ako nang makita ko ang isa pamilyar na babae.
"Joselle?" Mahinang tawag ko sa pangalan niya kaya naman napatingin ito sa amin ni Lucas.
"Anong ginagawa niyo rito?" Gulat na tanong niya sa amin.
"Anong nangyari sa kanya?" Tanong ko kay Lucas na malungkot na napangiti.
"Naaksidente kasi iyong sinasakyan niya noong isang linggo. Buti na lang at medyo gumaling na iyong paa niya." Sagot ni Lucas sabay lapit kay Joselle.
Nagkwentuhan na lang kaming tatlo kaya naman nalaman kong matagal na pala silang may relasyon.
"Paano mo nagawang hindi sabihin sa amin ang tungkol dito?" Tanong ko kay Lucas.
"Sorry. Ayaw din kasing ipaalam ni Joselle na may relasyon kaming dalawa." Sabi ni Lucas at tumango lamang si Joselle.
"Gabi na oh. Hindi pa ba kayo uuwi?" Tanong ni Joselle sa amin. Nagkatinginan kami ni Lucas nang may bigla kaming matandaan.
"Si Maja!"
MAJA'S POV
Napasimangot ako nang may madatnan akong milktea sa upuan ko.
"Wow! Ang sweet naman! Sinong nagbigay?" Tanong ni Tina sa akin pagkakita sa milktea.
Nilipat ko ang milktea sa lamesa ko at saka nilapag ang bag ko.
"Sorry."
Sa sulat kamay pa lang ay alam ko na kung sino ang nagbigay.
"Sa iyo na lang ito." Sabi ko kay Giana sabay abot ng milktea sa kanya kahit na paboritong flavor ko iyon.
"Huh? Eh diba favorite-" Naagaw ang atensyon namin nang pumasok si Stan sa classroom.
"Ano na naman ba ang kailangan mo sa akin?!" Inis na sabi ko sa kanya.
"Sorry nga eh! Naubos nga iyong allowance ko dahil sa milk tea na yan." Sabi nito sa akin.
"So ako pa ang may kasalanan ngayon?" Singhal ko. Dumating naman si Lucas na kasama ang kaklase naming si Joselle.
"Uy, Joselle! Anong nangyari sa paa mo?" Tanong ng isang kaklase namin sa kanya. Ngumiti lamang ito bago umupo.
"Bakit kayo magkasama ni Kuya Lucas?" Tanong ni Tina sa kanila kaya naman agad na binitawan ni Joselle ang kamay ni Lucas.
"Nagkasabay lang kami papunta rito. Inalalayan niya lang ako." Sabi ni Joselle kaya naman tumango kami.
"Sorry nga pala kahapon, Maja. Bigla kasing nagkaroon ng emergency si Ysabelle kaya pinuntahan ko agad." Pagpa-paliwanag ni Lucas sa akin.
"Okay lang iyon. May nasimulan naman ako sa research natin, ituloy mo na lang." Sabi ko rito kaya naman ngumiti ito sabay tango.
"Teka, paano naman ako? Bakit ang bilis mo siyang napatawad?" Tanong ni Stan sa akin. Agad ko naman itong inirapan.
"Nakakainis kasi yang mukha mo! Bahala ka sa buhay mo!" Sabi ko sabay upo.
Hindi na ito umimik at binigyan na lang ako ng masamang tingin bago lumabas ng classroom.
"Alam mo, dapat pinatawad mo na lang yun. Pinaghirapan niyang gawin iyan." Kwento ni Lucas sa akin bago ito umalis.
Grabe. Bakit ako nakokonsensya ngayon?
Dumating ang lunch break kaya naman naisipan kong bilhan din ng milktea si Stan.
"Bibili ka ng milktea? Ako rin!" Sabi ni Giana kaya naman sinamahan ako nito sa tindahan ng milktea.
"Himala at bibili ka ng milktea. Dapat hindi mo na lang binigay sa akin iyong milktea mo kanina." Tanong ni Giana sa akin.
"Hindi naman para sa akin iyong bibilhin ko. Ibibigay ko doon sa rainbow na iyon." Sabi ko kaya naman napangiti ito.
"So bati na kayo?" Tanong nito sa akin ngunit inirapan ko lang ito bago nag-order ng paboritong milktea ni Stan.
Nang makuha ang binili kong milktea ay agad akong nagpaalam kay Giana para hanapin si Stan. Buti na lang at nakita ko ito agad sa tambayan ng EXO.
"Sorry." Maiksing sabi ko sabay lapag ng milktea sa harapan niya. Napatingin naman ito sa akin.
"Hindi ko iyan gusto." Sabi naman nito kaya naman napanganga ako.
"Bahala ka nga! Buti nga nags-sorry iyong tao." Inis na sabi ko dito.
"Bakit ba kayo nagbibigay ng peace offering sa isa't isa? Bati na ba kayong dalawa?" Tanong ni Kristoff sa amin kaya nagulat kami.
"Hindi ah!" Sabay naming sabi.
"Stan, pwede bang akin na lang ang milktea mo kung ayaw mo?" Tanong ni Tyler kay Stan. Balak na sana nitong kunin ang milktea nang ilayo iyon ni Stan sa kanya.
"Akin 'to, Tyler. Wag kang patay gutom." Sabi ni Stan saka ininom ang milktea. Sakto naman at dumating na si Lucas na may dala-dalang libro.
"Nag-research na ako kanina ng mga pwedeng source natin. Tingnan mo na lang iyong mga minarkahan ko." Sabi ni Lucas sabay bigay sa akin ng mga libro niya.
"Buti pa si Lucas, masipag. Hindi katulad ng iba dyan." Parinig ko sa kay Stan na umiinom.
"Tumulong kaya ako kanina!" Depensa nito kaya naman natawa ang lahat.
"Salamat, Lucas."
"Naks! Nililigawan niyo na ba ang isa't isa?" Panunukso ni Abi nang bumalik ako sa pwesto namin.
"Hindi ah. Never!" Sabi ko at kinuha ko ang baon kong pizza.
"Penge!" Sabi ni Abi pero hinarang ko ang mukha niya.
"Wag ka! Gutom ako!" Sabi ko sa kanya at kumain ako.
"Wala na naman si Gabrielle?" Tanong ni Giana sa amin.
"Siguro. Hindi na naman siya nagpaparamdam sa atin pagkatapos niyang dumating eh." Sagot ko habang kumakain.
"Kung bisitahin kaya natin siya sa bahay nila?" Alok ni Tina na sinang-ayunan ng lahat.
Habang kumakain tuloy ay bigla akong napaisip.
Kumusta na kaya si Gabrielle?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro