Chapter 3: The Party
CHRISTINA'S POV
"Okay lang ba kung iwan kita dito?" Tanong ni Kuya Chase sa akin.
"Okay lang ako Kuya. Hindi naman ako bata!" Sabi ko sa kanya kaya napangiti ito.
"Sige. Doon muna ako kela Kristoff, ah?" Paalam nito sa akin kaya tinanguan ko lang ito.
Nandito kasi kami sa bahay ni Kuya Lucas. Birthday ng kapatid niya kaya sinama ako ni Kuya Chase dito.
"Tina!" Hindi ko mapigilang mapalingon sa pinanggagalingan ng boses. Nagulat ako nang makita sila Giana at Maja sa kabilang table kaya naman nilapitan ko ang mga ito.
"Hay salamat! Buti nandito rin kayo! Wala akong ibang kakilala dito eh." Sabi ko sa kanila nang maupo ako sa tabi ni Giana.
"Duh! Invited kaya lahat ng nasa school so hindi pwedeng hindi kami pumunta!" Sabi ni Maja sa akin kaya natawa ako.
"Ano nga palang nangyari nung isang araw? Share naman dyan, oh!" Pangungulit ni Maja sa akin kaya naman naalala ko na naman ang nangyari.
"Anong pag-uusapan natin, Xander." Tanong ko sa kanya na nakatitig lamang sa fountain na nasa harapan namin.
"Bakit ka pa bumalik, Tina?" Tanong niya at nagulat ako.
"Bumalik? May sinabi ba akong gusto kitang balikan? Hindi ko naman kayo ginugulo ng girlfriend mo ,ah?" Sabi ko rito kaya naman napalabi na lamang ito.
There goes his mannerism. Iyon kasi ang palagi niyang ginagawa sa tuwing may problema siya.
"Ano na naman ba ang problema mo ngayon?" Tanong ko rito kaya napangiti siya.
"Kilala mo talaga ako." Saad nito bago tumingin sa akin.
"Oo na. So ano ngang problema mo?" Pag-uulit ko rito ngunit bago pa siya makasagot ay may sumigaw.
"Kaya pala hindi mo matandaan na monthsary natin kasi may iba ka na!" Napalingon kaming dalawa at nakita namin ang girlfriend niya.
Agad na tumayo si Xander at lumapit sa girlfriend nito.
"Wait! I can explain!" Sabi ni Xander.
"Wala kang dapat i-explain! I need space!" Inis na sabi ni Abi bago kami iwan sa gazeebo.
Tiningnan na lamang ako ni Xander na para bang humihingi ng tulong.
"Sundan mo na. Baka maghanap pa yun ng iba." Biro ko at wala pang isang segundo ay umalis na ito.
Natawa na lang ako nang matandaan ang nangyari kela Xander. Ano na kaya ang nangyari sa dalawang iyon?
"Huy, Tina!" Tawag ni Maja sa akin.
"Anong sabi mo?" Tanong ko rito. Biglang naagaw ang atensyon namin nang biglang sumulpot sa tabi namin ang isang babae.
"Hi! I'm Ysabelle. Ikaw ba iyong girlfriend ni Kuya Lucas?" Tanong nito sa akin kaya naman nagulat ako.
"Si Tina?" Gulat na sabi ni Maja kaya natawa na lamang kami.
"Hindi ikaw yung girlfriend ni Kuya Lucas? Ka-ano ano ka po ni Kuya?" Tanong ni Ysabelle.
"Kapatid ako ni Kuya Chase." Natatawang kwento ko rito at napangiti naman ito.
"Pwede bang ikaw muna ang big sister ko? Hindi pa kasi umuuwi si Ate Gabrielle." Tanong nito sa akin.
Sino ba si Gabrielle? Ako lang ba ang hindi nakakakilala sa kanya?
"Sige." Nakangiting sabi ko rito. Napatalon naman ito sa saya bago ako hinila patayo mula sa aking upuan.
"As my big sister, pwede po ba ninyo akong samahan papunta kay Kuya Deion?" Tanong nito sa akin kaya napakunot-noo ako.
"Bakit naman natin lalapitan si Kuya Deion?" Tanong ko sa kanya kaya naman agad itong namula.
"Crush niya kasi si Deion." Sagot ni Giana kaya naman mas lalo itong namula.
"So sasamahan mo ako, Ate?" Tanong ni Ysabelle sa akin. Wala na akong nagawa kundi samahan siya papunta sa table nila Kuya Chase.
"Hi, Kuya Chase!" Bati ni Ysabelle kela Kuya.
"Happy birthday, Ysabelle! Nasaan ba iyong Kuya mo? Kanina pa kasi namin hinahanap." Tanong ni Kuya Chase sa kanya.
"Hindi ko po alam, Kuya Chase. Baka pinuntahan na naman po iyong girlfriend niya." Sagot nito bago binati ang ibang mga kaibigan ni Kuya Chase.
Lahat sila ay binati si Ysabelle pwera na lang kay Deion na nakatutok lang sa pagkain niya.
"Hindi mo ba babatiin si Ysabelle, Deion?" Tanong ni Kuya Chad rito ngunit nanatiling seryoso lamang ang mukha ni Deion
"Happy birthday." Bati ni Deion kay Ysabelle kaya naman namula ito.
"Uy! First time! Nagb-blush si Ysabelle!" Panga-asar ni Kuya Stan rito kaya naman natawa silang lahat.
"Kuya Stan naman eh!" Sabi ni Ysabelle.
"Sinong nagb-blush?" Agad kaming napalingon at nakita namin si Kuya Lucas.
"Kuya Lucas! Inaasar nila ako!" Pagsusumbong ni Ysabelle sa Kuya niya kaya naman mas lalong lumakas ang tawanan.
Sa gitna ng tawanan ay bigla akong kinalabit ni Kuya Chase.
"Tumawag si mama. Hinahanap ka niya." Sabi nito sa akin bago iniabot ang cellphone niya.
"Hello, ma?" Bati ko kay mama na nasa kabilang linya.
"Ch—tin—a-g---han..." Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni mama kaya naman napagdesisyunan kong lumabas ng bahay para maghanap ng signal.
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ang laki ng bahay nila Kuya Lucas pero wala namang signal sa loob.
"Bakit kasi walang signal dito? Papagalitan ako ni mama nito eh." Inis na sabi ko sa sarili habang naghahanap ng signal.
1 bar. 2 bars...
"Sa wakas! Matatawagan ko na rin si-" Bago pa ako matapos sa pagsasalita ay biglang may bumunggo sa akin kaya nahulog ko ang cellphone ni Kuya Chase.
"Ano bang problema mo?!" Singhal ko sa taong ngayon ay nakatalikod sa akin at papasok na sa party ni Ysabelle.
Hindi ko na tuloy natawagan si mama kaya naman bumalik na lamang ako sa party.
"Anong nangyari sayo, Tina?" Tanong ni Giana sa akin nang mapansin ang madumi kong dress.
"Nakakainis!" Sabi ko habang pinapagpag ang dress ko bago umupo sa tabi ni Giana.
"Wala na. Ubos na." Mahinang sabi ni Maja habang nakatingin sa malayo.
"Ano na naman ba ang trip mo?" Tanong ni Giana sa kanya kaya naman napasimangot ito.
"Iyong milktea kasi! Inubos nung Stan na iyon!" Inis na sabi ni Maja sabay turo kay Stan na kasalukuyang umiinom ng milktea.
"Grabe! Parang mamamatay ka naman kung hindi ka makakainom!" Sabi ni Giana dito kaya naman nanahimik na lamang si Maja at binigyan ng masamang tingin si Stan.
"Hi Christine!" Nagulat ako nang biglang lumapit sa akin si Abi.
"Christina hindi Christine." Pagtatama ni Giana dito habang kinakain ang kinuhang salad.
Umirap na lamang si Abi bago umupo sa tapat ko.
"Parehas lang naman yun. Hindi ba't ikaw iyong ex nung baozi ko?" Tanong nito sa akin.
"Hala. World War III na ba?" Mahinang sabi ni Maja at agad naman itong siniko ni Giana.
"Oo. Bakit?"
"Gusto mo pa ba siya?" Tanong nitong muli sa akin kaya nagulat ako.
"Hindi uy! Friends lang kami-" Bago pa ako matapos sa kwento ko ay agad niya akong niyakap.
"Okay! Friends na tayo!" Masayang sabi niya sa akin kaya nagulat kaming lahat.
"Seryoso?" Gulat na sabi ni Maja at tumango si Abi.
"Tina!" Sigaw ni Xander nang dumating siyang tumatakbo.
"Nag-marathon ka ba? Bakit grabe ang pawis mo?" Tanong ko rito.
"Abi?" Gulat na sabi ni Xander nang makita si Abi.
"Bakit nandito ka?" Tanong ni Abi sa kanya.
"Invited ako. Ikaw, bakit nandito ka?" Tanong ni Xander.
"Kapatid ko si Chad kaya malamang nandito rin ako sa party ni Ysabelle!" Masungit na sabi ni Abi kay Xander.
Nagtatakang tiningnan ako ni Xander kaya naman kinausap ko si Abi.
"Hindi mo ba siya papansinin?" Tanong ko kay Abi.
"Hindi!" Sabi niya at kinuha niya ang plato ni Giana.
"Yung pagkain ko!" Sabi ni Giana pero sinamaan lang siya ng tingin ni Abi kaya nanahimik na lang ito.
"Akala ko ba okay na?" Tanong ko kay Abi.
"Tayong dalawa okay na. Hindi ko lang alam sa iba dyan." Pagpaparinig ni Abi kay Xander kaya agad ko itong sinenyasan na lumapit sa girlfriend nito.
"Ano bang kailangan kong gawin para maging okay na tayo?" Tanong ni Xander kay Abi ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito kumikibo.
"Patawarin mo na lang please! Ang ingay ninyong dalawa!" Pagrereklamo ni Maja kaya naman tinawanan lamang ito ni Giana.
"Abi, ikaw lang naman mahal ko. Magkaibigan na lang talaga kami ni Tina." Page-explain ni Xander.
"Totoo? Walang halong Jongdae?" Tanong ni Abi at natawa sila Maja.
"Oo. Walang halong Jongdae." Sabi ni Xander sabay ngiti.
"Sige nga, bati na tayo." Mahinang sabi ni Abi kaya agad siyang niyakap ni Xander.
"Aray ko po! Kumakain ang tao!" Sabi ni Abi kaya naman niluwagan ni Xander ang pagkakayakap sa kanya.
"Sorry. Hindi ko kasi kayang bigyan ka ng space kahit na isang araw lang. I'm so sorry about the other day. Kinausap ko lang naman si Tina-" Agad itong pinutol ni Abi.
" Alam ko na ang lahat." Sabi ni Abi kaya napatingin si Xander dito.
"Paano mo nalaman?"
"Dahil sa akin!" Sabat ni Tyler na kasalukuyang kumakain ng baozi.
"Bakit mo kinain ang baozi ko?!" Hysterical na sabi ni Xander.
"Marami pa naman doon ah?" Sabi ni Tyler sabay turo sa lamesa na puno ng baozi.
"Ang mga babies ko!" Sabi ni Xander saka hinila si Abi patungo sa kinaroroonan ng mga baozi.
Napailing na lang ako sa nangyari.
"Salamat naman at dumating ka na rin!" Dinig kong sigaw ni Kuya Simon sa kabilang table kaya napalingon ako sa kanila. Mukhang may bagong dating.
Isang lalaking magulo ang buhok at lukot-lukot ang damit. Hindi mo aakalaing birthday party ang pupuntahan.
"Sino 'yon?" Tanong ko kay Maja sabay turo sa bagong dating.
"Si Kyle? Siya iyong choreographer at lead dancer ng EXO. Siya rin iyong pinakasikat sa kanila." Kwento ni Maja.
"Pero huwag na wag kang magkakamaling lumapit sa kanya. Balita ko'y marami na iyang nasaktan." Patuloy ni Maja.
That won't be a problem at all. Ako? Lalapit sa kanya? Never.
------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: Too tired. :( Pansin ko lang, nakakalito pala kung sino ang nabunggo ni Tina! XD Sino ba ang nakabangga sa kanya? Comment nga! :D
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro