Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2: The Ex

CHASE'S POV

Nang dalhin ko si Tina sa tambayan ng EXO ay agad itong namutla nang makita ang mga kaibigan ko.

"May sakit ka ba? Bakit parang namumutla ka?" Tanong ko sa kanya sabay hapo ng kanyang noo pero agad nitong inalis ang kamay ko.

"Pwede ba akong bumili muna ng tubig, Kuya?" Paalam niya sa akin pero hindi ko siya pinayagan.

"Ipapakilala muna kita sa kanila. Sandali lang talaga 'to, promise." Sabi ko sa kanya at hindi na siya nakatanggi nang ipakilala ko na siya sa mga kaibigan ko.

"Guys, si Tina nga pala, kapatid ko." Pagpapakilala ko sa kanya at agad naman siyang binati ng mga kaibigan ko.

"Teka, nasaan si Kyle?" Tanong ko nang mapansing wala si Kyle.

"Nagtext kanina. May kailangan daw asikasuhin." Sabi ni Deion at tumango na lang ako.

"Gusto mo na ba kumain?" Tanong ko kay Tina na kanina pa nakatitig kay Xander.

"Tina?" Pagtawag ko ulit rito.

Naagaw ang pansin namin nang biglang may sumigaw.

"Baozi ko!" Sigaw ni Abi at agad kaming napatakip ng tenga.

"Grabe, parang kanina lang magka-text kayo ah?" Pagsalubong ni Chad rito at agad siyang binatukan ni Abi.

"Kung hindi lang talaga kita kapatid! Naku! Matagal na kitang tinapon sa dagat!" Naiinis na sabi ni Abi kaya natawa kaming lahat.

"Kailangan na yata naming kumain, Kuya." Sabi ni Tina sa akin.

"Gusto mo bang samahan ko kayo?" Tanong ko sa kanya pero umiling lamang ito.

"Kasama ko naman sila Giana. Kaya na namin." Sabi ni Tina at tumango ako. Agad itong lumapit sa kanyang mga kaibigan at nagsimulang maglakad.

Habang naglalakad sila palayo ay hindi ko maiwasang mag-alala para rito.

It seems like something's wrong with her.

CHRISTINA'S POV

Bakit kinailangan naming magkita ulit?

Hindi ba't nakamove-on na ako?

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Maja sa akin habang naglalakad.

"May gusto sana akong sabihin sa inyo." Kwento ko rito kaya naman napatigil kami sa paglalakad.

"Ex ko si Xander." 

Hindi sila kumibo kaya naman nag-alala agad ako.

"Galit ba kayo sa akin?" Kinakabahan na tanong ko sa kanila.

Ilang sandali lamang ay napatili si Maja kaya naman agad na tinakpan ni Giana ang bibig niya.

"Huy! Hindi naman tayo magkakalayo! Wag kang sumigaw!" Sabi ni Giana kay Maja.

"Naging kayo ni Xander?! Can I just say, sana all!" Sabi ni Maja kaya naman natawa kami ni Giana.

"Malapit na iyong next class oh. Kailangan na nating bumalik sa classroom." Sabi ni Giana kaya naman bumili na lamang sila ng makakain bago kami bumalik sa classroom.

Grabe ang ingay sa classroom pagkarating namin kaya agad naman silang pinatahimik ni Giana.

Nang maupo kami ay napaisip ako.

May closure ba kami ni Xander?

"Tina, minsan ba naisip mo kung may feelings pa kaya si Xander para sa'yo? Paano kung mahal ka pa niya?" Tanong ni Maja sa akin.

"Alam mo Maja, ang sarap mong sapakin! Baka ikaw ang hindi makamove-on sa kanilang dalawa?" Sabi ni Giana kay Maja.

"Malay mo kasi! Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig..." Pang-aasar ni Maja kaya naman binatukan ito ni Giana.

"Ang bad mo talaga!" Sabi ni Maja kay Giana. Napailing na lamang si Giana at bumalik sa pagbabasa ng dictionary na dala niya.

"Alam mo, dapat talaga tinatapon na yang mga dictionary na dala mo eh! Ano bang meron diyan at parang in love na in love ka dyan?" Tanong ni Maja kay Giana at natawa na lang ako.

Tama ba talaga na sila ang naging kaibigan ko sa first day?

XANDER'S POV

"Nagdala ako ng paborito mong baozi!" Masayang sabi ni Abi sabay kuha ng baozi mula sa bag niya.

Nginitian ko ito bago kinuha ang baozi. 

"Kailan ba tayo magd-date?" Tanong ni Abi sa akin habang kumakain ako ng baozi.

"Hindi pa ba ito date?" Tanong ko rito kaya naman napasimangot siya.

"Baozi naman eh! Hindi mo ba natatandaan kung ano ang meron ngayong araw?" Tanong niya kaya naman napaisip ako.

"Monday? May pasok?" Naguguluhan na sagot ko sa kanya kaya naman nainis ito sa akin.

"Ewan ko sayo! Isaksak mo sa baga mo iyang mga baozi mo!" Singhal nito sa akin bago ako iwan.

Hindi naman kami parehas ni Lay ng utak ah? Ano bang araw ngayon at nakalimutan ko?

Para kasing nawala ako sa katinuan nang makita ko si Tina kanina.

Bakit kinailangan pa niyang magpakita? Kung kailan na masaya na ako kay Abi at nakalimutan ko na siya.

Naputol ang pag-iisip ko nang dumating si Tyler sa tabi ko.

"Uy! Pahingi naman ako ng baozi!" Masayang sabi nito sa akin at bago pa nito makuha ang hawak kong baozi ay agad kong pinalo ang kamay nito.

"Aray! Kanina kinurot ako ni Abi tapos ngayon papaluin mo ako? Mga sadista ba kayong dalawa?" Daing ni Tyler at agad kong napalo ang noo ko nang matandaan ko kung anong meron ngayong araw.

"Kaya pala!" Sigaw ko at nagulat si Tyler.

"Ano na naman yang iniisip mong baozi ka?" Tanong ni Tyler pero hindi ko na lang siya pinansin.

Iniwan ko si Tyler sa cafeteria at napagdesisyunan na puntahan siya sa classroom nila.

Sakto namang kakatapos lang ng klase nila kaya pumasok ako at hinanap siya.

Nakita ko siyang kasama ang mga kaibigan niya. Agad ko itong nilapitan at hinila papalabas ng classroom nila.

"Ano bang problema mo?" Inis na sabi nito sa akin nang makalabas kami ng classroom. Nagsimula kaming maglakad papunta ng gazeebo. Buti na lang at hindi pa tapos ang klase ng iba kaya naman wala masyadong nakakita sa amin.

Nang marating namin ang gazeebo ay agad kaming naupo sa bench.

"Bakit ba tayo nandito, Xander?" Tanong nito sa akin kaya naman tiningnan ko ito nang seryoso.

"Kailangan nating mag-usap, Tina." 


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro