Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12: The Ice Cream Shop

CHRISTINA'S POV

"Sure ka bang okay ka lang? Baka gusto mo-" Agad akong pinutol ni Giana na nasa kausap ko sa kabilang linya.

"Oo, ayos lang ako. Pakisabi kay Ma'am na masakit ang ulo ko." Sabi nito sa akin bago binaba ang tawag.

Himala yata at sobrang tahimik ng hallway ngayon.

"Hindi ka ba a-attend sa program?" Nagulat ako nang biglang may magsalita. Nang lumingon ako ay nakita ko si Kuya Liam.

"Kuya Liam naman! Nakakagulat ka!" Sabi ko kaya naman natawa ito.

"Hindi ka ba nagtataka na walang tao dito sa hallway?" Tanong nito sa akin kaya naman napaisip ako.

"Ano ba ang meron ngayon?" Tanong ko.

"Fire drill. Hindi ba't alas otso iyon magsisimula?" Sagot ni Kuya Liam kaya naman agad akong kinabahan.

"Hala! Late na tayo!" Sabi ko rito at saka ko lamang ito napansin na hindi naka-uniform.

"Bakit hindi ka naka-uniform? Thursday ngayon ah?" Tanong ko rito.

"Hindi kasi ako papasok ngayon. May kailangan lang akong ipasa na requirement." Sagot nito kaya naman tumango ako. Nagsimula na akong maglakad papunta sa gym habang siya naman ay papunta kabilang direksyon.

Nang makarating ako sa gate ng gym ay naabutan ko si Kyle na pinapagalitan ng prefect.

Late rin siya?

"Ms. Gutierrez! Late ka na sa fire drill! At ikaw naman Kyle, dahil lumabas ka ay kailangan mong- Saan kayo pupunta?!" Sigaw ng prefect nang tangayin ako ni Kyle palabas ng school.

"Huy! Saan ba tayo pupunta? Hindi ba't lalo tayong mapapagalitan-" Natahimik na lamang ako nang bigyan ako nito ng masamang tingin.

"Sumama ka na lang." Malamig na sabi nito sa akin kaya naman hinayaan ko na lamang itong tangayin ako kung saan-saan.

Agad akong namangha nang makarating kami sa isang ice cream shop na puno nang iba't ibang kulay.

"Isa pong Mint Chocolate Chip." Sabi ko sa nagtitinda sabay abot ng bayad.

"Bakit mo naman ako sinama dito?" Tanong ko kay Kyle nang makuha ko na ang ice cream ko. Hindi ito sumagot at sa halip ay bumili na lang din ng ice cream niya.

Tiningnan ko na lamang ito nang kunin niya ang ice cream niya at sinundan nang umupo ito sa isang table.

"Bakit mo ba ako dinala dito? Eh hindi mo rin naman ako kinakausap." Sabi ko sa kanya pero hindi pa rin ako nito pinansin.

"Pipi ka ba o ano? Magsalita ka naman oh." Pangungulit ko sa kanya. Mukhang nairita naman ito kaya naman nagsalita siya.

"Pwede bang manahimik ka na lang?"

KYLE'S POV

Nakakaasar 'tong babaeng to. Bakit ba siya ang sinama ko?

"Saan ba tayo pupunta ngayon?" Tanong niya habang umiinom ng softdrink.

Hindi ba sasakit ang tiyan niya? Kakatapos lang niyang kumain ng ice cream tapos umiinom na naman siya ng softdrink ngayon.

"Manahimik ka nga lang." Sabi ko habang naglalakad kami papunta sa tambayan ng EXO sa cafeteria.

"Bakit ba palagi kang nakasimangot? Bad mood ka ba palagi?" Tanong nito sa akin kaya naman binigyan ko na lamang ito ng masamang tingin.

Naalala ko na naman ang dahilan kung bakit lumabas ako ng gym kanina.

Maaga akong dumating sa eskwelahan dahil gusto kong hintayin si Gabrielle.

Handa na akong patawarin siya sa lahat ng nagawa niya sa akin.

Anong magagawa ko? Siya pa rin naman ang mahal ko.

"Kyle? Sinong hinihintay mo?" Tanong ni Blaze sa akin nang madatnan ako sa may gate.

"Hinihintay ko si Gabrielle." Nakangiting sagot ko.

"Si Gabrielle? Nandoon na iyon sa gym. May fire drill kaya tayo ngayon." Sabi ni Xander kaya naman agad akong nagmadali na pumunta sa gym.

Nakangiti akong pumasok ng gym at binati ang lahat ng taong nakikita ko.

Napawi lang ang ngiti ko nang makita si Gabrielle na kasama si Chase. Masaya silang nagk-kwentuhan at doon bumalik ang inis ko.

Sakto namang magsi-simula na ang fire drill nang lumabas ako ng gym.

"Kyle! Bawal nang lumabas!" Tawag ni Blaze sa akin hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lamang sa paglakad palabas ng gym.

CHRISTINA'S POV

Ilang araw ang nakalipas pagkatapos nung nangyari sa amin ni Kyle at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinapansin nito.

"Kamusta na kayo? Hindi na tayo masyadong nagkikita." Pangangamusta ni Maja sa amin nang maisipan naming tumambay sa cafeteria.

"Ikaw lang naman ang hindi palaging nagpapakita, eh. Palagi kaming magkasama ni Tina. Diba?" Sabi ni Giana at tumango lamang ako.

"Tapos niyo na ba iyong research niyo?" Tanong ni Maja.

"Malapit na. Ang tagal kasi ni Blaze sa part niya." Sabi ni Giana at napatingin naman si Maja sa akin.

"Tapos na kayo, Tina?" Tanong niya sa akin.

"Sa totoo lang? Hindi ko alam. Palagi kasi akong seen sa gc kapag nagtatanong ako sa kanila." Sagot ko rito. Sakto naman at dumating si Kuya Simon.

"Christina! Sorry kung natagalan. Ito iyong survey na ibibigay sa ibang grade. Binigyan ko na rin sila Chase. Kung pwede sana, ibalik niyo to sa akin bukas para makuha na iyong results. Salamat!" Sabi nito sa akin sabay abot sa akin ng mga papel. 

Umalis na ito kaya naman nilapag ko na lamang ang mga papel sa mesa. Ibibigay ko na lang ang mga ito mamayang lunch break.

"Tina. Nag-text si Simon." Sabi ni Giana sa akin sabay abot ng cellphone nito sa akin. Bakit ba naman kasi hindi pa ako nagkaka-cellphone? Ang hassle ng ganito.

From: Simon K.

Giana, pwede pakisabi kay Christina na magkasama sila ni Gabrielle sa pagbigay ng survey? Thank you!

Hala ka! Paano na ito? Hindi pa naman kami masyadong close ni Gabrielle.

"Sige, Tina. Gala muna kami ni Giana." Paalam ni Maja sa akin. Agad naman nitong tinangay si Giana papalayo kaya naman naiwan akong mag-isa sa cafeteria.

Niligpit ko naman ang mga gamit ko at saka bumalik sa classroom namin upang hanapin si Gabrielle.

"Nakita niyo ba si Gabrielle?" Tanong ko sa mga kaklase namin.

"Hindi namin siya nakita kanina. Baka nandoon sa room ng dance club." Sagot ni Carlo at agad ko naman itong pinuntahan.

Habang naglalakad ay hindi ko mapigilang hindi marinig ang mga pinagsasabi ng mga tao.

"Akala ko ba si Kyle at Gabrielle?"

"Eh bakit sila magkasama ni Christina nung isang linggo?"

"Bago siguro ni Kyle."

Ito na naman tayo. Hindi ko mapigilang mapailing habang naglalakad. Isang linggo na ang nakakalipas at hindi pa rin sila nakakamove-on doon?

"Wag mo na silang pansinin." Nagulat ako ng biglang may magsalita sa tabi ko. Tumingin ako sa kaliwa ko at nakita ko si Kuya Deion.

"Ginagawa ko naman, eh." Mahinang sabi ko rito.

"Nasa library si Gabrielle, kung siya ang pakay mo." Sabi nito sa akin kaya naman agad akong napahinto sa paglakad. Agad akong lumiko at buti naman ay mabilis akong narating ang library since may klase ang ibang estudyante.

Agad ko namang nahanap si Gabrielle na mag-isa at nakatulala sa librong hawak nito. Lumapit ako rito at saka umupo sa tapat niya ngunit mukhang hindi pa rin ako nito napansin.

"Baliktad naman iyang libro mo, eh." Sabi ko rito kaya nagulat ito.

"Christina! Nakakagulat ka naman. Bakit ka naparito?" Sabi nito kaya natawa na lang ako.

"Kakabigay lang kasi ni Kuya Simon ng survey natin. Tayo daw ang mamimigay at bukas ang deadline niya." Sabi ko sabay abot ng ibang papel sa kanya.

"Madali lang naman ito gawin. Saang grade ba natin ito ibibigay?" Tanong niya sa akin habang tinitingnan ang mga papel.

"Gusto kasi ni Kuya Simon na isali iyong grade 9 at 10 sa scope natin. Okay lang ba iyon?" Tanong ko rito at tumango lamang ito.

"Okay lang naman. Ano? Magsimula na tayo?" Tanong niya sa akin kaya naman tumayo na kaming dalawa at lumabas ng library.

"Magkapatid pala kayo ni Chase?" Tanong nito sa akin habang naglalakad. Tumango lamang ako dahil medyo naiilang pa rin ako.

"Paano ba siya kapag kasama sa bahay?" 

"Makulit iyon masyado at masyadong maingay. Minsan nga nagigising ako dahil sa kanya, eh." Sabi ko at natawa lamang ito.

"Typical Chase." Sabi naman nito kaya natawa rin ako.

"Kaso nung mga nakaraang linggo, ang tahimik na niya masyado. Hindi na rin niya ako kinakausap." Kwento ko.

"Huwag kang mag-alala, ganun talaga iyon. Alam mo ba, ganun din iyon sa akin nung una kaming nagkakilala. Akala ko nga, hindi na iyon magkakaroon ng kaibigan sa sobrang cold. Buti na lang bumait pa ang isang iyon." Sabi niya sabay buntong-hininga.

"Magkaibigan pala kayo ni Kuya?" Tanong ko at tumango ito.

"Akala ko kayo ni Kuya. Sobrang close niyo kasi." Sabi ko rito at natawa lamang ito.

"Ganyan din ang sabi ng ibang tao tungkol sa aming dalawa pero never kaming magiging mag-jowa, ano!" Sabi niya sa akin at natawa na lang din ako.

Nang makarating kami sa classroom nila Ysabelle ay grabe ang ingay ng mga kaklase nila.

"Hi, Ate Gab!" Bati ng mga ito kay Gabrielle.

"Hello! Sinong pwedeng sumagot ng survey namin?" Bati ni Gabrielle sa mga ito at agad naman silang nagsi-taasan ng mga kamay. Mabilis naman na naubos ang papel na pinamimigay ni Gabrielle.

"Sikat ka rin pala sa junior high, ano?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad papunta sa kabilang room.

"Oo naman. Marami kasi akong sinalihan na clubs dati kaya naman marami rin akong kakilala." Kwento nito.

Mabilis kaming natapos sa pamimigay ng survey. Napagdesisyunan naming bumalik sa classroom.

"Ang tagal niyo namang dalawa!" Sabi ni Maja nang pumasok kami ng classroom.

"Tapos na kayo?" Tanong ni Giana sa amin at tumango kaming dalawa.

"Babalikan na lang namin iyong mga survey mamaya." Sagot ni Gabrielle bago umupo sa tabi ni Giana.

Sakto naman at dumating ang teacher namin kaya naman umupo na rin ako. Habang nakikinig ay hindi ko mapigilang mapaisip.

Okay naman palang kasama si Gabrielle.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro