Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 49

AN/ This chapter is SPG, please read at your own risk.


Chapter 49

Nabuksang bote

Nang sandaling unang nagmulat ang aking mga mata sa silid ng hari'y ang tanging namamayani rito'y kadiliman na siyang yakap ng manipis na usok na nagmumula sa insenso.

Ang hangi'y banayad na nilalaro ang manipis na puting kurtina, malamlam na liwanag mula sa iilang simbo, at ilang anino ng mga buhay na halaman.

Ngunit sa pagkakataong ito'y ibang mga anino ang siyang namamayani sa unti-unting nag-iinit na silid. Ang anino ng aking kahubaran, at ang nakaupong anino ng haring hanggang ngayon ay mga mga matang sumasamba sa aking kabuuan.

Sa unang pagkakataon ay nasaksihan ko ang kanyang pagkamangha dahil sa bahagyang nakaawang niyang mga labi.

"K-kamahalan...?"

Dapat sa mga oras na ito'y panlalamig ang aking nararamdaman, ngunit higit pa sa pagtapat sa nagbabagang apoy ang ipinararanas na init ng aking buong katawan.

Sumagi sa akin ang saglit na pag-uusap namin noon ni Naha.

"Aking tatanggalin ang aking kasuotan?"

Marahas siyang tumigil sa pag-inom ng dugo sa kanyang kopita at pinunasan niya ang dugong lumampas sa kanyang mga labi.

"No, don't do that! Walang excitement. Unti-unti mong hubarin, strip tease, huwag hubad agad. Oh mahabaging diyosa, huwag mong sasabihin kay Evan ang usapang ito."

Halos mapatalon ako nang maalala ko ang sinabi ni Naha, at agad kong ibinalik ang aking kasuotan, ito ba ang dahilan kung bakit hindi makagalaw si Dastan? Dahil bigla ko siyang ginulat at naghubad agad?

Ako ba'y gumawa agad ng pagkakamali?

Gumuhit ang pagtataka sa mga mata ni Dastan nang gawin ko iyon, tuluyan na siyang napatayo, sinubukan niyang magsalita ngunit tila tinitimbang niya ang sasabihin sa akin.

"Leticia... hindi kita pinipilit kung talagang hindi ka pa handa..." tila mga patalim ang bawat salitang kanyang binibitawan, hindi lang para sa akin kundi pati rin sa kanya. Ngunit pinilit niya iyong sabihin sa akin.

Agad akong umiling kay Dastan, nanatili ang distansya sa pagitan naming dalawa.

"H-hindi ako napipilitan, Dastan..." mariin kong hinawakan ang kristal na bote.

"I used curtains and my gymnast skills, dapat ay gawin mo rin iyon kung saan ka magaling. Isa ka bang mananayaw, mahal na diyosa ng buwan? Maaari mong sayawan ang hari habang tinatanggal ang iyong kasuotan." Narinig ko ang aking isipan ang nakakadalang pagtawa ni Naha na madalas na nakapagpapaikot sa mga mata ng ikalimang prinsipe ng Sartorias.

"Leticia..."

Tipid hinawakan ng aking kaliwang kamay ang aking sentido habang inaalala ang ilan pang sinabi sa akin ni Naha na makapagpapaligaya raw sa Hari ng Sartorias.

"D-dastan, maniwala ka sa akin, hindi ako napipilitan... gusto kong humingi ng paumanhin kung hindi ko agad nakuha ang nais mo. Ang nais ko lamang ay mapaligaya ka... magpaangkin sa'yo ng buong-buo..."

Nang sabihin ko iyon ay nagningas na ang kanyang mga mata. Ilang beses akong kumurap habang hinahanap ang tamang salitang binitawan sa akin ni Naha.

"Sagwan...?" umiling ako.

"Lunukin...?" muntik ko nang sabunutan ang sarili ko, hindi ko maalala!

Pilit kong inisip ang mga salita hanggang sa biglang nagliwanag ang aking alaala. Ngumiti ako kay Dastan na ngayo'y hindi mawari ang ekspresyon, bakit nakasalubong ang mga kilay nito? Siya ba'y hinihintay ang tamang salita?

"Sa ngayo'y hindi pa maaari ang pagpupunla dahil sa langis na ito, ngunit—" muli akong ngumiti kay Dastan.

"Ang iyong pangil ay malugod kong tatanggapin, Kamahalan..."

Sa sandaling mag-isa na kami ni Dastan, magagawaran siya ng kakaibang lakas at kapangyarihan na maaaring maghirang sa kanya bilang isang pinakamalakas na bampira, ngunit sa mga oras na ito'y hindi iyon ang mahalaga.

Sa sandaling kami'y mag-isa, isang bagay lang ang malugod kong gagawin para sa kanya. Ang pagpapaubaya...

"Higupin mo ako, Dastan..."

Inilahad ko ang aking mga braso ko sa kanya. Kung kanina'y nakita ko nang umawang ang kanyang mga labi, ngayo'y mas lumaki ang awang nito na siya nagpapakita ng kanyang mga pangil.

Tila siya'y gulat na gulat sa sinasabi ko. Napahawak siya sa kanyang noo na tila mawawalan siya ng balanse.

Sinundan ko ang kanyang bawat galaw, ramdam ko ang pagbigat ng kanyang paghinga sa kabila ng aming distansya.

"Hindi mo ba ako nais higu—" ngunit sa pagkakataong muling nagtama ang aming mga mata'y determinado na ang sa kanya, kasabay ng matindi nitong pagniningas.

Sa isang iglap ay nawala sa aking harapan si Dastan, dahil ang kanyang isang braso'y nakayakap na mula sa aking katawan habang ang isang kamay niya'y nasa aking leeg at pilit akong pinatitingala upang magtama ang aming mga mata.

"Saan mo gustong unang higupin, aking reyna?" ramdam ko ang kanyang mabigat na paghinga.

Sa halip na sumagot sa kanya'y kusang gumalaw ang aking kanang kamay, inabot ang ilang hibla ng kanyang mahabang buhok upang ang kanyang mukha'y bumaba sa akin.

At sa pagpikit ng aking mga mata'y, aming mga labi'y nagdaop at gumawa ng kakaibang liyab na tanging ang aming mga labi lamang ang makapagpapangalan.

Aming mga katawa'y hindi na natuloy sa malambot na kama, dahil natagpuan ko na ang aking sariling nakasandal sa paanan nito habang unti-unting sinisilid ni Dastan pataas ang aking puting kasuotan.

Humantad ang aking mga hita at hinayaan ko iyong halinhinang halikan ni Dastan habang ang aking ulo'y kusa ko nang ipinatong sa dulong parte ng kama. Mariing pumikit ang aking mga mata nang bumagal ang paglandas ng kanyang mga labi, ang makapal na latag sa kama'y sabay na hinila ng aking dalawang kamay nang ipadama niya ang dulo ng kanyang mga pangil at nang sandaling kanyang ikinagat ito'y muling nagmulat ang aking mga mata at inusal ang kanyang pangalan.

"D-dastan..."

Kusang nagsalikop ang aking mga hita sa naramdamang iyon, na sa halip na kirot at sakit ay tila ang isang hita'y naghahangad ng sariling kalinga. Ang aking hari'y nakuha agad ang aking nais dahil nang sandaling umawang ang kanyang mga labi'y sa kabilang hita nagbigay pugay.

Ang aking paghinga'y nagsimulang gumawa ng kakaibang musika, isang himig na tila nahihirapan ngunit patuloy na nagnanais... patuloy na naghahanap at naghahangad...

Nang sandaling ang mainit na dila na hari'y dinaig pa ang dulo ng bihasang panulat na ibinabad sa bagong gawang tinta, na tila may mga mensahe at mga letrang iginuguhit sa aking balat. Naghangad akong sana'y hindi siya tumigil sa pagsusulat, kanyang panulat ay mas maglakbay, aking kabuuan ay tuklasin at lapatan ng walang katapusang titik.

Tinta'y naging pula, at panulat ay hindi ko inaasahang magmumula sa hari... isang parte ng kanyang katawan na tipid niyang ginagamit, ngunit sa akin ay malugod niyang ipinararamdam.

Nang sandaling ako'y kanyang nabuhat, akala ko'y kami'y malilipat ng posisyon, ngunit nandito pa rin kami sa paanan ng aming kama ngunit ako'y nakaupo na sa kanyang kandungan.

Ang prinsipyong sinasabi ng Hari ng Sartorias ay naisantabi dahil ang pagkasira ng aking puting kasuotan ang gumulat sa akin, tumalang iyon sa ere kasabay nang muling paglalapat ng aming mga labi.

Kapwa yumakap ang aming mga braso sa isa't-isa upang mas madama ang aming mga katawan. Buong akala ko'y natapos na ang uri ng pagsulat ng hari ngunit nang sandaling pasukin niya ang mga labi ko'y higit sa pag-iwan ng marka ang nais ipadama sa akin.

Nagsisimula na niyang ipadama ang unti-unti niyang paghigop sa akin, dahil sa bawat galaw ng labi, kamay, braso at ang kanyang buong katawan niya'y aking panghihina.

Nasundan ang kagat sa aking leeg at sa ibabaw ng aking kaliwang dibdib, tila lalong mas nagsumiksik ang aking buong katawan sa kanya nang sandaling iyon.

"D-dastan..." humaplos ang aking nangangatal na mga kamay sa kanyang buhok habang dinadama ang kanyang pagsipsip sa aking dugo.

Dahil sa tuwing ang init ng aking dugo'y lumapat sa kanyang nauuhaw na labi, nanulay sa kanyang mapaglarong dila at magtungo sa bawat paglunok ng kanyang lalamunan... nais kong ibigay sa kanya ang lahat.

Ayaw kong tumigil ang hari... nais ko siyang paligayahin at bigyan ng walang katapusang dugo mula sa akin.

Kapwa kami humihingal nang sandaling tumigil siya sa pagkagat sa akin, nakapatong ang aking noo sa kanya habang patuloy ang kanyang mga mata sa pagningas.

Sinapo niya ang aking mga pisngi. "Mahal ko..."

Inabot ko ang nakapatong na langis sa kama at kinakabahan ko iyong binuksan, ilang beses pa iyong natapon habang unti-unti ko iyong inilalagay sa aking mga kamay.

"Remove--" hindi na kailangan pang sabihin iyon ni Dastan. Dahil may kakayahan akong tanggalin ang kanyang kasuotan gamit ang mahika.

"L-leticia..." mahinang bulong niya sa pangalan ko.

Hindi ako tumingin sa ibaba at nanatili akong nakatitig sa nagniningas na mga mata ni Dastan, ngunit nang sandaling hawakan ko iyon kasabay nang mainit na langis, muling lumabas ang mga pangil ni Dastan na tila nais akong muling kagatin.

Umawang ang kanyang labi, hindi dahil sa pagkabigla, pagkamangha, kundi halina...

Ang aking mga kamay na nabuhay at namulat sa iba't-ibang sining ay tila nakilala ang nais nitong paluguran, ang ilang daang taon kong pagsasanay sa paghulma ng mga gintong kagamitan ay tila unti-unting naglalaho at napapalitan ng kakaibang likhain na tanging ipinagkaloob lang ng hari sa aking mga kamay.

Paghulmang tanging ang aking dalawang kamay lamang. Sabay nang gumagawa ng kakaibang hulma ang aking mga kamay, natabig na ng hari ang paanan ng kama dahilan kung bakit hindi na iyon pantay, natabig din ang katabi nitong lamesa dahilan kung bakit bumagsak muli ang maliit na kahon na siyang nagbigay sa amin ng banayad na musika.

Nang sandaling kabigin akong muli ni Dastan ng halik, mas lalong lumiyab ang mga simbo ng silid, lumakas ang hangin at ang posisyon namin ay muling nagbago. Siya muli'y nakapangibabaw sa akin, sa kanyang matikas at nakamamanghang katawan.

Kung ang panimula ng hari'y paglapat ng mensahe na tila'y isang panulat at tinta, kung ang pangalawa'y ang aking mga kamay at ang aking kaalaman sa paghulma, ang ikatlo'y tila pagguhit at pagkukulay ng hari gamit ang kanyang mga kamay at labi.

Pagguhit gamit ang mga kamay, at pagkulay gamit ng kanyang labi at pangil.

"M-mahal na hari..." usal ko nang sandaling simulan niya ito sa aking mga paa. Hindi ko akalaing darating ang panahon na magiging nakahaing sining ako, na pagyayamanin ng isang hari.

Naligo ng halik at maliliit na kagat ang aking mga binti at hita na may bahid ng aking sariling dugo. Sa pagkakataong ito'y ako naman ang nakasira ng isa pang paa ng kama nang sandaling pagguhit ng hari'y nagtungo sa pagitan ng aking mga hita.

"M-mahal..." daing ko kasabay nang kusang pag-angat ng aking katawan na tila hinahabol ang kanyang labi.

Ito ba ang sinasabi nilang paghigop?

"D-dastan... n-nauubos ako... mahal na hari... nauubos ako..." marahas na ang pagtaas baba ng dibdib ko habang pabaling-baling na ang ulo ko sa sahig.

Narinig ko ang saglit na pagtawa ng hari dahilan kung bakit pilit ko siyang tinanaw sa pagitan ng aking mga hita. Mabagal niyang dinilaan ang kanyang mga labi bago dahan-dahang nagpaulan muli ng halik sa aking puson habang ang mga kamay niya'y nagsisimula na rin gumagawa ng paghulma sa dibdib ko.

Bakit kailanman ay hindi ko narinig ang sining ng paghigop sa Deeseyadah?

Nang sandaling angkinin ng mga labi ng hari ang aking mga dibdib, kusang yumakap ang aking mga binti sa kanya, hinayaan niyang ang aking mga kuko'y gumawa ng mapa ng kaligayahan sa kanyang likuran.

Ang aming mga pawis, paghingal at pag-usal sa isa't-isa'y naghalo na. "Mahal na hari..."

Tumigil siya sa pagkilos ngunit ramdam ko ang pagtapat ng labi niya sa kanang tenga ko. "Mahal ko..."

Paulit-ulit niya iyong ibinubulong sa akin na mas lalong nakapagpapawala sa tibok ng puso ko. Dahil sa bawat sambit ni Dastan, palambot iyon nang palambot.

"Mahal ko..."

Ang aking mga kamay naman ngayon ang nakasapo sa pisngi ng hari at nang sandaling ang aming mata'y nagtama, alam na namin ang nais ng aming puso't nag-aapoy na mga katawan.

Ngayo'y hindi na labi ang kanyang pang-guhit, kundi isang sining na higit sa gintong hulma mula sa aking mga kamay. Kasingtigas ng ginto, kasingtuwid ng mga panulat, ngunit ang ligayang hatid ay walang pagtumbasan.

Nang sandaling ito'y unang gumuhit, hindi na ngalan ng hari ang aking nausal, kundi isang uri ng paghimig na tila nasisiyahan ngunit nabibitin.

"D-dastan..." ako mismo ang nagulat sa aking tinig na tila nagmamakaawa sa hari.

Isang halik ang ibinigay niya sa akin bago unti-unting umawang ang mga labi ko kasabay ng sa kanya. Ang dahan-dahan naming pag-iisa ang siyang nagpalakas ng paghugot ko ng aking paghinga.

Marahas ko siyang nakabig at nayakap ng mahigpit habang dama ang matinding kirot sa aking pagitan. Hindi kumikibo ang hari at hinayaan niya akong marinig ang kanyang lumalambot na bulong ng pagmamahal upang mapawi ang sakit.

"M-mahahati ako, Kamahalan..." nakagat ko na ang kanyang balikat.

"Hindi kita hahatiin, mahal ko... hihigupin lang kita nang paulit-ulit..." sagot niya sa akin kasabay nang pagniningas ng kanyang mga mata at paglabas ng kanyang pangil.

Ang paghalik niya sa aking mga luha ang siyang tila unti-unting nagtanggal ng sakit sa aking isipan, hanggang sa bigyan ko siya ng pahintulot gumalaw ulit.

Inihawak ko na ang aking mga kamay sa kama kasabay nang pagdalo muli ni Dastan sa akin, ang kanyang mukha'y piniling manatiling humahalik-halik sa aking leeg at buhok kasabay nang uri ng sayaw na hinding-hindi namin pagsasawaan.

Na sa aming bawat pagsasalubong, unti-unting gumuguhit sa aking mga mata ang totoong kabuuan ng silid Hari ng Sartorias.

Ang silid niya'y hindi pangkariniwan, ito'y pinalilibutan ng hindi nakikita ng pangkaraniwang mga mata. Napupuno ang silid ni Dastan ng tila nakaguhit na mga ugat, mga ugat na nagliliwanag at tila nabibigyan ng buhay sa tuwing lumalalim ang aming pag-iisa.

Tila ang kanyang silid ay may sariling buhay at kusang tumitibok sa tuwing siya'y maligayang inaangkin ako.

Ang silid ng hari'y konektado sa kanyang punong nagliliwanag. At huli na ang lahat nang maisip kong sumilip sa bintana, ang gabi'y may liwanag na...

At mas nagliliwanag pa...

"Napaliligaya ba kita, mahal ko?" humihingal na tanong ng hari sa akin, naliligo na siya sa sarili niyang pawis.

Isinumping ko ang ilang hibla ng kanyang buhok bago ako tumango at bumulong sa kanya. "Ubusin mo ako..."

Sa halip na isipin ang liwanag sa labas ng Parsua Sartorias ay mas pinili kong yakapin ang hari.

"Isang pinakapaboritong pag-ubos, mahal ko..." halos hindi ko na magawang imulat ang aking mga mata nang sandaling mas bumilis, mas naging marahas at dumiin ang kanyang bawat pag-angkin.

Ngunit lahat iyon ay buong puso kong tinanggap at naghahangad pa. Dahil maraming ugat pa ang aming paliliwanagin at bibigyan ng nakahuhumaling na sukdulan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro