Chapter 46
Chapter 46
Pagpili
Natipon ang magkakapatid na mga Gazellian at ang kanilang mga kapareha sa tanggapan ng mga bisita.
Kapwa nakangiti ang kanilang mga labi, tawanan at biruan na tila walang nakabinbing suliranin ang kabuuan ng Parsua. Hindi ba't anumang oras ay maaaring magkaroon ng ikalawang pagsugod ang mga kalabang emperyo?
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon sa sitwasyong ito. Kagigising ko lamang mula sa pagkakatulog dala ng isang digmaan, ngunit ngayo'y tila ang dahilang ito'y hindi kayang sirain ang magaang presensiya ng pamilyang nasa harapan ko.
Nangunguna sa kasiyahan ay si Reyna Talisha habang inilalatag ang malaking kahon na naglalaman ng larong kanyang sinasabi.
Ang mga lalaking Gazellian naman ay nagsimulang buhatin ang eleganteng mga upuan at kani-kanilang dinala sa tabi, tanging kami lamang ni Dastan ang nanatiling nakatayo at nanunuod sa ginagawa ng mga kapatid niya.
Hindi rin nagtagal ay dumating na rin ang mga bata, si Divina, Dawn at Dusk na agad nagliwanag ang mga mukha nang makita ako at si Dastan. Buhat ni Zen si Divina at Dawn pero nang makita nila si Dastan ay halos mag-unahan ang dalawang prinsesa para yumakap sa hari. Nakangisi rin sumunod sa kanila si Dusk.
Kumakamot sa kanyang ulong bubulong-bulong ang prinsipe ng mga nyebe kay Claret na ngumiti lamang sa amin ni Dastan. Si Adam lamang ang wala dahil may kailangan daw silang pag-usapan ng kanyang pinsang si Lucas.
Tipid akong ngumiti nang sumagi sa aking isipan ang isa sa aking hinahangaang lobo noon pa man, siya'y katulad ni Adam na nararapat lamang ipares sa isang matapang na prinsesa.
"My king!" natutuwang tawag ni Divina.
Lumambot ang mga mata ni Dastan nang makita ang kanyang mga pamangkin. Sa magkakapatid na Gazellian si Dastan ang kilalang pinakamalapit sa mga bata. Ramdam kong maging ang aking puso'y tila unti-unting matutunaw nang bahagyang yumuko si Dastan at inilahad ang kanyang mga braso sa mga batang tumatakbo patungo sa kanya.
Simula nang dumating ako sa Parsua Sartorias suliranin na lang ang dala ko sa kanila, siguro'y tama ngang kahit sandali'y makalimutan namin ang problema.
Nakaluhod na si Dastan nang sandaling yumakap sa leeg niya si Dawn at Divina, nasa malapit din si Dusk at natutuwang pinagmamasdan ang kanyang hari.
"How's my prince and princesses?" binuhat na niya ang dalawang prinsesa habang tumabi naman sa kanya si Dusk hawak ang kanyang binti.
"Do you want me to carry you, too?" sumilip si Dastan kay Dusk.
"No, My King, I am a big boy now."
Natutuwang nanuod lamang si Claret at Lily kay Dastan at sa kanilang mga anak. Si Kalla at Naha naman ay abala na sa pagtulong sa reyna at sa larong kanyang hawak. Kinakabahan ako, ngunit pinilit ko munang ibaling ang atensyon kay Dastan at sa mga bata.
"We were so worried, King Dastan..." ani ni Dawn.
"We cried a lot..." sabi ni Divina.
"It's okay now." Tipid na sagot ni Dastan.
"Divina missed you a lot, Uncle Dastan." Humalik si Divina sa kanang mata ni Dastan, si Dawn naman ay sa kaliwa niya.
"How about your own Papa? I was gone, too." Kumento ni Zen mula sa malayo.
"I played with you last night, Papa. Divina read a bed time story for you, and I kissed you a lot. Papa's always jealous, he's sutil na naman, right, King Dastan?"
Nagtawanan ang lahat ng mga Gazellian maliban kay Zen sa sinabi ng kanyang anak. Inosenteng hinawakan ni Divina ang magkabilang pisngi ni Dastan at pinaglaro niya ang tungki ng mga ilong nila ni Dastan.
"My Divina is not sutil, just her father." Sinagot ni Dastan ang pakikipaglaro ni Divina sa kanya, at para hindi rin mainggit si Dawn ay nilaro rin ni Dastan ang kanyang ilong dito.
"Seriously?" pagprotesta ni Zen.
Natapos ang pag-aayos nila Kalla, Naha at ng reyna. Lahat kami'y kasalukuyan nang nakaupo sa isang eleganteng latag at nakapalibot sa kakaibang kahon, ang mga bata'y nakaaligid pa rin kay Dastan na parang ayaw siyang pakawalan.
Hindi muna ipinaliwanag ng reyna ang kanyang laro dahil tila ang lahat ay nawiwili pakinggan ang pakikipag-usap ng tatlong bata kay Dastan.
"Uncle Caleb, open our fireplace, it's so beautiful!" masiglang sabi ni Divina na nakayakap pa rin kay Dastan.
Ngumiwi si Caleb. "Kapag nandito si kamahalan, taga-sindi na lang ako ng fireplace, Divina? I thought I was your favorite uncle!"
Muling tumawa ang mga Gazellian. Tumayo si Caleb at sinimulan na niyang sindihan ang pugon.
"Because King Dastan is always spoiling them." Sabi ng prinsipe ng mga nyebe.
"I am also spoiling them, I've been their playmate since their birth? I always let Divina read creepy lines from your enchantress book, made myself as her practice item for spell. While Dawn and Dusk--" suminghap si Claret sa sinabi ni Caleb dahilan kung bakit hindi niya natuloy ang kanyang sasabihin.
"Y-you did what, Caleb?"
Huli na bago malaman ni Caleb na sekreto lamang pala nilang apat iyon. Dahil ilang beses pilit na umiiling sa kanya ang tatlong bata.
"What's that, Divine? Are you playing with your mother's book again?" tanong ni Zen, iritado na naman ang boses nito sa kanyang anak na sutil.
Humigpit ang yakap ng mga prinsesa kay Dastan. "Maybe they're just playing, wala naman nangyari sa'yo, Caleb?"
Sa tono ni Dastan kahit may nangyaring hindi maganda kay Caleb ay hindi nito magagawang sabihin. Ngayon ay napatunayan kong totoo ngang laging nakapanig si Dastan sa mga bata.
"N-none, of course." Sagot ni Caleb.
"Good." Muling lumambot ang mga mata ni Dastan sa mga bata na lumawak ang ngiti sa kanya. Humalik ang mga iyon sa kanyang pisngi at bumuntong hininga na lamang ang mga kababaihan sa silid.
Iniligtas na naman ng hari ang mga sutil na bata.
"But I know who's their favorite aunt, right, sunshines?" kumindat si Naha sa mga bata.
"Aunt Naha!"
Ilang beses umiling si Evan sa tatlong bata na parang isa iyong malaking pagkakamali.
"J-just choose Aunt Kalla, Harper, your mothers, Claret or Lily. Not Aunt Naha, oh god, no! Naha ano ba ang itinuturo mo kay Divine at Dawn? I heard them calling me Uncle Oppa! With finger hearts! How's your vampire knowledge? Tumatalab ba iyong mga sinasabi ko sa'yo, Naha?" halos sabunutan ni Evan ang kanyang sarili.
Hindi sumagot si Naha sa halip ay ngumisi lamang siya at gumawa ng kakaibang korte sa kanyang daliri na siyang sabay na ginawa ni Dawn at Divina.
Walang pumansin sa pagkadismaya ni Evan dahil kasalukuyan nang tinuturuan ni Divine at Dawn gumawa ng hugis puso sa kanyang daliri. Pero bago pa gawing tuluyan iyon ni Dastan ay agad nang inagaw ni Claret at Lily ang kanilang mga anak.
"Enough, kids."
Si Dusk ang pumalit sa kandungan ni Dastan, si Divina ay nasa kandungan na ng prinsipe ng mga nyebe habang si Dawn at lumapit kay Caleb na nagkukunwaring nagtatampo sa kanya.
"Basta kami ni Kalla, no to kids muna! Ang susutil ng mga lumalabas!" tipid na ngumiti si Kalla.
"Why not? Ang ingay ng palasyo natin dahil sa tatlong batang 'yan." Sabi ni Harper habang nakahilig kay Casper na nagbabasa ng aklat.
"No, mas mabuting ilan pa lang ang mga bata. Kung wala si kamahalan at ang mga magulang nila, ako o si Caleb ang kinukulit nila. I am not good with kids."
"But we love Uncle Casper, right, Dawn? We are good with our uncles. And, Uncle Casper looked like Grandfather King that's why Divine loves you so much." Saglit namula si Casper.
Pinisil ni Zen ang ilong ni Divina, "You are so talkative."
Nagtagal pa ang usapan na pinangungunahan ni Divina at Dawn habang si Dastan at Dusk naman ay kapwa nagbubulungan na parang may sarili silang usapan.
"Mother, what's with your new game?" tanong ni Dastan kay Reyna Talisha nang matapos siya sa pagbulong kay Dusk.
"Ah, this... a friend of mine gave this game to me. Nitong nakaraang buwan ko lamang binuksan."
Biglang lumabas si Lumps at may inabot na nakatuping lumang papel, ngunit ang mismong presesiya ng kuneho ang siyang naging dahilan ng biglang pagbabago ng anyo ng kambal. Huli nang malaman nitong naka-anyong lobo na ang dalawang bata na handa nang habulin siya.
Tumakbo ang malaking kuneho at nagsimula siya habulin ng dalawang batang lobo. Tawa nang tawa si Caleb na narinig kong siyang nagturo sa dalawang bata simula pagkasilang ng mga iyon na habulin lagi ang kuneho ng reyna.
"Caleb, look at them! Hindi na matanggal sa mga batang iyan ang paghabol sa kuneho ni ina!" reklamo ni Lily.
"Why? They're adorable! Isa pa, tumatanda na si Lumps, kailangan niya ng work-out."
"I will run, too, Papa! I will turn into pink wolf!" humiwalay mula kay Zen si Divine at ginaya niya ang ingay ng dalawa niyang pinsang lobo bago tumakbo.
"Pink wolf?" tanong ng Prinsipe ng mga nyebe.
"That's our favorite color." Sagot ni Naha.
"Now that the kids are now busy, let's settle with our mother's new game." Pinagkiskis niya ang kanyang mga palad.
Lahat kami ay lumipad ang mga mata sa nakalatag na matigas na papel na may nakaguhit na mapa.
"Parang monopoly." Kumento ni Naha.
Tumaas ang kilay ni Reyna Talisha at hinayaan niyang magsalita si Naha.
"There's a finish line, there are numbers of obstacles and as the players passed from one place to another they'll gain or lose their money, golds or possession? The first to reach the last place would claim the prize?"
Suminghap si Evan. "Naglalaro ka pala ng Monopoly, Naha?"
"Of course, hon, ano naman ang tingin mo sa akin?" hinampas niya ang balikat ni Evan.
"A human board game?" tanong ni Kalla.
"No, it's different." Ilang salita na alam kong sasabihin ni Reyna Talisha.
"How many players?" tanong ni Caleb.
"Just two?" si Claret ang sumagot nang makitang may dalawang magkaibang kulay na bato. Para iyong diyamante ngunit sa gitna'y may rubi at Esmeralda.
"Yes, I want Leticia to be my opponent. This game was inspired by an actual war happened million of years ago, mga panahong wala pang kaayusan sa Nemetio Spiran."
"You mean before the seven high thrones?" tanong ni Finn.
Tumango ang reyna. "Hindi nagsimula ang panahon ng iba't-ibang nilalang sa pitong pinakamalakas na upuuan."
Ako naman ang sumang-ayon sa sinabi ni Reyna Talisha.
"So... this is another history?" tanong ni Kalla.
Umiling si Reyna Talisha. "Wala akong balak pag-usapan pa ang mas malalim na nakaraan, I just want to well... inform you, my dearest, sons and daughters, that this game was inspired by the war between the two queens. Sa katunayan ay ibinigay talaga ito ng isa sa mga reynang kaibigan ko at ang tanging maaaring makalaro ko lamang sa larong ito'y---" lahat sila'y lumingon sa akin.
"That's why you asked for Leticia." Ngumiti si Reyna Talisha sa sinabi ni Dastan.
"This game is only suitable for Queens."
"And we'll be the pawns?" tanong ni Harper.
"But you have a very important role, my sons, daughters, hindi gaganda ang larong ito kapag hindi kayo kasali."
"A war tactics, then?" tanong ni Evan.
"Leticia's a goddess, right? Is she—" nag-aalinlangan si Caleb sa sasabihin niya pero agad din siyang umiling.
"I've seen her in battlefields. Mom, Leticia's also good with wars." Hindi ko alam kung lang ba ang nakakita niyon, pero nakita ko ang mabilis na pagtaas ng kilay ni Reyna Talisha bago nito ibinalik ang kanyang ekspresyon sa natural niyang ngiti.
"Don't pressure me, Caleb! Where is your respect!?"
Mas ipinaliwanag pa ni Reyna Talisha ang buong paraan ng laro. Kailangan naming pumili ng kakampi na siyang magiging kasama namin sa paglalakbay. May mga bato rin ang bawat Gazellian katulad namin ni Reyna Talisha at sa sandaling hahawakan namin iyon, hihigupin ng mga bato ang aming kakayahan na siyang magsisilbing kapangyarihan nito sa sandaling magsimula ang laro.
Hindi na raw sasali si Dastan at piniling manuod na lamang, kaya ang naiwan ay sampu na siyang pagpipilian namin ni Reyna Talisha.
Unang pumili si Reyna Talisha. "I'll pick the wisest in my journey, my son, Evan."
Nagkibit balikat si Evan. "Well, better than the ice and strength..."
"Fuck off, Evan." Sabay na sagot ni Caleb at Zen.
Ako naman ang pipili. "Si Claret, kailangan ko ng manggagamot." Tumaas ang sulok ng labi ng reyna at tipid na tumango si Dastan.
"Lily, I need another leader, and a navigator." Umirap si Lily kay Zen, Caleb at Finn. "Hmm, not too essential, brothers."
Mas kinabahan ako nang salubungin ako ng mga mata ni Zen, Caleb at Finn na nag-uunahan na para mapili. Kailangan ko ng talinong katulad ni Evan at kakayahan ni Lily magtungo sa iba't-ibang lugar, naghanap ako sa mga natitira ngunit ibang-iba ang kakayahan nila.
Unang nasa isip ko si Casper dahil matalino rin iyon, ngunit kailangan ko ng higit sa talino. Manipulasyon.
"Si Finn."
"Better than the ice and strength."
Nang pumili muli ang reyna, nakuha niya si Kalla, Zen at Harper. Napapunta sa akin si Naha, Casper at Caleb.
Kapwa na kami bumunot ni Reyna Talisha ng maliit na papel mula sa lumang kopita na parte pa rin raw ng laro at nang sabay namin iyong binuksan binigyan kami ng parehong bugtong.
Laking pasasalamat ko nang magawa kong pigilan ang pangangatal ng kamay ko, ramdam ko ang malakas na pintig ng puso ko. Alam kong laro lamang ito pero malaki ang kasiguraduhan kong importanteng may matutunan ako rito.
Nagkatitigan kami ni Reyna Talisha bago may lumitaw na maliit na ilog sa laro, lahat kami nagpasinghanap nang makitang halos tunay iyon.
"A life game..." hindi makapaniwalang sabi ni Claret.
Sa daang bugso ng damdami'y mahigpit mong kalaban
Ilog na umaagaw ng pagkakakilanlan
Unang pagsalo ng paa'y siyang unang magbibigay tulay
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro