Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 45

Hi, readers! I'm really sorry for my late update. I've been very busy these past few weeks. I really wanted to finish this story as soon as possible, but I have to prioritize my own world. I don't know if when will be my next update, but I hope you understand. 

Btw, I'm done plotting this whole trilogy. Tapos na po ito sa utak ko, hindi ko lang talaga masulat. I don't have enough time :( 

Enjoy reading!


Chapter 45

Laro

Kung bibigyan ako ng oras pangalanan ang bawat mundong nananatiling buhay sa kasalukuyan na abot ng aking kaalaman, hindi ako darating sa puntong ako'y magtatapos.

Ang iba't-ibang mundo'y tila wala nang katapusan.

Simula sa mundo ng mga tao patungo sa Nemetio Spiran, sa mundo ng mga diyosang kagaya ko hanggang sa mundong ni salita at mga mata'y hindi man lang nalapatan sa paglipas ng panahon. Mga mundong hindi sakop ng aming kapangyarihan.

Ngunit ang biglang paglitaw ng isang uri ng nilalang na aking inakalang tanging sa kasaysayan lamang masasaksihan ng aking mga mata, panandalian akong natigilan at kusang humanga. Ngayon ko lubos na nabigyang pansin ang iba pang mundong hindi pa natutuklasan.

Maaaring doon naglalagi ang dragon? At nagawang sumuong at sumugal magpakita sa mata ng libong mga nilalang upang iligtas ang isang prinsipe.

Hindi na ako nag-atubili pang mag-isip ng ibang paliwanag, ang pagtawag sa makasaysayang dragon ay hindi mula sa prinsipe, kundi sa isang nilalang na ipinanganak para sambahin iyon.

Ayon sa alamat, ang mga dragon ay isinilang kasabay ng mga diyosa. Noong unang panahon, bawat diyosa'y may katambal na dragon sa kanilang pagsilang, ngunit sa hindi inaasahang pangyayari'y natigil iyon. At ang tradisyong iyon ay nabibigyang bisa lamang sa paglipas ng libong taon. Isang nilalang na may dugo ng diyosa ang isisilang para sambahin ng mga dragon.

At isa lamang ang maaaring maging dahilan kung handang sundin ng isang dragon ang himig ng kanyang tagapag-utos upang iligtas ang isang natutulog na prinsipe. Isang malalim na koneksyon na kahit ilang libong milya pa ang distansya'y walang makahahadlang.

Nanatiling nakapikit ang aking mga mata, ngunit ramdam ko ang paglutang ng aking buong katawan. Inaasahan ko nang mabigat iyon dahil sa malalim na tama ng pana sa akin, pinakiramdaman ko ang kirot at matinding pag-iinit sa buong kalooban ko, ngunit ang tanging namayani sa akin ay kagaanan na tila wala ako sa bingit ng kamatayan.

"Mahal na Diyosa ng Buwan..."

Tila ilang taon na simula nang marinig kong may tumawag sa akin ng titulong pinaghirapan ko. Dati'y tuwa't galak ang nararamdaman ko sa tuwing naririnig iyon, ngunit ngayon ay hindi ko maiwasang masaktan.

Hanggang ngayon ba'y may karapatan pa akong tawagin sa paraang iyon? Ako ba'y nararapat pa rin?

Nang sandaling nagmulat ako ng aking mga mata, ang unang sumalubong sa akin ay kadiliman ngunit habang mas nagiging pamilyar ako sa kapaligiran mas nabigyan ng atensyon at apat na bilog na nagliliwanag sa iba't-iba nitong kulay.

Nanatiling tila nakahiga sa ere ang aking buong katawan habang nakatanaw sa mga liwanag, sinubukan ko iyong abuting ngunit hindi man lang ang mga iyon umabot sa dulo ng aking mga daliri.

"Siya'y kailangangan manatiling buhay, Mahal na Diyosa ng Buwan."

Hindi ko agad nakuha ang mga salitang narinig ko, ngunit nang mas mapagmasdan ko ang apat na liwanag na lumulutang sa harapan ko, napasinghap ako nang makilala ko sila.

"N-nasaan siya?" Iyon ang unang lumabas sa aking bibig. Siya ang nag-utos sa dragon at pag-aari niya ang mga liwanag na kausap ko ngayon.

"Siya ngayo'y nananatiling nasa malalim na pagkakatulog, at kung siya'y magmumulat ng wala ang prinsipe maaaring---" natigilan ang boses.

"Mahal na Diyosa, ito na ang una't huling maaari naming ilahad ang aming pagtulong. Ang prinsipe'y hindi iilang beses na gagawing ibuwis ang sariling buhay para pamilya, emperyo at katungkulan. Siya man ay may proteksyon ng pamilya't mga kaibigan, iba pa rin ang basbas ng isang diyosa katulad mo, siya'y aming ipinagkakatiwala sa'yo."

"Pero hindi ba't siya ang diyosang kanyang hinihintay?"

"Siya'y maaari lamang gumising sa tamang panahon. Sana'y tuparin mo ang aming kahilingan."

Hindi ko na magawang makapagsalita pa.

"Ang prinsipe'y mainam na kakampi ng liwanag, Diyosa ng Buwan." Gusto kong biglang yakapin ang sarili ko nang panibagong boses ang narinig ko.

Hindi ako nagkakamali, ang mga salitang iyon ay narinig ko na rin mula sa mga labi ni Reyna Talisha.

"Ang kalikasan ang siyang pinakamatinding kakampi ng liwanag." Dagdag ng panibagong boses.

"At siya lamang ang nag-iisang prinsipeng sinasamba ng kalikasan, sana'y ingatan mo siya..."

Sinubukan kong ibuka ang bibig ko para magsalita ngunit tanging nagawa ko'y itikom muli iyon.

"Dahil sa sandaling makagawa ka ng bagay na---" biglang nawala ang kadiliman at mga liwanag.

Mas narinig ko ang pamilyar na boses ni Claret. "N-nagbabalik na ang presensiya niya..."

Sinubukan kong ibalik ang presensiya ko sa mga bilog na liwanag ngunit nang sandaling magmulat ako ng mga mata at biglang bumangon ang aking katawan na tila tinamaan ako ng matinding kuryente, mahigpit na yakap ni Dastan ang sumalubong sa akin.

Habang mahigpit na yakap ako ng hari, napuno ng ngiti at luha ang lahat ng mga kababaihan ng pamilyang Gazellian. Simula kay Claret, Kalla, Naha at maging ang buong magkakapatid.

Nang makita ko ang pagluha ni Reyna Talisha at ang paraan ng pagkilos niya na tila isang mahina at reynang may titulo lamang, hindi ko alam kung paano gagalaw sa harap niya.

Gusto kong turuan ang sarili kong maging palagay ang loob sa kanya, siya'y ina ng lalaking pinakamamahal ko ngunit ano itong kaba sa dibdib ko habang nararamdaman ang kanyang presensiya?

Si Claret ay may ginintuang puso, si Kalla ay may kakaibang talino at si Naha na, siguro'y may nakatagong talento si Naha... ngunit hindi ba kailanman napansin ng tatlong babaeng iyon na may kakaiba sa reyna at sa bawat pagtatago niya sa likuran ng gintong pintuan at wala silang paghihinala?

Kumalas ng yakap sa akin si Dastan, ang haring ilang beses ko nang nasaksihan sa pagiging pino at may matalino at kalkuladong pagkilos ay tila naglaho ng parang bula.

Sapo ng hari ang aking magkabilang pisngi habang kapwa magkadikit ang aming mga noo, wala na siyang pakielam sa mga mata ng mga kapatid niya na ngayon ay alam kong sa mga oras na ito ay nagugulat din.

"P-patawad... hinayaan kitang masaktan, muntik ka nang agawin sa akin. A-anong gusto mong gawin ko? Ibibigay ko, mahal ko..." nang marahang haplusin ni Dastan ang mga labi ko narinig ko ang impit na boses ni Naha na may kasamang paghampas sa braso ni Evan na agad kumunot ang noo.

Namumula si Kalla at Claret, nakataas ang kilay ni Lily at nakangiti ang reyna. Ang natitirang mga lalaking Gazellian ay kapwa nakatingin sa kisame, malalaking plorera o kahit anong kagamitan sa loob ng silid na tila natatakot mahuli ng hari na nanunuod sila.

"M-mahal na hari..." nag-aalangan kong sabi kay Dastan.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. At saglit kong nakita ang kakaibang paggalaw ng mata niya bago siya tipid na lumingon sa likuran niya.

Hindi na kailangan pa ng salita, kanya-kanyang hila ang mga babae sa palasyo sa mga prinsipe at mabilis na pagbagsak ng pintuan ng aming silid ang namayani.

Dito na tuluyang inilahad ng hari ang kanyang sarili, kusa nang humiga sa kama si Dastan na tila hapong-hapo, mabilis niya akong kinabig hanggang matagpuan ko ang aking sariling nasa kanyang mga bisig.

Hinayaan ko ang sarili kong nakahilig sa kanyang dibdib dama ang pintig ng kanyang puso.

"Wala pa tayo sa kalahati, Leticia..."

Hindi na niya kailangan ng kumpirmasyon sa akin, kahit sino'y kayang sabihin ang impormasyong iyon. Marami pa kaming kailangang pagdaanan.

"Anong nangyari matapos kong mawalan ng malay?"

"Sila'y naglaho kasabay ng pagkawala ng diyosa. The armies of the enemy retreated, maging ang dalawang hari'y naglaho."

"Siguro'y ang kanilang pananatili sa Deltora'y nakabase sa manipulasyon ng diyosa." Paliwanag ko kay Dastan.

Gusto kong sabihin kay Dastan ang lahat ng natuklasan ko sa gitna ng laban, sa nakaraan ni Claudeous at Ahren, sa tatlong reyna at maging sa kanyang ina. Ngunit paano ko iyon sisimulan? Ano ang magiging reaksyon ni Dastan sa sandaling malaman niyang ang ina na siyang inaakala niyang laging nangangailangan ng yakap at papahid sa kanyang luha'y isa palang huwad?

"Kumusta si Rosh at ang Deltora?"

"Nakatakda na silang bumalik sa kanilang emperyo kinabukasan, katulad mo'y ngayon araw lang din nagising si Rosh."

Nag-angat ako ng tingin kay Dastan. "Ilang araw na akong natutulog?"

"Two weeks."

Suminghap ako sa sinabi niya at napaisip ako sa gintong pana na tumama sa akin. Hindi iyon ordinaryong pana kung ganoon ang epekto sa isang diyosang katulad ko.

"Ang Deltora? Ano ang sinapit ng kanilang kaharian?"

"Parsua Deltora is one of the quickest empires possessing a good regeneration. Tobias as an element king, and Rosh as the nature's—" hindi ko nagawang patapusin si Dastan.

"Ngunit kapwa sila nanghihina, hindi ba?"

"Mabilis lamang ang pagpapagaling ng magkapatid. Malalakas silang mga bampira." Tumango ako kay Dastan.

Magtatanong pa sana ako tungkol sa sitwasyon ng ibang emperyo, dahil siguradong nakarating na sa mga iyon ang balitang ang Deltora'y nagkaroon ng digmaan na hindi man lang napapansin ng lahat. Ngunit biglang pumasok sa isip ko ang dragon.

"Nasaan ang dragon, Dastan?"

"Matapos niyang masigurong nasa mabuti nang kalagayan si Rosh, ito'y lumipad na muli sa kalangitan at naglahong parang bula. You told us that it was summoned by his mate?"

Tumango ako. Pansin ko na tila nagkaroon ng saglit na kalituhan si Dastan sa sinabi ko. Ngunit si Dastan ang bampirang hindi mahilig magtanong. Sinabi ko sa kanyang nais kong magpaalam sa mga Le'Vamuievos bago ang mga iyon umuwi sa kanilang emperyo.

Nakayakap sa aking bewang ang braso ni Dastan habang patungo kami sa tanggapan ng kanilang mga panauhin. Eksaktong nandoon ang kanyang mga kapatid ang ang mga Le'Vamuievos, akala ko'y may kaguluhang nangyayari ngunit si Marah lang pala iyon na kasalukuyang lumuluha.

"Idiots! Such a disgrace to our family history!" sigaw niya sa tatlo niyang kapatid.

Kapwa nakaupo sa eleganteng mga upuan si Tobias na nakatitig lamang kay Marah na may tipid na ngiti, si Pryor na nakayuko at nakangiwi at si Rosh na malayo ang tanaw sa bintana habang nakakrus ang mga binti at may hawak na pulang-pulang rosas.

Napahinga ako ng maluwag, talagang nasa maayos na kalagayan ang magkakapatid. Sila'y nakauwing ligtas gaya ng ipinangako ko kay Marah, hindi man ako ang tuluyang nakapagligtas sa kanila.

Ang magkakapatid na Gazellian pa rin ang siyang sentro ng digmaan, ang siyang gumawa ng lahat upang mapanatiling buhay ang emperyong siyang pinakamatindi nilang sandalan. Hindi dahil sa kakayahan nito kundi sa matinding koneksyon ng kanilang bawat pamilya.

"Ano ba, Marah? Dalawang linggo ka nang ganyan." Umiiling na sabi ni Pryor.

Suminghap si Marah at iritadong binuksan ang kanyang pamaymay.

"Look everyone! Ang mga kapatid kong mamamatay, gentleman pa rin! I am the proudest sister!" tila umusok ang ilong ni Pryor kay Caleb na nakangisi at nakataas ang kamay.

"I told you, 'di ako ang nagsabi sa kanya na halos mamatay na kayong tatlo na gentleman."

Bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni Pryor nang nakikipaglaban kami sa diyosa, hindi nila raw maibigay ni Tobias ang lahat ng kanilang kakayahan dahil may ipinangako raw silang magkakapatid.

Ang pagiging maginoo hanggang sa malagutan sila ng hininga, lalo na sa harap mismo ng sagradong altar ng kanilang palasyo.

Nang sulyapan ko si Dastan ay tipid siyang nakangiti ngunit ng maramdaman niyang nakatitig ako ay agad niyang tinanggal ang kanyang ngiti na tila kasalanan iyon.

"Gazellians never had that foolish vow, yeah, it's really a shame." Sabat ni Zen.

"But we're alive, Marah. Stop crying." Kalmadong sabi ni Tobias.

Pinunasan ni Marah ang kanyang luha.

"That's a foolish death, kung hindi napigilan. Akalain mo iyon? Mawawalan ka ng mga kapatid? Okay lang naman yata, at least they died noble, gentlemen?"

Lalong namula ang mukha ni Marah sa sinabi ni Finn, hindi na ako magugulat kung anumang oras ay may sugurin ng Gazellian si Pryor.

"Huwag n'yong gatungan ng gatungan si Marah mga Gazellian!"

Nauwi sa tawanan ang buong silid dahil sa pagtatalo ng magkakapatid na Le'Vamuievos at ang ilang beses na pagsawsaw ng magkakapatid na Gazellian. Si Rosh lamang ang nanatiling tahimik sa loob ng silid na tila may sariling mundo.

Nang sandaling magpapaalam na sila, kusang humarap sa aming dalawa ni Dastan, si Pryor at Marah. Natigilan ako nang sabay yumuko ang dalawang Le'Vamuievos.

"Thank you for saving my brothers." Si Marah lamang ang nagsalita habang si Pryor ay mas piniling yumuko na lamang.

"H-hindi ko alam ang gagawin ko kung hindi sila nakauwing tatlo... hindi ko kailanman naisip tumayo sa emperyong nag-iisa na lamang ako. I can't live without my kuyas... maraming maraming salamat, Dastan, Leticia... at buong Gazellian..."

Nakita ko kung paano lumingon si Pryor sa kapatid niya na humahagulhol na naman. Ngunit ang kanyang mga mata'y tila nanlalaki na parang may mga salita niyang hindi inakalang maririnig sa bunso niyang kapatid.

"Marah..."

"Ilang beses na rin kaming iniligtas ng inyong emperyo, so? We're even." Sagot ni Caleb.

"Yes, ayaw namin ng utang na loob." Sabi ni Finn na may ngisi sa labi.

"Alam kong katulad nami'y hindi rin kayo magdadalawang isip na tumakbo sa Sartorias sa sandaling kami'y nasa parehong sitwasyon." Pormal na sabi ni Dastan.

Hindi rin nagtagal ay katabi na ni Pryor si Tobias, saglit pang sumulyap si Pryor kay Tobias na tila may nais sabihin bago muling sumulyap kay Marah. Pansin ko na namumula na ang pisngi ni Pryor.

"Second time, you called me that twice." Yumakap ng dalawang braso ni Rosh mula sa likuran sa may leeg ni Marah.

Marahan lang iyon, kasabay ng paglapat ng baba niya sa ulo ng bunso niyang kapatid.

"I think we need to go, Gazellians. We still have our sibling's bonding, right?" sinubukan kumawala ni Marah sa yakap ni Rosh na tumatawa lamang.

"Don't touch me, Rosh! We're not close!"

Sa huli, tila tubig na nalusaw si Tobias at Pryor habang si Rosh at Marah naman ay piraso ng pulang mga rosas.

Tipid akong ngumiti at saglit na tumanaw sa labas ng bintana. Hindi lamang Gazellian ang pamilyang aking hinahangaan.

Maging ang mga Le'Vamuievos.

Naagaw ang atensyon naming lahat nang biglang mabuksan ang pintuan, iniluwa nito si Reyna Talisha na matamis ang ngiti sa amin ni Dastan. May dala siyang malaking kahon na nakaagaw sa atensyon naming lahat.

"I have a new game, sons, daughters, and the only mechanic is to find a better comrade. But remember, the Queen is always the fastest, hindi n'yo ako mauunahan."

Makahulugang tumingin sa akin si Reyna Talisha. Isang malaking kasagutang siya ang at ako naman ngayon ang dalawang reynang magkatunggali. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro