Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 43

Chapter 43

Pagtimbang

"Can you define the word King?" Panimula ni Dastan.

Inasahan ko na hindi na magkakaroon pa ng pag-uusap ang tatlong hari at mauuwi agad sa isang matinding sagupan. Ngunit si Dastan ay mananatiling ang kilalang hari ng Parsua Sartorias na kalmado sa lahat ng oras.

Maging si Pryor ay kumunot ang noo at marahas lumingon kay Dastan na tila nais malaman ang susunod pa nitong hakbang. Si Tobias na kanyang matalik na kaibigan ay hindi na nagulat, ngunit ang magkapatid na Le'Vamueivos ay kapwa alerto.

Matapos masilaw ng dalawang hari mula sa espada ni Dastan ay kapwa ang mga iyon nagpabago ng posisyon upang maprotektahan ang kanilang mga mata.

Pormal na itinusok ni Dastan ang kanyang espada sa kanyang harapan na tila nagbibigay ng hudyat na hindi pa siya susugod.

Huminga ako nang malalim, kung si Dastan, Tobias at Pryor ang lalaban sa dalawang hari, ibig sabihin lang nito ay ako lang ang maaaring makalapit kay Rosh.

At ang paglapit kay Rosh ay pakikipaglaban sa hindi lang sasampung diyosa na ngayo'y paniguradong ako'y isinusumpa. Tipid akong sumulyap sa dalawang hari sa unahan, hindi ko ipagkakailang nais ko rin silang kausapin.

Ako, higit sa sinuman ang may kilala sa kanilang dalawa. Nasaksihan ko ang kanilang pinagdaanan sa nakaraan, ang lahat ng kanilang sakripisyo, ang kanilang pinaglalaban at kabutihan sa kanilang nasasakupan.

May iisa kaming layunin, at ito'y kaayusan sa mundong ito. Ngunit ang paghahari'y para sa isa lamang...

May mga nararapat, may mga isinilang upang mamuno, nagtataglay ng mga matang nakabukas, tengang handang makinig sa walang katapusang daing, mga kamay na nais makarating hanggang sa pinakamadilim na lugar at higit sa lahat may pusong marunong tumibok hindi para sa isa kundi para sa nakararami.

Isa nang uri ng biyaya ang gawaran ang isang mundo ng hindi lang iisang haring may ganitong katangian, ngunit gaano man karami ang isilang na nilalang na may ganitong uri ng kapasidad.

Ang pinakamalakas na liwanag ay mananatiling araw, may isang mamumuno sa gitna at ang bawat sinag nito ang siyang tila gabay at tulong nito upang ang bawat liwanag niya'y makarating sa lahat.

Si Claudeous at Ahren ay nakatakdang tumulong kay Dastan, ngunit paano ko iyon magagawang ipaliwanag sa kanila?

"A king is not a puppet, Gazellian." Si Ahren ang unang nagsalita.

"A puppet, huh?" sagot ni Dastan habang naka-krus ang kanyang mga braso.

"A king can fight for his people, alone."

"Alone." Pormal pa rin ang boses ni Dastan.

"So... you two are not puppets, and you can fight alone?" tanong ulit ni Dastan.

Sumipol si Pryor bago niya inangat ang kanyang espada para ituro ang ilang diyosa na lumulutang sa unahan.

"So... ano 'tong makikinis na diyosa sa harapan ko na panay ang haplos sa kapatid ko? You're definitely alone, Your Majesty."

Napailing na lamang si Tobias sa pagsabat ni Pryor.

Akala ko ay masusundan pa ang pag-uusap nila, pero sa isang iglap ay nawala na sa unahan ko sina Dastan, Tobias at Pryor.

Kasalukuyan nang nagpapalitan ng pag-atake sina Dastan at Ahren, habang magkatulong si Tobias naman ay hinaharap si Claudeous.

Mabilis nang tumatakbo si Pryor patungo kay Rosh.

"Uhm... Dastan's goddess? I need a little assistance here, I think? Nahirapan kami ni Tobias sa kanila kanina. We're still gentlemen Le'Vamuievos. Isa pa, hindi matutuwa si Rosh kung mananakita kami ng kababaihan para iligtas lamang siya."

Nagawa ko nang makalutang muli at sundan si Pryor. Tulad nga ng sinabi niya, hindi siya lumalaban sa mga diyosa, ang tangi niya lang ginagawa ay umiwas sa kanilang atake ngunit hindi maiwasang hindi sila matamaan.

"H-huwag mong sabihin na kayo namin kayo natagpuan ni Dastan na—"

"Actually, yes. We can't just hurt them. Princes from Deltora are known for being gentleman! Hindi maaaring sirain iyon sa sariling palasyo."

"That is foolish!" rinig kong sabi ni Dastan habang patuloy pa rin sa kanyang pakikipaglaban.

"You'll fight a goddess?" hindi makapaniwalang tanong ni Pryor kay Dastan na parang kaswal lang ang usapan nila.

"Yes."

"That's why Le'Vamuievos are adored more than Gazellians."

"Shut up, Pryor! Just do something about Rosh." Sabi ni Tobias na kasalukuyan nakikipagsagupaan kay Claudeous.

Habang papalapit kami sa posisyon ni Rosh ang tangi kong ginawa ay protektahan si Pryor mula sa atake mula sa mga diyosa. Kanina pa akong nangangamba na baka sabay-sabay silang umatake sa akin, at alam ko sa sarili kong hindi ko iyon magagawang labanan.

Ang kapangyarihan ng hindi lang sasampung diyosa ay hindi ko magagawang lampasan sa sitwasyong ito, maaari pa akong makitil ng wala sa oras. Ngunit habang papalapit kami ay tila nagkakaroon na ako ng pagtataka.

Tila ang galaw ng mga diyosang nagbabantay kay Rosh ay limitado, hindi sila makalapit sa amin ni Pryor at ang tangi lang nagagawa ng mga iyon ay umatake mula sa malayo.

Hindi rin nila magawang umatake ng sabay-sabay, isang beses lamang sa bawat isang diyosa.

"Pryor!" agad kong inilahad sa direksyon ni Pryor ang aking dalawang kamay dahilan kung bakit siya biglang lumutang.

Humihingal ako habang kapwa na nakataas ng tuwid na lampas sa aking ulo ang dalawa kong kamay, nakalutang doon si Pryor na gulat na gulat din tulad ko.

Muntik na siyang tamaan.

Dalawang uri ng liwanag ang dapat ay kikitil sa kanya, ngunit sa kaninang pwesto niyang nando'n na si Dastan at Tobias na kung hindi ko man nagawang palutangin sa ere si Pryor ay magagawa siyang protektahan ng dalawang hari.

Nais nilang kitilin si Pryor.

"Eh? Muntik na 'ko." Tumingala ako sa kanya habang nakataas pa rin ang mga kamay ko.

"Hindi ka ba natamaan?"

Umiling siya. "These kings wanted to get rid off me, dahil alam nilang sa sandaling makarating ako kay Rosh, tapos na ang laban."

Kapwa na kami humarap muli ni Pryor sa tila altar na naggagapos kay Rosh. Hindi malayo ang distansya namin mula sa kanya ngunit dahil na nga sa kapangyarihan ng mga diyosa nagagawa nila iyong palayuin na parang ilang kilometro ang layo namin mula sa kanila.

"Stay alive, Tobias, Dastan. I'll reach him."

"Stay focus, Pryor." Paalala ni Tobias sa kanya.

Dahil sanay nang makipaglaban na magkasama si Dastan at Tobias, nagawa nilang ilayo ang dalawang hari mula sa amin ni Pryor. Sa pagkakataong ito ay magkaiba na ang posisyon ng aking mga kamay.

Ang isa'y nasa unahan na siyang nagpapatibay ng harang namin ni Pryor mula sa atake ng mga diyosa at ang isa naman ay nanatiling nakataas na siyang koneksyon ko upang bigyang laya si Pryor makagalaw sa hangin tulad ko.

"I'll need to attack them, wala akong mapagpipilian."

"Kailangan, mahal na prinsipe."

"Ngunit hindi ko makita ang kanilang kahinaan, ikaw lang ang may kakayahang makita noon."

Habang papalapit kami ni Pryor sa kanila kanina ay pumasok na sa isipan ko ang kakaibang ikinikilos ng mga diyosang kalaban namin. Sa tagal ko sa Deeseyadah, nasaksihan ko na ang paraan ng pakikipaglaban ng iba't-ibang uri ng diyosa at agad kong malalaman kung kailan sila nahihirapan o hindi.

Isa lamang ang nasisiguro ko sa mga oras na ito, may limitasyon ang diyosang kaharap namin.

"Hindi sila umaalis sa posisyon nila. Pang-malayuan ang kanilang atake pero hindi sila nagsasabay-sabay, but their speed of blow? They are fast, the interval is just a few seconds."

Pareho kami agad ng napansin ni Pryor, hindi kami basta maaaring lumapit, paano kung patibong lamang ito?

Pinagmasdan kong mabuti ang posisyon ng mga diyosa at ni Rosh, napupuno iyon ng mga ugat ng halaman, nang sinubukan kong tumingin sa ibaba agad kong napansin ang tila isang tuwid na guhit gamit ang berdeng ugat sa malamig na sahig ng palasyo.

"May guhit, may pagitan sa sahig, Pryor." Mukhang hindi pa niya iyon napapansin dahil narinig ko ang bigla niyang pagsinghap.

"Ano iyon?" tanong ko.

"A seal?" Tila hindi makapaniwalang banggit ni Pryor.

"I-Is that really a seal, Rosh? You idiot, brother!" sigaw niya na parang maririnig siya ng kanyang kapatid.

Kumuyom ang mga kamao ni Pryor bago siya saglit lumingon kay Tobias.

"T-Tobias! Your fucking brother is still helping! That's a seal, kaya hindi makalabas iyong makikinis na diyosa para habulin ako dahil ikinukulong din sila ni Rosh. Y-you selfish psychopath brother! Magtira ka naman sa akin!"

Saglit akong natigilan nang may maramdaman akong mainit na patak ng tubig na tumama sa aking pisngi.

"Please, don't look up." Tipid na sabi ni Pryor.

Dito ko nakumpirma na hindi tubig, kundi luha ang humaplos sa pisngi ko.

Mukhang naalarma ang mga diyosa nang malaman namin ang itinatago nila. Pinalalabas nilang hawak pa rin nila ang sitwasyon, na ang pagkakatulog ni Rosh ay dala ng kanilang manipulasyon ngunit mukhang nakakalimutan nilang si Rosh ay kagaya rin ni Dastan o ng mga Gazellian na nakikipaglaban sa labas ng palasyo.

Siya'y isa ring uri ng prinsipe na hindi marunong sumuko.

Naging mas aggresibo sina Claude at Ahren sa ibaba, ilang beses nilang tinangkang marating ang posisyon namin ni Pryor ngunit nagagawa sila harangan ni Dastan at Tobias.

Pinagsamang pwersa ni Tobias at Dastan ang kumawala sa buong palasyo dahilan kung bakit sabay naitulak papalayo ang katawan ng kanilang mga katunggaling hari.

Hindi ko maiwasang mamangha lalo na nang maiwan ang atake ni Dastan at Tobias sa buong paligid, tila umulan sa buong palasyo dahil sa tubig na mula kay Tobias at nalagyan iyon ng tila mga diyamante dahil sa liwanag na kapangyarihan ni Dastan.

Biglang nagningning ang malaking bulwagan sa loob ng palasyo ng Parsua Deltora, maging ang mga diyosa at si Pryor ay namangha sa magandang klase ng ulan gawa ng dalawang hari ng Parsua.

Kapwa na sila lumapag sa lupa, mga espada na nasa kanilang mga kamay ay tila mas kumislap, ang kanilang mga kasuotan ay nagsisimula nang masira at ang kanilang mahahabang buhok ay banayad nang hinihipan ng hangin mula sa nakabukas na mga bintana.

Sa kabila ng aming sitwasyon, ang aking mga labi ay hindi mapigilang gumuhit ng tipid na ngiti. Hindi ko akalaing ang panunuod sa likuran ng mga magigiting na hari habang sila'y lumalaban ay may kakaiba rin palang epektong maaaring iparamdam.

Napakainit sa gitna ng isang digmaan...

Nakababa na rin si Pryor at katulad ko'y halos matulala rin siya sa pinagsamang kapangyarihan ni Tobias at Dastan. Ngunit bago pa kami tuluyang madala at humanga, kapwa kami tumingin at tumango sa isa't-isa, hudyat na kailangan na rin namin harapin ang sarili naming laban.

"Pryor, gagawa ako ng daan. Ang kailangan mo lang gawin ay tumakbo at abutin si Rosh. Nakukuha ko na kung bakit hindi nagsasabay-sabay ang diyosa sa pag-atake." Nanlisik ang mata sa akin ng mga diyosang nagbabantay kay Rosh.

Dahil ang diyosang kalaban namin ay nagtataglay ng parehong kapangyarihan ng kay Finn.

"Nag-iisa ang diyosang kalaban natin, Pryor. Ilusyon lamang ang kanyang bilang. Hindi magpapadala ang Deeseyadah ng maraming bilang ng diyosa..." nanlisik ang mata sa akin ng diyosang nakayakap kay Rosh.

Humiwalay siya sa prinsipe at taas noo niya akong hinarap.

"Paano kung kitilin ko na lang kaya ang pangahas na prinsipeng ito?" nanlaki ang mga mata ko nang maglabas siya ng punyal, muli siyang yumakap kay Rosh, inangat niya ang mukha nito sa amin habang nanatiling nakapikit ang prinsipe.

Kusang naglabasan ang napakarami kong punyal na tulad ng espada ni Dastan ay may sarili ring liwanag, liwanag mula sa buwan.

"Huwag mong hayaang ikaw ang unang diyosang kikitilin ng aking punyal." Matigas na bigkas ko.

Humalakhak ng napakalakas ang diyosa, narinig kong napasigaw si Dastan sa pagtawag kay Tobias na nawalan din ng konsentrasyon, si Pryor ay bigla na lang natulala.

"S-stop..."

Ngunit hindi ko na nagawang pigilan pa si Tobias at Pryor, ang hari'y tila naging isang uri ng higanteng alon at si Pryor ay mabilis nakasakay sa kanya, dalawang espada na ang kanyang hawak habang ang kanyang mga mata'y nagniningas.

"H-hindi maaari..." ang atake ng diyosa'y maaari lang matalo ng kapangyarihan ng isang diyosa.

Kailangan kong haluan ang kanilang atake ng aking mahika. Ngunit nang akma na akong lulutang upang sundan gabayan ang magkapatid na Le'Vamuievos laban sa diyosa, agad kong naramdaman ang kapahamakan patungo kay Dastan.

"D-Dastan!" sigaw ko.

Kapwa na nakalutang sa ere si Claudeous at Ahren, ang kanilang mga espada'y nakatuon na kay Dastan.

Tila tumigil ang oras at naiwan ako sa gitna, tumulo ang aking mga luha dahil sa magkabilang panig na siyang aking dapat takbuhan, ngunit sa iilang segundong nalalapit isa lamang ang aking dapat tulungan.

Si Dastan na aking minamahal?

O ang tatlong magkakapatid na Le'Vamuievos?

Tila nararamdaman ko na ang unti-unting pagkabiyak ng aking puso, dahil sa sandaling tumalikod ako mula sa isang direksyon, ang katumbas nito ay isang kahindik-hindik na kamatayan.

Oh makapangyarihang buwan ng liwanag, ang pagtimbang ng buhay ay isang matinding kasalanan...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro