
Chapter 40
Chapter 40
Mga liham
Sa ilang beses kong paglalakbay sa nakaraan, hindi ko magagawang itanggi ang aking pagdududa sa mga ikinikilos ni Reyna Talisha, may parte sa sarili kong nais ko siyang hangaan dahil sa kabila ng pagkakakilala sa kanya ng lahat ay isang reyna palang may itinatagong kamandag, na ang siyang mabibiktima'y tiyak na mahihirapang makahanap ng lunas.
Hindi ko itatangging sa unang pagsaksi ng aking mga mata sa nakaraan at sa paraan ng pagpigil ni Reyna Talisha kay Claudeous ay nagduda na ako sa kanya. Nagawa niyang pakielaman ang dapat mangyayari sa hinaharap na siyang inakala ko sa una.
Ngunit nang hinayaan ko ang sarili kong pakaisipin ang aking mga nasaksihan, binigyan nitong linaw na hindi ang Reyna ng Parsua Sartorias ang unang kumikilos. Umaksyon siya dahil nauna si Reyna Claudia, nais nitong baguhin ang nakaraan sa pamamagitan ng pagbabalik ng kanyang anak mula sa hinaharap patungo sa pangyayaring siyang orihinal nang nakasulat sa tadhana.
At ngayon nama'y sa nakaraan ni Ahren, agad nabalot ng katanungan ang aking isipan sa unang paglabas ng reyna mula sa likuran ng estatwang dragon. May ilang sandaling nais kong sumang-ayon sa sinabi ni Reyna Aenor, bakit nga ba hindi na lang hayaan ng reyna ang tadhana at ang kanilang mga anak ang kumilos?
Ngunit natigilan din ako sa aking iniisip, ito na naman ba ako at huhusgahan ang reyna sa kapirasong parte ng nakaraan? Isa na naman ba itong hakbang upang masiguro ang magiging trono ni Dastan sa hinaharap o isa na naman itong kasagutan sa atakeng unang ibinigay ng panibagong reyna?
Ang katanungang ito'y nasagot nang sandaling ang nakaraan ay dalhin ako sa Parsua Sartorias.
Hindi pumasok sa isip ko ang pagkakataong dadalhin ako sa nakaraang inakala kong nasaksihan na ng aking mga mata.
Ang pagmamahal ng isang reyna sa kanyang anak ay talagang kahanga-hanga, mula kay Reyna Claudia hanggang kay Reyna Aenor.
Ngunit ano nga ba ang bersyon ng reyna mula sa Emperyo ng Parsua Sartorias sa likuran ng kanyang gintong pintuan na binabantayaan ng mahiwagang kuneho? Ano nga ba ang misteryong nakapaloob sa likuran ng gintong pintuan na siyang saksi sa totoong katauhan ng kinikilalang reyna ng Sartorias?
Isang payapang gabi ang sumalubong sa akin sa Emperyo ng Parsua Sartorias, maliwanag ang sinag ng buwan, umaawit ang mga kuliglig, mga kawal na matiyagang nagbabantay sa kanilang mga posisyon at banayad na pagwagayway ng watawat sa tuktok ng palasyo.
Sa pinakamataas na bahagi ng palasyo'y nananatiling nakabukas ang ilaw at bintana. Ang silid na hari at reyna.
"Mahal, nakatanggap ako ng liham mula sa Parsua Deltora." Sabi ni Reyna Talisha na nagbuburda sa tabi ng bintana habang ang hari'y nagbabasa ng kanyang aklat sa kama.
"Liham para sa akin, Mahal?"
Ibinaba ni Reyna Talisha ang kanyang ibinuburda at hinarap niya ang hari na nasa kanya na rin ang atensyon.
"Inaanyayahan ni Haring Raheem si Dastan at Zen na manatili ng ilang araw sa kanilang palasyo upang magkaroon ng katunggali ang kanilang mga anak sa pag-eensayo sa espada. Ibinalita nilang dumating ang kilalang maestro sa paggamit ng espada at kalasag sa Emperyo ng Parsua Deltora."
"Hmm... maging si Zen? Hindi kaya magkagulo na naman sila ni Rosh? Bakit kaya hindi magkasundo ang dalawang iyon?" tipid ngumuso ang hari na tila isang malaking misteryo ang hindi pagkakasundo ng dalawang prinsipe.
"Ngunit hindi ko nais umalis mag-isa si Dastan, sa ilang araw na gagawin nilang pananatili sa Deltora, maaaring maayos ang hindi pagkakaintindihan ni Zen at ng ikalawang prinsipe ng Deltora. Isa pa, hindi rin gugustuhin ni Zen na hayaang mag-isa ang kanyang kapatid sa paglalakbay."
Nanatiling tahimik si Haring Thaddeus.
"May mga aralin pa bang kailangang tapusin ang ating mga prinsipe, Mahal na hari? Tila nag-aalinlangan ka sa imbitasyon ni Raheem. Baka magdamdam ang iyong kaibigan."
Bumuntong hininga si Haring Thaddeus.
"Ngunit paano si Lily? Ang ating prinsesa ay wala nang ibang ginawa kundi humabol sa dalawa niyang kapatid."
"Hmm... isang napakalaking suliranin nga, Mahal na Hari." Nagbibirong sabi ng reyna.
Tuluyan nang isinara ng hari ang kanyang aklat. "Sa sandaling makabalik na si Dastan at Zen mula sa Deltora... nais kong solusyunan ang ating suliranin iyan, Mahal na Reyna."
Narinig kong kusa nang nagkandado ang pintuan ng hari at reyna.
"Natutulog na ba si Lily?" natatawang tanong ng reyna nang biglang nawala sa kama ang hari, nakaluhod na ito at humahalik sa kanyang hita.
Ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi, ang nakaraan ay inihatid ako sa kasagutan kung saan higit na namana ni Dastan ang pagpili sa paboritong parte ng kanyang pangil.
"Katabi siya ngayon ni Dastan at Zen, probably biting her brothers' wrist one at a time hanggang sa maunang makatulog iyong dalawa." Saglit natawa ang reyna sa sinabi ng hari.
"Everyone's spoiling our princess. Baka lumaking maldita si Lily sa ginagawa n'yo."
"W-what again, my Queen? Spoiling me? Yes..."
Hindi ko na sinaksihan pa ang mga sunod na mangyayari. Alam kong nangyari na ito sa nakaraan ngunit nais ko pa rin silang bigyan ng pribadong oras para dito.
Pinagpatuloy ko lamang ang aking panunuod nang tapos na sila, natutulog na si Haring Thaddeus habang nakayakap sa kanyang reyna. Ngunit si Reyna Talisha ay nanatiling gising habang may hawak na dalawang liham.
Dumilim ang kanyang ekspresyon nang pasadahan ng kanyang mga mata ang nilalaman ng mga liham at bago pa gumalaw ang hari at mas humigpit ang yakap sa kanya, kusang nagliyab sa apoy ang dalawang hilam hanggang sa maging manipis na usok na lamang ito.
Pinatay na ni Reyna Talisha ang lampara at sinaluhan na niya ang hari sa pagtulog.
Buong akala ko'y dito na matatapos ang aking mga masasaksihan, ngunit malaki ang ipinagpasalamat nang sa pagmulat ko'y nasa parte pa rin ako ng nakaraan. Ang katanungan tungkol sa mga sulat ang siyang nais kong malaman.
Nasa isang silid si Reyna Talisha kasama ang kanyang kanang kamay na putting kuneho, ang reyna'y abalang muli sa kanyang pagbuburda habang ang kuneho'y nakayuko at tila nagbabalita sa kanya.
"Magaling, Lumps. Buong akala ko'y bibiguin mo ako."
"Iyon ang hinding-hindi mangyayari, Mahal na Reyna. Tulad ng inyong ipinag-utos, nagawa ng aming grupong hanapin ang pinakamagaling na maestro ng espada at kalasag. Ngayo'y nakatigil na siya sa Parsua Deltora tulad ng inyong nais."
"At nasunod ang mga plano ko, Lumps. Inimbitahan na nga ni Raheem ang aking mga anak. Ang pananatili ni Dastan sa loob ng Parsua ay kailangan sa loob ng Linggong ito."
"Ang desisyon mo, Mahal na Reyna, ang siyang laging magwawagi. Anong maaaring rason ang makapagpapalabas kay Prinsipe Dastan sa loob ng Parsua?"
"Ang desisyon ng hari, Lumps. Dalawang emperyo ang kapwa nagpadala ng imbitasyon kay Dastan sa iisang araw at nais ng mga itong manatili sa kanilang palasyo ang aking prinsipe ng ilang araw."
Ibinaba na ni Reyna Talisha ang kanyang ibinuburda, tumayo siya at tumanaw sa kanyang bintana.
"Isang imbitasyon na hindi kayang tanggihan ni Thaddeus. Ito'y pagpapatibay ng samahan ng alinmang emperyo, Gosos at Jedalya. At ang partisipasyon ng susunod na hari ang siyang kailangan. Dalawang liham mula sa magkaibang emperyo, ngunit may iisang hangarin. Nais nilang mailayo ang aking anak sa Parsua sa pamamagitan ng paggamit ng maskara ng politika. Isang hangaring tila nakakapag-isip..." tipid na ngumisi si Reyna Talisha.
"Ito kaya'y hindi nakita ng hari? Si Haring Thaddeus ay may talinong hindi—"
"Matalino ngunit hindi marunong gumalaw sa maduming laro." Sagot ng Reyna.
Ngayon naman ay pinaglalaruan na ni Reyna Talisha ang ilang dilaw na bulaklak sa kanyang magarang plorera.
"Si Haring Raheem ang kanyang matalik na kaibigan, at alam kong hindi niya ito matatanggihan."
Hindi na muling nagsalita pa si Lumps nang biglang mabuksan ang pintuan ng silid ng reyna, iniluwa nito ang binatilyong prinsipe ng mga nyebe.
"Mother," yumuko siya bilang pagbati.
"Zen..."
"I want to join Dastan, nangangako akong pakikitunguhan ko nang maayos si Rosh. I want to meet the great master of swords."
"Did you ask your father?"
"He told me to ask you. Sino ba talaga? Can't you trust me? Hindi naman ako manggugulo doon. It's one in a lifetime chance to meet the master of swords, he's a traveler. At bihira nang magawi siya sa Parsua. Please, Mother..."
"Hmm... you should promise something..."
"What is it, Mother?"
Sa isang iglap ay nakabalik ang reyna sa kanyang magandang upuan, inilahad niya ang kanyang kanang kamay sa kanyang anak.
"Come here, my son."
Tila ang mga salitang iyo'y pamilyar na sa tenga ng prinsipe ng mga nyebe, dahil kusa nang humakbang ang kanyang mga paa at tinahak ang distansya sa pagitan nila ng reyna.
Agad naupo sa sahig ang prinsipe ng mga nyebe at inihilig niya ang kanyang mga braso sa kandungan ng reyna na tila isang bata.
"Kailan ba huling naglambing sa akin ang prinsipe ng mga nyebe?" nawiwiling tanong ni Reyna Talisha habang hinahaplos ang buhok ng kanyang anak.
"Mother... I don't know how to explain this, but I had this urge not to let Dastan travel alone. There's something—" umiiling ang prinsipe ng mga nyebe na parang hirap na hirap siyang sabihin sa reyna.
Natigil sa paghaplos sa kanya si Reyna Talisha, huminga siya ng malalim bago ngumiti at muling hinaplos ang prinsipe ng mga nyebe.
"You can go with your brother, Zen."
Nag-angat ng tingin sa kanya ang prinsipe ng mga nyebe na tila nabuhayan ng loob.
"In one condition."
"Avoid Rosh? I can do it."
"No, I want flowers, Zen. Gusto ko sa sandaling umuwi kayo pabalik dito sa Sartorias mula sa Deltora, dalhan n'yo ako ng magagandang bulaklak na matatagpuan lamang sa malapit Batis ng Teru." Saglit kumunot ang noo ni Zen.
"Ang batis dito sa Sartorias na pinamumugaran ng mga sirena?" tumango ang reyna.
Pinakatitigan ni Zen ang kanyang ina, bago siya ngumiti rito. "I'll give you flowers, Mother."
Akala ko ay tuluyan nang aalis ang prinsipe ng mga nyebe sa pagkakalugmok sa kandungan ng kanyang ina nang maging ako ay magulat sa kanyang ginawa. Mabilis humalik si Zen sa pisngi ng kanya ina, pansin ko ang pamumula ng tenga ng prinsipe ng mga nyebe bago ito tumuwid ng pagkakatayo.
Pero ang higit na nakagulat sa aming lahat ay ang tikhim mula sa gilid ng pintuan, nanlalaki ang mga mata ng prinsipe ng mga nyebeng nilingon si Dastan na nakasandal at nakakrus ang mga braso.
Nakangisi ang binatilyong si Dastan.
"Our father already approved your journey with me. What are you doing, Zen?"
"H-he did?! Sabi niya magpaalam daw ako kay ina."
Napahakbang ako nang ilang beses paatras nang makita ko ang kakaibang paggalaw ng mga mata ng binatilyong si Dastan kay Zen bago ito nagsimulang maglakad patungo sa kanyang ina.
Yumuko siya at mabilis humalik sa kaliwang pisngi ng kanyang ina.
"We'll go today, Mother."
"Mag-ingat kayong dalawa." Kapwa tumango ang dalawang prinsipe.
Hindi rin nagtagal ay nagpakita na rin si Haring Thaddeus.
"Sons, let's go. Ihahatid ko kayo sa hangganan ng ating emperyo." Nagawa pang kumindat ng hari sa kanyang reyna bago niya inakbayan ang kanyang mga anak at ginulo ang mga buhok ng mga ito habang papalabas ng silid.
"Don't forget about the flowers, Zen." Pahabol ni Reyna Talisha.
"Yes, Mother!"
Tinanaw ni Reyna Talisha at Lumps mula sa silid ang dalawang prinsipe at ang hari na kapwa na nakasakay sa kanilang mga kabayo. Ilang tagasunod pa ang nagtulong-tulong para ihiwalay si Lily sa kanila bago ang mga ito kumaway sa kanila bilang pamamaalam.
Kumuyom ang mga kamay ng reyna sa hamba ng kanyang bintana.
"Invitations is just the beginning, Lumps..."
"Should I send groups to—"
"No, katulad ni Thaddeus ay matalino rin si Dastan. Agad niyang malalaman na may grupong nakasunod sa kanila. I can't take the risk to show my picture in light. All we need is to have another accomplice like my son, Zen."
Ang prinsipe ng mga nyebe ang nagdala kay Dastan patungo sa batis na siyang binagsakan ko, sa pag-aakalang ang mga bulaklak malapit dito ang siyang mithiin ng reyna.
At mukhang nakukuha ko na ang nais ng reyna, para masiguro niyang masusunod ang lahat ng kanyang mga plano, kailangan niya pa ng tulong mula sa Deltora na hindi magkakaroon ng panghihinala.
Katulad ng prinsipe ng mga nyebe.
"Get me a rose scented paper, Lumps. I need to send a letter to another innocent prince."
"Yes, My Queen."
Suminghap ako sa sinabi ng reyna, buong akala ko ay may hangganan na ang malalaman kong mga pagtulong at sakripisyo niya, ngunit ang malamang may ambag rin siya para masiguro ang aming matagumpay na pagkikita ni Dastan ay isang bagay na hindi lang magdadala sa aking pagkamangha... kundi pati na rin isang malaking katanungan.
Hanggang saan pa ang iyong partisipasyon, mahal na prinsipeng sinasamba ng kalikasan?
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang magsimulang magsulat si Reyna Talisha.
Magandang Araw, Prinsipe Rosh...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro