Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 31

Chapter 31

Mga istorya

Mabilis tumaas sa ere ang mga kamay ng bampirang may itim na pakpak nang salubungin siya ng daang punyal na nagliliwanag mula sa aking abilidad.

"M-mahal na reyna, naririto ako bilang proteksyon at hindi kalaban." Ngunit hindi na sa kadarating na bampira nakatuon ang aking atensyon, kundi sa magkapatid na babaeng Gazellian na hanggang ngayon ay tulala sa natatanging punyal na siyang namumuno sa aking kakayahan.

Simula nang lumapat ang punyal na ito sa aking mga kamay, ito na mismo ang siyang ginagamit ko kayakap ang aking kakayahan bilang diyosa upang protektahan ang aking sarili.

At ang marinig na ang punyal na ito'y pag-aari ng dating magiting na hari... papaano ito nangyaring gayong ito'y inaakala kong pagmamay-ari ng dating pinakamataas na diyosa?

"Seth, sana'y matuto kang magbigay ng mensahe! Alam mong kaming lahat ay alerto sa mga nangyayari." Sagot sa kanya ni Claret.

Unti-unting naglaho ang mga punyal at tuluyan akong humarap sa dalawang magkapatid na tila hindi pa rin makabawi sa kanilang nasaksihan.

"My apologies, my ladies..." bahagyang yumuko sa amin si Seth.

Bumuntong hininga si Kalla, umikot ang mga mata ni Marah, umiling si Claret at saka lamang natauhan si Lily at Harper.

"Among the vampires from the prophecy, Seth is the wisest. He can help us." Muling bumalik sa kanyang pwesto si Lily at Harper.

Wala pang ilang segundo ay nasa palibot na kaming muli ng lamesa, tanging si Seth lamang ang nakakunot ang noo habang nakatitig sa mga nakalatag na mapa.

"What is going on here?" tanong niya.

"You brought news, right? Tell us first." Sagot sa kanya ni Lily.

Agad tumikhim si Seth at tumuwid ng pagkakatayo, paraang ilang beses kong nasasaksihan sa magkakapatid na Gazellian, isang katangiang natural sa mga maharlika.

"The message from Sartorias was deliberately sent to the neighboring empires, and we're all very grateful for that. Parsua Avalon and Trafadoroe extended the security all over our borders, our soldiers from land, air, water were all alerted as well our battalion generals." Sabay-sabay tumango ang lahat ng babae habang nakatitig kay Seth.

"Half of my brothers are already inside the borders of this empire, since all of the male Gazellian were absent, we could assure you that we'll handle half of your troops with our best battle strategy. And I, Prince Seth Theodore Viardellon, the thirteenth prince from Parsua Avalon was tasked to protect the ladies of Parsua Sartorias." Pormal itong yumuko sa aming lahat.

"Are we allowed to go out?" tanong ni Marah.

"Princess Marah, I was instructed to keep anyone from you inside the palace." Umirap ito kay Seth bago muling bumalik ang mga mata sa mga mapa.

Namayani ang katahimikan ng ilang segundo bago ito basagin ni Harper, ang kanyang mga mata'y punong-puno ng pagkalito.

"Maaari ko bang hawakan ang punyal? I want to confirm it." Tumango ako.

Marahan kong inangat ang dalawa kong kamay sa ere, sa tapat ng aking dibdib. Pinagtapat ko ang aking magkabilang palad na hindi naglalapat sa isa't-isa hanggang sa makaramdam ako ng pag-iinit dito na nasundan ng pagliliwanag.

Pagliliwanag na nagluwa sa punyal na agad bumagsak sa aking mga kamay.

Inabot ko ito kay Lily na siyang mas malapit sa akin, mas tumabi sa kanya si Harper para lubusang mapagmasdan ito.

"What's with the dagger?" tanong ni Seth.

"Pag-aari ni Haring Thaddeus." Sagot sa kanya ni Kalla.

Nagulat din ang mga mata ni Seth. "Bakit nasa isang diyosa?"

"K-kay ama nga ito Harper..."

"It was same as mine, King Thaddeus left a music box for me. Binigyan din ng hari si Naha ng kwintas na may dyamanteng hugis luha... that blade is part of the puzzle. H-hindi ba siya minsang nagpakita sa'yo, Leticia?" tanong sa akin ni Kalla.

"H-hindi ko alam, napasakamay ko ang punyal na iyan sa kaalamang ito'y dating pag-aari ng pinakamalakas na diyosa."

"It could be true. We all know that King Thaddeus had a connection with the powerful goddess... silang dalawa ni—" hindi magawang ituloy ni Kalla ang kanyang sasabihin.

Pamilyar na ako sa nakaraan ng mga Gazellian at sa lahat ng pinagdaanan ng hari dahil na rin sa kwento ni Nikos at sa lahat ng mga nasaksihan namin ng mga panahong nasa loob pa ng unibersidad si Naha.

"Maaaring ibinigay ng pinakamalakas na diyosa ito kay ama." Mahinang sabi ni Harper.

"Saan mo ito natagpuan?" tanong ni Lily.

"Sa isang ilog sa emperyong ito..."

Nagsinghapan silang lahat sa kasagutan ko, maliban kay Marah na tila hindi na nasisiyahan sa aming pinag-uusapan at kay Seth na wala nang reaksyon.

"Tila lumalayo na kayo, we are talking about our attackers. We couldn't just talk about a king's relics! What for?"

"Marah, nag-iiwan si Haring Thaddeus ng mga kasagutan dito sa tuwing nahaharap ang kanyang mga anak sa isang matinding problema." Sagot ni Kalla.

"And a dagger can help us all? Mapapatay ba niyan lahat ang mga kalaban natin?"

"Shut up, Marah. You can put all your tantrums inside your own palace. Not here. Magsumbong ka pa sa mga kuya mong kunsintidor." Matalas na sabi ni Lily na nagpaawang ng bibig ni Marah.

"W-what?" handa nang sumagot ni Marah ng sagot kay Lily nang pumagitna na si Kalla sa kanila.

"Enough. Please... calm down, Marah. Ito lang ang pwede nating gawin sa ngayon, we can't join their battle, but at least here... we could help. Sa bawat giyera may puno't dulo, may dahilan o mithiin, ito ang hinahanap nating lahat ngayon. Your brothers will be alright..." kinagat ni Marah ang kanyang pang-ibabang labi habang nakatuon ang mga mata kay Lily na hindi man lang natitinag.

"You're too harsh, Lily. She's just worried about her brothers..." sita sa kanya ni Harper.

"Lahat tayo, kung hindi ako nagkakamali ay nagtungo na rin doon ang mga kapatid natin. We need to find the roots here, not the branches of battle tactics. Magtiwala na lang tayo sa kanila."

"S-should I ask for a tea or something?" tanong ni Seth para tanggalin ang tensyon sa palibot ng lamesa.

"Good idea, Seth. Please..." sagot ni Claret.

"Very well, I'll be back."

Nang maiwan kaming mga babae, natuon muli ang atensyon nila sa akin at ang katanungan nila tungkol sa pagpapakita sa akin ni Haring Thaddeus.

"Sigurado akong wala pa kaming pagkikita."

"If that's the case, her only connection with the puzzle is the dagger." Sabay-sabay silang tumango sa sinabi ni Kalla.

Si Marah ay nanatili na lamang tahimik, paminsan ay nagtataas ng kilay ngunit hindi na nagbibigay ng kumento.

"We should lay the pieces first, hindi pwedeng ang mismong punyal lamang. A puzzle is a picture of scattered parts, ang tanong dito, saan natin ikokonekta ang punyal ni Leticia?" sabi ni Claret.

"The vanished empires, the two kings and the evil goddess. Hindi ba't sila ay kasama na?" sagot ni Alanis na ngayon na lang muling nagsalita matapos ang pagdating ni Seth.

"But we all know the reason of their vanishment, because of the curse. The two kings are up for vengeance, pero ang malaking katanungan ay ang dyosang pag-aari ng isang hari. Are they certainly mated to each other? Katulad ni Dastan at Leticia? Kilala mo ba siya?" tanong ni Harper.

Mariin ang pagkakadaop ng aking mga kamay sa aking kandungan. Bigla kong naalala ang lahat ng pinagdaanan ko sa nanunudyong mga mata ni Tatiana, wala akong alam na may diyosa mula sa Deeseyadah na itinakda sa isang hari. Itinakda kami ni Dastan ng asul na apoy, sinong magtatakda sa kanila? Mahigpit itong pinagbabawalan sa aming mundo at tanging mga kinikilala nilang taksil ang naglalakas ng loob gawin ito.

Itinakwil din ba ng Deeseyadah si Tatiana? O alam nila ang bagay na ito?

"M-may galit siya sa akin noon pa man..."

Hindi ko man gustong balikan ang lahat ng masasamang nangyari sa akin sa Deeseyadah, kailangan ko itong sabihin sa kanilang lahat, tanging si Nikos lamang ang pinanatili kong lihim sa kanila.

Inulan ng masasamang salita si Tatiana mula kay Lily, Harper at si Marah na hindi na makapagpigil.

"I couldn't help but to feel thankful for Hua and Dyosa Neena..." halos maiyak si Harper.

"They could be after Leticia at sinadyang ipares si Tatiana sa isang hari, so the reason is even. Maybe they couldn't fathom that an exile goddess would have a good place in this world, matapos silang takasan... ayaw nilang malalamangan. They wanted to maintain their image as pure, kahit baluktot na pala ito." Paliwanag ni Lily.

"When it comes to empire allegiances, madali silang magkakaroon ng paliwanag at posible nilang mabilog ang mga ito. Sinong emperyo nga ba ang kanilang kakampihan? A king mated to a goddess who stood and claimed the throne without thinking about the vanished empires, or a king mated to a goddess who were vanished but continued to live and struggle forward. Maaari nila itong ipambato kay Dastan, sino ang kakampihan? Of course, that one who looked struggled, victimized but still fighting."

Lahat kami ay natahimik sa sinabi ni Claret. Totoo ang sinabi niya kung pipili ang iba pang emperyo na kakampihang hari, mas malaki ang posibilidad na pumanig sila sa kabila.

"We should find their weakness." Sabi ni Marah.

"Could you try to analyze this, do you think it was just the pride? Sa tingin n'yo ba ay hinahabol nila si Leticia dahil ayaw lang nilang tanggapin na sa halip na magdusa siya dahil sa pagtakwil sa kanya ay titingalain pa siya bilang reyna? The goddess could be using that king for their own reasons... paano kung may pinagtatakpan sila? Paano kung may malalaman tayong hindi dapat sa sandaling tingalain na si Dastan at Leticia bilang hari at reyna hindi lang ng Sartorias kundi ng buong Nemetio Spiran?"

Lahat kami ay umawang ang bibig sa mahabang paliwanag ni Harper. Hindi ko na napansin ang pagyakap ko sa aking sarili, tumitindig ang mga palahibo ko.

"M-may itinatago pa ang Deeseyadah?" nangangatal na tanong ko.

"I don't know. Pero ano pa ang dahilan para magbaba sila ng diyosa rito at gumawa ng sariling gulo? It's simple as this, if their side has the complete leash of Nemetio Spiran through that evil goddess, ano pa ang magiging problema nila?"

"Now we have the elements, Leticia's dagger, the two kings and their silence for thousands of years, bakit ngayon lang sila nagparamdam? We could just assume that the goddesses had the strings, paano kung mapaglaro rin ang mga hari at nagagamitan lang sila? A King is a king, hindi sila makakarating sa trono kung sa salita'y madadala lang sila, the absence of the powerful goddess after the university's destruction, and lastly... ano ang itinatago ng Deeseyadah na kinatatakutan nilang malaman ni Leticia at Dastan?"

Tuluyan nang inilatag lahat ni Kalla ang nabuo sa harap ng malaking lamesa.

"If we find the roots, the part of the puzzles, isa na lang ang kailangang gawin." Kanilang mga mata'y natipon muli sa akin.

"Kailangan kong buuin..." tumango sila sa akin.

"I have a question, we're all aware about the curse of the powerful goddess right after her fate in the hands of the evil vampire, all the chain of events is truly connected. And I don't know if it was a blessing or a curse, dahil konektado ito sa inyo mga Gazellian, but my question, right after that curse between werewolves and vampires, what was Deeseyadah after?" tanong ni Marah.

Sa lahat siguro ng kanilang katanungan ito ang masasagot ko.

"Hindi pa ako pinapanganak nang mangyari ang mga ito, pero malinaw ang kaalaman ko sa nakaraan ng aming mundo. Matapos ianunsyo ang pagpanaw ng pinakamataas na diyosa na siyang pinaniwalaan ng lahat, may pumalit na sa kanyang pwesto. Hindi man siya kasing lakas ng unang diyosa, minahal siya ng mga nakabababang diyosa dahil sa kanyang dedikasyon, ngunit sa paglipas ng daang taon, hindi nito kinaya ang responsibilidad at kinitil niya ang kanyang sarili, dahilan kung bakit maraming dyosa na ang nauupo sa pwesto bilang mamuno dahil wala nang ipinanganganak na dyosang tatapat sa kakayahan ng unang diyosa."

"Maybe someone killed her and made it appear as suicide?" sabi ni Harper na agad kung hindi sinang-ayunan.

"Hindi magagawang makapatay ng diyosa ng kapwa nila."

"They tried it on you and still trying..." sagot ni Lily.

"See? Sa kanila lang nagmumula ang gulo at ibinababa nila sa lupa. They've been living in the eyes of the different world as pure, pero sila rin ang nagsisiraan. And I hate to say this, but this Tatiana's trying to repeat the history if our conclusion was true, nais niyang patayin si Leticia para sa pwesto. That replaced goddess might be a victim of staged death, para maraming dyosa ang makaupo sa trono." Mahabang sabi ni Marah.

"And do you think it's the thing they have been hiding in the eyes of the different worlds? Na nag-aagawan din sila sa pwesto? That they took advantage of the declining Deeseyadah from a powerful goddess death which was replaced by a weaker one?" tanong ni Harper kay Marah.

"They are all snakes." Nanggagalaiting sabi ni Lily.

"But could we look at the other side of the story?" tanong naman ni Kalla.

"We've been told about the goddess side, but what about that vampire?" pagpapatuloy niya. Dumiin ang pagkakakuyom ng kamay ko, alam ko kung saan patungo ang sasabihin ni Kalla.

"King Andronicus Clamberge III, what happened to him after the symbolic curse? Was he killed? Executed? Poisoned? Died on war? We're all aware that the vampire court was annihilating his bloodline to preserve our tampered history... what happened to him? The goddess is alive, her twins were once on our leash, Naha's father the last surving male vampire is alive carrying his blood, the goddesses who knew exactly what happened were alive and chasing Leticia, and lastly, King Thaddeus puzzles never ceased left us hanging, his presence is alive and overwhelming..."

Hinawakan ni Kalla ang kamay ko.

"Leticia and Dastan's reign will solve everything in piece."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro