Chapter 24
Chapter 24
Karibal
Kung ikukumpara ang aklatan sa Deeseyadah, masasabi kong higit itong malaki kumpara sa aklatan ng Sartorias. Siguro ay dahil para lamang ang silid na ito sa hari at wala na siyang ibang kahati, siya na rin ang nagsabi na rito niya madalas binabasa ang mga kasulatan, batas at mga balitang inuulat mula sa iba't-ibang mga emperyo.
Nagsimula akong humakbang ng mabagal habang marahang pinaglalandas ang aking mga daliri sa mga aklat, habang si Dastan naman ay nakatindig lamang at may hawak na aklat na mabagal nitong binubuklat.
Nabalot ng katahimikan ang buong silid at tanging ang kanyang libro lamang ang gumagawa ng ingay. Kumpara sa kanyang mga kapatid, pansin ko ang malaking kaibahan ng kanyang bawat kilos.
Ang hari'y pino, maawtoridad at elegante sa kanyang bawat galaw at pananalita. Pormal at bihira lamang magpakita ng emosyon.
"May katanungan ka ba, Leticia?" tanong ng hari na patuloy pa rin sa pagbuklat ng aklat.
"Tila may kailangan akong pag-aralan? I-Ikaw na rin ang nagsabi sa akin na may kailangan kang gawin sa aking—" biglang isinara ng hari ang kanyang aklat at sinalubong niya ang aking mga mata.
"Nagbago ang isip ko." Ibinalik na niya ang aklat sa lalagyanan nito. "I want you to stay that way...my innocent Queen."
Mahina lang ang pagkakasabi niya sa huling salita niya, pero malinaw ko itong narinig. Hindi ako nakapagsalita at pinagmasdan ko ang hari sa pamimili ng aklat na kanyang kailangan. Tatlong aklat ang napili niya bago siya nagtungo sa kanyang lamesa.
Sumunod ako sa kanya at naupo ako sa harapang upuan ng kanyang lamesa. Nanatili pa rin kaming tahimik, hindi ko na magawang tumingin sa gawi niya dahil malapit na kami sa isa't-isa kaya tanging ang sulok na lang ng aking mga mata ang aking gamit para sulyap-sulyapan siya.
Ang ilang hibla ng kanyang mahabang buhok ay nasa kanyang kaliwang balikat, ang likuran ng kanyang kanang kamay naman ay gamit niya sa kanyang paghalumbaba habang ang kanyang kaliwang kamay ay ginagamit niya sa pagbuklat ng pahina.
'Di ko mapigilan ang pag-iinit ng aking pisngi. Hindi ko man siya tuluyang pagmasdan ng harapan, ang kanyang kakisigan sa simpleng paraan ay talagang nakatutunaw ng puso.
Magkadaop ang aking mga kamay sa aking mga hita habang dama ang kanyang buong presensiya, mas naramdaman ko ang panliliit ng aklatan sa kanyang kakisigan na sa simple niya lamang pag-upo at paglipat ng pahina ng isang aklat ay isa nang uri ng magandang pagtatanghal.
Isang uri ng pagtatanghal na humahabi sa bawat tibok ng aking puso.
Agad akong yumuko nang saglit na mag-angat ng tingin ang hari sa aking direksyon, narinig ko itong bumuntong-hininga, mas kinabahan ako, kaya agad kong sinalubong ang kanyang mga mata.
"D-Dastan, hindi ba ako nakaaabala?"
Sa pagkakataong ito'y pansin ko ang saglit na pagtaas ng sulok ng kanyang mga labi habang nanatili siyang nakapangalumbaba gamit ang kanang kamay, naglaro ang ilang daliri niya sa nakabukas na aklat habang nawiwili akong pinagmamasdan.
"Ang presensiya ng reyna'y kailanman ay hindi abala sa kanyang hari."
Ramdam ko ang mas lalong pag-iinit ng aking pisngi. "N-Ngunit wala akong ginagawa rito..."
"Maaari tayong sabay magbasa." Pansin ko ang biglang paggalaw ng upuan ng hari, nawala ang paghalumbaba niya at sumandal siya sa kanyang upuan.
"Come..." inilahad ni Dastan ang kanyang kamay sa akin.
"S-Saan?" nangangatal na tanong ko.
Kahit nag-aalinlangan ako ay inilahad ko sa kanya ang aking kamay, tumayo ako at sinunod ko ang bawat paghila ng kanyang kamay at nang sandaling makaikot ako ay agad akong kinabig ng hari dahilan kung bakit ako napaupo sa kanyang kandungan.
"Ang reyna'y mas mainam na umupo sa kandungan ng kanyang hari..." mahinang bulong niya sa akin. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko, halos hindi ko na mabasa ang mga nakasulat sa aklat.
Pakiramdam ko'y sasabog ang puso ko lalo na't mas dama ko ang marahang paghinga ng hari sa aking likuran.
"A-Ang bilis ng tibok ng puso ko, Mahal na Hari..." hindi ko napigilan ang sarili kong sabihin sa kanya. Hindi ko na inaasahan na sasagot siya dahil ibinalik na nito ang kanyang atensyon sa aklat pero mas lalo yata lumabo ang mga letrang nakikita ko nang muling bumulong ang hari.
"Ako rin..."
Wala na sa aklat ang daliri ng hari kundi nasa dulo na ng aking mahabang buhok. Marahan niya itong pinaglalaruan habang masuyong nakatitig sa akin. Buong akala ko'y halik, haplos at pag-iisa lamang ang siyang magbibigay sa akin ng ganitong pakiramdam patungo sa kanya.
Ngunit ang Hari ng Sartorias na tila isang eksperto na sa bawat maliit niyang galaw ay makatutunaw sa puso ng isang mahinang babae, kung anumang klaseng nilalang ito.
Dulo pa lang ng aking buhok ang kanyang hinahawakan ay ganito na ang epekto niya sa akin, titig niya'y tila higit sa apoy na nag-aalab at ang mga tipid niyang salita na wala namang halong matatamis na salita ay tila higit pa sa pinong tsokolate mula sa likha ng dyosang may hawak ng kapangyarihan magbigay ng kahit anong uri ng tamis.
"D-Dastan..."
Dinala ng hari ang dulo ng aking buhok sa kanyang labi at magaan niya itong hinalikan, kanyang mga mata'y saglit na pumikit bago muling sagutin ang mga titig ko.
"Buong akala ko'y 'di na darating ang araw na ito, Leticia. Na ang aking dyosa'y makukulong sa aking mga bisig at sasagutin ang aking mga mata."
Sa nangangatal kong mga kamay ay marahan kong hinaplos ang kanyang pisngi. "Marami tayong pinagdaanan, aking hari..."
"Ngunit ika'y dinala muli sa akin..." ngumiti ako sa sinabi niya.
Hinayaan kong isa-isang bumaba ang hibla ng aking mahabang buhok habang marahan kong ibinababa ang aking mga labi sa hari, yumakap ang kanyang mga braso sa aking katawan at nang sandaling gahibla na ang mga labi namin sa isa't-isa isang malakas na katok sa aklatan ang nagpahiwalay sa amin.
Bumaba ang mga kamay ko sa kanyang balikat at kapwa kami napatingin sa pintuan. Saglit minasahe ni Dastan ang kanyang noo, akma na nitong ibubuka ang kanyang bibig nang marinig namin kung sino ang kumatok sa pintuan.
"King Dastan! King Dastan!"
Nang marinig ko ang boses ng bata ay agad akong humiwalay kay Dastan, nais nitong magprotesta ngunit nagmatigas akong bumalik sa unahang pintuan.
Hindi na naghintay ng sagot ang kumatok dahil binuksan nito ang pintuan.
"Dusk." Tawag nito sa anak ni Lily.
Pansin ko ang matinding pawis ng batang lalake, ang presesiya nitong punong-puno ng pagkabalisa at ang gulo-gulo nitong buhok, anumang oras ay maaari na rin itong umiyak.
"What happened?" inakala kong mananatili si Dastan sa kanyang upuan pero tumayo agad ito lumapit kay Dusk. Nagawa pa siyang buhatin ni Dastan, dahilan kung bakit naiyak na ang bata.
"D-Divina and Dawn... they are fighting... I don't know what to do."
"Fighting? Ano na naman ang ginawa ni Divina? She is sutil na naman?" tipid akong ngumiti ng mapansin ko na iniba ni Dastan ang paraan ng kanyang pagsasalita para sa batang si Dusk.
"No, I slipped my tongue, King Dastan. Nisabi ko na love rin ni Dawn si Prince Rosh." Prince Rosh?
Kumunot ang noo ni Dastan, hindi rin nagtagal ay sumunod si Dawn at Divina na pulang-pula ang ilong at mata sa pag-iyak.
"Y-You betrayed me, Dawn! I am Prince Rosh's bride! King Dastan promised me that he will arrange me with Prince Rosh when I grow up." Yumakap na si Divina sa kanang binti ni Dastan, saglit siyang sinilip ni Dastan.
"I did?" tanong ni Dastan.
"Yes! You did, King Dastan." Inilabas ni Divina ang kanyang dila kay Dawn.
Yumakap din si Dawn sa kaliwang binti ni Dastan, nagpunas pa ito ng luha sa kasuotan ng hari. Si Dusk ay nagtakip na ng tenga na parang naiiyak na rin sa kanilang eksena, buhat pa rin siya ni Dastan.
"You should let him choose! Prince Rosh like me better than you, Divina. I like Prince Rosh too..." mas lalong namula sa pagkainis si Divina. Nagtatalon pa ito habang nakayakap sa binti ni Dastan, pansin ko na ang pagkasutil ng anak ng prinsipe ng mga nyebe.
"Nauna naman ako sa'yo, Dawn e... Prince Pryor is handsome too! King Tobias too! Or Prince Seth, he has black wings. Not Prince Rosh, baby niya raw ako sabi ni Papa." Sumilip ulit si Dastan sa nagkakagulo niyang mga pamangkin.
"He did?" pansin ko na ang ngisi sa labi ng hari.
"Yes."
"You are lying! Uncle Zen doesn't want Prince Rosh for you. Mommy said she likes Prince Rosh for me." Sagot naman ni Dawn, mas lalong humagulhol si Divina.
"Mommy did?" tanong naman ni Dusk.
"Yes." Mabilis na sagot ni Dawn.
"She is lying too, King Dastan." Sabi ni Dusk habang nakatakip pa rin ang mga kamay sa kanyang tenga.
"Prince Rosh is mated to someone else." Pormal na sabi ni Dastan, mas lalong naging kahabag-habag ang iyakan ng dalawang munting prinsesa.
Hindi ko akalain na popular sa mga bata si Rosh. Ibinaba na ni Dastan si Dusk, humiwalay na rin sa kanya si Divina at Dawn. Saglit na siyang yumuko, pero agad na rin siyang napaupo sa sahig nang yumakap sa kanya ang tatlong bata, halos mag-agawan pa ang mga ito sa pwesto bago nila maayos apat ang kanilang posisyon.
Isa-isa niyang hinalikan ang ibabaw ng ulo ng mga ito. Mahilig talaga sa bata si Dastan at napakagandang pagmasdan na ang tinitingalang hari na bihirang ngumiti ay walang kahirap-hirap na naglalabas ng emosyon sa harap ng tatlong inosenteng bata.
"Ano ang ayaw ni Haring Dastan?" tanong nito sa tatlong bata. Saglit na lumandas ang dulo ng hintuturo ng hari sa tungki ng ilong ng tatlong bata.
"Fight." Sagot ni Divina.
"What are you doing right now?" tanong ulit ni Dastan.
"Fighting." Sagot ni Dawn.
"Gusto n'yong nagagalit ang hari?" sabay-sabay umiling ang tatlong bata.
Sinisinok na si Divina na siyang may pinakamaraming iniyak. Kahit ngayon ay umiiyak pa rin ito na parang katapusan na kapag may ibang bata na nagkagusto kay Rosh.
"B-But I don't want to be Dawn's rival. I love Dawn too."
"I love you too, Divina. Kaya 'di ko nisabi na love ko rin si Prince Rosh. Ayoko na mag-aaway tayo."
"Prince Rosh isn't handsome!" sagot ni Dusk.
Napapamasahe na naman si Dastan sa kanyang noo. "He is handsome!" gigil na sagot ng dalawang batang babae.
"Should I burn the Deltora? Pinag-aaway ni Rosh ang mga prinsesa ko."
Mabilis tumango si Dusk. "Yes, King Dastan!"
Mas yumakap si Divina kay Dastan at pinaulanan niya ito ng halik na parang makukumbinsi niya itong pumanig sa kanya. "You love Divina, King Dastan, right?"
Tumango si Dastan. Hindi rin nagpatinag si Dawn at nagpaulan na rin ng halik sa hari, naghalo na ang luha, sipon at lawak sa mukha ng hari. "You love, Dawn, King Dastan, right?"
Kapwa na nakatitig sa hari ang tatlong pares ng mga mata ng tatlong inosenteng bata habang hinihintay ang kanyang pasya. Inaasahan ko na siyang magsasalita, ngunit tila umawit ang aking puso nang sa unang pagkakataon ay tumawa ang hari.
Humalakhak ang hari na mula mismo sa tunay na kasiyahan, higit sa mga awitin o higit sa magagandang balita.
Maging ang mga bata'y saglit na natigilan na parang sa unang pagkakataon na nasaksihan nila ang natural na pagtawa ng kanilang paboritong hari. Naiiling itong nakangisi habang pinipisil ang pisngi ng tatlong bata.
"My angels..."
"Sabi ni Papa we are vampires." Sagot ni Divina na nakanguso.
"Don't mind your stubborn father. And in Rosh case, allow me to settle things before you and Dawn finally become a lady. Early engagement is against the vampire rule, fighting for someone who's hundred years older than you would turn him into ashes." Suminghap si Divina at Dawn sa sinabi ni Dastan.
"So you better stop the fight, bago natin mabalitaan na naging abo na ang ikalawang Prinsipe ng Deltora." Agad naghawak kamay si Divina at Dawn at mabilis na tumango sa sinabi ni Dastan.
"We will not fight again, King Dastan."
"For Prince Rosh."
"Good girls, now go to your—" nabuksan muli ang pintuan. Iniluwa nito si Zen at Adam.
"Kamahalan." Sabay na yumuko ang dalawang lalaki.
Humiwalay ang mga bata kay Dastan at nagtakbuhan ang mga ito sa kanilang mga ama.
"Nagsusutil ka na naman kay Haring Dastan, Divina?" tanong ni Zen sa kanyang anak, hindi sumagot si Divina at yumakap lang sa kanya.
Nakatayo na si Dastan, buhat na rin ni Adam ang kambal.
"We're sorry, King Dastan, Queen..." yumuko ulit si Adam at Zen sa amin.
"It's okay. Just let them sleep."
Hindi na nila pinahaba ang usapan, naiwan kaming dalawa ni Dastan sa aklatan, lumapit ako sa kanya, inilabas ang gintong panyo gamit ang aking kapangyarihan at marahang pinunasan ang kanyang pisngi.
"Dozen. You will give me a dozen, right, My Queen?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro