Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21

Chapter 21

Paglimot

Naiwan kami ng Reyna sa loob ng bulwagan at inanyayahan ni Dastan ang mga maharlikang sumalubong sa amin na sa isang silid mag-usap.

Masyado kaya itong pribado na hindi maaaring marinig ng isang dating dyosa na katulad ko?

Nawala ang paninitig ko sa nakabukas ng pintuan nang maramdaman ko ang paghawak ni Reyna Talisha sa aking kamay.

"Nagagalak akong dumating ka na, kay tagal ka niyang hinintay, Leticia. My son, Dastan, he looked so happy right now."

Ngumiti ako sa kanya. "Masaya rin ako."

Sa pagkakataong ito ay dalawang kamay na niya ang inihawak niya sa akin. "Simula ngayon ay maaari mo na akong tawaging ina."

"Ina?" naguguluhang tanong ko.

"Sa tradisyon ng mga bampira, sa sandaling ikasal ka sa iyong kapareha, magkakaroon ka ng karapatang tawaging sarili mong mga magulang ang kanyang mga magulang."

"Masusunod, Mahal na Reyna." Sagot ko.

"Leticia, hindi ito uri ng utos. Ito'y kahilingan ko lamang." Hindi pa man ako nakakaisip ng isasagot sa kanya ay naramdaman kong mas dumiin ang pagkakahawak niya sa akin.

"Sana'y agad magbunga ang inyong ilang linggong pagsasalo ng pagmamahalan."

"Ilang linggong pagsasalo?" tanong ko.

"Ang pagpupunla..."

Ngayon ay mas nakumpirma ko na ang hinala ko. Kaya kami nakatatanggap ng mga regalo ni Dastan dahil akala ng buong emperyo ay kami'y---

Marahas akong umiling sa reyna. "Mahal na reyna..." nag-iinit na ang aking pisngi.

"Ngunit walang pagpupunla ang nangyari... ako'y isa pa ring birhen. Ipinadama niya pa lang sa akin ang kanyang pangil sapagkat ako'y nakatulog sa una niyang kagat."

Ang higit na nakagugulat ay ang tradisyong tila alam ng lahat kung kailan kami nag-isa ng hari, para lamang bigyan ng mga regalo.

Hindi ba dapat ito ay pribado?

Tila hindi makapaniwala ang reyna sa aking ibinalita dahil ilang minuto siyang nakatitig lang sa akin.

Nang magpakita na ang isang tagasunod ay sinabi nito na maaari na kaming magtungo sa hapagkainan.

Pagdating namin dito ng reyna, isa lang ang una kong napansin. Ang pamamayani ng katahimikan sa mahabang lamesa na siyang napupuno ng mga maharlika, kapwa nakayuko ang mga noo ng mga ito na parang ang laki ng kanilang mga kasalanan.

Tanging si Reyna Talisha o ina na siyang nais niyang itawag ko sa kanya ang nanatiling nakatunghay sa mga oras na ito. Ang pagtawag sa kanya bilang reyna ay hanggang hindi pa niya opisyal na naisasalin sa akin ang korona.

Ngunit kong ako'y tatanungin, nais ko pa ring kilalanin ako bilang isang dyosa. Hindi man sa mga mata ng kapwa ko dyosa, kundi sa mga nilalang na maaari kong makasalamuha.

Si Seth na kanina ay masigla at mukhang masaya ay biglang tumamlay. Nang sulyapan ko si Dastan ay bahagyang nakakunot ang kanyang noo habang pinaglalaruan sa ibabaw ng lamesa ang kanyang mga daliri.

"Maaari ko bang malaman ang kanilang kasalanan, Mahal na Hari?"

"Wala akong masamang intensyon, Mahal na Reyna. Paumanhin." Yumuko muli si Seth. "Ang nais lamang ng aming emperyo ay mas mapaigting ang relasyon ng ating mga emperyo. Ngunit ako'y napag-abutan lamang." Sagot nito na tila nangangatwiran.

"Ang sabi ni Kamahalan ay puputulin niya raw ang kanyang pakpak, kahit magsumbong pa siya sa labindalawa niyang Kuya." Sabat ni Caleb dahilan kung bakit nakarinig ako ng pagpipigil ng tawa mula sa iba't-ibang parte ng lamesa.

Nakita kong napapikit si Dastan at muling minasahe ang kanyang sentido. "Wala akong natatandaan na may sinabi akong katulad ng mga salitang nabanggit mo."

Pero sa huli ay hindi rin napigilan ng lahat at napuno ng tawanan ang hapag-kainan.

"Welcome to our family, Leticia." Bulong sa aking ni Reyna Talisha.

Matapos ang tawanan ay mas naging magaan na ang usapan, hinanap ng aking mga mata si Naha, may ilan sa pisikal niyang katangian ay nakuha niya kay Nikos. Nais ko siyang kausapin at bigyan siya ng pagkakataong totoong kilalanin ang kanyang ama, pero alam kong masyadong maaga pa para rito.

Isa pa mas mabuting sa pribadong pag-uusap namin gawin ito. Lalo na't may kaunting kinalaman ito sa babaeng tinatawag nilang Danna, ang unang pag-ibig ng amang hari ng mga Gazellian.

Habang pinagmamasdan ko si Naha, napansin niya ang mga titig ko. At nang sandaling ngumiti siya sa akin ay mas lalong gumaan ang pakiramdam ko sa kanya.

Magkikita rin kayo ng 'yong ama.

"I will go now, ilang linggo na rin akong wala sa sarili kong emperyo. Siguro nama'y tapos na ang misyon ko?" sabi ni Rosh matapos magpunas ng puting tela sa kanyang labi.

"Maraming salamat, Rosh." Pahayag ni Dastan.

"Walang anuman, Kamahalan. Nasisiguro kong makararating ang balita sa Deltora." Tumango si Dastan sa kanya.

Hindi rin nagtagal ay si Seth din ang nagpaalam, ako na ang nagpasalamat sa kanya dahil tila mainit ang ulo sa kanya ni Kamahalan.

Nang maiwan na lang ang mga Gazellian at ang mga kapareha ng mga ito ay nagsimula na silang magbigay ng mga katanungan sa akin. Inaasahan ko na ang bagay na ito.

"Una'y nais ko munang magpasalamat sa ginawa mo sa pagpapatigil ng digmaan noon." Panimula ni Lily.

Kahit matagal nang natapos ang digmaan, parang kailan lang ito nangyari. Ngayon ay masaya na sila ni Adam na kapwa nakangiti ngayon habang kalong ang kambal nilang mga anak.

"Hindi. Dapat ay kayo ang dapat kong pasalamatan. Tinulungan n'yo akong tuparin ang aking pangako." Saksi ako kung paano nila ipinaglaban ang kanilang pag-iibigan at hindi akong nagsisi na sila ang ipinares ko sa isa't-isa.

"Pangako?" nagtatakang tanong ni Lily.

Hindi ako agad nakasagot dahil alam kong sa sandaling sumagot ko, mabubuksan ang usapan tungkol kay Nikos, nais kong sabihin ito sa kauna-unahang nilalang na nararapat makaalam ng tungkol sa kanya.

Siguro'y napansin ni Dastan ang pagkabalisa ko sa katanungan ng kanyang kapatid.

Tumikhim siya na nakapagpatigil kay Lily para sagutin ko siya sa kanyang katanungan.

"Sino ang dyosang tumawag sa amin?" tanong ni Zen.

"Si Dyosa Neena, isang dyosa na nangangalaga sa isang mahiwagang balon." Sagot ko na may kasamang kirot sa dibdib.

Kung siguro'y mas malakas lang ako para protektahan ang sarili ko ay hindi na kailangang magsakripisyo ni Dyosa Neena.

"Bakit hindi mo nakilala si Dastan ng sandaling bumaba ka sa lupa sa panahon ng digmaan." Tanong ng Reyna.

Pansin ko na maging si Dastan ay nakatitig na sa akin. "Hiniling kong kalimutan siya sa pamamagitan ng kapangyarihan ng balon bago ang digmaan..."

"Why? Dahil ba bampira siya? Dahil ba katulad niyang bampira ang unang naging masama at gahaman sa kasaysayan?" tanong ni Lily.

Marahas akong umiling. "Lily, kailanman ay hindi ko ginawang basehan para malaman ang halaga ng isang nilalang mula sa nakaraan. Ako'y naniniwala na ang nakaraan ng kanilang ninuno at mga kasalanan ay hindi dapat pagdusahan ng kung sinuman sa hinaharap. Hindi maaaring habang-buhay na lang magpaalipin ang isang nilalang sa nakaraan."

"Ngunit bakit?" tanong ni Evan.

Yumuko ko kasabay ng biglang pagkirot ng dibdib ko. "N-Nakita ko si Elizabeth... ang unang pag-ibig ng hari."

Sa sulok ng aking mata'y nakita ko ang saglit na paglalaro ng daliri ng hari sa kanyang lamesa.

"Oh, the bitch." Sabat ni Harper na halatang hindi nito gusto ang nasabing babae.

"J-Just that?" tanong ni Zen.

"Just that, Zen? Ano sa tingin mo ang nakita ni Leticia sa nakaraan? Posibleng katulad ito ng nakita ko o higit pa. Hindi ko siya masisisi kung ito ang kanyang naging desisyon." Muling sabi ni Claret, sa pagkakataong ito ay sabay nasamid si Zen at Dastan.

Hindi ko na naintindihan ang reaksyon nilang ito. Akala ko'y hahaba pa ang usapan pero nakarinig kaming muli ng tikhim mula kay Dastan.

Mukhang unti-unti ko nang nakikilala ang maliliit na kilos ni Dastan.

"Nais ko sanang ako muna ang kakausap sa aking reyna, mga kapatid. Kung hindi n'yo mamarapatin."

Hindi nakatanggi ang mga Gazellian at ang mga kapareha nito sa sinabi ng hari, nauna kaming lumabas ng hapag-kainan ni Dastan habang hawak niya ang aking kamay.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makalabas kami ng palasyo at dalhin ng aming mga paa sa malawak nitong hardin.

"A-Ang ganda..." namamanghang sabi ko.

"Hindi lang ang hardin o ang palasyong ito ang ipagkakaloob ko sa'yo, maging ang buong emperyo." Ngumiti ako sa kanya.

Binitawan na niya ang kamay ko at kapwa na kami nakatanaw sa nagsabog ng mga iba't-ibang halaman sa harap ng palasyo.

"Nais ko sanang humingi ng paumanhin sa ikinilos ng aking mga kapatid." Sa pagkakataong ito ay ako ang lumapit sa kanya at hinawakan ko ang kanyang mga kamay.

"Wala kang dapat isipin."

"At ang mga regalo---"

"Maaari nating buksan ng sabay mamaya?"

Sa pagkakataong ito ay biglang inubo si Dastan, marahan kong hinaplos ang kanyang likuran.

"Ikaw ba'y may karamdaman?" nag-aalalang tanong ko.

Hindi siya sumagot sa akin kaya muli akong nagtanong sa kanya.

"Mahal na Hari, nais ko lamang malaman ang bagay na ito. Talaga bang kailangang alam ng buong emperyo ang gabi sa tuwing—" halos hindi ko magawang ituloy ang sasabihin ko.

"Paumanhin. Ngunit nasa tradisyon ang bagay na ito, lahat ng hari'y mag-aanunsyo ng kanyang pag-aangkin tatlong araw bago maganap ang kanyang pag-iisa sa reyna, nang sa ganoon ay madasalan ito ng mga matatandang bampira para sa isang matagumpay na bunga."

Tumango ako sa kanya na may nag-iinit na pisngi.

"Ngunit hindi ka naman nag-anunsyo ilang araw bago ako makarating dito, hindi ba?"

"Nag-akala na sila. Patawad. Ilang linggo tayong hindi lumabas sa ating silid." Tumango ako sa kanya.

Ilang oras kaming naglibot sa malawak na hardin ng palasyo, ramdam ko ang ingat ni Dastan sa kanyang mga katanungan, sinisikap nitong hindi ako salungbungin ng mabibigat na katanungan.

"Hindi rin magtatagal ay maghihintay na ang ating nasasakupan ng kasal, Leticia. Patawad kung masyado kitang pinagmamadali."

"Kasal?"

Tumango sa akin ang hari. "Nais ko na rin itong isabay sa'yong koronasyon."

"Sa tingin mo ba ay magkakaroon na ng pagbabago sa sandaling ikasal na tayo. Sa tingin mo ba ay tuluyan ka na nilang kikilalanin?"

"I will prove my worth. Lalo na't may reyna na akong maaaring umagabay sa akin." Lumapit sa akin si Dastan at hinaplos niya ang aking pisngi.

"Kung hindi lamang kalabisan ang paghingi ng kalahating taong katahimikan sa piling mo'y gagawin ko, ngunit may emperyong nakaatang sa akin. Limitado ang ating oras na magkasama."

Hinawakan ko ang kanyang palad. "Ngunit ako'y maaaring maghintay."

Umasa akong muling maglalapat ang aming mga labi nang mag-angat ang hari ng tingin sa mataas na bintana ng palasyo.

Nagtanong pa sa akin si Dastan ng mga hilig ko, sinabi kong sa sining, dito niya naisama sa aming usapan si Naha na sinabi nitong isang magaling na pintor. Isang magandang katangiang inaasahan ko sa anak ng aking kaibigan.

"Ikaw? Ano ang hilig mo?"

"Magbasa ng mga aklat."

"Tipikal na gawain ng mga hari. Ano pa ang nahihiligan mo?"

"Ngayong nandito na ang aking reyna'y, malugod ko itong tutuklasin."

Hindi ako agad nakasagot sa kanya, dahil hindi ko ito naintindihan. Ano ba ang maaaring gawin ng hari at reyna na siyang magiging kanilang hilig na magkasama?

Ngumiti ako kay Dastan. "Sana'y masabayan ko ang bagong hilig na matutuklasan nating magkasama."

Hindi siya ngumiti sa akin, sa halip ay hinaplos niya ang aking mahabang buhok. Mas lumapit siya, nagpikit ang aking mga mata nang maramdaman ko ang mainit niyang labi sa aking noo.

"Ang aking reyna'y hinubog ng kanyang mundong tila mas puro pa sa isang gatas."

"Talaga? Sa aming mundo, Mahal na Hari ay hindi na ako maituturing na isang purong dyosa dahil sa mga kaalamang nalalaman tungkol sa lupa."

"Anong klaseng kaalaman, Aking reyna?" yumakap na ang braso ng hari sa aking bewang.

Pansin ko na nasa dulong parte na kami ng hardin, halos wala na rin akong makitang mga tagasunod at kawal sa paligid.

May inilagay na puting bulakbulak si Dastan sa gilid ng aking tenga. Nagsimula na akong mag-alangan sa katanungan niya.

Mas kinabig pa ako ng hari dahilan kung bakit naramdaman ko ang kanyang buong katawan, kasabay ng mainit niyang paghinga sa aking tenga.

"May kasama ba itong halik?"

Napapikit ako nang magsimula siyang humalik sa aking leeg. "Kagat, mahal na reyna?"

Humugot ako nang matinding paghinga nang maramdaman kong umangat ang katawan ko sa lupa at nagsimulang maglakad si Dastan papalayo sa palasyo o maging sa hardin.

"O hilig matapos ang anunsyo, ako'y hindi masunuring hari... maaari natin sabay kalimutan ang tradisyon, Leticia..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro