Chapter 20
AN/ While reading this chapter try to hear 'Song of the fleeting blossom' on youtube by TaigekTou.
Chapter 20
Tamang kagat
Sa daang taon ng aking pamumuhay, ang kaligayahan ay bihira lamang yumakap sa aking buong sistema. Isang uri ng kaligayahang wagas at walang halo ng matinding panghihinayang.
Unang galak ng aking puso'y nang masaksihan ang buwang humalik sa karagatan.
Ikalawang galak ng puso'y nang kumawala ang posas ng maling katwiran.
Ikatlong galak ay nang sandaling matigil ang digmaan.
Ngunit ang aking ikaapat na kagalakan na siyang akin ngayong tinatamasa ay hindi kailanman maaaring ikumpara sa kahit anong kaligayahang aking mararanasan.
Uri ng ligayang tila walang hanggan...
Higit sa halik ng kapangyarihan ng buwan...
Higit sa halik ng mga salitang hahaplos sa puso...
Higit sa halik na pagsalubong...
Kundi isang uri ng halik na magmumula lamang sa labi ng isang haring may mga matang nagliliyab sa uhaw at matinding pananabik...
Ang aking antipasyon ay tila makagagawa ng matinding pagsabog sa aking dibdib habang mga aming mga labi'y gahibla na lamang sa pagitan ng manipis na hangin.
Tila may sariling pag-iisip ang kahon ng musika na kasalukuyang humahalina sa katahimikan ng buong gabi, dahil ang bawat huni nito na may dalang iba't-ibang instrumento ay tila may dila ng apoy na pumapaso sa bawat parte ng aking buong katawan.
Tumindi ang pagniningas ng apoy sa mga simbo, nagpatuloy ang pagsayaw ng maninipis na kurtina sa nakabukas na babasaging pintuan sa asotea at may ilang piraso na ng mga halaman ang unti-unting nalalagas.
Tila ang aking buong pakiramdam ay lumakas, dahilan kung bakit mas nagkaroon ako ng koneksyon sa buong kapaligiran. Mas nagyaman ang manipis na usok mula sa insenso.
Halimuyak ng rosal kasabay ng nagliliyab ng mga damdamin...
Unti-unting lumalandas sa manipis na gintong kurtina sa nakatali sa bawat sulok ng malaking kama ang mga laso nito. Dahilan kung bakit nawala ang pagkakapugong nito na siyang tuluyang kumalat at nagbalot sa amin. Tila lumiit ang espasyo at nawalan ng ibang distaksyon.
Sa ibabaw ng kama'y ako at ang hari...
Ang musika at ang mabigat naming paghinga...
"Tanging para sa akin..."
Mga salitang pumutol sa distansya, salitang aking habang-buhay tatanggapin at dadamhin. Kasabay ng haplos ng aming mga labi...
Ang aking mga matang tila nakatitig sa liwanag ng buwan ay tuluyang pumikit at niyakap ang kadiliman upang damhin ang kanyang mga labi sa tuwing aking mundo'y niyayakap ng dilim.
Ipinangako niyang siya'y aking hangin, ngunit ang hari'y akin ring liwanag. Kanya'y labi sa aking tila dalawang nagkikiskis na bato na gumagawa ng apoy.
"Ika'y aking kahinaan..." bulong sa aking isipan na siyang nagbukas ng aking pag-anyaya sa kanyang mga labi.
Di bihasang labi'y pilit tumugon, katawang inakalang nalunod sa kahinaan ngayo'y sumusunod sa kanyang mga haplos at aking tinig na tila gumagawa ng uri ng musikang kailanman ay 'di narinig sa Deeseyadah.
Nagngitngit ang kama nang sandaling naghawak ang aming mga kamay, mga daliring kapwa nagsalikop at gumawa ng maingat na kilos sa bawat pagtugon ng mga labi.
Tibok ng puso'y di na mawari, sariling butil ng mga pawis ay walang tigil sa paglandas sa kutis, ngunit sa kabila ng kasiyahan tila katawa'y naghahanap pa.
Kapwa ang aming pahingal nang sandaling maghiwalay ang aming mga labi. Kanyang mga mata'y alam kong may higit na hinahanap.
Ang hari'y 'di na kailangan alukin, dahil alam nitong ang kasalukuyang nakahain ay kanyang pag-aari. Nagbitaw ang aming mga kamay kasabay nang pagbaba ng kanyang labi sa aking leeg. Umangat ang katawan ko sa kama nang maglandas ang kanyang mga halik, naglaro ang aking mga daliri sa kanyang buhok at hinayaan itong damhin ang nararapat sa kanya.
"Maligayang pagbabalik, Aking Reyna..." bulong nito sa akin.
Ngumiti ako at tumango sa kanya. Humigpit ang aking yakap sa likuran ng hari nang maramdaman ang dulo ng kanyang pangil. Kaba, galak at matinding pananabik ang aking nararamdaman.
"Maaari kitang masaktan, Leticia..."
Hindi ako sumagot sa halip ay mas itinulak ko siya sa aking leeg. Alam kong ang dugo ko ang matinding kailangan niya.
Tuluyan nang umawang ang mga labi ko nang ang kanyang pangil ay tumusok na sa aking leeg, napahugot ako ng mabigat na paghinga, ang aking katawa'y umangat muli sa kama at ang aking mga daliri'y bumaon sa kanyang likuran.
Unang nakaramdam ng panghihina na tila mawawalan ng malay, ngunit ang kanyang tinig sa aking isipan ang siyang nagpanatili sa aking malay.
"Leticia..."
Ang ingay mula sa aking dugo na dumadaan mula sa kanyang labi patungo sa kanyang lalamunan ay tila isang musika na aking hinahanap-hanap.
"Dastan..." hinaplos ko ang kanyang buhok.
Halik sa aking leeg ang tumapos sa kanyang unang kagat. Hinang-hina ang aking buong katawan nang sa sandaling muli siyang humalik ay marahan na lamang nakagalaw ang aking labi.
Siya ngayo'y nasa aking tabi habang pinagmamasdan akong nanghihina, bahagyang nakatagilid habang ang kaliwang siko'y nakatuon sa kama, kanyang kanang kamay ay marahang hinahaplos ang pisngi ko.
"Patawad, tila naparami—" umiling ako at pilit inabot ng aking mga daliri ang kanyang labi para patigilan siya sa aking sasabihin.
"Masasanay rin ako, Mahal na Hari..." ngumiti ako nang halikan niya ang aking noo.
"Sleep." Hinakawan niya ang isa kong kamay at marahan niya rin itong hinalikan.
Nang sandaling ipikit ko ang aking mga mata, ramdam ko ang bisig niyang yumakap sa akin.
**
Umaga na nang muli akong magmulat, nanatili akong nakahiga sa kama habang pilit inaaninaw ang buong paligid, hanggang sa makilala ko ang matikas na nakatalikod at nakatindig sa akin.
Ngumiti ako. Ang aking hari...
Nasa harap ito ng salamin at kasalukuyang nag-aayos ng kanyang kasuotan. Ngunit hindi rin nagtagal ay napansin nito ang aking paninitig.
Mabilis siyang nawala sa harap ng salamin, naupo sa kama at hinaplos ang ilang hibla ng aking buhok.
"Magandang umaga."
"Saan ka pupunta?" tanong ko.
"Nais sana kitang samahan sa silid na ito sa napakahabang panahon, ngunit ilang buwan na akong hindi nakalalabas para sa aking tungkulin."
"Buwan?"
"Ilang buwan akong naratay sa higaan, Leticia."
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya nang maalala ko ang sampal. "Dahil sa sampal..."
Mahinang sabi ko. Agad siyang tumikhim at tumayo na sa kama, bumalik sa pagbubutones ng kanyang kasuotan.
"Wala akong natatandaan, Aking Reyna." Ngumuso ako sa sinabi ng Hari. Siguro'y hindi niya gustong pag-usapan ang bagay na ito.
"Ilang araw na akong natutulog?"
"Kung hindi ako nagkakamali, Aking Reyna, tatlong araw tayo kapwa natulog bago tayo—" hindi ko siya pinatapos dahil sa matinding hiya.
"Oo." Agad kong sabi.
Mukhang agad itong nakuha ng hari nang saglit niya akong sulyapan. "Isang linggo ka muling nakatulog."
"Ikaw rin?"
"Pinagmasdan kita..."
Bumangon na ako sa kama at lumapit ako sa kanya, kanina pa siyang nahihirapan sa kanyang kasuotan. Posibleng nasanay siya na may tagasunod at ngayong ako'y nasa kanyang silid ay hindi siya makatawag.
"Maaari ba akong tumulong?"
Nanatiling nakatapak ang aking mga paa sa malamig na sahig ng kanyang silid habang ako'y nakaharap sa kanya at inaayos ang kanyang butones.
"Nais mo na bang ipakilala kita?" umiling ako.
"Gusto ko munang sabihin sa'yo ang lahat." Tumango siya.
"Nais mo na bang lumabas?"
"Maaari ba?"
"Lahat ng kagustuhan ng aking reyna'y hindi ko hihindian."
Tumawag ng tagasunod si Dastan gamit ang isang maliit na kampana, naupo ito sa kanyang gintong silya na malapit sa isang lamesa na may plorera at magandang bulaklak.
Nakakrus ang kanyang mga binti, may hawak siyang aklat habang maingat niyang pinagmamasdan ang mga tagasunod na tumutulong sa aking pumili ng aking kasuotan.
"Nakapagtatakang ni anino ng kahit isa kong kapatid ay hindi naliligaw sa mga oras na ito."
Pinaglaro ni Dastan ang kanyang mga daliri sa lamesa na parang isa itong isipin na dapat niyang pag-isipan ng matagal. Ngunit pansin ko na ang mga tagasunod na tumutulong sa akin ay nagpipilit na hindi mangiti.
"Bakit?" mahinang tanong ko.
Naalarma ang mga ito sa katanungan ko at mas pinag-igi ng mga ito ang pagtatago ng kanilang ngiti.
"Sinalubong nila ako, Dastan. Sila ang nagligtas sa akin at nagdala rito."
Natigil sa paglalaro ng kanyang daliri si Dastan at nagsalubong ang aming mga mata. Nasaksihan ko rito ang saglit na paglambot ng kanyang ekspresyon, hindi siya ngumiti ngunit sapat na ang saglit na pagkislap ng kanyang mga mata.
"Hindi nakagugulat..."
Isinarado na niya ang kanyang aklat. Nangalumbaba ang hari at tumanaw sa labas ng bintana ng kanyang silid.
"Maganda ang araw ngayon para sa aking kaharian..."
Sa ilang beses naming pagtatagpo ni Dastan, masasabi kong ang araw na ito ang naghayag sa akin ng kanyang totoong kasiyahan, sobrang gaan ng kanyang presensiya sa mga oras na ito.
Dinala na ako ng mga tagasunod sa paliguan ng hari, sinabi ni Dastan na rito lamang dapat paliguan ang kanyang reyna. Hihintayin niya raw ako sa aming silid.
Ibinabad ng aking katawan sa maligamgam na tubig na may mga nakahalong bulaklak. Tila isang batis ang paliguan ng hari na kasalukuyang napupuno ng usok. Hindi man ito kasing ganda ng sa Deeseyadah na may lapat pa rin ng ginto, masasabi ko na kahit ang isang dyosa'y mawiwili rito.
Inilubog ko ang aking katawan hanggang sa aking leeg at hinayaan ang sariling makaramdam ng kapayapaan at katahimikan.
Alam kong sa simula lang ito, hindi pa ito ang katapusan at masasabi kong malayo pa...
Ngunit ipinapangako kong ang lahat ng sakripisyo ay hinding-hindi mahuhuli sa wala.
Simula kay Dyosa Neena, kay Hua at sa kanyang mga kalahi at kay Nikos na alam kong siyang tumulong sa akin.
"Pangako... pangako..." bulong ko sa aking sarili.
Kalahating oras muli ang iginugol para ayusin ang aking kasuotan, buhok at ilang batong alahas sa aking katawan. Napili ni Dastan na may lapat ng puti at ginto ang aking kasuotan na nasusunod din sa kanyang suot bilang hari.
Magkadaop ang aking mga kamay habang kinakabahan, kasalukuyang nasa likuran ng pintuan ang hari at hinihintay ako, kapwa na nakahawak sa malawak na pintuan ang dalawang tagasunod.
Nang sandaling tumango ako'y tuluyan na nilang binuksan ito. Nakatayong haring nakatanaw sa labas ng bintana ang sumalubong sa akin. Bago ko tawagin ang kanyang pangalan ay lumingon na siya sa akin.
Hindi siya nagulat o namangha lamang, nanatiling hindi nababago ang kanyang ekspresyon.
"H-Hindi ba maayos?" nangangatal na tanong ko.
Nagsimulang humakbang patungo sa akin ang Hari, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, hindi niya ba nagustuhan? Maaari pa ba akong magpalit?
Nang sandaling abot kamay niya ako, agad kong naramdaman ang pagsapo niya sa magkabilang pisngi ko at ang kanyang mainit na halik ang sumagot sa katanungan ko.
Tumungo ang lahat ng tagasunod kasabay nang nanlalaki kong mga mata.
"D-Dastan..."
"Mahal ko..." inilahad niya ang kanyang bisig sa akin. Nang sumulyap ako sa mga tagasunod ay yukong-yuko ang mga ito na parang sa sandaling mag-angat sila ng tingin ay pupugutan sila ng ulo ng hari.
Nangangatal kong tinanggap ang anyaya ng hari at inalalayan niya akong lumabas ng silid.
Kasalukuyan siyang nakasuot ng kanyang korona. "Hindi rin magtatagal ay magkakaroon ka na rin nito. Kailanman ay hindi ko nais isuot ito, ngunit ngayong naririto ka malugod ko itong isusuot kasama mo."
Nakarating kami sa tila isang bulwagan, may trono rito si Dastan, sa tabi nito ay isang upuan na nasa mas mababa niya. Sinabi niyang maaari na itong itaas sa mismong tabi niya sa sandaling makilala na ako bilang opisyal na reyna.
Sa ngayon ay pormal niya lamang akong ipakikilala sa kanyang mga kapatid at ilang maharlika ng Parsua.
Naupo na si Dastan sa pinakataas na trono dala ang presensiya ng isang makapangyarihang hari, hindi ko maiwasang hindi humanga sa kanya.
Nabuksan ang malaking pintuan at iniluwa nito ang pamilyar na mga bampira. Ang mga tumulong sa akin, ang mga babaeng sumalubong, si Adam, ilang matatandang bampira at mga nasisiguro kong mga maharlika pa sa ibang emperyo.
Ngunit pansin ko na karamihan sa kanila ay may iba't-ibang dalang regalo na nababalot sa magagandang tela.
Naunang humakbang at lumuhod ang matandang bampira dalang bagay na nakabalot ng pulang tela.
"Nawa'y tanggapin n'yo ito mahal na hari at reyna, kami'y nananalangin sa isang matagumpay na pag-iisa." Natulala ako sa sinabi ng matanda.
P-Pag-iisa?
"Salamat." Tumango si Dastan at kinuha ng tagasunod ang regalo.
Sumunod si Zen at ang isang magandang babae na may ngiti sa kanyang mga labi. Kapwa rin ang mga ito lumuhod at naghandog ng panibagong regalo.
"Nawa'y magustuhan n'yo ng reyna ang maliit naming regalo. Nakagagalak na ang ating hari'y makapag-aambag na sa ating ngalan." Pansin kong sobrang yuko ni Zen na parang ayaw nitong ipakita ang kanyang ekspresyon.
"Prfft—" agad kong nakita ang pagpipigil ng tawa ni Caleb.
Inakala ba nila na may—
Inangat na ni Dastan ang kanyang kamay sa ere. "Higit akong nasisiyahan na pinaghandaan n'yo ang paglabas ko sa silid, mga kapatid." Malamig na sabi nito.
"Kaya naman pala..." mahinang sabi nito habang minamasahe ang kanyang noo.
"Hindi na kailangan ang pormal na paghahayag ng regalo, tatanggapin namin ito ni Leticia."
Nagsimula nang lumapit ang mga tagasunod sa mga kapatid niya na may dalang regalo, ang ilan ay mukhang dismayado pa.
"Nais ko lamang ng isang simpleng salo-salo."
Ngunit hindi pa man natatapos ang mga sasabihin ng hari, sabay-sabay nabuksan ang malaking bintana ng bulwagan. At sa unang bintana, itinambad nito ang tila isang pigura na lumilipad.
Itim na pakpak.
Narinig kong may suminghap ang ilan sa mga Gazellian. "I almost forgot! Seth can damn fly!"
"Nakakalipad nga pala iyan? Nagkamali ang prediksyon ko." Ngiwing sabi ni Rosh.
Wala sa sarili kong ibinalik ang mga mata sa bampirang may itim na pakpak. Nang sandaling makapasok ito sa bulwagan ay pormal itong lumuhod sa gitna.
Narinig kong muling bumulong si Dastan habang minamasahe ang kanyang noo. "When should I kill these Princes from the Prophecy?"
Buong pusong inangat ng bampirang may pakpak ang dala nitong regalo na nakabalot sa puting tela.
"Narinig ng aming emperyo ang pagdating ng ating reyna. Ang buong Emperyo ng Parsua Avalon ay lubos na nagagalak, bilang ikalabintatlong prinsipe at itinakdang bampira'y ako'y naatasan ipabatid ang aming kasiyahan sa balita. Nawa'y ang regalong ito'y makatulong sa inyo ng reyna."
Kaiba kay Zen at sa mga kapatid nito na naunang may dalang regalo, kitang-kita ko ang sinseridad sa boses at kilos ng prinsipeng ito. Hindi katulad ng kanina na parang may ibang motibo.
Pansin ko na nagsimula nang tumakbo si Zen at Rosh patungo kay Seth.
"S-Seth stop that! Pikon na si Dastan!"
Pero huli na ang lahat. Tumunghay ang prinsipe sa amin ni Dastan na lubos na nagagalak kasabay ng kanyang dalang regalo.
"Mula sa pamilya ng Viardellon, maligayang pagsisiping na sana'y magbunga, Mahal na Hari, Mahal na Reyna."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro