Chapter 19
AN/ To hear the imaginary music from Dastan's music box, try to search 'Reminiscence of the Red Lotus (bamboo version)' on youtube by TaiGekTou.
Chapter 19
Pagmulat
"Hang in there... everything will be alright..." nanghihina akong tumango nang marinig ito mula sa namuno ng nangyaring pagligtas sa akin.
At mas namayani ang mabibilis na yabag ng mga kabayo.
"Wala na bang ibibilis itong mga kabayo n'yo?" tanong ni Rosh.
"Shut up, Rosh." Sagot sa kanya ni Zen na siyang may hawak sa akin.
Mas inihilig ko ang aking sarili sa kanyang dibdib. Sa kabila ng kanilang kaalamang matagumpay at ligtas na ako mula sa sumpa ng mga dyosa, ramdam ko pa rin ang matinding kaba sa kanilang anim. Isa nang malaking patunay ang malakas na pagtibok ng puso ni Zen.
Pinipilit kong labanan ang panghihina ko, hindi ko na gusto pa na maalarma sila at higit na mag-alala ngunit hindi na ako kayang sundin ng sariling talukap ng aking mga mata.
Hinang-hina na ako, humihina na ang boses nila at alam kong ilang minuto na lang ang itatagal ko bago ako tuluyang iwan ng aking kamalayan.
"S-She's sleeping...she's sleeping!" nangangatal ang boses ni Caleb na siyang malapit sa kabayong sinasakyan namin ni Zen.
"Shit!" halos nagkasabay-sabay na sila.
Sinusubukang tapikin ni Zen ang aking pisngi para mapanatili akong gising, "You can't sleep. Please... please..."
"Can't she just replenish or something? Parang katulad natin? Dugo? Ano ang kailangan niya? Malayo pa tayo sa palasyo!" sabi ni Finn na may halo nang matinding takot.
"Can't someone from you, Gazellians, fly?" tanong ni Rosh.
"Walang nakakalipad na Gazellian, Rosh. Are you an idiot?" sagot sa kanya ni Evan.
"I was just asking, malay n'yo."
"May nakakalipad ba sa mga Le'Vamuievos?" tanong ni Caleb.
"Si Pryor." Mabilis na sagot ni Rosh.
"What? Seriously?" sumabat na rin si Zen.
"Just my prediction, he'll be the first flying vampire."
Sunod-sunod na hindi pamilyar na salita ang narinig ko mula sa kanila hanggang sa hindi ko na tuluyan pang nahabol ang kanilang usapan.
**
"Claret!"
Naalimpungatan ako sa malakas na boses ni Zen at pilit akong nagmulat, marahas nabuksan ang malaking pintuan ng palasyo.
Nakarating na pala kami. Sinubukan kong mapanatili ang aking pagmulat pero tuluyan nang nanlabo ang aking mga mata, kaya mas pinili ko na lamang pumikit muli.
Buhat pa rin ako ni Zen habang naglalakad ito ng mabilis, nakapalibot pa rin sa amin ang limang prinsipe na tila may kung sino pa na handang umatake sa akin.
Sinalubong kami ng anim na babaeng bampira na nagmamadali rin maglakad para salubungin kami.
"A-Anong gagawin?" ramdam ko ang pangangatal ng braso ni Zen. "Ang dami nang nawalang dugo sa kanya... we can't just feed her. She's not a vampire."
"Zen dalhin natin siya sa silid ni kamahalan." May mainit na kamay na humaplos sa pisngi ko.
"Wala nang maaaring sumunod." Sabi ng babaeng tinawag nilang Claret.
Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Zen dahil nagmadali na ito at nag-iingat na tumakbo patungo sa silid ni Dastan.
Dinig ko ang pagbukas ng pintuan, ang mga paghakbang ng dahan-dahan at ang paglapat ng aking katawan sa kama.
"I'll treat her, Zen." Hinawakan ng babae ang kamay ko.
"She's now here...Dastan... brother... your Queen is here, please wake up." Ito ang huling binitawang salita ni Zen na siyang nagbigay alam sa akin na ang haring ilang taon kong tinakbuhan ay kasalukuyang nasa aking tabi.
Tulad ko'y nanghihina...
Sa pagkakataong ito ay dalawang kamay ng babae na may pangalang Claret ang nakahawak sa aking kanang kamay.
"Alam kong gising ang iyong diwa ngunit hindi mo na mautusan pa ang katawan mo. I've been there... sobrang hirap... pero lumaban ako para sa lalaking mahal ko."
Habang kinakausap niya ako, may kung ano akong nararamdaman mula sa mga kamay niya. Tila ito isang maliit na enerhiya na pilit gustong pumasok sa loob ng katawan ko.
"Isa akong babaylan... bampirang babaylan, nagkaisip at lumaki sa mundo ng mga tao at pinili ng asul na apoy bilang isang itinakdang babae na iibig sa isa sa pinakamalakas na ipanganganak na bampira..." kung dati ay naririnig ko lang ang kwentong ito ngayon ay hawak na ng mga kamay ko.
Isa lang ang ibig sabihin nito, hanggang ngayon ay nasa landas ng tagumpay pa rin ang dyosa ng apoy.
"They heard the whisper of her prayer... ang magkakatid na Gazellian at si Rosh ay kapwa nanaginip ng boses na nagmumula sa isang balon ilang gabi na ang nakalilipas. That you will need their help, ngunit ang malaking tanong ay kung kailan ka darating..."
Habang nagkukwento siya sa akin ay wala siyang tigil sa paglipat sa akin ng kanyang enerhiya.
"Ngunit ngayong umaga'y nakatanggap kami ng liham tungkol dito na siyang naging dahilan kung bakit naging alerto ang lahat. Siguro ay dahil sila ang nakarinig ng dasal kaya hindi naging mahirap sa kanila kung saan ka lilitaw sa mundong ito. Ngunit ang liham ay isang napakalaking katanungan."
Saglit akong binitawan ni Claret at hinawakan niya ang kaliwang kamay ko, ang puso kong nanghihina sa pagtibok ay tila nakuryente nang makilala ko ang kamay na lumapat sa akin.
"Si kamahalan? Matapos tuluyang bumalik ni Evan mula sa unibersidad... bigla na lang siya nawalan ng gana sa pag-inom ng dugo. He refused the bloods, even from his sibling or from his mother." Kaya ba siya ngayon nakaratay sa kama?
"Inakala namin na baka napagaya siya kay Zen, but King Dastan is no artist. Wala siyang panahon para tumanggi sa dugo at manghina dahil alam niyang umaasa sa kanya ang buong emperyo ng Parsua Sartorias. His body is refusing blood... pinipilit niya pero isinusuka ng kanyang katawan." Kumirot ang dibdib ko sa sinabi ni Claret.
"I heard what happened when you tried to visit him once, at alam kong hindi naging maganda ang salubong sa'yo. Maging ako ay tatakbo o higit pa sa sampal ang magagawa ko. Paumanhin, Mahal na Hari kung naririnig mo rin ako." Saglit tumawa si Claret.
"Pero nais kong humingi ng tawad sa'yo, Dyosa ng Buwan sa nasaksihan mo sa aming hari. Bampira lamang siya at kailangan niya rin ng dugo tuwing nanghihina." Dumiin ang pagkakahawak ng aking kaliwang kamay.
"Ngunit kung iisipin, maaari naman talagang sa kopita uminom. Kaya hindi ko na kukwestyunin ang sampal na ibinalita sa amin ni Caleb, kung tunay nga iyon." Muling natawa si Claret.
"May hangganan ang kakayahan ng aking panggagamot, ngunit ngayong magkatabi na kayo at nararamdaman n'yo na ang presensiya ng isa't-isa, alam kong hindi rin magtatagal ay magkakaroon na kayo ng lakas magmulat at bahagyang gumalaw."
Muling hinaplos ni Claret ang aking pisngi. "Sana'y maging maayos ang lahat, Dyosa ng Buwan."
Nang muling iwan ng kanyang kamay ang aking kanang kamay, bigla na naman akong nakaramdam ng matinding panghihina hanggang sa tangayin ako patungo sa malalim na pagkakatulog.
**
Ilang beses nang nagmulat ang aking mga mata mula sa aking pagtulog, ngunit sa pagkakataong ito masasabi kong kakaiba ito sa lahat nang naranasan kong pagmulat.
Gabi na at kasalukuyang nakasilip ang sinag ng buwan sa malaking bintana na bahagyang nakabukas, nililipad ng hangin ang manipis nitong kurtina na siyang naglalantad ng ilang paso at halaman sa asotea.
Napangiti ako.
Magaan na ang pakiramdam ko at wala na akong maramdamang kirot sa bawat parte ng aking katawan. Hindi na ako nanghihina at alam kong higit pa sa isang araw ang aking pagpapahinga.
Sumalubong din sa akin ang kakaibang uri ng kisame na tila may mga nakaguhit na larawan, nakapatay ang mga ilaw na gawa sa dyamanteng kristal at ang nagmimistulang liwanag na kayakap ng sinag ng buwan ay ang ilang gawa sa bakal na simbo na nakasabit sa pader.
Sa buong silid ay namayani ang halimuyak ng insenso na may haplos ng halamang rosal. Nakikita ko ang manipis at sumasayaw na puting usok.
Napakapayapa ng silid, nakagiginhawa sa pakiramdam.
Iginalaw ko ang aking katawan pakaliwa upang makita pa ang kabuuan ng silid, ngunit nang sandaling tumama ang aking mga mata sa kanya... tila tumigil ang oras.
Tumigil ang paggalaw ng puting usok...
Tumigil ang pagsayaw ng kurtina at maliliit na halaman...
Tumigil ang pag-indayog ng apoy sa mga simbo...
At ang tanging nagpatuloy ay ang pagtibok ng puso ko...
Hinanap ang aking galit, hinanap ang kalungkutan...
Ngunit ito at pinalitan ng luhang punong-puno ng galak...
Sabi nila'y ang kaligayahan ay nararamdaman at hindi nakikita...
Ngunit ano itong aking nakikita na payapang nakapikit ang mga mata at banayad na humihinga?
Isang kaligayahan... sa harap ng natutulog na Hari ng Sartorias...
Parang sasabog ang puso ko habang pinagmamasdan ang kanyang maamong mukha. Nais ko siyang hawakan, nais kong magsalita, nais ko siyang hagkan...
Kahit ang paraan ng kanyang pagtulog ay animo'y isang uri ng perpeksyon. Katulad ko'y nakatagilid din ang kanyang katawan at ang mga kamay niya'y tila aabutin na ako.
Ang kanyang labi'y tila matamis na mansanas, ang hugis ng kanyang ilong na animo'y isang obra maestra mula sa mga kamay ng isang bihasang mang-uukit at ang iba pang detalye ng kanyang mukhang halos lampasan ang pamantayan ng salitang perpektong sining.
Tila humaba ang kanyang buhok...
Nangangatal ang aking kamay habang inaakmang abutin ito, ngunit ako'y nagulat nang biglang may dumapong ibon mula sa bintana. Wala sa sarili akong napaatras mula sa kama at iniwas ang aking mga kamay.
Sa hindi sinasadya'y natabig ko ang lamesa malapit sa kama at dahil bumalik na ang aking lakas, agad itong natumba at lumikha ng ingay.
Mariin akong napapikit bago dahan-dahang lumingon pabalik sa hari, napahinga ako nang maluwag nang makitang banayad pa rin ang paghinga nito.
Ngunit ang higit na nakagimbal sa akin ay nang makarinig ako ng malambing na musika. Pilit hinanap ng aking mga mata ang pinagmumulan nito at tumambad sa akin ang isang maliit na kahon na may salamin sa loob.
Gumagawa ito ng musika na animo'y may isang orkestra. Tila kakaibang uri ito ng kahon na may mahika, dahil buhay na buhay ang dala nitong musika, na kasalukuyang pinangungunahan ng plauta.
Magigising ang hari!
Agad akong bumangon at tinanggal ang kumot sa aking katawan, handa nang bumaba ang isa kong binti ngunit sa isang iglap ay naramdaman ko ang muling paglapag ng aking likuran sa kama.
At sa pagkakataong ito'y tatlong uri ng musika ang namayani sa loob ng silid.
Ang kanyang mabibigat na paghinga...
Ang malambing na musika mula sa kahon...
At ang sabay na pagtibok ng aming mga puso...
Nakapiit ang aking dalawang palapulsuhan sa pagitan ng kama at ng kanyang mga kamay, kusang kumalat ang aking mahabang buhok na siyang naghayag ng pag-iinit ng aking mukha, patuloy sa pagtaas-baba ang kanyang dibdib dahil sa mabigat niyang paghinga at ang ilang hibla ng kanyang mahabang buhok na tila nilalaro ang aking pisngi.
Hinayaan naming maging saksi ang musika sa muling pagtatagpo ng aming landas at pinagsawa ang aming mga sarili upang pagmasdan ang isa't-isa.
Unti-unti niyang pinakawalan ang aking palapulsuhan at maingat sinapo ng kanyang mga kamay ang aking magkabilang pisngi. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang sarili sa akin at pinadikit ang aming mga noo habang ang tungki ng aming mga ilong ay tumatama sa isa't-isa.
Muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata.
"Ang walang katapusang panaginip na ito'y aagaw sa aking buhay..."
Hindi ko magawang sumagot sa kanya. Inaakala niya ba na panaginip ako? Walang katapusan? Ibig sabihin ba nito'y madalas niya akong mapanaginipan?
"Inaamin kong ako'y nagkasala... ngunit pangako aking mahal, ni isang patak ng dugo'y hindi na ako tumikim. Hindi ko na uulitin..." mas lumambot ang boses ng hari na dalawang beses pang umiling habang magkadikit ang aming noo at ilong.
Sa bawat bitaw ng kanyang salita'y tila hinahaplos ang puso ko. Ano ang laban ng isang dyosang katulad ko sa isang haring nagsusumamo?
Sa kanyang boses na hindi aakalaing magagawang lumambot, sa kanyang mga kamay na hindi aakalaing mangangatal.
"Hindi na..." bulong niya.
Kahit punong-puno ng kaba ang dibdib ko, pinilit kong igalaw ang aking mga kamay at marahan ko itong ipinulupot sa kanyang batok.
Sumagot ako. "Magmulat ka..."
Pansin ko ang pagkabalisa niya sa sinabi ko, buong akala nito'y isa akong panaginip at sa sandaling magmulat siya ng mata'y bigla na lang ako maglalaho.
"Mahal na hari, nais kong malaman ang iyong gagawin kung malaman mong ako'y hindi isang panaginip, kundi isang buhay na katotohanan..." ako naman ang bumulong sa kanya.
"Magmulat ka, Mahal na Hari..."
Pigil ang aking paghinga nang sa pangalawang beses ay nagtama ang aming mga mata, ngunit sa pagkakataong ito'y ang kanya'y nagniningas na tila sa isang apoy.
"Hahagkan kita..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro