Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18

Chapter 18

Pagbaba

Habang bumabagsak ang karwahe, mas naglilinaw sa akin ang sitwasyon sa ibaba. Hindi ko man sila nakikilala sa kanilang mga pangalan, sila'y pamilyar na sa aking mga mata.

Ang ilan sa kanila ay kasama sa mga nanguna sa malaking digmaan noon, ang isa'y nakausap ko na mismong palasyo. At ngayong narinig ko ang isinigaw ng namumuno sa kanila, mas lalo kong nakumpirma kung sino ang grupo ng mga bampirang ito.

Ang anim na nilalang na may busilak na puso na siyang nakarinig sa dasal ni Dyosa Neena at ang kanyang huling sumpa.

"D-Dyosa Neena...maraming-maraming salamat..." pumiyok na ang boses ko at nanakit na ang lalamunan ko sa walang tigil kong paghagulhol.

Mahirap man tanggapin pero isang malaking kaguluhan ang iniwan ko sa Deeseyadah at kailanman ay hindi ko pinangarap na lumisan sa aking sariling mundo habang hinahabol ng kamatayan.

Humalo sa hangin ang mga patak ng aking luha habang nakatanaw ako sa kalawakan ng lupa na siyang naghihintay sa akin.

Ang mga bampirang ito ay kanyang mga kadugo... kapatid at kaibigan...

Hindi ko na magawang ipaliwanang pa ang emosyong nararamdaman ko sa mga oras na ito. Naghahalo-halo na, mula sa matinding kalungkutan, sakit, panghihinayang, galit, pangungulila ngunit may umuusbong na pag-asa.

Hindi ito ang inaasahan ko. Dahil lang ba ito sa sumpa na iginawad ni Dyosa Neena? Bakit tila higit pa rito ang nararamdaman ko?

Sa kabila ng pagtakwil sa akin ng sarili kong mundo, may isang mundong nais akong tanggapin na higit pa sa pagbubukas ng pintuan ang nais gawin kundi isang mainit na uri ng pagsalubong.

Mahigpit akong kumapit sa karwahe habang mas nalalapit na ang pagbagsak nito, mas nakalapit na rin ang mga bampirang mga nakasakay ng kabayo at nakaabang na sa akin.

Panay ang pagtaas ng mga lupa na tila gumagawa ng baitang, patuloy sa pagtalon ang isa sa mga bampira na parang nais akong salubungin, namumukhaan kong si Caleb ito.

"Caleb! Faster! There's something wrong with the wind!" sigaw ng isa sa mga bampira kasabay ng biglang pag-iiba ng direksyon ng pagbagsak ng hangin.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko, isa lang ang ibig sabihin nito, hanggang ngayon ay naglalaban pa rin ang sumpa ng tatlong dyosa mula sa sumpa ni Dyosa Neena. Hindi pa rin ito tuluyang nagwawagi.

Tumalon pa nang mas mataas si Caleb at tuluyan siyang nakahawak sa karwahe. Nagtama ang aming mga mata sa pagitan ng bintana.

Kitang-kita ko ang tuwa sa kanyang mga mata. "My Queen..."

Nasa akma na siyang maglalakad sa akin ng kamay nang may kung anong pwersa ang nagtulak sa kanyang katawan, dahilan kung bakit sila tumilapon.

"Caleb!" sigaw ng mga kapatid nito.

Humabol sa tumitilapong katawan ang isa sa kanila para tulungan si Caleb.

"Dyosa... nais kong makipag-usap..." huminga ako nang malalim alam kong isa sa kanila ito.

"M-May basbas ng mga dyosa ang karwaheng ito, hindi ito basta mahahawakan." Sagot ko.

"Zen, the fucking carriage has a damn spell!" malutong na sigaw ng pamilyar na boses na bumubulong sa akin kanina.

Mas naririnig ko na ang pag-uusap nila dahil konektado na ang isipan ko sa isa sa kanila.

"The fuck? We are just vampires, wala tayong spell spell." Sigaw ni Caleb.

"Hindi pa siya maaaring bumaba sa lupa, the carriage might ruin itself together with her body. Casper!" sabi ng namumuno sa kanila.

"Ginagawa ko na, Kuya, ginawa ko na! I am trying, even the wind is not cooperating!" ramdam ko na mas bumagal ang pagbaba ng karwahe.

"Should I try?" tanong ng isa pang bampira.

May panibagong bampira na nagsimulang tumalon sa matataas ng lupa na kaninang iniwan ni Caleb.

"Ingat, Rosh! Buhay ang karwaheng sinasakyan niya!"

"Buhay rin ako, Finn."

"Gusto kong makita ang nangyayari sa inyo, hindi ko kayang magtagal sa harap ng bintana... ako'y sugatan..." hindi ako sinagot nito sa halip ay may kinausap siya sa kasamahan niya.

"Zen...she is injured..." may bahid ng paghihimutok ang kanyang boses. "We need to do this quick..."

"We're trying our best, Finn."

Biglang may lumitaw na liwanag sa sahig, bumitaw na ako sa pagkakahawak sa bintana at dito na ako tumanaw sa lahat ng nangyayari sa ibaba.

Nasa malayong distansya pa rin si Caleb at ang isang bampira. Kasalukuyang nagniningas ang mata ng isa sa kanila habang sumisipol na may dalawang kamay na nakaangat, siya si Casper na may kakayahan sa hangin. Tumatalon papalapit sa karwahe ang tinatawag nilang Rosh at sa isang direksyon pa ay dalawa pa rin bampira, ang isa'y nagniningas ang mga mata na diretsong nakatanaw dito sa karwahe.

Kagaya ni Caleb ay nagawang makahawak ni Rosh sa aking karwahe. Muling tumama ang aking mga mata sa isang maharlikang bampira, pero sa kabila nang pakikipagtunggali niya sa mahika nagawa niya pang tumango ng marahan sa akin.

"Queen..."

Dalawang malaking ugat ang sapilitang pumasok at nang sandaling nais niya na itong pagalawin at abutin ako, panibagong pwersa ang umatake, inakala kong liliparin na rin siya ng hangin pero nakakapit siya sa kanyang malaking ugat ng halaman.

"Ang lakas! Casper, ang hangin mo!""

"I can't! Babagsak ang karwahe!"

"Fuck!" bigla nang bumitaw si Rosh sa kanyang hawak na ugat.

Sa kabilang parte ng malapad na kalupaan ay kasalukuyan na pa lang nababalutan ng nyebe, nagkaroon ng marahas na paggalaw ang malalaking tumpok nito na siyang binagsakan ni Rosh.

"We do it! Sa karwahe ng dyosa, Zen!" sigaw ng lalaking nasa tabi ni Caleb.

"Evan, si Rosh at ang karwahe ay magkaiba ng bigat, baka bumulusok sa mas malalim at tumubog lang sa nyebe. And she can't handle the pressure anymore, sugatan siya."

Natungo si Caleb sa pinagbagsakan ni Rosh, tumakbo na ang tinawag nilang Evan sa tabi ni Finn at Zen.

"Are you going to fucking kill me? I couldn't hold the wind this longer!" nagsisimula nang bumalik sa pagiging itim ang mga mata ni Casper.

Lumapit na si Evan sa tabi ni Casper. "I will give you blood, sa sandaling mawalan ka ng malay. Just hold a little longer, brother."

"I am not trained to compete a goddess' spell." Dumudugo na ang ilong ni Casper.

"Yeah, lahat tayo. I might just ruin the carriage if I use mine."

"Zen... Casper's bleeding." Pansin ko na nangangatal na rin ang boses ni Finn.

Karamihan ay sa kanila ay naghihintay na ng desisyon ni Zen.

"Zen! dumudugo na ang ilong ni Casper!" sigaw ni Rosh.

"I know! I fucking know! I-I just wait a little..." tumango si Casper at mas humarap sa karwahe.

"For the Dastan... for the Queen..."

"Listen," mas naalerto ang lahat nang magsimula nang magsalita si Zen.

"The carriage has a spell from a goddess and we were called by another goddess to dispel the first curse... she asked for us... six..." napahawak sa kanyang noo si Zen habang ang isa niyang kamay na nasa kanyang bewang.

"Holy fuck! Bakit hindi ko naisip!" tumingala sa karwahe si Evan.

"I thought you're the wisest Gazellian?" humilera na sa kanya si Rosh at Caleb.

Sa ilang segundo ay nasaksihan ko ang isa-isang paghakbang ng mga maharlika sa iisang linya na kapwa nakatingala sa karwahe.

"Sa sandaling ibaba ni Casper ang kanyang mga kamay, walang matitira sa lupa." Matigas na sabi ni Zen.

Sabay-sabay tumango ang limang natitirang prinsipe habang mariin silang nakatitig na tila hindi na sa karwahe kundi sa akin.

Dalawang kamay ko na ang inihawak ko sa aking dibdib, bakit ganito ang nararamdaman ko? Natutuwa ako... naluluha ako sa sobrang galak...

Anong klaseng pagmamahal ang iginawad ng kanilang hari para umabot sila sa hangganang ito para lamang tulungan ako?

"Humanda kayo."

Hindi na inalintana ni Casper ang patuloy na pagdurugo ng kanyang ilong habang nakataas ang kanyang kamay.

Naghalo ang yelo, malalaking halaman, nabibitak na lupa at kulog at kidlat. "Now!"

Isang malakas na pagsabog ang tila kumawala sa posisyong pinanggalingan ng anim na prinsipe at gumawa ito ng isang napakalaking butas sa lupa. Naghiwa-hiwalay ang anim na bampira sa ere dala ang kanilang mga kapangyarihan.

Nawala ang hanging umaalalay sa akin at nagpatuloy ang pagbulusok, ngunit agad din itong tumigil nang may malakas na bagay ang humarang dito.

"I got the bottom!" sigaw ni Caleb na may boses na nahihirapan.

Malakas na pwersa rin ang naramdaman ko sa bubong ng karwahe. Tumindig dito si Evan.

"Evan! Dahan-dahan!" reklamo sa kanya ni Caleb.

"Lights, Evan!" ani ni Zen. Nakasabi na rin si Zen sa tagiliran ng karwahe.

"Coming, brother!"

Nagsunod-sunod ang kidlat sa iba't-ibang direksyon at sa bawat liwanag na hudyat nito ay may umuusbong na tila makapal na pader na gawa sa yelo. Tila gumagawa ito ng bundok na gawa sa yelo at ang dulo nito ay ang karwahe.

"Hindi aabot, Rosh."

"I know." Sa kaliwang parte ng karwahe ay nakasabit na rin si Rosh.

Sa bawat dulo ng makakapal na yelo ay may mga halaman na bigla na lamang tumubo rito na siyang nagpatuloy ng hugis na parang bundok, nagsisimula nang abutin ng mga ugat ang dulo ng karwahe.

Nang sandaling maabot na ito ng mga halaman at yelo, tuluyan nang tumambad ang kakaibang uri ng bundok, nanatili pa rin si Caleb sa ilalim, nasa itaas pa rin si Evan, Casper na gumagamit pa rin ng hangin at si Finn na kasalukuyang hinihintay ang susunod na mangyayari.

"T-Tumigil ba?" tanong ni Caleb.

Nakiramdam ang anim na prinsipe na kapwa na nakahawak sa karwahe, sobrang bilis ng tibok ng puso ko, kinakabahan ako sa pwedeng mangyari, ginawa na nila ang lahat.

"I t-think... I should try to possess this carriage. Papasukin ko ng—" hindi natuloy ni Finn ang sasabihin niya.

"NO!" apat na boses ang nagsabay-sabay na sumagot sa kanya.

"Your mind is still fragile, hindi matutuwa si kamahalan." Sabi ni Evan.

"It's not really moving, I think it's a success? Pwede na ba akong umalis dito?" tanong ni Caleb.

Panibagong kamay ang akmang hahawak muli sa bintana. Buong akala ko ay makakahinga na ako ng maluwag nang bigla muling gumalaw  ang karwahe.

"Tang ina, gumagalaw pa!" sigaw ni Caleb.

"Maiipit si Caleb!" sabi ni Finn.

"Shit! Bumitaw kayo sa karwaheng lahat! Let it slide!" utos ni Zen.

"Are you fool, Zen? Sugatan na ang dyosa sa loob! She'll die! Kapag nagpagulong-gulong siya!" narinig kong sabi ni Evan.

"Trust me, her death is our brother's death. Do you think I would allow it?" sagot sa kanya ni Zen. Hindi ko alam kung bakit sa gitna ng mahirap na sitwasyon ay malinaw ko pa rin nakikita ang pagmamahal nila sa kanilang hari.

Nang makita kong sunod-sunod humiwalay sa karwahe ang mga prinsipe, tanging si Rosh lang ang naiwan ngunit bago tuluyang bumitaw ang kanyang mga kamay, bigla na lang nagpakita ang napakaraming pulang piraso ng rosas na halos punuin ang buong karwahe, na sa bawat galaw nito ay tumatama lang ang katawan ko sa pinagsama-samang piraso ng bulaklak na hindi magawang saktan ang katawan ko.

Ramdam ko ang pagpapagulong-gulong ng karwahe at ng katawan ko. Ngunit hindi humihiwalay sa akin ang boses ng anim na prinsipe, maging ang mabigat na paghinga ng mga ito habang habol ako.

"Now! Ruin the carriage! The roses will protect her!" sigaw ni Rosh nang maramdaman kong nasa ibaba na ang karwahe matapos ang pagpapagulong-gulong.

Nakarinig ako ng sunod-sunod na atake sa iba't-ibang parte ng karwahe, ngunit sa kabila ng pagkarahas nito, hindi ako makaramdam ng panganib at takot, kundi matinding pananabik at pasasalamat.

"Nakakakita na ako ng rosas! Malapit na!" sabi ni Caleb.

Sa gitna ng mga pulang bulaklak, niyakap ko ang aking sarili, ipinikit ang aking mga mata at buong pusong dinama ang kanilang pagliligtas.

At nang sandaling makarinig ako ng isang pinakamalakas na atake, tuluyan nang nasira ang karwahe at lumutang sa ere ang maliliit na piraso nito kasabay ng mga pulang rosas na nadala mula sa matinding pwersa.

Tumambad sa akin ang nakapalibot na anim na prinsipe na may mga kamaong nakakuyom at nagdurugo.

Nakasalampak ang aking mga binti sa maliit na kahoy na siyang dating parte ng karwahe, nanatiling nakayakap sa aking sarili at sinalubong ang kanilang mga mata sa gitna ng umuulang mga rosas...

Tila ilog na umagos ang aking mga luha...

Nanghihinang napaatras ang anim na prinsipe nang tuluyan akong mapagmasdan.

Biglang napaluhod sa lupa si Caleb kasabay ng paghinga niya ng maluwag. "She's safe..."

Wala sa sariling inilagay ni Zen na siyang namuno sa pagliligtas ang kanyang noo sa balikat ng kanyang kapatid na si Casper na kasalukuyang nagpupunas ng kanyang dumudugong ilong. "Thanks..."

Ilang beses niyang tinapik ang ibabaw ng ulo ng kapatid niya. "No problem, Zen."

Napayakap si Finn kay Evan na tulalang nakatitig sa akin. "At last, brother!"

At dalawang beses humakbang patungo sa akin ang prinsipeng may kakayahang maglabas ng napakaraming rosas. Ngumiti siya sa akin at marahan niyang inilahad ang kanyang kamay.

"Maligayang pagdating sa Emperyo ng Parsua, Mahal na Reyna..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro