Chapter 1: Boys are Boys
Vaughn's POV
Kahit kailan talaga: mainggay.
Lumiko ako sa pasilyo papunta sa opisina ng campus director habang ang mga taong dinadaanan ko ay panay ang pakikipagusap sa isa't-isa. Rinig ko ang mga sinasabi nila at alam din nilang naririnig ko sila. Nagkibit na lang ako ng balikat. Kung wala silang pakialam na malaman ko ang pinagsasabi nila tungkol sa akin, hanapin nila sa impyerno ang pakialam ko doon.
"Get your eyes off me before I'll do something about it," mariin kong banta.
Isa-isa nilang binaling ang kanilang mukha sa iba't-ibang direksyon at nagpatuloy akong naglakad sa pasilyong ito. Nang nasa pintuan na ako ng opisina ng campus director ay wala akong sinayang na segundo at agad na kumatok. Bumukas naman agad ang pinto at iniluwa ang pigura ng taong tumatayo mula sa kanyang swivel chair.
"Come inside, Mr. Volpe."
"Good morning, sir," bati ko sa kanya bilang siya ay mas nakakataas ng posisyon sa akin.
Tumango siya at kumuha ng dalawang baso. Nilagyan niya ito ng kaunting alak at inalok niya sa akin ang isa. As a sign of respect towards him, I accepted the wine.
"So, sir, why am I here?" direkta kong sabi matapos uminom ng kaunti.
Akala ko kasi, pwede na akong umuwi at magpahinga pagkatapos ng buong araw ng training sa paggamit ng sarva, pagbook ng mga tickets papuntang Cebu, pagbook ng mga accommodations namin sa Cebu, pagestimate ng mga magiging expenses namin sa Cebu at marami pang iba.
Ngumisi lang siya at alam ko na ang gusto niyang sabihin. Tumango na lamang ako sa kanya dahil alam ko na kung ano ang gusto niyang ipagawa. Sa totoo lang, palagi ko itong ginagawa at walang taong lumipas nang hindi ko ito nagagawa. Sometimes I ask myself if I'm born for this. I may be Mt. Malaya Colleges' student goverment president, but I'm also MMC's driver when new students transfers here.
"I got it, sir," sabi ko sabay lapag ng baso ng alak, "Just email me the details and I'll do the rest."
Agad akong nagpaalam pagkatapos dahil may marami pa akong dapat gawin, at may dumagdag pa nga. Nagkibit-balikat na lamang ako. Wala, eh.
~
Ilang minuto na lang at maga-alas singko na ng hapon. Kasalukuyan akong naiipit sa tindi ng trapiko sa syudad. Kanina ko pa tinitingnan ng pabalik-palik ang aking relo dahil sa pinaghalong pagkabagot at pagmamadali.
Papunta na ako ngayon sa airport para sundin ang ipinapagawa sa akin. Inaasahan ko na ang mahinang daloy ng traffic pero hindi ko inaasahan na magiging ganito kabagal ang daloy nito. Mas mapapadali pa ako kapag naglakad kaya lang hindi ko naman pwede ewan ang kotse ko. Hindi ko rin naman magamit ang sarva dahil maraming tao.
Sarva is when an altus channels energy from the surrounding and casting a spell at the same time to do something not ordinary to human kind.
Kanina pa akong buntong ng buntong ng hininga. Pero hindi bali, ilang metro na lang ang layo ko sa airport.
Matapos ang isang oras ay nakapag-park na rin ako. Lumabas ako sa sasakyan at inayos ang aking damit: white collared long sleeves with stripped gold and brown necktie, and brown pants with black belt and shoes. Sa halip na tawagan ang taong ipinapasundo sa akin ay pumikit ako and nag-sarva, kaya isa-isa kong napasok ang isipan nga mga taong nasa airport ngayon.
My teeth is grinding. Bakit hindi ko siya mahanap?
I tried harder. Sweat is starting to form in my forehead. Kinalawang ba ang kakayahan ko o umalis na pala ang pinapasundo sa akin. Damn it!
"Are you 'the Vaughn'?"
Napalukso ako ng bahagya, pero agad ding pekeng umubo. Dumb me.
"You're 'the Quia' then?" sagot ko, sabay harap sa kanya.
My brows raised upon the sight of her. She is small, a petite kind of girl. I am expecting her to be white because she came all the way from Italy, but her undertone is not pinkish. Her black wavy hair suits her a lot.
"Yes, I'm Quia," she offered her hand for a handshake,"Quia Della Luna."
"Ako si Vaughn. I'm pleased to meet you," sabi ko, sabay pakikipagkamay sa kanya.
May sumilay na maliit na ngisi sa kanyang mukha. Teka, hindi naman niya nakita iyong pagkagulat ko kanina ano? Damn it.
Kanina pa pala raw gutom si Quia kaya dinala ko siya sa isang filipino restaurant, na request niya, na nase-serve daw ng pinaka-authentic filipino dishes.
"I want rice, pork adobo, ginisang kangkong, halo-halo, and cola po, ate," pag-order niyang may kasamang accent, na halos ikinadugo ng aking labi sa pagpipigil ng tawa.
"How about you, sir?"
Umayos ako ng upo at sinabing, "Tubig po, ate. That's all."
Kahit hindi ako lumingon kay Quia, isang masamang tingin ang pinupukol niya sa akin. What? What's wrong with water? It's not like, as an altus, we need food as often as humans do. Saka, kumain ako ng breakfast kanina.
"How about milk tea, sir..."
"What's that look, miss?" sabi ko kay Quia, using sarva--helping me communicate telepathically--habang nakikinig sa offer ng waitress.
"If you're not eating, I'm not eating too," madiin niyang tugon sa aking isipan.
Tumingin ako sa kanya at tumaas ang aking kilay. Akala ko ba gutom siya? Binaling ko ulit ang tingin ko sa waitress at sinabing, "Ate, hindi nalang pala kami kakain."
Kumunot ang noo ng waitress, pero tumayo pa rin ako. Kung hindi naman pala siya kakain, dapat pumunta na agad kami sa Mt. Malaya Colleges dahil iyon naman talaga pinapagawa sa akin. And, I have been so drained today.
"What the hell?!" she screamed in my head, and I had to close my eyes.
Sinamaan ko siya ng tingin bago ako bumaling sa waitress na ngayon ay sumingkit ang mata at tumaas ang kilay. Nabasa ko ang iniisip niya at weirdo daw kami. Do I care? No.
Binigyan ko pa rin siya ng tip dahil nasayang namin ang oras niya. Hindi ko na hinintay ang reaksyon ng waitress at tumingin na kay Quia.
"Let's go?"
Padabog siyang tumayo at nauna pang maglakad sa akin. Anong problema niya? Pero kung may problema man siya at kung ano ito, syempre wala na ako doon. Ang dami ko ng responsibilidad sa MMC bilang head ng buong student body, magdadagdag pa ba ako? Heck no!
Habang nasa biyahe kami papunta sa MMC ay nakasimangot siya. I have tried multiple times to pry on her thoughts--yes, I know that is rude but I was trying to understand her--but she is blocking it too well. She doesn't want me to understand? It's okay.
Alas nuwebe na ng gabi ng makapasok kami sa gate ng MMC. Gabi na pero pupunta pa rin kami sa opisina ng campus director. Dahil gabi na nga ay pwede ko na i-park ang aking kotse sa harap ng Administrative Hall.
"Let's go," sabi ko kay Quia, sabay bukas sa pinto ng kotse.
She remained silent, making me look at her way. She is pouting a bit, crossing both her arms and legs. My god, I don't have patience for this! Kaya sa halip na puntahan ang campus director ay tinawagan ko na lang ito.
"Hello, sir," bati ko, "She's here. We are in front of the Admin Hall."
"Good, Mr.Volpe. Please proceed here in my office."
"Actually, sir, that's my concern. I don't know how will I bring her there without triggering another world war."
At, napukulan na naman niya ako ng masamang tingin. Pero nanlaki ang mata ko dahil sa unang pagkakataon ay napasok ko ang kanyang kamalayan. Isang segundo nga lang, pero sapat para malamang kanina niya pa ako minumura sa kanyang isipan.
"...let me handle this, Mr. Volpe. Thank you for doing this."
And in a blink of an eye, the campus director is here. I took that time to chant in my head: putting her outside of my car and floating. She looked at me with those eyes again, but I don't care. Anyway, the campus director is here. He is going to take care of this newbie right here because I am fucking tired.
"Put me down!" utos niya.
Pinagbigyan ko naman siya kaya nahulog siya sa sahig. Hindi naman siya nasaktan dahil na-kontrol naman niya ang gravity sa kinatatayuan niya. She's got good reflexes. Narinig ko namang bumuntong hininga ang campus director.
What?
"It has been a long day for you, Mr.Volpe."--Long day is an understatement. My body is itching to rest.--"You may now proceed to your dormitory. Thank you, again."
"MMC matters are always welcome, sir," sabi ko, na totoo naman, na ikinagulong naman ng mata ni Quia.
New hater of mine? Wala akong pakialam at wala akong oras makialam. Pumasok agad ako sa kotse at humarurot papunta sa parking area. Iniwan ko doon ang aking kotse at saka ako nagteleport papasok sa aking kuwarto. Nag-inat muna ako ng katawan bago ko inalis ang aking damit at naligo.
If Klovia, the goddess that blessed us with these capabilities, is real, I am praying that she will grant me a life away from Quia.
♧♧♧
Hello, guys! Here's another update. Please bear with typos or grammatical erros if there's any because this is still my first draft. Don't forget to vote please. God bless!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro