Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EPILOGUE (Repost)

SYNDI

"ULAAAAAN!!!"

Nak ng shokoy ang sakeeet! Woo..Di ko na kaya manganganak na yata ako. Oh God! Ang sakeet na talaga ng tiyan ko! Lalabas na! Langyang Rain na yan saaan ka na ba?!

"ULAAAN!! MANGANGANAK NA AKOOOO!! SYET!"

"Ma-Mahal..." nagkabundol-bundol pang lumapit saken si Rain "Ma-Manganak ka na?!"

Halika dito! Bakit ngayon ka lang?! Hinila ko yung buhok niya. Saakeet na talaga!

"BINGI LANG?! SHUKS! MANGANGANAK NA AKOO! TUMAWAG KA NG AMBULANCE!"

"Wa-wait Honey! Shit! Kailangan kong tawagan ang SOCO!"

"AMBULANCE! Shuks! ULAAAAN DALIAN MO NA DI KO NA TALAGA KAYA!!"

"Wait lang Mahal tatawagan ko lang ang SOCO- este Ambulance!!" Nak ng ukoy ka talaga Ulan! Kinarga niya ako bigla at inilabas sa kwarto. Sinabi kong tumawag ng ambulance eh! Ang sakeet na talaga di na yata ako aabot! "Chill ka lang Mahal paparating na ang ambulance."

"BWESIT KA! DI MO PA TINATAW-aww!" Di ko na talaga kaya! "HINDI NA AKO AABOT! MANGANGANAK NA AKOOO! ULAAAAN IBABA MO NA AKOO!"

"SHIT! HUWAG KA NAMANG SUMIGAW MAHAL NATATARANTA AKOO!"

"IBABA MO NA AKO IKAW NA ANG MAGPA-ANAK SAKEN!"

"Oh, Anong problema?"

Ibinaba na ako sa sofa ni Rain. Woo! Woo! Woo! Ang sakeet na talaga!

"Pa manganganak na si Syndi!"

"Oh e ano pang ginagawa mo itakbo mo na yan sa Ospital! Ryan e handa mo na ang sasakyan!"

"Manganganak na daw siya eh! Shit! Ikaw nalang magpa-anak sa kanya Pa."

"ULAAAN!! WOO! SAKEET! DALI NA!"

"Pa sige na!"

"BALIW KA BA?! I'm a heart surgeon not an Oby!"

"Naman! Ryan ikaw nalang dali!"

"ULOL! Pedia ako hindi Oby!"

"Pareho lang din yun sa bata! Dali na di na kaya ni Syndi."

"Palabasin mo muna ang anak mo bago mo ako gawing family doctor!"

"Syeeet! Anong gagawin ko?!"

Bwesit ang tagal ng mga kumaaag!! Manganganak na nga ako!

"HOY ULAN KAPAG DI MO PA AKO PINAANAK I SWEAR WALA NG SUSUNOD PA!! LAST NA ITO!"

"SHIT! PA, MA, RYAN, MYKA, JUERYNE TULUNGAN MO NAMAN AKO!!"

"Kargahin mo na yan sa sasakyan kaya pa yan!" Anong kaya Ryan ha! Syet! "Kung kailangang babangga ako ng sasakyan sasagasaan ko lahat lumabas lang yang pamangkin ko!"

"BabyTor huwag mong damihan ha mauubos ang pera natin!" naman talaga Myka! "Fret kaya yaan! Aja! Ako na ang susunod sayo! Wew! Masakit ba? Parang ayoko na yatang manganak."

"Ano baaa?! Maawa naman kayo sakeen tama na ang mga linya paanakin nyo na akoo! Mamaya na tayo mag-tsikahan pwede? Syeet! I swear ULAN last na itoo!"

"NAMAN TALAGA! Palabasin nyo na ang apo ko! Ryan ang kotse! Rain kargahin mo na si Syndi! Jueryne samahan mo muna ang ate Myka mo at ikaw naman ROME tawagan mo na ang Ospital at ipahanda mo na ang emergency room at lalabas na ang apo natin daleeeee!"

"Yes Ma'am!!"

"GOOO!"

Yun ang eksenang di ko malilimutan sa tanang buhay. Grabeng pawis ang naipon ko dahil sa mga di maubos-ubos na linya ng pamilya ko. Kaloka! Akala ko talaga hindi na ako makakaanak. Wew! But okay na ako sa buhis buhay kong yun dahil naipanganak ko naman ng matiwasay ang isang junior ni Rain at ang prinsesa ko. Tama, kambal ang anak namin. Kambal na sobrang sakit ng ulo dahil namana yata ng dalawang tsikiting namin ang kakulitan ni Rain. Grabeh! Bumabagyo lage sa bahay kapag nasimulan na ng tatlo ang PAHANGINAN BATTLE ng mag-ama ko.

Bukod doon ay sumunod ding manganak ni Myka with their cute bouncing uber sa tabang baby boy. At hayun na nga dahil sa sobrang excited ni Ryan nag-file ng ilang buwang leave para personal na alagaan ang baboy – este ang cute niyang anak!

Well about my husband Rain. Siya na ang nag-take over sa company ng lolo at lola niya. He's still painting peru hobby nalang niya yun ngayon kasi mas focus na siya sa company. I'm so proud of him!

"Sierra! Rence! Saan na ba ang dalawang yun at di ko pa nakikita?" sakto namang lumabas ng gallery si Rain kaya tinawag ko "Mahal na kita mo ba yung kambal?"

"Ha? Akala ko kasama mo?"

"Hindi eh, akala ko nasa garden lang yung dalawang bubwit peru pagpunta ko wala."

Saan naman kaya yun nagsuot? Aissh, kahit kailan!

"Luke! Ano ba yaan saan na ba yung batang yun? Lukee!"

Oh hinahanap rin ni Myka si Luke? Di kaya nagsama ang tatlong yun at umala Dora, Diego at Boots? Lumapit ako kay Myka at nakasunod lang din si Rain saken.

"Myka nakita mo ba ang dalawa?"

"Hindi eh, si Luke ba nakita mo?"

"Naghahanap nga rin kami ni Syndi..." sagot naman ni Rain bago napahawak sa ulo "I wonder kung na saan ang tatlo?"

"Oo nga eh,"

"JOSELITO BAKULAW DWENDE THE THIRD!! BAKIT MO IKINULONG ANG ANAK KOO!!"

Sabay kaming napalingon sa kung saan nanggaling ang boses ni Ryan. Bago pa ako makapang-hula kung saan ay hinila na ako ni Rain. Sumunod naman si Myka samen. Pumasok kami doon sa playroom at – shuks! NGANGA!

"Oww!"

Anong ginawa ni Jueryne sa mga babies ko?!

"WHY ARE THEY FREAKIN INSIDE THE DOG'S CAGES JOSELITO!!" sigaw naman ni Rain. "ANO NA NAMAN BA ITONG KALOKOHAN MO?!"

Well, ipinasok lang naman ni Jueryne sila Rence Sierra sa isang dog cage tapos sa isa naman si Luke na kumakain ng saging. Seriously Luke? Habang yung mga babies ko may takip na tape sa mga bibig. Hindi na ako magtataka kong nasira ng dalawa ang eardrum ng tita nila. They're freakin loud and whinny!

"Oh My Luke Baby, okay ka lang ba diyan?"

Nag-thumbs up lang si Luke na 4 years old na habang pinapapak ang saging niya. Isa sa mga katangiang naiingit ako kay Myka yung bigyan lang ng saging si Luke magbe-behave at tatahimik na. Kakainggit! Yung dalawa ko kasi grabeh parang shotgun ang bibig.

"MOMMY! DADDY!! DI KAMI ASO BAKIT KINULONG KAMI DITO NI TITA!" sabay pa ng dalawa pagkatapos alisin ang tape sa bibig "MOMMY WE SWEAR DI NA NAMIN TINULUYANG GAWAN NG DIET PLAN SI LUKE! KAYA PWESS! PAKAWALAN MO NA KAMI DITOO! ISUSUKO NA NAMIN KAY TITA MYKA ANG PAGPAPAYAT NI LUKE!!"

Sheeks!

"Rain ilabas mo na yang dalawa."

I swear pinagdadasal kong pumaos ang dalawang babies ko kahit isang araw lang.

"ANO NA NAMAN BA ITO JUERYNE?"

"KUYA! Kailangan kong gawin ito for my peace of mind!"

"Bakit sa utak mo ba nagigyera ang North at South Korea?"

"Nope, peru gusto ko lang malaman kung totoo nga po ang destiny."

"Bakit di mo siya tanungin mismo?"

"Kuya naman eeh... I'm serious!"

"Bakit na jo-joke ba kami ng kuya mo?"

"Naman eh! Heto na nga lang... I'll explain nalang."

"Nagre-report ka?"

"Ewaan ko sa inyo! Puro kayo bara saken! FINE! Yang tatlong pamangkin ko na nasa loob ng cage ay mailalabas nyo lang kapag nabuksan nyo ang lock na nailagay ko. Yung lock nila Rence at Sierra ay yung mismong lock sa bracelet ni ate Syndi."

"Mahal paanong napunta kay Jueryne yun?"

"Eh kasi hiniram niya yun saken kagabi... di ko naman alam na may balak siyang e kulong ang dalawa?"

"At ang lock naman ni Luke ay sa kwentas naman ni Ate Myka."

"Huwag mong sabihing hiniram din yan sayo ni Jueryne?" tanong ni Ryan kay Myka "Nauto ka ng dwendeng yan?"

"Eh sabi niya pinapakuha mo eh."

"Aiissh!"

"So my dear kuyang kambal itatanong ko lang kung nasa inyo parin ang mga susi nyo?"

"Yup we still have"

"Good! Dahil ito na yung oras para malaman nyo kung this time ay nakuha nyo na ang tamang susi! Ohaa! Kinakabahan na ba kayo?"

"Ano ito Deal Or No Deal?"

"Or Minute to Win it?"

"Aisssh! Ewaan ko sa inyo basta yun na yun?"Anong tamang susi? Ba't di ko alam yun? Matanong nga yun kay Ulan later. "Oh sha lumapit na kayo sa mga anak nyo at ilabas nyo na sila."

"Aissh, ba't ba ako nagkaroon ng adik na kapatid?" reklamo ni Rain "Asar!"

"Para namang ikaw lang ang kapatid ng dwendeng yan..tsst, anyways, basta kung ano man ang mangyari alam mo na ang sagot nun Bud." Ryan tapped Rain's shoulder. Hindi ko nga lang gets ang pinag-uusapan nila.

"Myka may alam ka ba sa mga susi nila?"

"Wala eh, di ko nga rin knowing ang real novel nila."

"Naks! Lume-level up ang brain recently ah ako din nahahawa sa iyong BIG WORD SYNOMYMS FEVER MO. Wew! Nakakalurdik hehe."

"Oo nga eh, nakakahawa si Karing kaya heto ako mag Communication General and Wide Vocabulary Mix Lingwahe hahaha."

Napansin ko nalang na parehong di na gumagalaw ang dalawa sa harap ng cage. Anyaree sa dalawang yun? Ba't biglang naging statue?

"WOAAH!! YESS!"

"DADDY MALAYA NA KAMII!" niyakap na ng dalawa si Rain "MALIGAYANG KALAYAAAN WOO!"

Lumapit na rin kami nila Myka sa mag-ama namin at nung lumapit na kami ay napansin kong nagtitigan lang sila Ryan at Luke.

"Daddy guto mo?" inalok ni Luke ng saging si Ryan "Matarap to"

"Come here son," inilahad ni Ryan ang bisig sa anak "Payakap nga sa teddy bear baby ko."

Talaga naman! Peru nabuksan nga nila ang cage?

"Mahal bakit ka umiiyak?" lumapit ako sa napasalampak ng si Rain at umupo sa tabi niya "Ganoon ka ba ka effected sa pagkakakulong ng mga anak natin?" lumapit saken si Rence at umupo sa lap ko "Hi anak kumusta ang bagong laya?" sabay halik sa pisngi.

Narinig ko naman si Myka "Baby nangayayat ka yata? Pinapakain ka ba nila ng mabuti? Aww... saging lang ang ibinigay nila sayo?" Baliw talaga.

Sakto naman pagbaling ko kay Rain eh sobra na ang ngiti niya saken "Mahal ikaw talaga ang destiny ko."

"Baliw ka ba? Syempre naman!"

"Hahaha... masaya lang ako! Payakap nga." Niyakap niya naman ako bigla "Basta masaya lang ako!"

"Mommy, Daddy sali kami sa gwoup hug nyoo!"

Ang kukulit talaga, kaya kumalas ako sa pagkakayap ni Rain at sabay pa naming niyakap ang dalawa. Hmmp! Ang sarap talaga ng group hug! While silang Ryan at Myka may moments din ng kanila. Syempre kanya-kanyang moments lang din.

"Shuks! Ang galing ko talaga!" may fake na luha-luha pa si Jueryne "Sabi ko naman sa inyo you'll going to thank me for this!" Tumayo naman sila Ryan at Rain bago niyakap si Jeuryne "Grabeeh! Ang galing ko diba? I told you totoo ang Destiny. Wossh!"

"Thank You Sis"

"You're welcome kayo pa,"

Lumapit naman si Rain saken at si Ryan naman kay Myka. Sabay pa kaming niyakap. Naks! Kambal talaga. Ang sweet lang ng Rain ko.

"Para saan yung susi Rain?"

"I'll tell you to our room," sabay kiss "simulan na rin natin ang paggawa ng isa pang baby."

"Baliw ka," palo ko sa balikat niya "Hindi ka pa ba kuntinto sa dalawang yun?"

"Isa pang kambal para masaya hehe"

"Sige na nga," then Rain reached for my hand and lead me to the door "Hey, paano ang mga bata?"

"Akong bahala doon," he winked sabay tingin sa likod "Jueryne paki bantay muna sa kambal ko! Thanks!"

"HUWAAAT?!"

"JOSELITO AKO DIN!" ni Ryan "Bantayan mo muna si Luke!"

"HUWAAAT?!"

Baliw itong dalawang ito! Gawin bang yaya si Jueryne... sabagay mabait naman yun kaya siya na muna ang mag-alaga sa dalawa.

"HEEY! WALA NAMANG GANYANAN? PARANG AWA NYO NA!"

"Haha kaya mo na yan!"

"Naku kayo talagang dalawa lagi nyo nalang pinagkakaisahan yang kapatid nyo?"

"Ryan?"

Lumingon ito sa kanya.

"Yup?"

"Sino nga ba tayo?"

With a smug smile "We're the Montague Brothers"

This time nakakaloko na ang ngiting ibinibigay niya saken.

"Para saan yun?"

"Wala lang, sinabi ko lang na we're the great Montague Brothers. What we want, we get... alam mo yun?"

"Right, sabi mo eh."

"I love you"

"Suss... I love you din Ulan...always"

"And forever.."

"Myka I think kailangan ng pumayat ni Luke?"

Napatingin naman kami kay Ryan at Myka.

"Ay sus! Mamaya mo na planuhin ang pagpapayat ni Luke gawin na muna natin ang kapatid ni Luke.. dali na! Gusto ko babae naman para pair na."

"Talagang may request na ganun?"

"Hahaha... okay na yun, Mahal naman kita eh."

"Yan... yan ang gusto ko!" bumaling naman si Ryan kay Rain "Ano, kung sino ang unang makarating sa kwarto siyang panalo."

"What's the price?"

"Ibibigay ko sayo ang next offer ng Health Magazine na gawin akong cover. Ano?"

"Nah, di na kailangan yun... I'm still hotter than you. Paunahan nalang makagawa ng second baby."

"Deal!"

"Huwaaa!"

"Eeeiii!"

Biglang kinarga kami pareho ni Myka nila Rain at Ryan. Napahawak tuloy ako sa leeg niya.

"On my Count... one... two... takboooo!!"

"KNAAAAA!!"

Baliw talaga!!

But who would have thought that the most notorious twin on EARTH ay marunong palang magmahal? Rain and Ryan Montague have finally found their own happiness. Happiness na di nakukuha sa Coke kundi sa aming dalawa ni Myka. Saya! Ang haba ng hair! Sinali pa ang Coke...saklap!

"Once upon a time me and my twin made a truce... sucked up... fall in love... but never give up." Bulong saken ni Rain.

"And they lived happily ever after.."

"Right,"

"Iba talaga ang fighting spirits nyong magkambal... Tayoog!"

"Ganyan talaga kapag inlove... pa kiss nga!"

"Later.."


END

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro