8. Dictonary ka ba?
This would be my chapter for today and for the coming days...ehehhee...May retreat kasi kami baka di naku ako maka-update....Sana magustuhan nyo ang chapter na ito...Para ito sa mga Tobby at Marco lovers....iyung anak naman nila ang idolin nyo wahhaha...Thanks
8. Dictionary Ka Ba?
"Oh saan ka naman ng galing, Ryan?!"
"Nanay kita?"
"Hindi. Ate mo?"
"HAHAHA, Sinundo ko kalang kaya sina Jubby at Carl"
"Sino sila?!"
"Ano ka ba naman Rainier isang taon lang tayong hindi nagkita kinalimutan mo na ang ating blood relation" biglang sagot saken ni Jubby
"Ouch naman iyun pinsan!" umarte pang sumakit ang puso ni Carl "Hindi ko matanggap ang sakit eh!!"
Binato ko ang dalawa ng throw pillows. Hay naku! Ano na naman kaya ang ginagawa ng dalawa kung pinsan sa bahay namin? Maghahasik na naman ng lagim?
"Huwag ka namang brutal sa amin pinsan" reklamo agad ni Jubbie.
"Minsan na nga lang tayo magkakasama inaapi-api mo pa kami" dagdag pa ni Carl.
Ang dalawang iyan talaga ang pinaka OA kung pinsan. Si Carl ang pinaka dramatic gusto yatang mag-artista, masungit kung minsan nagmana kay Tito Marco ay hindi kay Tita Grace yata. Freakin Actor lagi nalang siya ang mabait e siya naman yung may pasimuno. Si Jubbie naman nakuha ang ugali kay Tito Tobby peru sa pagkamadasalin kay Tita Joyce. Astig diba! Akalain mong nakakakilala pala ng simbahan iyang si Jubbie?
Tumabi sila saken sa couch at ipinatong pa talaga ang mga paa sa table.
"O bakit napadpad kayo dito?" tanong ko sa kanila. "Pinalayas na ba kayo sa inyo?"
"Hindi mo man lang ba kami aalukin ng snack diyan?" ni Jubbie.
"Gutom ka na naman? Kakain lang natin ah?" saway naman ni Carl kay Jubbie.
"E sa kanina pa kaya iyun na degist ko na po sa tiyan"
"Ang takaw mo talaga noh! Alam mo bang nagkakasala ka na sa sobrang katakawan mo"
"Nanakot kayo?"
"Bakit takot ka?"
"Hindi ah!"
"Isusumbong ka namin kay Tita Joyce" dagdag ko pang sulsol "Hala ka!"
"ANO ba naman kayo!! Nagbagong buhay na nga ako eh....pwede huwag nyo na akong takutin ng ganyan guyz"
"Pinalaki ka ngang may Takot sa Diyos"
"Ahahhahaha"
"Bakit kayo hindi?"
"OO! peru ang sayo Trauma na yata iyan eh!"
"He!!"
Ang kulit talaga!
"Teka nga muna Rainier"
"Pwede ba huwag mo nga akung matawag-tawag sa totoo kung pangalan Carlino dahil wala kang karapatan"
"Chill out kalang pinsan harmless ako ehehe"
"Yeah Right"
"Like Carl was saying about may nasagap kasi kaming kabulastugan sa inyong dalawa"
"Hoy! Inosente ako ha"
Napatingin kaming lahat kay Ryan na ngayon ay may saksak na apple sa bibig.
"What?!!"
"Guilty siya!! Guilty si Ryan!" pang-aasar namn ni Carl.
"Tumahimik ka Carlino nagtitimpi ako dito"
"Ano ka ba Ryan - shoot! Di pala legendary ang pangalan mo! Daya!"
"Haha, inggit ka?"
"Well, anyways totoo ba?" ni Jubbie.
"Na ano?"
Patay malisya ko pang tanong. Talaga namang napakatsismoso ng dalawang ito!
"Na may nilalagawan ka daw?"
"At dahil concern kami sayo pinsan naisipan namin nitong si Carl na alamin namin iyun"
"Baka kasi na sumpa ka at bigla kang na inlove"
"O baka naman sinumpong na naman kayong dalawa ng pagkabaliw nyo sa mga Truce-truce na iyan."
"Aba'y mahirap ng magoyu....hindi naman kasi kapani-paniwala na natagpuan na nga ni Rain ang Tunay at Wagas na pag-ibig."
"At masali sa samahan ng mga taong lubos na nagmamahal"
"O SNTP"
"Ang Galing!! Saan nyo iyan narinig lahat!! Hindi naman halatang UPDATED kayo sa buhay namin?”
“Narinig lang namin kina Mommy iyun…O ano, totoo ba?”
“Hindi totoo” si Ryan na ang sumagot.
“Huh? So ano iyung narinig namin? Tsika-Tsika lang ganun?”
“It’s a Bet!”
“SABI NA NGA BA EH!!” pumalatak lang si Jubbie. “Wala talaga kayong matinong gagawin nitong kambal mo Rain eh”
“Hoi kayong dalawa si Rain ang may pakana ng lahat ng iyun…Spare me with my apple”
“Ano ba naman Rain magbagong buhay ka na nga. Baka ka makarma eh”
“Nagsalita ang matino” sabat naman ni Carl “Hoy Jubbie baka nakalimutan mong Playboy ang basansag sayo”
“Wala naman akong nilalagawan sa kanila at isa pa sila lang ang nag-a-assume na girlfriend ko sila. Sabi kasi ni Mommy dapat maging mabait ako sa lahat ng tao..Iyun lang iyun kaya matino ako”
“Yeah..Yeah…e-tsika mo iyan sa mga clouds”
“Sabihin mo nga Rain bakit mo naman pinapaasa ang girl na iyun?”
“I’m making a revenge, actually”
“Sobra ka naman pinsan liligawan mo ta’s ano iiwan mo rin? Alam mo bang masakit iyun?”
“Kaya nga!”
“Kung maka drama ka naman diyan para namang sinaktan ka ng babaeng iyun”
“Hindi nga…nakakaintriga naman kasi ang personalidad nun…ang tapang! Gusto ko lang iyun paamuhin..hindi ko naman talaga siya sasaktan na kagaya ng pinapanood niyo sa teleserye..I’ll end up our relationship sa magandang paraan or else hahayan siya mismo ang makipaghiwalay saken”
“Paano kung mainlove talaga sayo?”
“Well, I’ll do things that would make her hate me”
“Pareho lang din iyun”
“Sasaktan mo rin siya”
“At iiyak siya”
“Naisip ko lang na lame masyado ang excuse mo ”
“Hindi ka ganyan Rain…alam kung may iba ka pang dahilan kung bakit mo naisip ang kagaguhang ito”
“Iyun lang talaga?”
Hmmm….actually, mero naman talaga…peru hindi ko pwedeng sabihin iyun dahil mahalaga saken iyun.
“Okay lang kahit ‘di mo sabihin…” binalingan ni Carl si Ryan “Ikaw Ryan alam mo?”
“Wala akung alam diyan pinsan dahil sumasang-ayon at tumatanggi lang ako”
“Tamad ka kasi”
“May Tamad bang first honor Carlino”
“Ahahahha…Highblood ka talaga noh”
“Sa iyo lang”
“Ahahaha..”
“Okay, ‘di ka na namin pipilitin Rain…may gagawin nalang kami hehe,” kiniskis pa Jubbie ang mga palad na parang tuwang-tuwa sa evil plan.
“Mukha kang demonyo Jubbie.”
“Okay lang bwahahaha!"
Ano na naman kaya ang binabalak ng dalawang ito…Aissh!
“Tutulungan ka namin sa panliligaw mo”
“Ows…hindi nga?”
“We’re serious, so ano ba ang meron sa babaeng iyun?”
Hmmm….ano nga ba?
“Well, simple lang naman ang isang iyun, matapang nga lang, pikunin, hindi katangkaran, cute din naman, pilosopo, minsan mabait minsan hindi….ano pa ba…O I like her long black hair kapag hindi siya naka ponytail bagay kasi sa kanya”
O anong nangyari sa tatlong ito?
“Bakit?!”
“Kung makapag-describe ka pinsan with feelings talaga” pumalakpak pa si Jubby “Magnificent!”
“Bravo! I think maganda nga ang target mong iyan”
“May picture ka ba sa kanya?”
“Ahmmm….Meron”
“Patingin!”
Kinuha ko iyung wallet ko…Actually, nilagay ko talaga ang picture niya dun para kung mawala iisipin talaga ng makakakuha na gusto ko si Syndi at isa iyung malaking issue! Hihhi, talino ko diba?
“O iyan” binigay ko sa ka nila ang wallet ko
“Woah!! Maganda nga!” puri agad ni Jubbie.
“Akalain mong hindi nainlove sa kanya itong pinsan natin?”
“Maiinlove din iyan” nakangisi pa akung binalingan ni Ryan at nag peace sign pa talaga. Ang weird talaga ng isang ito.
“Akin na nga iyan!” kinuha ko sa kanila ang wallet ko.
“So nahuhumaling na ba sa iyo iyun?”
“Malapit na”
“Malabo kamo” ni Ryan “E pinipikon niya eh”
“Tsk.Tsk.Tsk…ano ka ba naman pinsan” inakbayan ako ni Carl “Ang hina mo naman eh…dapat hindi mo siya pinipikon…dapat pinapangiti ng ubod ng tamis”
“At pinapahiritan ng mga cheesy lines ng katulad nito” binalingan ni Jubby si Ryan “Dictionary ka ba?”
“Bakit?”
“Because you give meaning to my life kasi eh”
“AHHAHA…iyan ang 100 % effort dude!” pumalakpak si Carl “Ang magmukhang engot sa harap niya hahaha.”
“YUCK!”
Ang OA naman masyado ng effort na iyan!
“Hoy! Huwag mong maliitin ang mga linyang ganyan…para sabihin ko sayo pinsan nadadala at kinikilig ang mga babae sa mga linyang ganyan”
“Saan mo naman iyan nalaman?”
“Wala feeling ko lang…Trust me Rain makukuha mo siya sa ganyan”
“Paano kung hindi?”
“Try and Try until you get her…”
“Ewan ko sa inyo!”
“Ang mabuti pa labas nalang tayo bukas!”
“Hindi ako pwede may date ako”
“Owsss?”
“Meron nga?!” Kaasar naman !
“Pumayag siya?” biglang tanong ni Ryan
“Hindi pa”
“HINDI PA?!” sabay-sabay nila
“Ang kupad mo ha!”
“At kung makapag-a-assume ka parang matutuloy talaga?”
“Matutuloy iyun?”
“Owss…”
“OO nga sabi”
“Ganito nalang kapag mapapayag mo siya ngayong Sabado”
“Ano?!”
“Wala lang ahahhaha…”
“Ewan ko sa inyo!!” natawa nalang ako
“We know Right!! Mga gwapo talaga kami! Ahahha”
“At UBOD ng TALINO ahahha”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro