Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

7. Hindi Ako Papayag!

OH YEAH!! Update na!! Hope you love this chapter...medyo makulit nga lang Haha!

 7. Hindi Ako Papayag!

Inaantok pa ako… Haaaaay  *yawn*

Hindi talaga maganda ang matulog ng madaling araw…

Hindi ko talaga feel ang pumasok ngayon…minalas pa ako! Akalain mong nasira pa ang bisekleta ko, Great! Maglalakad ako hanggang sa school…Ba’t ba ang malas malas ko?

*Yawn*

HONK!! HONK!!

Aisssh! Talaga bang malas ang araw na ito? O malas lang talaga ako ngayon? Pareho lang ata iyun, dah? Deadma ako sayo!

“Sakay na”

Sa tingin mo sasabay ako sayo ganitong inaantok ako? Umiinit lang ang ulo ko!

“No Thanks” inismiran ko lang siya. FC ka masyado

“Sige na. Don’t be shy. Pareho naman tayo ng pupuntahan eh..Sa school karin pupunta, ‘di ba?”

Napahinto ako sa paglalakad at hinarap siya. Seriously? Paano nakakapag-drive ang isang 17 years old guy?

“Ano bang problema mo? I can’t believe your talking to me now as if we’re in good speaking terms”

 Ang Langya ngingisi lang “I don’t want to wrangle with you now. Come on, hop in”

“What made you think na sasakay nga ako sa sasakyan mo ha?!”

“Wala lang…guts feeling”

“Yeah Right!”  tapos na una na akung lumakad. 

“Alam mo minsan lang ako maging mabait ng ganito”

“Hindi ko alam at wala akung balak na alamin iyun”

“Why don’t you grab the opportunity?”

“At ano? Ma issue sayo?”

“Hindi ko alam na concern ka pala sa image mo Syndirella?”

“OO naman! May dangal pa po kasi ako”

“Kung makapagsalita ka saken talo ko pa ang isang X-convict ah. Sa gwapo kung ito masisira ang puri mo? Wee? Hindi nga?”

“Saan ang kakambal mo?”

“Bakit mo hinahanap e nandito naman ako”

“Nagtanong lang po ako”

“Sumakay ka nalang kasi…ma la-late ka niyan”

“At kailangan ka pa naging concern sa aking tardiness status Rain?”

“Ngayon lang”

“At bakit?”

“Coz I do care about you…seryoso ako”

“Kung sasakay ba ako titigil ka na?!”

“Siguro…peru hindi ko naman mapigilan ang pagca-care sayo dahil puso ko ang nakatuka doon. O diba ang sweet ko hehe!”

“He! Ang aga-aga e nangbubulahaw ka na magtigil ka nga kinikalubutan ako sayo Rain”

“What can I say ? Sweet lang talaga ako, kung gusto mo—Ay wait! Sumakay ka nalang kasi at dito na tayo magkwentuhan”

“At trip mo talagang makipag chikahan saken ah?”

“OO, kaya Hop in” binuksan nito ang pintuan ng passenger seat sa red convertible nito..O diba hindi halatang mayaman…Gosh! Wala narin akung nagawa kaya naki- “HOP-IN” narin ako…O sige pampawala ng antok makikipagtsikhan ako sa lalaking ito.. Peru di nga, bakit siya nakakapag-drive?

He started the engine and speed off.

“So where are we?” tanong niya saken.

“Na sa sasakyan mo”

“Hahaha…Yeah right…OO..tama…ang sasabihin ko sana eh. Baka ko gusto mo akung rentahan para maging boyfriend mo at ng matikman mo naman ang ka-sweetan ko”

“Mangga ka? Matamis? Ang cheap mo ha! Re-rentahan talaga kita?”

“Ahaha..Kung tutuusin ito na nga ang pinaka once-in-a-blue-moon kung offer sa isang babae”

“Pwes hindi ako intirisado”

“Ouch! Ayaw mo talaga?”

“A.Y.A.W”

“O sige…liligawan nalang kita”

Napatingin nalang tuloy ako sa kanya. Tama ba ang narinig ko? Liligawan niya ako?!

“Nagbibiro ka ba?”

“Mukha ba akung nagbibiro?” 

“Oo”

“Ahaha…I’m serious”

“E bakit ka nakatawa?”

“Hindi karin matanong ano?”

“Hindi masyado”

“Baka sa susunod tatanungin mo na saken kung bakit nagustuhan kita?”

“Bakit nga ba?”  Hindi naman masamang magtanong diba? Diba? Diba?!

“Actually wala nga akung nagustuhan sayo eh”

E baliw ka yata eh! Ako ba’y pinagloloko mo!!

“Ang totoo niyan…I love everything in you…kahit mukha kang amasona ay nararamdaman ko ang safety ng puso ko sayo…kasi alam kung ipaglalaban mo ko”

Thug! Thug! Thug!! Bwesit ano ito? Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko?! Lintik ka talaga Rain eh! Anong ginawa mo saken?

“O ano Syndirella…payag ka na ba na maging tayo?”

“Alam mo para kang train!”

“Bakit?”

“Ang bilis mo eh!”

“Ganyan talaga ang taong nagtatapat ng kanyang pagmamahal nagiging mabilis…so tayo na?”

“Sumagot na ba ako?” loading pa nga ang utak ko eh…nakakalito! Nag-aaway pa nga tayo ngayon biglang magtatapat saken ang unggoy na ito? Sino kaya ang nasa tamang pag-iisip na sagutin ang isang ito? Duh! Malay mo nangu-good time na naman ito?

“O sige na nga!” may patampo effect pa “Maghihintay nalang ako para sayo hihintayin kita hanggang sa dulo ng walaaaaaang hanggan!”

“Funny! Maghintay ka kung gusto mo!”

“Maghihintay talaga ako…kasi ganoon kita ka mahal eh…sa sobrang pagmamahal ko sayo hindi ko na alam ang daan patungong school haha.”

Bigla akung napatingin sa paligid. Shekeys! 

“Joke lang…”

“Rain!!! Saaaaaan na tayooooo!!! Hindi ito iyung daan sa school eh!”

“Oopssy! Mukhang hindi ko na talaga alam ang daan eh…”

“Late na talaga tayo!!!” Bwesit naman oh!!

“Okay lang iyun….as long as you’re with me you’re on the right track baby I was born this way ooohhhh….Born this way!!”

“Kumanta ka?”

“Hindi tumula”

“HAHAHA”

“Ito naman kung makapagsalita parang kasumpa-sumpa ang aking voice”

“Haha, peru infairnes may x-factor ka”

“Talaga?!”

“Yup!! Kaya itago mo nalang iyan ha for the betterment of our country.”

“Yeah Right! Sige pa! Laitin mo pa ako….makakabawi din ako sayo!”

“HAhaha….okay lang”

Ang totoo niyan, hindi naman talaga pangit ang boses ni Rain, actually maganda nga iyun eh narinig ko kasing may banda-bandahan daw ang kulugong ito. Sino pa kaya ang nabiktima ng kambal na iyun? Alien din pa gaya nila? HAHA! 

Nga pala ang banda nila laging nagko-concert sa classroom namin. Kapag free time, well, they're actually good. Pede na rin!

***

“Hello”

Sus ko naman…kakagulat ka naman!

“Gian?!”

“Musta?” he smiled. "So you still remember me?" infairness naman sa ngiti mo kuya pang model.

“Yup, hindi naman kasi ako makakalimuting tao.”

“Ahh, Kumain ka na?”

“Hindi pa nga e may tinatapos lang ako. Tinutulungan ko kasi si ma’am Mechelle”

“Ah…kain mo na tayo”  Wow! Galante din itong si gwaping ah!  “My treat”

“Owss…hindi nga?”

“Yup, so tara na”

“Sure”

Basta libre di ako tatanggi doon. Mas mabuti na yung iligo ang shower of blessings haha.Pumunta na kami sa canteen. Malapit lang naman iyun. Pagkabukas nung glass door kami talaga ang tinitigan….Mga taong ito napausisira froggy talaga! Pakialam ko sa inyo

Pagkatapos naming bumili ng pagkain ay naupo na kami sa isang bakanteng table. O diba sosyal! Cute naman pala ang isang ito nuh?

“Libre ka ba sa Sabado?”

“Bakit?” kinagatan ko iyung burger ko

“Yayayain sana kita ng date”

“Ah! Ah! Ah!”

Syet! Nabulunan ako!!! Kailangan ko ng tubig!!!

“Are you okay?” inabot niya saken iyung isang bottled water…’Langya! Shocking iyun dong! Ininum ko ma iyung water saka ako nagsalita

“Seryoso ka?”

“Yup, so free ka ba this Saturday?”

“Ahmmm….I don’t know, titignan ko muna ang schedule ko, okay lang ba?”

“Okay…I’ll wait…just tell me if okay na”

“Sure”

I tilted my head. Ang weird naman... bakit ang dami yatang nagko-confess saken ngayon? Nakapag Sunsilk lang tumaas agad ang buhok?

***

Isinirado ko na iyung shop. Grabeh! napagod talaga ako buti nalang okay lang kay ate Maria na isa o dalawang oras lang ako nakakatulong sa kanya. Ang bait niya talaga! Kaso ang weird nga lang minsan.

“Hold-up," biflang may naramdaman akong tao sa likod kaya naitaas ko yung dalawa kong kamay. Syet! "Huwag kang sisigaw.” Naku naman! Wala po akong pera.

“W-wala po akung pera…maawa po kayo saken…” 

Kapag minamahalas ka nga naman oh!

“Gotcha! Ang Cute mo talaga Syndi” 

“Rayyyyyyn!!”

Bwesit ka!! Pinagloloko mo na naman ako!! Isa nalang at ipapakain na kita sa mga Zombie! Shuks!

“Alam mo bang muntik na akong atakihin sa ginawa mo?! Peste ka talaga sa buhay ko eh”

“Ano ka ba naman Syndirella ko joke lang naman iyun eh”

“Joke? Jumbagin ko kaya iyang pays mo! Kaloka ka!”

“Hehe, sorry” He raised both of his hands in defence while giving me his cutest grin. Shuks! Kailangan ko na isip na cute siya? "Sorry naman... jowk lang yun. I bring no harm."

“Ano bang ginagawa mo dito?”

“Hinahanap ka”

“At bakit?”

“Itatanong ko lang kasi kung libre ka this Saturday?”

“At bakit?”

“Yayayain sana kita ng date”

Date na naman? Ang dami nyo ah? Hinay-hinay naman! Grabeh ang epek ng Sunsilk wew! Di ko kareeeey! Anyways, ayokong makipagdate sayo kaya nilagpasan ko na siya. Naasar pa ako!

“Busy ako!” 

“Huh? Nagtapat na nga ako sayo kanina eh”

“Wala akong naalala eh”

“Naman!”

“Kaya umalis ka na!”

Biglang natahimik ang unggoy? Peru feel ko parin ang pasunod niya saken…sige lang! Sundan mo lang ako!!

“Busy ka ba talaga?”

“Oo”

“Bakit? Ano bang gagawin mo ngayong Sabado..off mo naman”

“Paano mo nalaman iyun” napahinto ako at sabay tingin sa kanya sa likod. At ang unggoy nakatawa lang…naiinis talaga ako sa ngiti nito! Pinapalabas niya talagang pinagpala siya!

“Bakit alam ko?”

“OO tinatanong nga kita diba?”

“Syempre….alam ko lahat ang tungkol sayo?”

“Owss? Alam mo ring wala akung bunbunan?”

“Wala kang bunbunan?” 

“Kitamz!” tinalikuran ko na siya “Hindi mo nga alam na hindi totoo iyun eh”

“Ano ba kasing gagawin mo sa Sabado?!”

“Ba’t ba ang kulit mo!!”

“Nagtatanong lang ako okay!”

“Fine!!”

“Ano?!”

“May date kami ni Gian sa Sabado, happy?” kailan pa ako pumayag dun? Aissh!! Ang kulit eh!

“Sabihin mong nagbibiro ka lang?!”

Shoot!! Ang sakit ng ginawa niya. Aray! Mahigpit niyang hinawakan ang dalawa kung balikat as in mahigpit talaga.

“Mukha b-ba akong…nagbibiro?” sinubukan kung alisin iyung mga kamay niya “Pwede ba bitiwan mo na ako!”

Na realize niya naman…peru masakit iyun!

“Sorry”

“Yeah Right!”

Bahala ka na nga sa buhay mo Rain!! Umalis nalang ako sa harap niya kasi natutuyuan ako ng dugo sayo!

“Syndi!!”

“BAKIT!!!”

“HINDI AKO PAPAYAG!!!”

 Huh? Ano daw?

“HINDI AKO PAPAYAG SA DATE MONG IYUN SA AHAS NA IYUN!! AKO ANG NA UNA KAYA FIRST COME FIRST SERVE DAPAT!!”

Ano ako restaurant? Tindahan? Kaloka!

“BAHALA KA SA BUHAY MO!!”

“BASTA!! HINDI AKO PAPAYAG!”

“Eeee---WAN KO SAYO RAIN!!”

“AHHAHAHA….. GOODBYE! INGAT KA HA! LOVE YOU”

Love you ka diyan?

“WALA AKONG NARINIG!”

“OKAY LANG! INGAT”

Ewan ko napangiti nalang ako….wala talagang magawa ang mukong na iyun sa buhay? Aminin? Kinilig ka naman? Hindi kayq! .Ang landi mo Syndi…namamangka ka sa dalawang ilog..Hoi!! Hindi kaya! Hindi ako namamangka kasi di ko naman sila boyfriend na dalawa.

Anyways, I still hate Rain!

“Iba na talaga ang mga kabataan ngayon, honey. Kahit sa kalye nagpapahayag na ng WAGAS na pag-ibig? Diba ang sweet nun?”

“Parang ako lang dati diba…kaso iniisip mo na nang-aasar na naman ako”

“E naman kasi…palagi mo kung inaaway”

“Peru I love you nga diba”

“Oo naman…ehehehe”

Napatingin ako sa kaliwa ko.

“O…Syndi…akalain mo nga naman” Kagulat naman! Ang mama at papa ni Rain “Ikaw pala iyung pinag-uusapan namin?”

“Ahh—“

“Aeheheh…pasensiya ka na?”

“Ah…okay lang po”

“Pwede bang magtanong?”

“Sure”

“Anak ko ba iyun?” itinuro pa talaga nito si Rain na papalayo na. “Si Rain noh?”

“Ah..O-opo”

“Ah…O sige…salamat” niyakap pa ako at hinalikan sa pisngi “Ingat ka ha…ayoko kong may mangyaring masama sa mamanuganing ko hehe."

“Ikaw talaga Julieta umiral na naman iyang kalokohan mo” inakbayan ni Tito Rome ang asawa at ako naman…napatanga! Ano sabi niya?

“Sige mauna na kami at susundan na namin ang anak kung iyun…baka kung saang lupalop na naman iyun mapunta eheheh, Halika ka na Honey”

“Mauna na kami Syndi”

“Sige po”

“Bye”

Napapansin ko talagang ang Weird ng pamilya nila. Shucks! Naloloka na talaga ako! At ang mga pangyayari ngayon….Gosh!! Di ko kinaya… Ah ewan…Uwi na ako!!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro