Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

5. Raindy :3

I will dedicate this to YOULOVE for supporting me since RvsJ ahahha..Thanks din girl...Medyo mahaba-haba yata ang naisulat ko sa chapter na ito ahhhaa... Peru okay lang iyun Hope you like it.. Nagre-review while typing ahahh ASTIG nun..buti nalang nag-aral na ako noong nakaraang araw wahahaha..Para sa inyo ito!!

PS: Huwag nyo ng intindihin ang truce nila Ryan at Rain ahahha..just feel the moments :3 Enjoy!

5. Raindy

First year ko pa ito pinag-iisipan kaso palagi nalang akung inuunahan ng kaba iyan tuloy hindi matuloy-tuloy kakainis na nga eh! Peru ngayon desidido na talaga ako…It’s now or never! Kailangan ko ng magtapat kay Ryan bago pa ako maunahan ng iba.

 Teka asan na ba si Syndi?

 Ay oo nga pala no hindi pala iyun pupunta ngayon…Sayang naman. Sigurado akung nagtatrabaho na naman iyung si Syndi. Kapag walang pasok kasi may trabaho siya,  iyun lang ang alam ko, kailangan niya kasing tulungan ang mommy niya kahit ‘di naman siya pinapahalagahan nito. Kainis talaga!

“Thank God I’ve found you”

“Huh? Bakit po ma’am Mechelle?”

“We have a problem”

“Uh-oh bakit po?”

“Nagkulang tayo ng mga prizes sa mga bata hindi ko naman kasi akalaing marami pala ang pupunta. Sinabihan ko kasi si Syndi kahapon na bumili kaso nagkulang iyun e hindi ko naman alam saan niya iyun binili dahil nakakuha siya ng malaking discounts sa mga teddy bears at give away things. So I thought na alam mo ang binilhan niya?”

“Huh? Po?” Hindi kaya sa shop iyun na pinagtatrabahuan niya? “Hindi po kasi ako sure ma’am peru po kung makikita ko po ang binili ni Syndi siguro malalaman ko kung saan nya iyun binili”

“Well, hindi pa naman din sila natatapos e gift wrap iyun puntahan mo na muna sa Guidance Office ko. Hindi na kita masasamahan dahil may gagawin pa ako..Please, Myka I really need your help this time”

“Ah..sige po, pupuntahan ko na”

“Thanks..”

 Okay, next time nalang ang balak ko…May bukas pa naman eh!

 Now let’s get down to business!!

Guidance Office

“Kulang ito eh!”

“Alam kung kulang iyan Ryan hindi ako tanga”

“Pinaalahanan lang po kita”

“Alam ko na iyun noh”

“Mag-aaway na naman ba kayo?” sabad ni Doc. Godwin sa kanila na halatang abalang-abala sa mga paglalagay ng mga goods sa plastic.

“Hindi po!” sabay naman nila

Hay naku palagi nalang silang nag-aaway…Peru infairness ang gwapo parin ng Ryan ko kahit pinagpapawisan na.

“Ryan pakiabot nga non”

“Hindi ako si Ryan ako si Rain”

“Sorry, Rain pakiabot nga non”

“Hindi po ako si Rain ako po si Ryan”

“Naman kayong dalawa pinagkakaisahan nyo na naman ba ako?”

Umiling lang ang dalawa “Hindi po” sabay ngiti

Nalilito na naman si Doc kasi pareho kasi sila Ryan at Rain na nakapulang T-shirt na may sulat na I’am Handsome at sa likod naman nito ay Got a problem with it? Ahahah…Nag B-B1 at B2 na naman kasi sila. Peru para saken isa lang ang nakikita ko ang Ryan ko lang. Paano ko nalalaman iyun…Ewan ko! Alam kong si Ryan iyun dahil siya lang naman ang nakakapagpatibok ng puso ko ng bonggang-bongga!!

Kumatok muna ako…

“O Myka” si Doc Godwin “Anong ginagawa mo dito?”

“Ahmm kasi po pinapunta ako ni Ma’am Mechelle dito para tignan iyung mga prizes at give aways”

“N-ni M-Mechelle ba kamo?”

“Ahmm…Opo”

Napapangiti nalang ako…Marinig palang naman kasi ni Doc. Godwin ang pangalan ni ma’am nawawala na ang concentration nito. I have a feeling na malaki talaga ang tama ni Doc kay Ma’am.. Gosh! Love is everywhere, si Syndi nalang yata ang hindi na tatamaan eh…Ito naman kasing si Kupido nahihirapang asintahin ang kaibigan ko!

“Ah ganun ba” Doc clears his throat “Ryan ibigay mo sa kanya ang sample”

“Hindi nga po ako si Ryan ako si Rain”

“Rain ibigay mo kay Myka ang sample”

“Ako po si Ryan”

“Naman! Kung sino man sa inyo maari po bang bigyan nyo ng sample si Myka para makabili na siya…Pwede po ba?!”

“Okay” nakangising tumango ang dalawa at sabay pang inilahad saken ang mga give aways…

Haiizzz Ang cute talaga ng Ryan ko..Peru mamaya na muna iyan..Tinignan ko iyung nasa kamay nila. Tama nga ako sa Shop iyun ng pinagtatrabahuan ni Syndi.

“Alam ko na kung saan iyan binili ni Syndi” I smile at them

“Ganun ba sige bumili ka pa ng maraming ganito Myka” inabutan ako ni Doc ng pera “Kung pwede sana ipabalot mo nalang”

“Sige po”

Diyan ka muna O Irog ko…babalik din ang ka Meant to be Mo

“Wait Myka!”

“Bakit Rain?”

Alam kung si Rain iyun dahil wala namang epekto saken ang isang ito. Kun baga iisa lang ang kilala ko kahit dalawa sila..Weird peru okay lang cute naman ako eh!

“Ako nalang ang bibili”

“Huh?”

Ngumiti naman ito ng nakakaloko

“Just give me the name of the shop and the address”

“Ang sabihin mo aking kapatid sinusumpong ka na naman ng iyung katamaran”

Binalingan nito ang kambal “Kanyan-kanyang Trip lang iyan Bud”

“Hindi ka talaga lumalaban ng patas eh!”

OO nga noh! Bakit ‘di nalang siya ang bumili para magka-oras namin kami ng Ryan my lubs ko. Okay lang naman siguro kay Syndi kung makikita niya ngayon ang pinaka-iinisan niyang tao sa balat ng lupa! Hihihihi…Di bale babawi nalang ako sa kanya.

“So will you?”

***

“Syndi ikaw na muna ang bahala sa Shop ha magkikita kasi kami ng kaibigan ko”

“Okay lang po ate Maria, ako na po bahala dito”

“O sige maiwan na kita..huwag mong hayaang may makapasok na masamang esperito sa aking tindihan”

“Opo ate”

“Sige Bye”

Natural na walang buhay talaga magsalita si ma’am Maria. Inborn na yata niya iyun eh. At medyo weird din kung minsan lalong-lalo na kapag nandito din ang isa pa nong kaibigan na si ate Kim. Naku, nagugulo ang ikot ng mundo ehehee..

Wala gaanong tao sa shop kasi maaga pa naman peru mamaya marami na iyan. Kaya heto ako nag-aarange-arrange lang dito sa counter. Malalaman ko naman iyun kapag may customer kapag tumunog iyung bell sa may pintuan.

Nahulog iyung paper kaya pinulot ko muna eksakto namang tumunog ang bell..Hindi naman siguro aalis iyun kung makikita niyang walang tao…Asar naman! Ang hirap abutin ng papel na iyun ha!

Wala na akung narinig…hindi naman siguro umalis iyun dahil ‘di ko naman narinig tumunog ang bell.

“May tao ba dito?”

“Malamang. Makakapasok ka ba kung wala” asar ‘di ko talaga maabot!

“Ganyan ba talaga kayo makitungo sa customer nyo?”

“Hindi ngayon lang” naman eh! Magpaabot ka naman…

“Nagpapatawa ka ba?”

“Hindi ka naman natawa diba?”

“Aissshh! Saan ka ba?”

 Edi hanapin mo…bwesit na papel iyun ah! Itinaas ko nalang iyung isa kung kamay

“Nandito ako sa counter kung may bibilhin ka dalhin mo nalang dito”

“Ano bang ginagawa mo diyan?”

  Hindi Karin matanong ano? Pasalamat ka customers always right!

“Lumalangoy gusto mong sumali?”

“Mamaya hihihi”

Aba’t may gana pa akung sakyan at tawanan..Astig din ito ah! Mamaya makikita din kita pagkatapos ko itong makuha..bwesit na papel!

“Bibili ka ba o tatayo lang diyan Mister” nakikita ko kasi ang mga paa niya mula sa ilalim ng counter

“Saan ba banda ang mga give aways nyo?”

“Hanapin mo sa left shelves meron diyan”

“Okay”

Pumunta narin ito…Kaasar ka papel pinahihirapan mo ko!! Teka bakit nga ba inaabot kita? Wala ka namang sulat ah…Ah bwesit! Bahala ka na nga diyan wawalisin na nalang kita mamaya pinahirapan mo ko wala ka naman palang kwenta.

Tumayo na ako..

O__O

“Hi Syndirella? Having fun down there?” at may gana pa akung nginitian ng multo!

“A-anong gingawa mo dito?”

“Alam mo na papansin ko lang” he tilted his head “palagi mo nalang akung tinatanong ng ganyan sa tuwing magkikita tayo? I suggest that you should change it?”

I crossed my arms over my chest “At ano naman?”

“Like.. OMG, ang gwapo mo naman Rain, pwedeng pa kiss” then he wink at me “Hihihi O diba mas di hamak na maganda iyun kaysa sa linya mong iyun”

“Ewww!! Kilabutan ka nga sa mga pinagsasabi mo Rain hindi iyan pangtao!”

“Actually, iyang mga salita mo ang hindi tao”

Hindi ko nalang siya pinansin…Wala naman din akung mapapala sayo eh!

“Anong kailangan mo?!”

“Cold treatment agad?”

“Anong kailangan mo?!”

“Ganyan ba talaga kayo tromatu ng customer?”

“Hindi ikaw lang”

“O sige na nga hindi na kita aasarin”

“Good choice” itinuro ko sa kanya ang hawak kung ballpen saka binalingan ang mga give aways na nilagay nito sa counter “Ito lang ba ang bibilhin mo?”

“Gusto mo dagdagan ko pa?”

“Sure, basta magbabayad ka” ngumiti ako…okay lang saken iyung bilhin niya lahat ng paninda dito sa pick-a pick-a basta ba may tamang bayad eh..

“Ukkie..bigyan mo ko ng pinakabago at magand nyong products”

“Sure iyun lang pala eh”

Sige bibigyan kita ng maraming-marami at magsawa ka! HAHAHAHA!! It’s time for revenge. Kumuha ako sa storage room, iyung kahon talaga ang inilapag ko sa harap niya pagkabalik ko.

“Iyan..” pinagpag ko iyung damit ko at mga palad sa alikabok “Mga bago iyan saka magaganda”

“Okay, I’ll buy them all…E sali mo na din itong malaking blue teddy bear” inilapag niya naman iyun

“Aanhin mo iyan?”

“Kakainin”

“He!”

“Hihihi…And yeah, sabi ni ma’am Mechelle kung pwede paki-balot isa-isa ang mga give aways” he give me a wicked smile

O__O

“You mean…isa-isa talaga?!”

“Yup! Isa-isa…at tiyaka lagyan mo narin ng magaganda ribbon pagkatapos mo diyan ilagay mo lahat iyung naibalot mo sa kahon para hindi na ako mahirapan sa pagdadala. And one more thing pwede pakidalian kasi kailangan ko na kasi iyan mamayang ten para sa foundation event ng school” tumingin ito sa lirong pambisig nito “So I’m giving you one hour and thirty minutes to finish them all”

“Hindi ka rin demanding?”

He grinned “Hindi naman nagmamadali lang ako..Enjoy”

 Bwesit ka talaga sa buhay ko Rain eh!

 Kung hindi ko lang talaga kailangan ng pera papatulan na talaga kita eh!!

Naman!! Sa dinami-dami ba namang tao na maging customer ko bakit siya pa? Lord, naman nagpapakabait naman ako bakit naman po ninyo ako pinapaapi sa Bwesit na ito!

“Hey!”

“Bakit?!!”

“Pwede ba magsimula ka na…TIME is GOLD! Chop..chop..chop..hihihi”

“He!!”

Chop-chopin ko iyang pagmumukha mo eh!! Bwesit!

***

“Myka at Ryan…tama ba? Ikaw si Ryan diba?”

“Opo, ako nga po si Ryan? Bakit po? Kilala po ba kita?”

“Itong batang ito oh! Huwag ka ngang magbiro” natatawang saway ni ma’am Mechelle samin “Kailangan ko ang tulong nyo”

“Hindi po ba kami tumutulong?”

“Well, malaki na nga ang naitulong nyo sa amin Ryan eh…kaso nagkasakit kasi ang dapat host ng event na para sa mga bata”

“At naisip nyong pwede po kaming substitute ni Ryan?” sansala ko kay ma’am

“Parang ganun na nga…pwede ba?”

“Hmm…Okay lang saken” sagot agad ni Ryan

“Sige ma’am…game ako diyan? Ano po ba ang gagawin namin?”

After 77 years...

“Clown?!!”

Sa ganda  kung ito gagawin lang akung clown?!! HINDI AKO MAKAKAPAYAG DUN!! Ah..waaaaa….bakit?!!!

“Wow ang daming mga bata?!”

Parang pinagsakluban ang buhay ko samantalang si Ryan naman mukhang tuwang-tuwa pa.. Should I be happy too?

 Myka1: sympre masaya ang kinabukasan mo diba? Kung saan siya masaya doon ka din magiging masaya kaya kaya mo iyan…Pak!

 Myka2: isipin mo nalang na kasal na kayo at ito lahat ang mga anak nyo hihihihi

 Myself: Ang rami ko naman yatang anak Myka2?”

  Myka2: Syempre the more the merrier! PAK!! PAK!!

  Myka1: AJA!!

Sige na nga dahil naging masunurin na rin ang aking konsensiya…Magiging masaya nalang ako…No!! Magiging Happy ako!! Dahil ang Ryan ko ay masaya!! Bongga! 

“Ang daming bata noh?” may ngiting baling saken ni Ryan…Oh my gosh!! Nginitian niya ako!! I’m in heaven “Okay ka lang ba?”

“Ah…ah…Okay lang ako” basta ba ikaw ang kasama ko eh…

“Alam mo cute ka” talaga? “kaso minsan na we-weirduhan ako sayo” then he smile…

 “Okay lang saken iyun as long as you find me cute…”

“May sinabi ka?!”

“Ah w-wala…sabi ko tama ka maraming bata hihihi”

“Na sabi ko ba sayo na bagay sayo ang suot mo?”

“Ah…hindi pa?”

“Well, bagay pala sayo ang maging payaso lalo kang nagiging cute hihii…pa-picture tayo mamaya ha remembrance lang”

OMG!!! Makmukha na akung payaso at ano pa mapansin mo lang ako O Ryan ko tatanggapin ko ang lahat ng kapintasan sa mundo!! Wooo!! Picture! Picture!

“Yeah sure” kung gusto mo e ipapaframe ko pa ahahahah…Ang ganda ko!

***

Gosh!! Nakakapagod ang araw na ito!! Unang-una na ang pinagawa saken ng Rain na iyun! Nakakainis!! Na tapos ko na nga…bumalik na naman kaninang hapon kasi nagkulang pa daw!! Argggghhh!!! Sinasadya niya talaga eh!! Bwesit!!

“Ingat ka sa pag-uwi mo Syndi”

“Sige po, kayo din ate” ngumiti lang ako sa kanya

“Sige mauna na ako”

“Sige po”

Kinuha ko na rin ang bike ko na nakapark sa tabi ng shop.

“Uuwi ka na ba?” 

“Ikaw na naman? Hindi mo ba ako tatantanan ha?! Umuwi ka na nga sarado na kami” inalis ko na ang lock ng bisikleta ko.

“At least binago mo na ang linya mo ehehee”

“Umalis ka na nga!”

“Ihahatid na kita”

 “Kaya kung umuwi mag-isa!”

 At ano na naman kaya ang trip nito saken? Pauwi na nga ako eh ginugulo mo pa ako!

“Bakit nagtatrabaho ka?”

“Pakialam mo ba?!” lumakad nalang ako habang hila-hila ang bike ko…peru sinundan parin ako

“You’re not allowed to work bata ka pa..You’re just 16, at pinagbabawal iyun ng school, bakit ginagawa mo parin iyun?”

Doon na ako nahinto…Crap! Bakit ‘di ko naisip iyun? Tiyak isusumbong ako nito! Aissh!!

Tumingin ako sa kanya “Look, I need this job at hindi ako makikipag-away sayo dahil lang dito. Hindi mo alam kung bakit kailangan ko ang trabahong ito”

“Alam ko dahil mahirap ka”

Ouch! “Well, given na iyan..okay, mahirap na kung mahirap…”

“Bakit hindi ba nagtatrabaho ang mga magulang mo? That’s their job”

“Hindi mo na kailangang alamin ang buong storya ng pagkatao ko, okay”

“But I want to know…masama ba iyun?”

“Hindi Karin makulit ano? Aisshh!!..Okay Fine, ano bang kailangan mo?”

“Now we’re talking” ngumisi lang ito

Tama nga ako may kailangan talaga ito saken…Tsk! Kapag minalas ka nga talaga oh.. malaman ko lang kung sino ang nagsabi sa lugar na ito ipapalapa ko talaga sa mga bulldog!

“Sabihin mo na kung ano ang gusto mo”

“Okay, but first I want you to take this” may inilabas ito mula sa likod 

 ( O___O ) Ito iyung malaking teddy bear na binili niya kanina…B-bakit?

“Para saan ito?”

“Tanggapin mo nalang pwede”

“Galit?”

“Ehehee…hindi” inabot nito ang isa kung kamay at pilit nitong pinayakap saken ang teddy bear..hindi naman halatang pinahihirapan niya ako sa posisyon kung ito? Ang bigat kaya ng bike..Haler!

“Bakit mo ko binibigyan nito?”

“Wala lang…galit kasi ako sa pera ngayon eehhee…medyo kamukha mo rin kasi iyan eh”

“Yeah right! Kamukha ko na pala ang pamilya ng Care Bears?”

“Well, malapit na”

“Ha-Ha-Ha Funny”

“Bye” saka naman ako tinalikuran…Hala!! Anong nakain nun!!

“Hoi! Akala ko ba may gusto ka saken?” Tama ba ang sentence ko?

Huminto ito saka malapad na nginitian ako

“I DO LIKE YOU”

Yeah Right…hindi nga tama ang sentence ko!

“Hindi iyan ang gusto kung sabihin—I mean…”

“Bukas ko nalang sasabihin tintamad na ako eh…Bye!” kumaway nalang ito “Ingat ka sa pag-uwi alagaan mo rin iyang si Raindy ha?”

“Sinong Raindy?”

“Iyang hawak mo ehehe..Ang cute niya diba gaya ko”

“Raindy? Raindy ang pangalan nito?”

“OO, bininyagan ko na kanina…combination ng pangalan natin..Oh diba ang cute gaya ko”

“He!! Sumisigway ka talaga eh!”

“ehehhe…Sige na Bye!” saka ako tinalikuran

Natawa tuloy ako…Raindy? Anong klaseng pangalan ang ibinigay niya dito? Katunog ng Candy ahahahah…SIRA talaga!! Anyway cute naman eh…kagaya ng nagbigay…Aissshh!! Baliw ka na Syndi…Umuwi ka na nga!!

Opo..uuwi na..halika ka na nga Raindy at baka maabutan pa tayo ng Rain ahaha.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro