Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

49. I Can't Live Without Her (Repost)

NOTE: Ang susunod na mga kabanata ay repost chapters for the convenience of those who cannot view the private chapters despite all the troubleshoots. To those who can view the private chaps you can just ignore, skip at baliwalain 'to gaya ng ginagawa ng crush sa inyo. Huwag ma stress mababasa n'yo rin 'to ng buo dahil mahal ko kayo. Ako ang mag-a-adjust haha. If only, alam kung 'di na mababalik ang private chaps to public 'di sana 'di ko na ginawa diba. Nasa huli din ang pagsisi. You don't need to follow me anymore, you can read it na for free. Thanks.




RYAN

"E handa ang emergency room!"

"Call Doctor Chua!"

Pls Myka don't leave me... I hold her hand and silently prayed habang sinusugod siya sa emergency room, duguan at wala ng lakas. I just can't see her like this, it's so painful. I wished I could switch with her right now. Sana ako nalang...

"Myka pls," dinala ko ang duguan niyang kamay sa pisngi ko "Pls fight... for me"

Huwag mo kong iwan...

"R-Ryan..."

"Myka I love you, please remember that..."

Isang nurse ang pumigil saken "Doc, hindi po kayo pwedeng pumasok sa loob." Ayoko sanang iwan si Myka peru dahil Pedia Doctor ako hindi ako pwedeng mangialam. Shit! Why can't I do something for her?

Binitiwan ko ang kamay niya. I saw Doc Chua, hinawakan ko ang magkabilang braso nito "Pls save her Andrew. Nagmamakaawa ako sayo... pls" kung kailangan kong lumuhod sa harap niya gagawin ko yun. I don't want to lose her.

Hinawakan niya ang isa kong kamay "I'll try my best Ryan" saka nagmamadaling pumasok sa emergency room. Napahawak naman ako sa ulo ko. Hindi talaga ako mapalagay, not now, bakit ba kasi wala akong magawa? This is crazy!

Lumipas ang oras na wala paring lumalabas sa emergency room. Lalo lang tuloy akong natatakot... shit! It's freakin killing me?! Bakit ba ang tagal nila? Okay lang ba si Myka?

I keep on pacing around, paulit-ulit "Pls, let her be okay..."

"Ryan!" humahangos na dumating sila Syndi, Rain at Karyl "Kumusta si Myka?" naiiyak na tanong agad ni Syndi. Rain hugged her to calm her. "Okay lang ba siya?"

"Ang pinsan ko..." naiiyak naman na natutop ni Karyl ang bibig "Bakit nangyari sa pinsan ko ito?"

"How is she?!"

"I don't know?" parang nawawalan na din ako ng pag-asa "Ako itong doctor peru wala akong magawa? I'm worthless!"

"Don't say that Ryan!" Rain said sternly "Hindi mo naman kasalanan ang lahat... nagkataon lang na hindi mo specialty ang case ni Myka, so well you please calm down. Hindi makakatulong sa situation ang ginagawa mo."

"How can I calm down Rain?" I'm hopeless bakit kasi di ko pa sinabi ang lahat?! "I don't have any idea what is happening inside that room?! Paano kung... what if she give up? Paano kung di siya lumaban?" maisip ko palang yun parang mababaliw na ako! "I just can't stand here... waiting..."

"Let's pray," napatingin ako kay Syndi "Let's pray for her"

Without saying anthing I turned my back at them. Patakbo na tinungo ko ang chapel. Bakit ngayon ko lang ito naisip? Kaya siguro ako pinaparusahan ng ganito dahil matagal-tagal na rin akong hindi lumalapit sa Kanya.

Hinihingal na napatigil ako sa harap ng chapel saka tahimik na lumakad sa gitna. I looked at the Christ crucifix at the center of the altar. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang lahat... paano ako makikiusap sa Kanya.

Pinili kong lumuhod sa unahan. I bowed my head and clasped my hand infront. Doon na nagsimulang bumuhos ang lahat-lahat. I've never shed a tear like this before, never. Sobrang sakit ng dibdib ko at para bang may kung anong bumara sa lalamunan ko.

Myka's face flashed in my mind...

Ibinuka ko ang mga mata ko at inangat ang tingin sa imahe Niya.

"Alam kong matagal-tagal na rin akong hindi lumalapit sa Inyo. Siguro masamang-masama na ang loob Mo saken. B-But... I think... I need You Now. I-Ikaw nalang ang... ang pag-asa ko." Patuloy ang pagdaloy ng mga luhang napayuko ako "Pls... Pls save her. I-I just loved her... at alam kong madami akong pinalagpas na panahon para maipaalam sa kanya ang totoong nararamdaman ko para sa kanya. Nasaktan ko siya, pinaiyak... pinaasa... alam kong naging maramot ako sa kanya."

"N-Natakot lang kasi ako... natakot akong baka di naman pala totoo ang nararamdaman niya para saken, that soon she'll realized that I was a big mistake at iiwan niya ako. H-Hindi ko kaya yun... at ngayon binigyan Mo ko ng isang pagkakataon na makasama siya... Sinayang....Sinayang ko na naman. Masyado akong naging kampante... inisip kong di siya ma-mawawala saken. Inisip kong... ka-kaya niya pa akong hintayin."

"I-I just don't know what to do now. Hindi ko alam kung kaya ko bang mabuhay kung kukunin Nyo siya saken. Kung... iisipin nyong hindi ako karapatdapat mahalin... o maging masaya man lang. Maiintindihan ko yun dahil alam ko ang mga pagkakamali ko. Peru sana huwag Nyo namang kunin siya saken... Hi-Hindi ko kaya... di ko na yata kayang ipagpatuloy ang buhay ko kung kukunin Nyo siya saken."

Nagmamakaawa ako Sayo...

Pls don't take her away

I love her...

"Alam kong sobra na kung hihilingin ko sa inyo ang isa pang pagkakataon. Peru marami ang nagsasabing di Mo kayang pabayaan ang mga anak Mo. Hanggat sa kaya Mo tinutulungan mo sila sa mga pasanin nila sa buhay. Sobra-sobra na ang naibigay Mo saken... pls... for the last time... give me another chance to be with her. I'll asure you na sa pagkakataon na ito di ko na siya ulit paiiyakin at sasaktan."

Just save her Lord.

"Ryan si Myka?!"

SYNDI

May luhang hinawakan ko ang kamay ni Myka. Isa-isa na muna ang pwedeng pumasok sa ICU. Hindi ko maiwasang mapaluha sa tuwing napapatingin ako sa mukha niya habang di parin ito gumigising. Sabi ng doctor comatose si Myka at di pa alam kung kailan ito magagasing. Bukod sa mga sugat sa katawan ay wala naman ng ibang natamo ito.

"Alam mo sobrang daya mo talaga!" naiiyak na sermonan ko siya "Ngayon na nga lang tayo nagkita tinulugan mo pa ako. Asar ka talagang babae ka eh. Alam mo yun?" hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya "Sobrang miss na miss na kita fret. Kaya gumising ka na riyan at madami ka pang iku-kwento saken. Baka akala mong di ako naku-curious sa status nyong dalawa ni Ryan?"

Ano ba yan Syndi tulog na nga si Myka iniintriga mo parin?

"Kaya gising ka na diyan! Gumising ka na ha..." dinala ko sa pisngi ang kamay niya "Kasi sabik na sabik na akong yakapin ka at sabunutan... joke lang yun ha. Peru sana lumaban ka kasi maraming naghihintay sayo... isa na yung crush mo since birth. Hindi na yata kaya ng isang yun ang mabuhay ng wala ka. Kaya gumising ka na diyan at suklayin na natin yang mahaba mo ng buhok."

Tinitigan ko si Myka at di ko na naman mapigilan ang maiyak.

Hindi lang din naman si Ryan ang takot mawala si Myka. Ako din, takot akong mawala siya. Hindi ko din kakayanin yun. Parang yung biglang nawala si Papa, parang may nawala sa pagkatao mo? Kasi ganun din naman si Myka para saken. Kahit na nagkahiwalay kami ay di naman siya nawala sa puso ko. She will always be my bestfriend.

Sa dami ng pinagsamahan namin at sayang pinagsaluhan masasabi kong isa yun sa mga bagay na di ko kailanman kakalimutan. Yun yung mga moments na di mo ipagpapalit sa ano mang bagay dito sa mundo. Hindi lahat maswerteng nakakatagpo ng isang kaibigan na katulad niya. Naniniwala akong hindi si Ryan ang rason kung bakit mas pinili niyang iwan ako. Alam ko yun... yun ang sinasabi ng puso ko.

Oo at masyado siyang unfair peru sino ba naman ako para husgaan siya? Tao lang din naman ako, nagmamahal at nasasaktan rin. Nakakagawa din naman ako ng mga bagay na nakakasakit ng ibang tao? Ang tangi kong magagawa para sa kanya ay unawain siya at hintayin ang araw na mauunawaan nito ang lahat. Ang kaibigan kasi nagpapasensiya at patuloy na minamahal ang kaibigan sa kabila ng lahat.

"Kaya Myka huwag mong isipin na galit ako sayo," I smiled "Kasi di naman nangyari yun. Alam mo kung bakit? Kasi mahal kita... mahal na mahal na mahal kita. Alam kong naririnig mo ko ngayon... yan ha, sinabi ko na sayo. Kaya magpagaling ka at kapag okay na gumising ka na."

Andito lang kami para sayo...

RAIN

Mag-iisang linggo na peru hindi parin nagigising si Myka. At sa araw-araw na yun walang palya na dinadalaw ni Ryan si Myka. Dindalhan ng mga bulaklak at kinakausap mag-isa. Hindi ko maiwasang mapangiti sa nakikita kong pagtitiyaga niya para kay Myka.

Ngayon ko lang siya nakitang gumagawa ng mga bagay na iyun para sa isang tao. Mahal na mahal talaga nito si Myka. Sana lang magising na si Myka para naman maging masaya na ang kambal ko. Aba't hindi din naman madaling makita ang kambal mong malungkot at tulala sa isang tabi. Kahit na palagi kaming nag-aaway ng isang yun makadugtong parin ang pusod naming dalawa. Kung anong nararamdaman ngayon ni Ryan yun din ang nararamdaman ko.

Malungkot...

"Kukuha na muna ako ng maiinum Myka ha, babalik din ako. Basta yung sinabi ko sayo... tiwala lang, kapag gising ka na uulitin ko yung sinabi ko sayo hanggang sa magsawa ka."

Nang tumayo si Ryan ay mahinang isinirado ko ang pinto at sumandal sa pader. Mahirap nang makita ako ng isang yun na sinisilip ang moments nilang dalawa. Umakto akong parang naghihintay lang sa kanya. Sakto namang bumukas ang pinto.

"Oh Rain?!" nagulat ito, ngumiti naman ako "Kanina ka pa ba diyan?"

"Hindi naman masyado. Hmm.. do you have time?"

Bigla namang nagbago ang expression ng mukha nito "Aawayin mo na naman ba ako dahil sa kwentas?"

"Hindi,gusto ko lang makausap ang kambal ko. Hindi ba pwede yun?"

"Sa bagay," nauna na itong maglakad saken "C'mon let's talk"

***

"Na miss ko din itong mga ganitong moments natin?" May ngiting binalingan ko si Ryan. Naisipan naming tumambay muna sa rooftop ng ospital. "Simula nang magdesisyon akong lumayo at pumunta sa Italy hindi na naulit ang dating ginagawa natin noon." I sighed as I tried to remember those times na masaya kaming nag-iisip ng mga kalokohan. Nakaka-miss din naman pala ang pagiging bata.

"It was your decision anyway," Napatingin ako kay Ryan while he was looking straight "Inisip ko noon na galit ka saken dahil sinira ko ang plano mo. Kaya hinayaan kitang hanapin mo muna ang sarili mo," then he looked at me "At maisip mong bumalik ulit... na maibabalik natin lahat kung ano man ang meron tayo noon."

"Bakit di mo ko pinigilan noon?"

"Kapag ginawa ko ba yun noon makikinig ka?"

I shrugged at ibinalik ang tingin sa malayo. "Hindi din siguro, nasaktan din naman kasi ako. Alam kong may mali akong nagawa. Hindi lang si Syndi at Myka ang nasaktan... pati ikaw din. Sobrang kitid kasi ng utak ko noon. Ang mahalaga lang saken ay ang nararamdaman ko."

"Akala ko di mo na yun mapapansin?"

"Hahaha, I've grown up. Marami na din akong natutunan sa buhay. Isa sa mga natutunan ko ay huwag ng maging gago at maghintay. Sanay ako na nakukuha ang lahat peru naisip ko hindi naman lahat ng bagay pwedeng kung makuha. Minsan, kailangan mong maghintay at tanggapin ang mga bagay-bagay."

Nang saktan ko si Syndi at magpagtantung mahal ko siya doon ko natutunang maghintay. Naghintay ako ng tamang pagkakataon at nag-ipon ng lakas ng loob para kapag dumating ang araw na magkita kami ulit handa kong harapin ang lahat ng galit niya at tiisin yun ng hindi nagre-reklamo. Yun talaga yata ang nagagawa ng pagmamahal?

"I've learned my lesson before," simula ko agad "Second chances are not for everyone. Kung nabigyan ka dapat umayos ka na."

"Masaya ako para sa inyo ni Syndi." Ngumiti si Ryan "Noon paman alam kong di naman yun nawala sa kanya. Alam ko yun dahil sa tuwing binabanggit ko ang pangalan mo ay natitigalan siya. Laging napapa-isip at natutulala. Ang laki mong gago di ka parin nalimut ng puso niya."

"Ano ka? noon lang yun, ngayon di na. Tuwid na tuwid na ako ngayon."

"Talaga lang ha?"

"Oo nga," I chuckled "Ito talaga taong ito." Napailing nalang ako "Masarap magmahal Ryan lalo na't alam nyong mahal nyo ang isa't isa. Ngayon ko lang lubos na naiintindihan kung bakit mahal na mahal nila mama at papa ang isa't isa. Kinikilabutan pa nga ako sa tuwing nakikita ko silang naglalambingan. Wew! Di ko aakalaing aabot ako punto na magiging kasing korney ako ng Papa ko."

"Sana maranasan ko din ang mga yun?" Ryan sighed. "Shit! What was that for?" sobrang sama na ng tingin saken para isang batok lang eh.

"Huwag ka ngang mag-drama di ako sanay. Sanay ako sa Ryan na makulit, arogante, pilosopo at madaldal. Di ko gusto ang tahimik na emo version mo. Kaya tigilan mo na yan."

"Hindi ko na yata maibabalik- shit! Ano ba naman yan Rain!" babatukan kita hanggang kaya ko kung di ka pa tumigil sa ka-emohan mo. Aish! "Nakakarami ka na ah." Asar na inayos nito ang buhok.

"Huwag ka kasing emo!"

"Hindi ako emo!"

"E bakit kung makapagsalita ka diyan parang katapusan na ng mundo bukas?"

"Kaya mo bang maging masaya kong ang taong mahal mo di parin nagigising? As much as I wanted to feel okay hindi ko parin maiwasang matakot... matakot na pwede siyang mawala sa buhay ko."

"She's a fighter Rai,"

"I know"

"Then believe, gigising din siya."

"I hope"

"She will"

"I just loved her, you know. Alam kong alam mo ang nararamdaman ko ngayon Rain." He tried to smile "But thanks for lifting me up. I badly needed that one." He tapped my shoulder "Thanks Bro"

"Hindi lang ikaw ang nagmamahal sa ating dalawa. What can I say, kambal talaga tayo. Sabay pa tayong nagmahal, parehong naging gago, naghintay at nabigyan pa ng second chance –"

"Hopefully another chance,"

"Yah, tama, alam mo ang napansin ko?"

"Ano?"

"We are both given second chances. How lucky can we get ha?"

"God must have been loved us?"

"Namana yata natin ang luck ni Mama?"

"Bakit mo naman na sabi?"

"Alam naman natin na si Papa ang sobrang nagmahal kay Mama kaya lang maraming pinalagpas na pagkakataon si Mama na harapin ang totoong nararamdaman niya para kay Papa. Yun din ang gustong iparating sayo ni Mama, sa ating dalawa. Dapat maging totoo sa nararamdaman."

"Hmmm..."

"Alam mo naisip ko Rai?"

"Ano yun?"

"Na ang taong nagiging tapat sa nararamdaman niya at marunong magmamahal nabibigyan ng maraming chances. Chance na magmahal, chance na mahalin at chance na mapatawad. Ngayong natutunan na natin yun sigurado akong mabibigyan ka pa Niya ng isa pang pagkakataon para sa inyong dalawa."

"At sisiguraduhin kong di na ako papalpak pa."

"Yan! Yan ang fighting spirits ng mga gwapo! Matayoog! Haha, okay ba?"

"Okay na okay hahaha"

"Edi masaya tayong lahat!"

"About the keys-"

"Okay na yun, tama si Papa hindi ko dapat pinalaki ang issue na yun. No Big Deal na saken yun dahil malaki ang tiwala ko kay Syndi. Alam kong mahal niya ko."

"Mahal na mahal ka talaga nun," napangiti kami sa isa't isa "Gago ka na nga ang swerte mo pa."

"Hahaha, oo nga eh." Umayos ako ng upo at nag-indian position sa tabi ni Ryan "Teka, ma tanong ko lang kailan mo nagustuhan si Myka?" wala talaga akong alam sa isang ito.

"Matagal na... high school pa tayo."

"Noon pa?! E bakit wala ka namang sinabi saken noon?"

"Kailangan ko ba talagang e-share?"

"E kung gusto mo na talaga siya noon bakit di mo niligawan agad?"

"Kung niligawan ko ba siya agad makikilala mo kaya ang Syndi mo? Tsk, Dapat pa nga magpasalamat kang di ako vocal sa nararamdaman ko dahil di mo maiisip ang truce na yun. Di mo makikilala ng lubosan si Syndi."

"Oo nga noh! Dapat yata magpasalamat ako sayo haha"

"Dapat lang dahil malaki ang naiambag ko sa love life mo."

"Hahaha, malaki naman din ang naiambag ko sayo ah. Hindi mo ba naaalala noong nalaman mong gusto ko si Myka? Na threatened ka saken... aminin mo?"

"Hindi ako na threatened sayo dahil pareho lang tayo ng mukha."

"Hahaha... kahit na"

"FINE! A bit... konti lang siguro haha"

"Nakakatawa ano... sa sobrang rami ng mga kalokohan natin noon dito lang pala tayo tataub sa love department. Nakakalokong isipin hehe."

"Hindi naman talaga madaling magmahal, it takes a lot of courage."

"And a heart..."

We both looked at each other and laughed. Hindi ko talaga aakalain na makakausap ko ng matino ng ganito ang kambal kong si Ryan. Okay lang palang maging matino paminsan-minsan haha.

"Welcome to STLN bro," sabi pa niya bago tumawa ng malakas "Remember, sinabi ko sayo kapag na inlove ka kay Syndi tatawanan kita? Hahaha."

"Darn, you still remember it?"

"Matalino ako eh"

"Yah right, tumawa ka lang hanggang sa magsawa ka di na ako maiinis kasi totoo naman."

"Ang korney mo tol!"

"Hahaha, ewan ko sayo! Parang di ka din premium member ng STLN Club?"

"Tagalagang premium?"

"Syempre baguhan ka pa... ako gold member na ako haha."

"Ewaan ko sayo haha"

"Samahan ng mga Taong Lubos na Nagmamahal?"

"Ikaw ang President Rain at ako ang Vice mo hahaha"

"ULOL!"

"Hahaha..."

RYAN

"Ahhh...R-Ryaan?"

Bigla nalang akong nagising... para kasing may tumawag sa pangalan ko? Dumilat ako at di ko lubos akalain ang makikita ko... parang biglang huminto ang tibok ng puso ko. She's awake! Thank Goodness she's awake now. Darn! Sobrang saya ko lang! Di ko na alam ang sasabihin ko.

"M-Myka?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro