47. I Wish For Your Happines
47. I Wish For Your Happines
SYNDI
“Mahal may lakad ka pala?” nagtaka naman ako nang makitang bihis na bihis si Rain. “Hindi ka man lang nagsabi saken.”
“Biglaan eh,” napansin kong hindi pa nakabutones yung sa harap ng polo niya kaya lumapit ako sa kanya at ibinutones ko yun para sa kanya. “Wow naman! Ang sweet lang ng mahal ko ah.”
“Hmmp! Kumain ka nalang muna ng breakfast bago ka umalis.” Hinila ko na siya sa hapag at pinaupo sa isang silya. Hayun, alagang-alaga ko ang Ulan ko. Ako pa talaga ang naglagay ng kanin at ulam sa plato niya. “Gusto mo ba ng kape?”
“Nope, kiss nalang” then he pouted his lips na parang bata. Para talagang sira ang isang ito. “Oh bakit nakatayo ka lang diyan?”
“Oh hayan mag-tubig ka nalang at mukhang na sobrahan ka na yata sa caffeine.”
“Ito naman KJ…”
“Para ka talagang bata, so saan ka nga pala pupunta ngayon?”
“Aasikasuhin ko yung mga remaining details doon sa exhibit ko. Alam mo namang ilang linggo ko din yung hindi na asikaso. Next month na din yung exhibit kaya kailangan ko ng matapos ang dapat matagal ko ng tinapos.”
“Hmm… nagtataka lang ako kung bakit di pa kita nakikitang magpinta?”
“It’s because I’m on my vacation.”
“Ha? How come? Ano naman ang ipange-exhibit mo?”
“I got it all covered noong nasa Europe pa ako. E a-add ko nalang yung ibang paintings na nagawa ko dito sa Pilipinas, nasa painting preservation yun ngayon. Matagal-tagal na din kasi yung iba.”
“Ahh… kasali ba dun yung gusto ni lola?”
“Yup, oh, and speaking of Lola Nissa why don’t you invite her nalang sa exhibit ko next month. Baka may iba pa siyang magustuhan bukod sa painting na yun.
“Not a bad idea sige tatawagan ko si Lola mamaya… hmm, bakit di nalang din kasama sila mama at si Aki para naman masabihan narin natin sila sa plano natin?”
“Hmm.. sige, sige…”
Miss ko na rin sila mama at Aki. Hmm… Excited na tuloy akong makita sila.
“Oh nga pala, dito ka lang ba sa bahay Mahal?”
“Ah di siguro… may bibilhin ako sa mall mamaya”
“Ganun ba… sige kita nalang tayo mamaya.”
***
“You seemed to be happy Syndi?”
Nagkita kami ni Ryan sa Mall na miss ko na rin kasi itong bestfriend kong Abnoy. Makikibalita na rin ako sa love life ng isang ito at naglilihim na naman saken. Sabagay wala naman talaga akong napiga sa isang ito. And yeah, my future brother-in-law Ryan hehehe… shock ito mamaya.
Nginitian ko siya ng sobrang tamis.
“You’ve gotta share that to me, so ano na?”
“Anong ano na?”
“Bukod sa Coke ano pang source of happiness mo?” he was grinning from ear to ear. Alam kong mukhang alam na din nito ang source. “Pwede ko bang hulaan?”
“Ikaw bahala?”
“You’re in love, so tell me, kayo na ba ng kambal ko?”
“Hmmm… well,” I nodded “yeah… and you’re going to be my brother-in-law soon!” I stick my tongue on him. He was taken aback, sabi na eh, magugulat ang unggoy na ito.
“No way! I mean… seriously, flashforward lang kayong dalawa?” he leaned on his seat “Sabagay, matagal na rin naman ang love story nyo, bale continuation lang ang sa ngayon. I’m happy for you Syndi.”
“Thanks! Even I, di parin ako makapaniwala. Alam mo yun?” I sighed dreamily “It feels like… hindi ko mae-explain. Sobrang saya ko lang talaga kasi natagpuan ko na yung lalaki para saken.”
“Sabi ko naman sayo diba? Naglayas ka pa talaga sa Japan dito lang pala kayo magkikita sa Pilipinas. Kayong dalawa ni Rain aksaya nyo ng pamasahe sa eroplano ha.” But I can see it in his eyes na masaya siya para sa aming dalawa ni Rain. “So kailan naman ang kasal?”
“I don’t know?” I shrugged “Hindi pa namin napag-uusapan ni Rain. Siguro kapag nasabi na namin sa pamilya namin saka kami magpa-plano.”
“May manhikan bang mangyayari?” he sort of teasing me. Ano yun? Ang cute kaya kapag namanhikan ang lalaki sa babae. I do prefer the traditional way parin. “Kasi kung meron mag-aarkila na akong barong in advance haha.”
“Baliw ka talaga! Peru kapag na manhikan siguraduhin mong magbabarong ka talaga kundi masasapak kitang doctor ka! Hehehe..”
“Jeez.. sana pala di ko na yun sinabi sayo, tsk.”
“Nga pala, yung sinabi mong the one… ano ng nangyari sa inyo?”
Curious lang talaga ako. Peru parang nasasaktan din ako… Ewan ko ba, bigla ko nalang naalala si Myka. E kasi naman walang humpay kung e-kwento niya saken ang buhay niya kasama ni Ryan. Yung imagination niyang perfect family with him. Para bang nasayangan ako bigla… BIAS na yata ako dahil gusto ko si Myka lang ang mamahalin ni Ryan.
Peru ano nga ba ang magagawa ko? Wala naman din akong balita sa kanya. Kumusta na kaya siya ngayon? I really missed her.
“Hey, you’re spacing out Syndi.”
“Oh, sorry… saan na nga ba tayo?”
“Nasa planet Earth kakalanding lang ng spaceship natin”
“Hmmp!” itong taong ito talaga kahit kailan dakilang bara “So ano na nga, anong balita sa the one mo?”
“I’m courting her now”
“W-Wow! Flashforward din ah… no wonder, kambal talaga kayo ni Rain. Sinagot ka na ba?”
“I have a feeling na malapit na..” yung pagkakasabi nun parang di sure “I guess?” di nga sure.
“Mag-effort ka kasi baka dinadaan mo lang yan sa abs at kakisigan ha”
“Hahaha, bakit di ko yun naisip?”
“Ikaw talaga puro ka kaluhukan! Hehehe… magtino ka na”
“Matagal na akong matino… at saka ayaw ko naman siyang biglain, alam mo na, take is slow hehe”
“Wow ha! Big Word… take it slow.. kasing kupad ng pagong?”
“I’d go for rabbit hahaha”
“Ewaan ko sayo!”
Napatingin naman si Ryan sa kamay ko.
“Ang bracelet ko ba?” yun yung ibinigay niya noon “As you can see suot ko na siya. Sabi mo saken noon na suotin ko lang ito kapag handa ko na siyang mahalin ulit. Sinuot ko na kasi handa ko na siya mahalin habang buhay.”
He chuckled “Korney mo ha, yan na ba ang naiidudulot ng wagas na pag-ibig?”
“Inggit ka lang!”
“Talaga lang ha?!”
Peru bakit may napansin akong ibang expression niya kanina. Para bang may iniisip na iba si Ryan. Ano naman kaya yun? Di kaya imagination ko lang yun?
“Anyways, nakita na ba ni Rain na suot mo yan?”
“Hmm.. yeah… nakita na niya ito, bakit mo naman na tanong?”
“Wala lang?” parang may iba talaga eh “Wala ba siyang nabanggit sayo na kung ano?”
“Wala naman..”
“I presume di mo pa nahahanap ang kapares na susi niyan?”
“Wala naman din akong pakialam doon Rai, saka nangako ako kay Rain. Hindi na mahalaga saken kung sino man ang may hawak nun kasi may Ulan na ako.” ngumiti ako sa kanya “Hindi ko ipagpapalit ang mahal ko dahil lang siya ang may hawak nung susi.”
Peru ano namang connection nun? Ang weird.
“Good, dapat lang.. coz Rain is the only man for you.”
“Naks! Sinasabi mo ba yan dahil kambal kayo ni Rain?”
“Nope, sinasabi ko yun sayo dahil yun yung totoo.”
RAIN
“Bilhan ko kaya ng flowers si Syndi?” sounds like a good idea “Para naman maisip niyang sweet talaga ako” naman! Nae-excite na tuloy ako umuwi.
Papasok na sana ako sa isang flower shop ng may makita akong pamilyar na babae. Si Myka ba yun? Bakit nakatayo lang siya sa harap ng isang coffee shop? Mamaya na nga lang ako bibili. Kaya nilapitan ko siya at nang nasa likod na ako..
“Myk—“
Shit! Anong ginagawa ni Ryan at Syndi? They look happy together... tahimik na tinignan ko sila sa malayo. Bigla akong kinabahan nang itaas ni Syndi yung kamay at ipinakita kay Ryan ang bracelet. My fist tightened. Sigurado akong alam na ni Ryan na hindi ako ang nakakuha ng susi.
Is he making a move now?!
No! Hindi pwede yun! Di ko hahayaang makuha ni Ryan saken si Syndi. Bigla ay naramdaman kong may kung anong bumangga sa dibdib ko.
“Oh I’m sorry – Rain?!”
Nabaling ang attention ko kay Myka. She has tears in her eyes. Kung ganun, si Ryan parin pala ang mahal niya hanggang ngayon.
“Can we talk?”
“S-Sure”
MYKA
Rai 2luy parin ba ang date nten later? – Myka
Sori Myks may imprtnte ksi aqng lkad later biglaan lang nxt tym mybe? –Ryan
Ok – Myka
Thanks Myks - Ryan
Hindi ko mapigilang maiyak. Tama nga si Karing di ko alam ang totoong feelings ni Ryan para saken. Siguro kaya niya ako nililigawan para kalimutan si Syndi. Peru bakit di nalang niya yun sabihin saken? Ngayong bumalik na si Syndi sa buhay niya… isa nalang akong panakip butas sa puso niya.
Kaya ko pa kayang ipiglaban ang pagmamahal ko kay Ryan?
“Tama na Myka,” huwag mo na silang tignan masasaktan ka lang. Ang sakit lang talaga! Bakit lagi ko nalang nararamdaman ang sakit na ito? Bakit di ako nagiging masaya? Mabuti pang umalis na ako.
“Oh I’m sorry – Rain?!”
Nagulat ako nang makita si Rain sa harap ko. Nakatingin siya sa Café bago ko makuha ang attention niya. He was serious now. Kanina pa kaya siya nakamasid sa kanila?
“Can we talk?”
“S-Sure?”
Lumabas kami ng Mall at pumunta sa malapit na park. No one said a word first, pareho lang kaming tahimik habang nakaupo sa bench.
“Are you okay Rain?” basag ko.
“Yah, may iniisip lang ako,” he smiled at me “Kailan ka pa nakabalik?”
“Noong isang buwan lang… natagalan lang kasi marami akong inaasikaso sa New York. E ikaw kailan ka pa nakabalik? Noong huling balita ko magkasama kayo ni Syndi?”
“Noong isang buwan lang din… kakauwi nga lang namin ni Syndi.”
“Ahhh.. so kayo na ba ni Syndi ngayon?”
“Yes, ikakasal na nga kami”
I smiled at him kahit nakaramdam ako ng konting inggit. Buti pa silang dalawa ni Rain… eh kami ni Ryan parang wala ng kasiguraduhan yung amin. Ayoko namang ipagpilitan ang sarili ko sa isang tao na iba ang mahal. Hindi din naman ako magiging masaya.
“Yung sinabi ko sayo noon, yung mahal kita”
“Hmm?”
“Totoo yun… kaso noon yun bago ko pa nakilala ng lubos si Syndi. Siguro walang sinabi sayo si Ryan about the truce? Kung bakit nagalit saken si Syndi at bigla siyang nawala?”
“Wala siyang nabanggit..”
“Ang totoo niyan Myka, I made a deal with Ryan 7 years ago. Liligawan ko si Syndi at kapag napasagot ko siya ikaw naman ang liligawan niya.”
“H-Ha?” nagulat ako sa sinabi ni Rain “A-Anong ibig mong sabihin?”
“Gustong-gusto kasi kita noon… simula nang makita kita sa Voice of the Youth competition kasama mo yung kambal kong si Ryan. Naka-upo kayo sa isang bench habang nagsasa-ulo siya ng piece niya.”
“H-Hind ikaw yun?”
“Nope… interview palang yun… we switch when he has to deliver his piece.”
Kung ganoon mali ang akala ni Ryan noon. Oh well, wala naman ng silbi yun ngayon. Si Syndi parin naman ang mahal niya.
“Lalo pa yung lulalim nang pareho tayo ng pinapasukan. Hindi ko alam kung bakit… I just liked you. Kaya nang malaman kong si Ryan ang gusto mo ginawa ko ang lahat para ligawan ka ni Ryan. Dahil gusto kong maging masaya ka. At alam kong si Ryan lang ang magpapasaya sayo.”
“R-Rain?”
“Hindi ko nga lubos akalain na ganun pala ako ka Martyr noon. But no worries, I’m over with it… lalo nang makilala ko si Syndi.”
Ngumiti ako sa kanya.
“Hindi naman talaga mahirap mahalin si Syndi.”
“I know, she brings out the worst and good in me. She’s not my type… peru nung time na yun siya na lang yata ang tanging babae para saken. But I sucked! Mas pinili kong takbuhan ang totoong nararamdaman ko para sa kanya. Iniisip ko noon na ikaw lang talaga peru kahit anong gawin ko siya parin ang pumapasok sa isip ko.”
“Bakit di mo yan sinabi saken noon?”
“Sasabihin ko na sana… kaya lang biglang dumating si Syndi and misunderstood everything. Sasabihin ko sana sayo na may nagmamahal sayo… na mahal kita… bilang isang kaibigan. Handa na akong sabihin sayo ang lahat-lahat ng nasa loob ko. Para naman maibigay ko ng buong-buo ang pagmamahal ko para sa kanya. But I guess fate wasn’t ours that time…”
“But now,” I reached for his hand “Fate is yours.. you have Syndi now.”
“I know…”
Hinubad ko ang necklace na ibinigay saken ni Ryan noon. “Tignan mo” nakita kong nagulat siya nang makita yun but I just ignored it. “Binigay saken ito ni Ryan noon. He told me to keep it until we meet again. Kaso di ko alam kung para saan ang kwentas na ito?”
“Maybe he wanted you to find the pair of that lock?”
“Maybe he is the one holding it… or maybe he isn’t” ngumiti ako ng mapait “I have to go Rain” nagulat siya ng ibigay ko sa kanya ang kwentas “Ikaw na ang magbigay niyan kay Ryan”
“B-Bakit?”
“I feel like it belongs to someone else” I bit my lower lip fighting the urge to cry “Maybe I should just move one. Pagod na rin naman ako…” tumayo na ako.
He stood up “I wish I could do something Myka?”
“It’s okay, ganito talaga… “ I tried to smile to cheer him up “Huwag ka ng ma-guilty uyy, okay lang talaga ako. Sanay na ako diyan hehe… magpapakalayo na muna ako.”
“I just wish you find your happiness too Myka” he reached for my hand and gave a little warm squeezed.
“I already found it… kaya lang hindi ako ang taong magpapasaya sa kanya.” He moved closer and hugged me. Doon na talaga ako napaiyak ng sobra. Bakit ba lagi nalang akong ganito? “I’ll be… I’ll be okay Rain.. magiging okay lang din naman ako diba?” I sobbed. I feel like bursting now.
Hinagod niya ang likod ko “You’ll be okay”
Kumalas na ako ng yakap sa kanya at ngumiti “Thanks Rain… Tell Syndi I missed her…so much!” pinahid ko yung mga luha ko “Pls hugged her for me..”
“I will”
“I have to go… goodbye Rain”
“Goodbye Myka”
Si Myka parang namamaalam… wew it gives me creeps! How’d you like this chap? I know it’s a bit dramatic but you’ll get over with it. Malapit na ang Ending so stay updated. Comment na kayo dali! At short lang din ang linya ko ngayon. Thanks for reading :D
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro