45. MAKE YOU MINE
45. MAKE YOU MINE
MYKA
"Karing liligawan ako ni Ryaaan!! Eeei! Grabeh di ko na karey ang mga pangyayari!" paikut-ikot sa sala na parang fairy. Para na nga akong tanga eh, kanina pa di mapuknat ang ngiti ko hanggang sa ihatid ako sa bahay ni Ryan. Ang sweet niya diba? "Ang saya-saya ko!" sabay yakap sa sarili.
"Ateeng mukha kang tanga!" naka pameywang pa.
"Hmmp! Inggit ka lang" naupo ako sa couch at niyakap yung throw pillow "Alam mo yung nararamdaman ko ngayon? Sobrang saya ko talaga eh... all my life siya na ang minahal ko ngayon liligawan na niya ako. Hayy... alam kong ito na yun Karing."
Tumabi siya saken "Ateeng sure ka ba diyan? E diba, sinabi mo saken na si Syndi yung mahal niya kaya ka heartbroken noong high school? Baka nakakalimutan mo na yun? Hinay-hinay lang at baka masaktan ka na naman ulit, kawawa naman ang heart luz valdez again."
( ~__~ ) Sheeks! ( o__o ) Bakit ko ba yun nakalimutan? Naman Karing pinaalala pa saken. Nawalatuloy yung saya ko. Aissh! Asar!
"Huwag kang ma-angry saken ateeng, concern lang din naman aketch sayo." napatingin ako sa kanya "Ayaw ko lang ma see you na crying in the rain na naman. Just take it slow, alamin mo muna ang true feelings ni Ryan para sayo."
"But I'm sure Ryan likes me!"
"Gusto? Ang tanong mahal ka ba niya?"
"Well... siguro naman dadating din kami doon Karing. Matutunan niya din akong mahalin."
"Ikaw na nga ang nagsabing may mahal siya noon. Ang kaibigan mo, but what if Syndi comes back?
Sa tingin mo anong mararamdaman ni Ryan kapag bumalik si Syndi?"
"Kapag bumalik si Syndi...." ano nga ba?
"What if mahal pa rin niya ang kaibigan mo... paano ka na?"
Paano na ako? Namaaan! Bakit di ko yun naisip. Shuks! Anong gagawin ko? Wait Myka, kailangan mong mag-isip. Sheeet... di ko alam. Naiiyak pa ako.
"Hindi sa dina-down kita Myka peru syempre dapat malaman mo din yun."
"Anong gagawin ko Karing?" niyakap naman niya ako "Just take it slow my dear... kung mahal ka naman talaga ni Ryan eh I'm sure di ka nun pababayaan."
"S-Sure ka, kasi gusto ko ng maiyak ngayon din?"
"Huwag muna wala na tayong stock ng tissue... chill ka lang diyan."
"Kanina ang saya-saya ko pa kasi liligawan na ako ni Ryan tapos ngayon para akong pinagsakluban ng langit at lupa... ikaw kasi eh," pinalo ko yung balikat niya "pinaiiyak mo ko..."
"Ano ka ba naman Ateeng kung mahalaga ka sa buhay ni Ryan I'm pretty sure di ka nun pakakawalan. Tanga lang ang maga-art of letting go sayo."
"E mahal ko talaga siya eh... since birth"
"Grabeh ka naman ateng, fetus ka palang mahal mo na yun, may skype at facebook ba sa loob ng tiyan ng nanay mo? Kaloka ka!"
"Siya lang kasi ang tanging nagpapatibok ng puso ko"
"Kung wala siya patay ka? Ano yun life saver mo? Oh bakit buhay ka sa harap ko? Ouch naman!"
Pinalo ko na naman siya "Ikaw talaga ang hilig mong barahin ako!" I sighed "Hindi naman siguro masamang mangarap na sana masabi na saken ni Ryan na mahal niya rin ako."
"Na sana di na one sided love ang love story nyo? Hala sige, makiki-nobena ako sayo, pagnagkatotoo yan ipapadala ko kay ma'am Charo ang love story nyo ha, hahaha, drama nun, pang soap opera!"
Natawa nalang tuloy ako sa isang ito.. Kahit kailan talaga!
"Ewaan ko sayo!"
"Saka ang pamagat ay... HOPIA..." sinabayan pa ng kamay na parang pini-picture out "O diba ateng! Bongga! Hahaha..."
"Oh bakit HOPIA?"
"Lakas mo kasi maka-HOPIA eh - sakeet! Ateng naman huwag kang mambatok! Baka matapun ang utak ko. Lakaaaas!"
"Che!" tumayo nalang ako "Diyan ka na nga, inaasar mo na naman ako!" sabay walk out.
"Next time magdala ka na ng water at baka mabulunan ka sa kaka-HOPIA mo. My Goodness! Naloloka ako sa ka-dramahan mo! Maghuhugas na nga ako ng mga playytss."
"Whatever!"
"Ateeng!"
"Bakit!"
"Magpapadala si nanay ng HOPIA bukas ilan ang gusto mo?"
"Lamunin mo lahat hanggang sa mabilaukan ka! Bwessset!"
"Hahaha, pikon!"
Ewaaan ko sayo! Kaasar ka talagang bakla ka. Ewan, di na nga lang ako mag-iisip. Bubuksan ko na sana yung pinto ko nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko.
Tnx 4 2day Myks... i'll fetch u tmorow ^_^ - Ryan
"Hayyy... sana kasi ako nalang ang una mong minahal."
OKs, NP bxta ikw, gudnyt swtdremz Rai :D - Myka
"Edi sana di na ako mag-iisip kung ano ba talaga ako sa buhay mo. Hay Myka, tama na ang pag-iisip. Just be hopeful, anyways umabot ka nga ng almost 12 years sa pagiging Hopia mo eh."
Gugnyt Myks... -Ryan
SYNDI
Mabilis lang ang araw kaya natapos na rin ang Arts Day. Okay naman, naging successful ang event. Humingi ng tawad saken si Ryuu at sinulatan naman ako ni Finn. Kahit paano ay masaya na rin ako coz both of them realized na mali ang ginawa nila.
Itong si Rain ang lumala...sobrang sweet! Kulang nalang ay e-tali ko sa bewang ang isang yun. Dikit ng dikit saken. Naloka ako! Tse ('__0) para namang di ka kinilig sa pagpapa-sweet niya sayo. ( * ^ * ) e kulang nalay e maging jelly ka sa sobrang kilig.
"Sa wakas nakauwi na din tayo!" nabuksan na pala ni Rain ang pinto ng unit nito "It's good to be home!"
"Oh sige, babalikan nalang kita kapag napasok ko na itong mga gamit ko sa bahay." aalis na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko "Oh bakit?"
"Dito ka nalang, ibenta nalang natin yang unit mo" sabay ngisi. Itong taong ito talaga, di na ako pinapauwi. Sheeks..
"Hala! Sayang naman.."
"Kaya nga ibenta nalang natin," hinila niya ako palapit sa katawan niya "From now on let's share one bed and live in one roof, how'd you like that?" sabay nakaw ng halik sa labi ko.
Lagi nalang talaga akong sinusurprusa ng isang ito. Hay naku, makaka-hindi ba ako sa lalaking ito? Wala ka na Syndi, talong-talo ka na. Hayun, pinitik ko nalang yung noo niya.
"Ouch! Brutal mo talaga mahal eh."
"Ikaw talaga, puro nalang kahalayan yang nasa-isip mo, hmp!"
"E kasalanan mo!"
"Kasalanan ko pa? Bakit ano bang ginagawa ko sayo, aber?"
"Inaakit mo kasi ako..." sabay ngisi ng nakakaloko "Natutukso ako sayo mahal"
"Ewaan ko sayo!" itinulak ko na siya at nauna ng pumasok sa unit niya "Ikaw na ang magdala niyan sa loob!"
"Naman! Di pa nga kita napapakasalan ina-under mo na ako?"
(^__^) Magsawa ka!
RAIN
"Mahal saan mo ba nilagay ang gamit ko?!" kanina pa ako naghahalungkat dito wala man lang akong makita ni isang gamit ko. Lagkit na lagkit na ako. "MALILIGO AKO! SAAN MO BA NILAGAY?!" Nasa kusina si Syndi.
"NASA ILALIM NG KAMA!"
"HA?!" Bakit niya naman nilagay doon "BAKIT NASA ILALIM NG KAMA?" hinila ko pataas ang covers at nakita ko nga ang maleta ko.
"ILALAGAY KO SANA SA CABINET LATER KAYA LANG NALIMUTAN KO!"
Kahit kailan talaga... makakalimutin ang isang yun. Hey wait, bakit may purple na bag sa maleta ko?
"MAHAL AKIN NGA PALA YANG PURPLE NA BAG ITABI MO NALANG!"
"OKAY!" I shrugged sabay patung nung bag sa kama.
Naks! Parag mag-asawa na kami ah. Ang sarap ng feeling! "Maliligo na nga lang ako para fresh mamaya." kinuha ko na yung gamit ko at tinungo ang banyo. "Wait, ang toothbrush ko" nakita kong nakapatong katabi ng purple bag ni Syndi. Kinuha ko yung nang biglang mahulog yung bag. "Aish, ano ba yan"
Pinulot ko yung mga nahulog na gamit, nakabukas pala yun. Kaya lang may nakita akong bracelet na may nakapalawit na lock. Inabot ko yun at tinignan. "May lock?" napahawak tuloy ako sa pendat ng kwentas ko. "Di kaya..." peru bakit merong ganito si Syndi?
"Mabuti pang e-try ko nalang," hinubad ko yung kwentas mula sa leeg ko "Shit, bakit kinakabahan naman yata ako ng sobra." Aish, you're just going to try if it'll fit, that's all, tapos. "Bahala na nga!" I insert the key to the small lock "Shit! Why won't it open!" it fits peru di siya nabubuksan. Shit, huwag mong sabihing di ako ang nakakuha ng susi na para kay Syndi. Di pwede yun! Hindi pwedeng si Ryan..
"Oh Rain!" nagulat naman ako ng biglang pumasok si Syndi "Akala ko ba maliligo ka na?" bago pa niya mapansin ang ginagawa ko ay inilagay ko sa likod ang dalawang kamay at palihim na inilis ang susi sa lock at ipinasok yun sa bulsa. "Ano yang nasa likod mo?"
"Ah wala, iyung bracelet mo lang," inilabas ko yun "Natabig ko kasi yung bag mo at nahulog ang mga gamit mo." ngumiti ako sa kanya.
She smiled back "Akala kung ano," lumapit siya saken at kinuha ang bracelet mula sa kamay ko "Nakita mo pala?"
"Sino nagbigay?"
"Si Ryan"
Shit! Tama nga ako! Kumunot tuloy yung noo ko.
"Oops! Huwag ka munang mag-react" inabot niyang yung kamay ko "High School niya pa ito ibinigay saken. Sabi nga niya may kapares daw ito, yung lock. Destiny ko daw yun hehe. Iyung kambal mukhang seryoso peru naniniwala sa mga ganun?"
"Syndi.."
"Hmm?"
"Paano kung mahanap mo ang kapares ng lock na yan? Anong gagawin mo?"
"Anong gagawin ko?" napa-isip ito "Di ko alam, peru di ko na iyung iisipin pa kasi nandiyan ka naman eh. Diba Mahal?"
Kahit papaano ay naibsan yung takot ko, ngumiti na rin ako sa kanya "Naks! May nalalaman ka ng ganun ngayon Mahal, ha? Gusto ko yan hehe" hinilakan ko na lang siya sa noo "Ligo muna ako tapos ikaw naman later ha."
"Dalian mo"
"Hehe, madali lang ako, huwag mo kong masyadong ma-miss ha"
"Hmmp! Maligo ka na nga lang" itinulak na niya ako sa banyo "Sige na!"
"Oo na haha.. ikaw talaga!"
Pumasok na ako ng banyo. Peru kahit ang lamig ng tubig mula sa shower ay di ko mapansin. Yung bracelet talaga ang pinoproblema ko. Shit! nasuntok ko yung tiles na dingding. "Hindi pwede yun! I have to do something... hindi pwedeng si Ryan ang nakakuha sa susi."
SYNDI
Shuks! kabadong-kabado ako ngayon ah. Bakit kaya? "Di kaya dahil magtatabi kami Rain?" aish, di naman siguro. Nagtatabi naman kami minsan doon sa bahay ng lola at lola niya. "Peru iba talaga ang nararamdaman ko eh, parang may mangyayari mamaya."
(O__O) nanlaki yung mata ko saka sinipat yung buong katawan ko sa salamin.
"Anoo ba yan, kung ano-ano na ang iniisip ko" stop that Syndi masyado pang maaga para sa ganyan. Relax lang, breathe in... breathe out...
"ANG TAGAL MO NAMANG MALIGO MAHAL?!"
Syet! Kinakabahan talaga ako eh. Sinipat ko ulit yung damit ko. Naka night dress lang naman ako na hanggang tuhod, di naman sobrang nipis, sakto lang. Saka pinatungan ko ng robe. Kung tutuosin pambatang pantulog yata iyung suot ko.
"Hayy naku Syndi, lumabas ka nalang then matulog na kayo. TAPOS!"
Kagat labing lumabas na ako ng banyo. Nagulat naman akong walang ano mang suot na T-shirt si Rain saka naka boxer shorts lang. Syet na talaga ito! Di ko kaya!
"Ang tagal mo namang maligo Mahal, akala ko nilamon ka na ng inidoro." ngising-ngisi ka pa "Halika ka na nga dito miss na kita."
"Bakal ba yang katawan mo't ang lamig-lamig naka-expose yang katawan mo?" tumabi na rin ako sa kanya. Sheeks! Lakas ng tibok ng puso ko.
"Hehehe, ito naman, sanay lang talaga akong matulog na nakahubad..."
"Nakahubad?"
"Nakahubad ang upper body hehehe, halika na nga payakap ako" napalunok effect pa ako nang yakapin niya ako. Nak ng ukoy! "Ang bango mo!" inamoy-amoy pa yung leeg ko. Patay na!
"Uyy Rain ha... iba na yan"
"Ito naman parang naglalambing lang..." itinaas ko na yung cover hanggang sa dibdib ko, naka-unan naman ako sa braso ni Rain.
Bigla nalang tumahimik... peru ang lintik kong puso ayaw tumigil!
"Syndi.."
"Bakit?"
"Magagalit ka ba kapag tinanong ko sayo..." nilaro-laro ng kamay nito ang buhok ko "Kapag tinanong ko sayo na..."
"Ano nga?"
Bigla nalang nasa harap ko na siya, he was on top of me. Sheet! ( O__O ) ito na ba yung moment na yun? Sabi ko na nga ba eh! Ang puso ko lalabas na yata sa loob.
Tinignan niya lang ako...
"Can I make you mine tonight?"
Patay na! Anong isasagot ko? Handa na ba ako? Nak ng pato! Ano na Syndi! Sukuan na ba ito? Lulunok muna ako... syet!
Biglang inilapit ni Rain yung mukha niya saken, akala ko nga hahalikan niya ako peru bigla siyang huminto ng isang inch lang yata. Kahit na, malapit parin. Isang galaw lang maglalapat na labi namin.
Bigla namang ngumiti si Rain "It's okay I understand," aalis na sana siya sa harap ko nangg biglang gumalaw yung dalawang kamay ko at hinawakan si Rain sa magkabilang braso. Sheeks!
Bahala na nga! It's now or never! Lunok muna ulit.
"Syndi?"
"Mahal kita Rain..." yan konting speech muna, shuks! nakakanerbyos "Marami din naman akong nagawang mali sayo, hindi lang din naman ako ang nasaktan sa ating dalawa... alam kong nasaktan ka rin."
"Syndi -"
"Shshshs," nilagay ko yung isang diliri ko sa labi niya "Pakinggan mo muna ako," ano nga ba yung sasabihin ko? Naman talaga! Ah yun.. "Alam mo ba kung ano yung bagay na natouch ako sayo ng sobra. Yung mga times na, inaaway kita, ini-insulto, binabara peru di mo parin ako inaaway. Lagi mo nalang idinadaan sa jowk ang lahat. Na kahit kulang nalang pasabugin ko ang utak mo sa konsomisyon ay nagagawa mo pa rin akong tulungan."
Napangiti si Rain "Sabi ko naman sayo eh, mabait ako, ikaw lang hindi naniniwala."
"Kaya nga, kaya nung iniligtas mo ko kay Gian doon ko narealize ang feelings ko para sayo. Na touch ako ng sobra doon, yung pinabugbog mo ang sarili mo para saken, yung lagi mo kong kinakantahan, yung kinuha mo ang bag ko mula sa mga snatchers... nagpasipa ka pa, na tinik sa isda na di ko naman sinabi kina Jubbie at Carl na gusto ko," natawa ako nang nanlaki yung mata ni Rain, na uto na naman kasi siya ng dalawa. "At saka nung umiyak ka sa harap ko... doon ko na realize na posibleng magmahal ng sobra ang isang Rain Montague. Alam mo yun?" naiiyak din tuloy ako.
Hinaplos ko yung mukha niya "Alam mo yung feeling na kahit anong pambabara at pagtataray ko sayo lagi ka nalang nagpa-pasensiya saken? Na lagi mo nalang akong pinapasaya kahit di ko yun ginagawa sayo. Na lagi mo kong nililigtas at ginagawan ng pabor kahit na di ko din nagawa yun para sayo." hayun napaiyak na talaga ako.
He wiped away the tears in my eyes "Mahal lang kasi kita... at sobrang tanga ko nang saktan kita noon. Takot akong harapin ang totoo kong nararamdaman para sayo. Peru lahat ng ginawa ko sayo, lahat ng yun, bukas sa loob ko."
"Rain.."
"Shshs, matulog nalang tayo"
"Pls..pls...make love to me"
"Syndi?"
Inabot ko yung mukha niya saka masuyo siyang nginitian " I love you Rain,"
"I love you too,"
He kissed me with so much gentle. Hanggang sa maging mapusok yun, bumaba ang mga halik niya sa panga hanggang sa leeg ko. Letting me feel the undescrible feeling of being loved. Randam na ramdam ko ang pagmamahal ni Rain saken. Para bang may mainit na kamay na humaplos sa puso ko.
He deepened the kiss, this time, naging mapaghanap ang mga kamay nito. Napasinghap ako ng maramdaman ko ang paghila ni Rain sa damit ko pababa. The feeling was so much, it was intoxicating... it feels like we we're burning with so much desire, love, hunger and longing.
Ngayon lang ako nakadama ng ganito...
"I love you Syndi..." Rain said between kisses.
"I love you too Rain.."
"Promise I'll be gentle..."
Hinaplos ko yung mukha ni Rain at masuyong nginitian siya.
"I trust you"
Buong gabing pinagsaluhan namin ang init ng aming pagmamahalan. Ito na yata ang pinakamagandang nagyari sa buong buhay ko. Ang maipadama sa mahal mo ang pagmamahal mo sa kanya at maipadama sayo ang kaparehong pagmamahal... sobra pa sa hinihingi mo.
Everything seems so right...
Everything is perfect...
Ganito pala talaga ang feeling when you're in the arms of the man you love.
"I love you Syndi.."
Nosebleed na akoo! Mangangaral muna ako... I'm not pro-premarital sex, mali yun so don't engageinto chenever moments. Especially if bata pa kayo, at kahit nasa tama na kayong edad. Mas maganda parin kung may basbas ng simbahan. Hayaan nyo nalang yang sila Rain at Syndi hehe. Don't expect too much Love Scene dahil wala gaano akong alam diyan.. shuks! (nahiya ka pa otor eh) peru di nga hahaha, kaya pagpasensiyahan nyo na. Sana kinilig parin kayo.
Sa nagtatanong ng Instragram account ni Rain... di ko din po alam haha. Masyado siyang private these days. Anyways, comment pweees... vote as well! Habaan nyo na comment ko. At saka dedicated to kay iamsabrinajoan sis cupcake for voicing out her feelings *sabog confetti* silent reader ko yan oha! haha... yun sa nagre-request ng Book 2, actually Book 3 na talaga. I have an upcoming comeback soon tsaroot! A story, comedy, fantasy, love story. Di pa ako sure sa Book 3 at baka saan ko pa ipiga itong utak ko. For now just enjoy :D
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro