Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

42. Kiss at Buntis

42. Kiss at Buntis

MYKA

"Ateng bakit pasan mo ang buong planet nemic yang mukha mo. Magaling naman yang paa mo ah."

"Hindi na kasi nagte-txt si Ryan nakakainis! Sayang tuloy yung mga load ko."

“Nag-add ka pa ng mga contacts isa lang pala ang gusto mong maka-txt ang landi mo talaga!”

“Che! Huwag mo nga akong inisin! Yang mukha mo ayusin mo muna nakaka-distruct ka!”

“Insecure?”

Itong baklang ito talaga pinaiinit ang ulo ko. Naman kasi! Saan ka na ba Ryan at di ka na nagpaparamdam saken. I miss you na kaya.

“Welcome to Classic Red – OMG! Ateeeeng si Prince Charming nandito naaa!”

“Ha? S-Sinong Prince Charming yan… aray!” bumangga pa yung tuhod ko sakeet “Sino ba yang Kareeng! Nak ng siopao ang sakit ng tuhod ko.”

“Bakit sa tuwing nagkikita tayo lage kang nadidisgrasya?”

OMG! Boses yun ni Ryan. Naiangat ko yung tingin ko “R-Ryan? A-Anong ginagawa mo dito?”

“Grabeh biglang nagka-movie dito di ko karey ang drama! John Lloyd at Sarah kayo ba yan? May question pang ganyan kaloka!”

Masasapak ko na itong baklang ito asar! Yan pasimple ko pang pinanlakihan ng mata “Bumalik ka na nga sa pwesto mo Karing.”

“Okay, may taping ng soap opera eh.”

“H-Huwag mo ng pansinin – anong ginagawa mo?” my ghaad biglang tumigkayad si Ryan at parang tinignan yung tuhod ko. Shuks! Ang puso ko sasabog sa kaba at kilig. Waaa, di ko kaya!

“Mapula lang naman,” tumingala siya saken “Don’t worry di yan magpapasa.” Nang tumayo siya doon ko lang napagtanto na sobrang lapit na niya talaga saken. My gosh!

“O-Ok”

“Are you free?”

“Ha?”

“Bored kasi ako… wanna join me?”

OMG! Is he asking me for a date? My, My, My di ko na talaga karey! Ano papayag ba ako? This is my chance!

“Silence means No Papa Ryan kaya ako nalang ang isama mo.”

Sinilip ko sa likod sa Karing at pinaningkitan ng mata. Talaga naman talagang napakaechusera ng baklang ito. Aagawan pa ako ng moment.

Ihanda ang ngiting sobrang tamis “Sure! Kukunin ko lang yung bag ko, wait for me.”

“Magdadala ka pa ng bag di ka naman gagastos ayssus!”

“Isa pang hirit Karing at sasamain ka na saken!”

“Ay tatahimik na nga eh… kayo na ang may moments… drama nyo pang soap opera.”

 

 

SYNDI

Grabeh nakakapagod ang araw na ito. Malapit na pala ang Arts Day sa Friday na. Ang dali lang ng araw naka-dalawang linggo na kami dito. At sa loob ng dalawang linggong yun ang pagbabago ng nararamdaman ko para kay Rain.

Iniisip ko minsan na siguro mahal ko parin siya hanggang ngayon. Anoo ba yaan, nakakaloka! Bakit kaya walang formula ang pag-solve ng real feelings para sa isang tao? Kung meron mang ganun edi sana matagal ko ng na sagot ang tanong ko.

Wait ang painting! I need to talk to him na talaga about it, ilang linggo na ako sa Pilipinas peru wala parin akong napapala. Aissh, saan na kaya yun si Ulan?

Naglalakad ako sa pathway papuntang math garden nang may mapansin akong nakahigang lalaki sa lilim ng isang malaking puno. Bakit feeling ko si Rain yun? Noong high school kasi mahilig yun matulog kahit saan. Naks! Bumabalik tanaw si Syndi sa nakaraan. Shuks!

Bakit alam kong mahilig siyang matulog noon? Stalker ba ako ni Rain noong high school? Ang weird peru ngayon ko lang napansin na si Rain lang pala ang inaaway ko noon at di si Ryan. At si Rain lang din ang nakikita ko… anoo yun?

May Hidden Desire na namumuo sa utak ko na di ko napapansin. Shuks! Kinikilabutan ako sa mga pinag-iisip ko. Wew! Mapuntahan na nga lang yang isang yan. Nang lapitan ko ay tulog nga. Alam mong tulog Syndi peru kung makatitig ka parang may malisya. Naman! Ang gwapo talaga eh, lalo na kapag nakangiti si Ulan. Pati ako napangiti eh. Iba na talaga ito, may something na talaga.

“Loving what you see hmm?”

Nak ng sakong bigas! Napasinghap tuloy ako ng di oras. Di pala tulog ang isang ito. Mayamaya ay idinilat nito ang isang mata at nginitian ako ng nakakaloko. Shuks! Ba’t ba lalo siyang nagiging gwapo sa ginawa niya. Ang puso ko lakas ng tibok… ano na heart?

“R-Rain knaaa! OMG!” bigla ba akong hilahin gamit nung isang kamay niya. Ang awkward kaya ng position namin. Me on top of him sa damuhan ng school grounds! Ano ito? Rated SPG! “R-Rain ano ka ba nasa school tayo baka may makakita satin dito.” Yung kamay ko nakalanding lang sa dibdib niya eh. Ang tigas pala – syet! Ano ba itong pinag-iisip ko. I tried to escape from his arms kaso ang lakas eh. “Rain ano ba! Baka may makakita satin dito.” Namumula na ako oh! Maawa ka naman saken.

“Chill okay, class hours ngayon kaya walang makakakita sa atin.” Yung feeling na di mo masalubong yung mata niya. Takte! Awkward ‘te! “Alam mo yung pinakagusto ko sa mukha mo?”

Ano bang gagawin ko! Ang lakas talaga ng tibok ng puso ko eh.

“Your eyes,” napalunok ako when his index finger traced the sides of my eyes “And your lips” then bumaba yung finger niya sa lips ko. Diyos koo! Tatakasan na yata ako ng kaluluwa ko sa pinaggagawa nitong si Rain saken. Plss stop baka di ko na ito kayanin.

“I really like your lips Syndi,” his hands was suddenly on the back of my neck “May I?” di agad ako nakasagot kaya mas ikinabigla ko ang paghila niya saken – and with that moment he captured my lips and kissed me like everything matters with that kiss.

Yung feeling na yun lang ang dahilan mo para mabuhay. He was fierce at first but his kiss became gentle na para bang ingat na ingat na huwag akong masaktan. Di ko alam kung ano yung mararamdaman ko sa halik niya but something in me felt glad, tells me that there was something special between his kiss. Hindi ko nalang namalayan na ibinabalik ko na sa kanya ang mga halik niya.

Mukhang mahal ko na ulit ang isang ito…

Di ka na talaga natuto Syndirella bagsak ka talaga pagdating kay Rain. Lage naman eh.

 

RYAN

 

Itinaas ko yung pendant na may susi at tinignan yun. I wonder kong nasa kanya ang kapares ng susing ito. Hay naku! Bakit ba ako nagpapaniwala sa Tadhana, eh ang tao lang naman ang gumagawa ng sariling tadhana aissh! “Wala naman sigurong masama kong susubukan ko diba?”

“Sorry kung naghintay ka ng matagal”

“No it’s okay” ibinalik ko na yung kwentas sa bulsa ko “Let’s go”

“Tara na,”

Destiny is real but one should also make his own action. Hindi mo naman makukuha ang gusto mo dahil lang naitadhana na talaga yun sayo. Tanga lang siguro ang maghihintay ng grasya. Oh well, sign nalang siguro ang mapagtantu na ni Syndi na mahal niya si Rain. Men, ang drama!

MYKA

 

Ito na ang pinapangarap kong date! Our first date with Ryan. Wow naman! After ng ilang years niyaya na ako ni Ryan, kailan kaya siya magtatapat ng pag-ibig saken.

“Ahm Ryan –“

“OMMYY! MYKA AT RAIN!!”

“Ha?” sabay pa kaming na Ha ni Ryan ng makita namin si Mr. Lakambini na maraming bitbit na shopping bags. Yumaman na talaga siya. Oh wait patay ako nito. Bigla akong nagtago sa likod ni Ryan. Baka may chance pa na makalusot.

“WOW! Gwapo mo naman Rain”

“Ako po si Ryan sir”

“Aw, am so sorry pareho kasi talaga kayo ng mukha,” biglang sumilip sa likod “Hey Myka watcha doin sa likod ni Ryan.”

“Ah eh..” hayun di parin ako nakalusot “H-Hello sir” pilit na pilit yung ngiti ko eh “Wow! Ganda mo na pala ngayon sir eh, long hair na.”

“Naku! Huwag na huwag mo kong idaan sa mga ganyanen mo Myka at ako’y senti mode pa sa hindi nyo pagpuntang apat. Kayo ha! Sinaktan nyo ang feelings ko.” Umakto pang naiiyak si sir hay naku. Teka sinong apat ang di pumunta. Sure akong kaming dalawa yun ni Ryan. Sino naman yung dalawa. “Pinagkakaisahan nyo talaga ako!”

Napatingin naman ako kay Ryan, hayun poker face na naman. May alam kaya ang isang ito.

“Eh kasi naman sir may nangyari pong di namin inaasahan –“

Bigla bang hawakan ang isang kamay ko “OMG! Buntis ka?” sabay tingin kay Ryan “Ikaw ang daddy ano? Kayoo ha! Sabi ko na nga ba kayo din ang magkakatuluyan.” Napahawak tuloy ako bigla sa tiyan ko. Paano naman ito magkakalaman eh pers date pa nga lang namin ito. Advance ha! “Congratulations sa inyong dalawa. Eh sila Syndi at Rain asaan na ba?”

Bigla akong natigilan at napayuko nang marinig ko ang pangalan ni Syndi. Nagu-guilty talaga ako eh. Wala naman siyang kasalanan peru nagawa ko yun sa kanya. Miss ko na siya, kumusta na kaya siya? Naramdaman ko bigla yung kamay ni Ryan. Bigla akong na touch sa ginawa niya. Siguro alam niya ang nangyari samen ni Syndi.

“Kasama ni Rain si Syndi kaya di din sila nakapunta.”

Napatingin ako kay Ryan. Magkasama sila Syndi at Rain… di kaya.. di kaya sila din ang nagkatuluyan? Sinabi nga saken noon ni Rain na mahal niya ako peru iba naman ang nakikita ko sa mga mata niya. Si Syndi ang nasa mata niya at hindi ako. Hayy naku.

“Bongga! Tignan mo nga ang pagkakataong kayo pang dalawang mag-BFF ang nakabingwit sa dalawang gwaping. Nakakaiinggitin talaga kayo.”

“Ehh.. ahh.. ano kasi ang totoo niyan –“

“Oh wait! As much as I want to stay longer I have to go na pala..” tinignan nito ang cellphone “May lunch kami ng mga amega ko later at hahanapin ko pa yung boutique ng Classic Red balita ko kasi magaganda ang mga damit doon.”

“Classic Red?” tumingin saken si Ryan “Diba boutique mo yun?”

“Huwaat? Sayo yun Myka?!”

“Ahm.. well, it’s mine nga,”

“Bat di mo sinabi ng early.. oh well, pupuntahan ko nalang peru dapat may discount ako ha.”

“Okay, I’ll call my assistant nalang para e-inform na pupunta ka sa shop.”

“R-Really?! That would be oh so bonggacious great! Anyways, gotta go! Enjoy sa date nyong mag-asawa. Eps, ang baby ingatan ha. Ciao.” Saka pakembot-kembot na umalis.

“Wew! Teka Ryan, bakit di mo sinabi kay sir na di ako buntis baka ano pa isipin at ipagkalat nun sa mga batchmates natin.”

“Di niya yun gagawin, trust me.”

“Sure ka kasi nag-create siya ng group sa FB eh… active admin paman din naman siya doon.”

“Okay, looks like we’re in both trouble.” Napatingin ako sa kanya may hawak na siyang cellphone “Shit!”

“Oh bakit?” ipinakita niya saken ang binabasa niya sa mobile nito. “Oh my God!” natutop ko yung bibig ko sa shock! “P-Paano… ang bilis naman?”

“Damn, mom’s calling” grabeh talaga si sir sabi ko na nga ba eh “Mom?”

“Ikaw na bata ka!” nakita ko pang napangiwi si Ryan nang ilayo nito ng konti ang cellphone nito “Kailan ka pa nagdecision na wala ang pahintulot namin!”

“Mom, I’ll explain later okay”

“Umuwi kayo dito ng asawa mo kung di ipapakidnap ko kayo diyan sa mall. NOW NA!”

“Jeez,”

“Anong sabi ng mommy mo?”

“She wants to meet you now”

“Hindi nga?”

“She meant it… c’mon let’s eat na muna bago tayo humarap sa dragon. Aissh,”

OMG! Hindi pa nga kami e haharap na niya ako sa family niya. Knaaa! Sooobraang advance naman masyado na ito. Kaloka!

Latest Status Post of Ms.Lakambini: So happy over2 I just bumped with my two dearest students in high school (na di umatend sa Reunion L) I was shocked coz wifey and hubby na sila and future pader and mader narin sila berry soon so egzoited! With RyanMontague and MykaellaMontemayor.

(1000) Likes (1500) Comments (999) Shares

~Oha! UD agad ako sana kinilig kayo sa chapter na ito. Whose excited sa next Chap?! Ano na kayang mangyayari na sa kanila. SPREAD LOVE and LOVE! Taasan nyo comments nyo haps! Dedicated kay ron_chicks ganda ang ubeeer supportive kong reader! Mwah! Sino na ang next dedication? Alam ko na, based sa last comment nyo :D Next in the line Iporcemamiel and Iloveeztan <3


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro