41. Eleven Roses
41. Eleven Roses
RAIN
Katapos lang ng unang klase ko sa mga painting major ang kinuha na mga fourt year students. Basic mixing of colors lang muna ang itinuro ko kasi mas madali yung e-turo.Masaya naman ako, at di naman gaanong pasaway ang mga estudyante. Medyo mahirap peru okay lang. Inspired ako sa second kiss namin ni Syndi. Para akong tanga! Sa noo nga lang yun peru yung ngiti ko abot ng outer space. Lalo na yung mahalikan ko siya 7 years ago.
I touched my lip "Ganun parin kaya ang lasa ng labi niya ngayon?"
"Uyy Rain ano na naman yang iniisip mo't may pahawak-hawak ka pa sa labi mo?" Shit!
"Jubbie?"
"OO kami nga, may amnesia ka ngayon pinsan? May tandang pananong talaga?"
"Shut up!"
"Buti nalang nasalubong kita dito."
"Bakit naman?"
"Kailangan ko ng tagabuhat ngayon."
"Wow! Kailangan pa ako nag-shift ng course?"
"Ngayon lang," nilagpasan lang ako ng mokong "Ikaw na ang bahalang tumulong kay Syndi."
"W-What? Si Syndi?"
"Bingi lang? Nandoon siya sa labas ng gate nauna na nga si Carl. Sige Bye, at may meeting pa ako."
"HOY!" grabeh talaga ang isang ito lakas magpasabog ng bomba "Shit! Si Carl kasama ni Syndi?" di pwede yun never!
Takbuhin ko na ito at baka makatsansing pa yung si Carl kay Syndi mahirap na. Tinalo ko na yata si Flash sa bilis ng takbo ko. Parang nasunugan lang. Teka saan na nga ba yung shortcut dito.
"Sir Rain saan po kayo pupunta?!" jogging in place yung ginawa ko tatanongin ko nalang itong si Finn. Siya yung pinagtanungan ko noon, kasama nya yung lalaki na ang pangalan ay si Ryuu.
"Saan nga yung shortcut papunta sa gate?"
"Ah sa kaliwa po yun"
"Ah okay," ngiti sabay kaway "Thanks," takbo na ako ulit.
Teka sa kaliwa diba? Oh hayun nakikita ko na. Syndi here I come!
SYNDI
"Salamat sa pagtulong Carl ha,"
"No problem, ikaw pa." binabit-bit ko nalang sa kanya yung isang kahon na may lamang floral foam. Gagamitin ko yun sa ituturo kong flower arranging mamaya. At least di aksaya ng mga vase. "Mabigat-bigat din ito ah"
"Eh madami kasi yan, saka mabigat talaga yang floral foam kasi may tubig na. Pasensiya na talaga Carl sa abala ha"
"Ah kaya pala"
"Unahin ko nalang muna ang mga baskets, ribbons at saka itong mga wires balikan nalang natin ang mga bulaklak halika na" isinarado ko muna ang likod ng sasakyan ni Rain.
Hiniram ko muna yung sasakyan niya klase pa kasi si sir haha. Wala lang akong permission sa kanya eh. Anyways, di naman yun magagalit.
"Ep-ep saan kayo pupunta?"
"Oh Rain!" nakakagulat naman talaga ang isang ito. Iniisip pa nga kita kanina ngayon nasa harap na kita. May radar kaya itong si Ulan. "Tapos na klase mo sir"
"Hey bakit kayo magkasama?"
"Sinamahan niya ako kanina sa pagbili ng mga kakailanganin ko."
Tignan mo ang isang ito ang sama ng tingin kay Carl.
"Talim ng tingin mo saken pinsan ah, nakakasugat, wew!" nauna na tuloy si Carl "Mauna na lang ako sa inyo."
"Ba't siya yung sinama mo?"
"Eh klase mo pa kaya, alangan namang maghintay ako sayo e tatanghaliin pa ako."
"Kahit na, pwede naman akong mag leave ng mga gagawin sa kanila ah."
"Yan, diyan ka magaling eh," aray naman ang bigat pala nitong dala ko "Favorite mo kaya ang mga teachers na ganyan kasi matutulog ka lang. Kaya may mga estudyanteng nagiging tamad if I know yung iba magpa-party pa sa likod, tsst, gawain mo kaya yan noon."
"Uyy ba't mo alam? Siguro panay ang sulyap mo saken no?"
"Hoy di kaya! Ang iingay nyo kaya sa likod."
"Kunwari pa ito," finally mukhang mapapansin na rin niya ang dala "Ako na ang magbubuhat niyan mukhang mabigat ah."
"Sa wakas napansin mo na rin," ipinasa ko lahat sa kanya yun.
"Hey, hinay-hinay lang baka mahulog pa ito." mukhang hirap na hirap pa itong kargahin lahat eh, magdusa siya. "Brutal talaga nito... under na under ako sayo, ako naman ang boss mo, tsk!"
"Hmmp, daming reklamo" binuksan ko ulit yung likod ng sasakyan at kinuha ang mga bulaklak.
"Dami naman yata niyan Syndi?"
"Dadalhin ko yung matitira sa bahay at saka mas madaming bulaklak mas maganda ang made-design mo." sabay na kaming naglakad "Saka mura lang pala ang mga flowers dito sa inyo, fresh pa at magaganda."
Nagulat nga ako kanina nang makita ko yung price ng isang dosena nila. Doon sa manila ang mahal-mahal yung iba lanta na at di maganda ang kulay. Kaya dinamihan ko na lang.
"Kailan ka naman nahilig sa mga bulaklak?"
"Noong nasa Japan ako... mahilig kasi si Lola sa mga bulaklak at tinuruan niya ako. Since nun, I get fascinated in flower arranging. Nakakawala din naman kasi ng stress at nakaka-relax titigan ang mga bulaklak."
"Hmm, sa bagay... kumain ka na?"
"Di pa, ikaw?"
"Nope, kain tayo later pagkatapos nito"
"Libre mo?"
"Syempre ako ang nag-invite eh hahaha"
***
Sa canteen lang kami kumain ni Rain. Binabarat yata ako ng isang ito hmmp! Eh ano bang gusto mo Syndi, candlit dinner for two? Bakit masamang mag-assume? Tirik ng tirik ang araw candlit dinner ang iniisip. Ano yun?
"Tigilan mo na nga yang kaiisip saken Syndi."
"H-Ha?"
"Stop thinking about me," napaatras ako ng konti when he leaned closer "Nandito lang naman ako sa harap mo ah."
Inirapan ko lang siya.. takte! Obvious ba masyado?
"Lakas mo maka assume tigilan mo nga ako Ulan."
"Hahaha, ito nalang," bigla nalang itong naglabas ng thirteen roses na iba't iba ang kulay "Let's play a game, guess my message with these roses I've got."
"Saan mo yan kinuha?"
"Kumuha ako doon sa mga binili mo hehe"
"Sabi ko na nga ba eh, aish, ikaw talaga. O sige, laruin natin yang gusto mo."
"Okay let's start... kapag binigyan kita ng 13 roses anong iisipin mo?"
Tumaas yung isang kilay ko "Crush mo ko?" akala mo di ko alam ang ganyan ha.
"Asa ka pa haha," yun paring 13 roses ang hawak niya "What if I gave you different colors of roses?"
"Edi patay na patay ka saken."
"Hehe, asa ka pa ulit"
"Hmmp! Ano bang silbi ng paglalaro natin?"
"Katuwaan lang ikaw talaga... oh ito," inabot niya saken ang eleven roses "Ibibigay ko na yan sayo" ang laki ng ngiti eh "Now, anong message ang gusto kong ipaalam sayo."
Syet! Di kaya ako pinagloloko ng lalaking ito?
"You're joking right?"
"Nope, I'm serious." takteng ngiti yan Rain! Totohanin ko na talaga yang mga biro mo "Yun ang nararamdan ko para sayo. Walang halong joking hahaha."
"Ewan ko sayo!" kukunin ko na rin sana yung dalawa nang ilayo nun saken ni Rain "Akin na yaan!"
"Nope!"
"Aanhin mo yan?"
"May pagbibigyan ako hehe"
"Hmmp! Ewan ko sayo."
"Gusto mo malaman kong sino?"
"Bakit sasabihin mo?"
"Hindi rin hahaha, basta ikaw din ang unang makakaalam kung sino ang pagbibigyan ko nitong dalawang rosas."
"Talaga lang ha?!"
"Oo naman, ikaw pa! Malakas ka saken eh."
"Ewaaan ko sayo..."
"Sir Rain," bigla namang lumapit yung isang estudyante kay Ulan "Pinapatawag po kayo ni Principal Jubbie."
"Ah ganun ba? Sige, salamat Ryuu susunod na ako"
"Sige po"
"Naks! Kilala mo yung estudyanteng yun? Kinakarer mo talaga ang pagiging teacher ah."
"Hahaha, magaling lang talaga ako" tumayo na siya "Anyways, maiiwan na muna kita diyan at pinapatawag ako ng ating hari."
"King Jubbie, sige na umalis ka na." itinaboy ko na siya.
"Haha, excited ka naman masyado... kita tayo mamaya, huwag mo masyado akong ma-miss ha."
"Asa ka pa!"
"Syndi?"
"Hmm?"
"Nothing, sige alis na ako."
Hayun umalis na rin ang mokong. Napatingin ako sa eleven roses na ibinigay niya saken. I sighed... di kaya ako niloloko ng lalaking yun?
"Eleven Roses means someone really loved you..."
~Short UD lang ang nagawa po pasensiya na hope yah still enjoy it! Dedicated kay MyPreciousGem hahaha. Wish granted! Comment kayo ha, sino naka miss kay Ryan? UD ako sa kanya soon, sa RAINDY muna tayo focus hahaha. Magkakaliwanag na kaya ang pag-ibig nila Rain at Syndi?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro