37. J.R.C Wicked Plan
37. J.R.C Wicked Plan
JUBBIE
“CARL!!!” pabagsak ko pang isinarado ang pintuan ni Carl. Hawak ng isang kamay ko ang laptop ko. “Oh Carrrrrrrrlll!!” naabutan ko pa siyang nakaharap sa laptop nito. Ma batukan nga isang ito at hindi man lang ako pinapansin. “Brad di ka naman na mamansin!” sabay batok sa ulo.
“Nak ng—“ sama pa ng tingin saken eh “Nak ng Okoy ka talaga kahit kailan Jubbie! Ano bang ginagawa mo dito?!”
Ngiting aso lang ang ibinigay ko sa kanya “Makiki-hitch sana ako ng wifi” sabay tapon ng laptop nito.
“CARLINOOOO!!!”
“Naks! Huwag kang nerbyoso sa kama ko lang yun itinapon, tsst!” pinaisud ko siya sabay hila nung isang upuan “Usod ka dali!”
“Demanding?!”
“Nak ng Unggoy!!” hinawakan ko yung ulo niya at binagok ko yung ulo ko sa noo niya “Adik ka! Huwag mo kong batukan – Aray ko po!”
“Shabu pa!”
“Hahaha.. lakas lang ng tama eh!”
“Ano bang gagawin mo ha Carlino?”
“Skype!” naisip ko kasi kanina na kausapin si Ryan kasi may bright idea si Jubbie- That’s me “I miss Ryan na kasi eh!”
“Geez, so gay” napailing nalang ito, hmmp! KJ talaga ng isang ito.
Meanwhile…
RYAN
“Shoot! Woah… sige habulin mo pa ako! woah! Hahaha…akala mo ha! Shit! Naabutan ako!” Litseng halimaw talaga ito oh! Ang bilis tumakbo! Tssst!
“Kuya bakit di ako pinapansin ng crush ko?
“Shooot!! Naabutan na naman ako!”
“Kuya di mo ba talaga ako kakausapin?”
“Nak ng Chiken! Anooo ba!! Ba’t ba ayaw mo kong e beat ang high score ko! Ah ewan!” iba nalang yung nilaro ko yung bagong uso ngayon na hula-hulaan mo “Sheet! Ano ba ito?”
“KUYAAA!!”
Oh! Nandito pala ang kapatid ko? Nagulat naman ako may dwende na nakatayo sa gilid ko. Nakataas na yung kilay tapos nasa bewang pa nito ang dalawang kamay. Mukhang susuong yata ito ng gyera ah! Ma tanong nga ang isang yun.
“Alam mo ang sagot nito?” ipinakita ko yung apat na picture clue.
“KUYAA naman eeh! Di ka naman nakikinig saken?” naipadyak pa nito ang dalawang paa “Mukha akong engot dito na salita ng salita.”
“Ay yun alam ko na!” type ng answer “Woo! Tama! Talino mo talaga Ryan hahaha.”
“ANO BA KUYA! TALK TO ME!! ANO BAA!! PLSSS!! TALK TO ME! TALK TO—“ pak sabay bato ng notebook sa mukha ng kapatid ko. Ang kulit eh! Ano bang alam ko sa crush niyang di siya pinapansin. Aissh. “KUYAAAAA!!!”
“Pwede ba Kurdapya umalis ka na dito at rinding-rinde na ako sa usaping crush mo!” I stood up ang pushed her back towards the door “Diba sinabi ko na sayong tigilan mo na yang kaadikan mo kay Daniel Padilla dahil di kita bibigyan ng pera para sa concert niya.” Sabay bukas ng pinto at pinalabas siya. Kaso itong dwendeng ito ang lakas di ko masara ang pinto agad.
“Peru kuya Na Sa Kanya Na Ang Lahat!”
“Pwes nagkakamali ka!” I pushed her head outside kasi nagpupumilit ipasok ang ulo “Maligo ka doon sa banyo at lagyan mo ng maraming ICE para matauhan ka! Mag K-POP ka nalang baka ma uto mo pa akong paliparin ka sa North Korea.”
“Sa North Talaga? Di pwedeng sa South muna?”
“Sa Basilan gusto mo?”
“Ay scary!”
“Umalis ka na nga sa harap ko’t nahihindik ako sa pagmumukha mo!”
“Hmmmp!! Bitter ka kasi! Wala kang love life!! Buti pa si kuya Rain meron e ikaw WALA!! SAWI ka! Pangeeet mo kasssiii! KILL JOY!! Bleeh! Mag-emo ka nalang habang buhay!” Itong batang ito! Mapitik nga sa noo. “Ouch!!” sama na ng tingin saken eh “Isusumbong kita kay mama you’re so K.J.T.M and I.S.H.Y. Hmmp! B.K.K”
“Wala akong pakialam sa linggwahe mong pang-alien. Umalis ka dito!”
“Mama oh! Si Kuya Ryaaaan!!”
“RYAAAAAAAANN!! Diba sinabi ko na sayong huwag mong asarin yang kapatid mo!!”
“Aisssh!” bahala kayo sa buhay nyo. Isinara ko na yung pinto at inilock pa “Asar! Ang kukulit! Kung pwede lang sanang turukan ko ang isang yun pampatahimik! Wosh!” bumalik nalang ako sa harap ng table ko. Hindi na rin ako naglaro medyo nabobo yata ang utak ko ngayon.
Tanan..Tanann…Tanannnnn…
Kumunot naman yung noo ko. Inilapit ko pa talaga ang mukha ko. “Calling from Jubbie?” napakamot ako sa batok ko “Ano na naman kayang trip ng isang ito?” I accept the video call.
“RYAAAN!!!” Naman! Ang ingay talaga ng isang ito “I MISS U!!”
“Pwede ba Jubbie pakihinaan yang microphone diyan sa ngala-ngala mo’t nasisira ang eardrum ko sayo.” Napansin kong kasama nito Carl “Oh Carlino Juan natalo ka bas a lotto at parang binagsakan ng atomic bomb yang mukha mo?”
“Sabing walang buoan ng pangalan eh! Tsst! You give me creeps!”
“Hahaha, Oh bakit nakipag-skype ka saken Bimbi?” pang-aasar ko kay Jubbie. Tawag kasi yun ni Tita Joyce sa kanya noong baby pa ito.
“Nak ng tiktik naman talaga oh Ryan! Huwag mo nga akong tawagin sa palayaw na yan at feeling ko anak ako ni Kris Aquino. What’s sulit mommy?”
“Hahaha! Baliw!”
“Shabu pa Jubbie baka kulang pa yan!”
“Hahaha, walang basagan ng trip katuto.”
“Oh bakit nga kayo napa-skype na dalawa?”
“Ito kasing si Jubbie may naisip daw na ideya?” itinuro ni Carl si Jubbie na sobrang laki lang ng ngiti “Bright Idea daw?”
“Naks! Dumadamubs ka na pala ngayon Jubbie?”
“Nga pala Ryan ,” ni Jubbie “Alam mo ba na nandito sila Rain at Syndi?”
“Talaga?!” wow! Di ko alam yun ah “E ano namang ginagawa ng dalawang yan diyan?” at talagang inilayo talaga niya si Syndi.
Carl shrugged his shoulders “Don’t know,” sabay ngiti “Ganda pala ni Syndi sa personal.”
“Ops! Off limits ka na at baka kumidlat bigla at maging singkit lalo yang mata mo Carl. Naku! Di ka na makakakita ng babaeng naka two piece haha.”
“Ulol! Anong akala mo saken MANYAKIS! Si Jubbie kaya yun!” sabay turo kay Jubbie na bigla namang lumaki ang mata. “Oh papalag ka?”
“Hoy! Mabait kaya ako! Pinalaki ako na may dignidad, moral, emotional, spiritual, social, mental at personal ng mga magulang ko. Hinubog para maging marangal na mamayan sa bansang ito with proper communication and parent’s guidance!”
“So kaya pala tumakas ka sa seminaryo?”
“Wala namang ganyanan bro!”
“Si imbornal ka yata hinubog eh.”
“Sa arinola kamo!”
“Sige pagtulungan nyo pa ako! Sige lang! Pasalamat kayo’t may mabait kayong pinsan. Matapang pa!”
“Na takot sa Nanay haha!” sabay pa namin ni Carl.
“Ewaan ko sa inyo!”
“Huwag na nga natin lokohin yang si Bimbi at baka masapak pa tayo niyan” natatawang suggestion ko pa “O sha! Ano bang goal mo sa araw na ito.”
Ngumisi ito “Operation MULING IBALIK ANG TAMIS NG PAG-IBIG” may pataas-baba pa ng kilay ang mokong “na tatawagin din nating J.R.C Wicked Plan”
“Ano namang kaadikan yan Jubbie?” Ano na naman kayang plano ng isang ito “Baka naman ginagago mo na naman kami ah. Pass ako diyan.”
“Ano ka ba?! Huwag ka ngang KJ, para ito sa mahal mong kambal na si Rain.”
“Naisip kasi nitong si Jubbie na paglapitin pa lalo si Rain at Syndi gamit ang naimbento niyang eksena sa kinakalawang na niyang utak.”
“Hoy! Sobra ka naman Carl! Di pa kaya kinakalawang ang utak ko!”
“Whatever!”
Tumaas yung isang kilay ko with a grin “Anong eksena ba yan at pwedeng ako nalang ang director.”
“Hahaha! I told you! I’m so brilliant!”
“Oh ang ulo lumalaki na naman.”
“Hahaha!”
“Ok Game ako diyan.” Mukhang interesting ito ah “Ano bang game plan nyo?”
“Ganito yun…”
SYNDI
Maaga ako na gising kaya naman nakapag-handa ako ng almusal – almusal for three. Dinamihan ko na rin kasi balita ko eh tatlo daw ang pinapakain ni Jubbie sa tiyan eh. Mabuti na yung handa.
“Wow! Aga ah!”
Si Jubbie yung pumasok sa kusina. Naupo agad sa isa sa mga silya at nilapak agad ang iniluto kong pagkain sa mesa. Takaw lang eh. “Sarap mo namang magluto Syndi!” nag-thumbs pa siya saken habang pasak-pasak nito sa bibig ang isang sandwhich.
Hayun alanganing nginitian ko lang siya “Sige lang kain ka lang diyan.”
“Takaw mo talaga Jubbie!”
Yung entrance ni Carl iba talaga ang dating eh. Lakas lang ng impact di ko ma-explain eh. Itinaas nito ang sleeve nito hanggang siko saka sinaluhan si Jubbie sa table. Peru nagkape lang si Carl di kagaya ni Jubbie na naka-tatlo ng plato.
“Hindi pa ba gising si Rain?” umangat ang tingin ni Carl saken as he sipped on his coffee.
“Nagtanong ka pa eh gahaman yun pagdating sa tulog!” isang pitsel na tubig ang tinungga nito “WOAH! Heavy Breakfast sarap!” lapad lang ng ngiti ni Jubbie saken eh “Sama ka samen?”
“Ha? Saan?”
“Sa school ni Jubbie”
“Nag-aaral ka pa?!”
“Haha! Di ah! Ako may ari ng pinakasit na academy dito!” pagmamalaki nito “Tanghali pa yan magigising si Rain at mabo-bore kalang dito kaya sumama ka na lang samen. Mage-enjoy ka pa may kasama ka pang nagwa-gwapong lalaki. Uha!”
Hindi din mayabang ang isang ito, ano?
“Oh lumalaki na naman yang ulo mo. Kayabangan mo oh umangat na sa utak mo.”
“Geez!”
Tumayo bigla yung dalawa saka lumapit saken. Napaatras pa ako. Anong gagawin ng dalawang ito saken? Naku ha!
“T-teka.. kailangan ko munang kausapin si Raaaaaaa.. – What the! Hoy!” sukat ba namang kinarga ako sa balikat ni Carl. “Hoy! Bitiwan mo nga ako!”
“Huwag ka ng KJ mababait kami”
“Simpatiko pa! Hahaha!”
RAIN
Nahalugad ko na yata ang buong bahay wala parin akong napansing tao. Pati si Syndi di ko makita. Saan naman kaya yun nagpunta. Di man lang nagsabi saken. Aissh!
Binuksan ko ang ref nang may mapansin akong note kaya isinara ko ulit at kinuha ang papel.
Mahal naming pinsan, hihiramin muna namin si Syndi ha! Enjoy – JuCa
Nak ng ng pato!! Ang dalawang yun talaga!! Shit!
HAHAHA! SHORT UPDATE LANG! HOPE na enjoy nyo. Sino nabitin? Hmm? Ano kaya ang game plan ng tatlong ito? Shuks! Ano, kailan nyo gustong mag-update ako? Hihihi – WeirdyGurl
Ps: Thanks for still supporting me *cries* I so love u all.. Tanong ko lang: Di nyo naman na nakikita ang Maid in Disguise ko diba? favor naman, pakitignan sa account ko kung meron pa kasi na e-delete ko na talaga yun eh. Inaaway prin ako ng mga bruha :(
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro