36. Jubbie and Carl
PLS READ! Nagdadalawang isip ako noong una ko mag a-update ako dahil nainis ako sa mga HATERS ko sa Maid in Disguise. Grabeh! Sabihan ba daw akong pangit at sobrang pangit daw ng story ko kahit di nila basahin. Ipapa-delete pa nila. Naasar na ako! Hindi ko na sila sasabayan kasi sayang ang pinag-aralan chus! Bahala sila, gusto ko nang maiyak peru naisip ko si Ryan at Rain paano na ang love story nila? Naks! Ang hirap pag may hater ka huhuhu *HUG* nyo ko pwess! ENJOY kayo… kahit man lang sa comment mapasaya nyo ko. Mwah!
This chapter will be the second introduction of Jubbie and Carl ang cute at makulit na pinsan ng kambal. Gwapo na sila ngayon kaya huwag nyo ng tignan ang old pic nila sa Chap 8 kasi sobrang layo na ng pays nila. Hahaha, si Carl yung sa taas si Jubbie yung na sa ibaba. :D
36. Jubbie and Carl
SYNDI
Nagulat naman ako nang pagbuksan ako ng pinto ni Rain ay may mga maleta sa labas. Hindi pa siya naglipat ng gamit niya sa cabinet? Wow ha! Di naman halatang tamad ang isang ito. Hindi nalang ako nagsalita at hinila ko nalang yung mga maleta niya nang..
“Anong ginagawa mo?”
“Obvious ba? Ililigpit ko ang mga gamit mo?”
“Bakit mo ililigpit?”
“Nakakalat eh”
“Don’t bother,” tumayo ito at saka hinila ako palabas ng unit nito. Naman talaga! Ano bang problema ng isang ito? Sarap batukan, hmmp!
“Ano bang problema mo ha?!”
“We’re leaving”
Ano daw? Aalis kami? Omyghaad! Hinila ko yung kamay ko. Saan kami pupunta? Wala man lang warning? Anak ng baboy naman talaga ikaw Ulan eh. Kung makapag-desisyon akala mo si Undoy. Ang hilig mong manalasa ng buhay!
“B-Bakit tayo aalis? Saan?”
“Ba’t ba ang dami mong tanong? I’m your boss kaya ako ang masusunod.” Hinawakan na ulit nito ang kamay ko at hinila ako papunta ng unit ko. “Now, pack your things!” this time binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti. Sarap pektusan ng taong ito eh!
“Demanding?”
“Excited lang hihi”
“Mukha mo!” tinapakan ko pa yung paa niya bago pumasok “Bwesit ka talaga eh!”
“Syndi naman!” hawak-hawak nito yung nasaktang paa nito with lundag-lundag pa. “Brutal mo talaga eh!”
Hmmmp!
MYKA
“Ateeng may sulat ka?”
Naman kung makasigaw talaga ang baklang ito WAGAS! Parang may sunog lang eh. Nagbabantay ako ng boutique kahit enjured ng bongga. Nasa private office naman ako ng boutique kaya karey ko lang naman.
“May Sunog? Kung makasigaw ka naman Karing kaloka!”
“Ateng kasi eh,” lumapit ito sa lamesa ko at nilapag ang isang gold and maroon styled envelope. Tinignan ko yung sosyal na envelope. “Sinong ikakasal?”
“Tange! Hindi yan wedding invitation.” Binaliktad nito ang envelope “Reunion daw ng section nyo at invited ka daw. Tanga lang sis?”
Inirapan ko si Karing “Gusto mong pilayan din kita?”
“Ay scary!” umatras ito bigla “ Batse na ako ateng at baka lafangen mo pa ako! Ciao!” saka dali-daling isinara ang pintuan. Ang baklang iyun talaga.
Binasa ko na yung laman. Hmm, Reunion nga ng mga estudyante ni Mr. Lakambini courtesy, organized and donated by Mr. Lakambini itself. Wow! Yaman ah! Nanalo kaya yun ng lotto? SIYA NA! SIYA LAHAT ANG MAY SAGOT!
Naisip ko yung isang paa ko. Paano iyan eh pilay ang isa kong paa. Ano yun? Ang pangit naman ng lakad ko.
“Si Ryan kasi eh! Kung di siya nagpahabol edi sana ako matatapilok ng bongga?” nailabas ko yung cellphone ko. Naks! Mukha talaga ni Ryan ang wallpaper eh. Kinilig naman ako bigla lakas lang maka-assume eh. “A-attend kaya siya?” scroll ko yung last and first message niya saken. “NP plus smiley face hmmp! Di man lang pinahaba… like goodnight or sweet dreams? Ang barat naman mag-txt ng isang yun.”
RayaaaaHahahan…
“Nak ng tokwang panis!” muntik ko ng mahulog ang cellphone ko sa gulat ko ba naman sa message ringtone ko. “Aish, sino ba itong unknown number?” sagutin ko nalang “Hello?!” taray lang eh.
“Naks! Tara-Tarayan? Level Up!”
Napatuwid tuloy ako ng upo “S-Sir Lakambini?!”
“SIYANGANG TUNAY?! Musta na my dear?”
“Sir, saan nyo nakuha ang number ko?” nakakagulat naman ang isang ito “nakakagulat ka naman sir.” Inisip ko pa sasabihin ko din naman. Haiiz!
“Kailangan pa bang itanong yan? Syempre I have my sources haha”
“Napatawag po kayo?”
“Ayaw mo.”
“Ay d-di po sa ganoon… ahm” naman! Pilosopo pa din. “Ano kasi sir.. ay sir may reunion pala tayo?”
“Wala tayong reunion jowk ko lang yun lahat.”
“Sir naman eh!”
“Oh sha! Prepare ka na at mapapagod ka sa inahanda kong SUPEH PATY! Bwahaha! Aba’t milyon-milyon ang gastows ko duwn. Kaya magpakita ka kung ayaw mong ipa hit and run kita. Naks! Killer lang ang peg! Anyways, tumawag lang ako para e-confyerm kong natanggapin mo na ang aking later (letter). Natanggap mo ba?”
“Opo”
“Okay, bye na… See you..mwah! Bring your date darlin!”
Tot..Tot…Tot..
Panga bagsak. Balikat bagsak. Nga-nga ang drama. Ano bang sabi niya? Di ko naintendeyhan. “Sus maryosip! Nahahawa ako kay sir!” txt ko nga si Ryan. Wow close?
Pnta ka sa REUNION ni ser? –Myka
After 10 minutes pa talaga nag reply!
Nope.. Hwag k n mgtnong lst q n2ng lod – Ryan
May sumunod pang message..
Kng mplit ka palod mo ko… kw gmastos – Ryan
KALOKA!! Ako talaga ang magpapalod sa kanya?
“KARING!”
“ATEEENG! BAKEET?”
“Paload mo itong number na ito” itinapat ko talaga sa mukha niya ang cellphone ko “ 100 ha! Ngayon din!”
“May ganun talaga sester?”
“May ganun” inayos ko yung sarili ko “Kailangan niya ng load kaya dapat mamigay ako. Tama daw yun, sabi ni Lord.”
“Ay bongga! Add din ako ng load ka fafa Doc Ryan”
“Hindi pwede!”
“Bakeeet!”
“MASAMA YUN SABI NI LORD”
“KALOKA!”
Dahil ako lang ang pwedeng mag-donate ng load kay Ryan. Walang aangal doon! Ako lang ang mayaman dito bwahaha. Selpis lang eh!
SYNDI
Sa hinaba-haba ng byahe sa wakas at dumating na din kami sa… sa… saan na nga ba kami? Di ko knowing ang place eh. Basta pagkalapag ng eroplano ay sinundo kami ng isang van at hinatid sa isang malaking bahay.
“Saan tayo?” tanong ko agad kay Rain nang ito pa talaga ang nagbukas ng pinto.. Gentleman?
“Nasa bahay ng lola at lolo ko – father side” ngumiti siya saken “Ganda noh?”
“WOW!” ganda naman kasi eh as in ang ganda ng design. Modernize home with Filipino touch. Kasi parang luma na siya na renovate lang. Peru di na yun halata. “Ang gandaa..”
“Sir Rain ipapasok ko na po ba ito?”
“Sige na…”
“Sino nagdesign?”
“Me”
Tumaas naman yung isang kilay ko pagbaling ko sa kanya. “Wee di nga?” wala talagang bilib eh.
“Graduate ako ng architecture kaya huwag mo kong maliitin.” Ginulo niyo ang buhok ko “Next project ko ang family house natin hehe”
“Ha?” Hinila na niya ako papasok ng bahay “Hoy!”
“Pumasok na tayo hehe”
“Hijo!” sinalubong ng yakap si Rain ng isang matandang babae nakasunod naman dito ang isang matandang lalaki. “What a surprise!”
Hinalikan nito sa pisngi ang matanda “I miss you Lola, Lo?” niyakap naman nito yung isang matandang lalaki. “Nga po pala,” inabot ni Rain ang kamay ko at hinila palapit sa kanya “Syndi po”
“K-Kumusta po” hiyang-hiya naman ako sa lagay ko. Isang malaking awkward! “Nice to meet you po.”
Niyakap ako ng matandang babae. Gulat nga ako eh. “It’s nice to finally meet you hija” hinawakan nito ang isang kamay ko at marahan yung pinsil. “Lola nalang ang itawag mo saken.”
“S-sige po Lola” ngumiti na rin ako.
“Lolo nalang din ang itawag mo saken hija,” inabot nung matandang lalaki ang kamay niya “It’s nice to meet you.”
“Nga pala Lo, La… may lakad po ba kayo?”
“Yah, tama… ikaw kasing bata ka di ka nagpapasabi na magbabakasyon ka dito.” Tinampal nito sa balikat si Rain “Pupunta kami ng Cebu ng lolo mo, you know business, at saka bakasyon na rin.”
“Magpahinga na lang po kayo Lo, La”
“We wish we could hijo,” ang lolo nito ang sumagot “But you know, wala namang mamahala ng negosyo natin. Your father took up medicine alangan namang ipamahala ko sa kanya ang Real Estate natin. Pati ang kambal mo nag-doctor din, maybe you could at least reconsider my offer? Graduate ka naman ng architecture.”
“Si lolo talaga hahaha, alam mo naman na ayoko sa mga business na yan eh.”
“Oh well, sige na… aalis na kami at baka mahuli pa kami sa flight namin.”
“Una na kami hijo, Syndi” binalingan ako ng matanda “Take care of my apo habang wala ako ha.”
“Ah.. eh, o-opo”
“Bye Rain, Syndi”
Binalingan ko si Rain “Hindi ka ba naawa sa lolo mo?”
“Ha?”
“Matatanda na sila bakit di mo gamitin yang pinag-aralan mo’t tulungan mo sila?”
Nakakabanas! Ngumisi lang ang unggoy! Wala talagang awa.
“Sorry but not my cup of tea”
“Not my cup of tea?” nilayasan ko na siya “Magkape huwag kang sosyal!”
“Oh shit!”
Ang hilig talagang magmura ng isang ito.
“Rayyyyyyyyyyyyynnnnn!!”
“Bru! Pinsan! Coz! Mahal kong pinsaaaaan!!”
“Nak ng shokoy naman talaga oh!!” nakita ko pang umatras si Rain na parang nahindik lang sa bagong dating. Dalawang matatangkad na lalaki na mukhang na miss yata ng sobra si Rain. Ano ito? May namumuong BROMANCE? Ewww.. “Carl?! Jubbie?! Anong ginagawa nyo dito?!”
“Tandadadaaan!”
Umikot pa yung tinawag ni Rain na Jubbie tapos biglang inis-spread ang arms “Huwag kang tanga pinsan dito na ako nakatiraa!” anong kaadikan yan?
“Ha?!”
Umakbay yung tinawag ni Rain na Carl kay Jubbie pagkatapos inipit bigla ang leeg nito at kinutusan sa ulo “Buang ni siya! Pinerahan na naman ako ng unggoy na ito!” meaning baliw daw. Marunong naman ako ng konting bisaya hehe.
“Naman Carl! Ang yaman-yaman mo magpa-ambun ka naman ng pera sa mga poor like me!”
“Isusumbong kita kay Tita Joyce dahil niloko mo na naman ako.”
“Huwaag naman coz ayoko nang manatili ng dalawang oras sa kumpisalan! Patawarin mo naman na akooo… forgive me for I have sinned… AGAIN!”
“Baliw!” bigla namang napatingin saken yung si Carl… teka, green eyes ba siya? “Oh sino naman yan?” itinuro ako.
“Si Syndi”
Ngumiti naman ito bigla “Pwedeng ligawan?”
Sus Maryosip ano daw? Liligawan niya ako?
“Naku poooo!!” napahawak sa magkabilang pisngi si Jubbie na parang shock na shock “Manliligaw na si Carl!! Ihanda ng litsoon!! ARay!” binatukan ito ni Carl “Ouch ha!”
“Umayos ka kundi wala kang mahihita saken!”
Umayos ito ng tayo at biglang inalagay ang dalawang kamay sa puso at tumingin sa langit. “Let it be done according to your word.”
Ano bang klaseng pinsan ang mga ito? Masama yata ang pagkakabaguk ng mga ulo nito.
“Ligawan ko ha?”
“Hindi!”
“Kayo na ba?”
“BASTA HINDI PWEDE” lumapit saken si Rain at hinila ako bigla “Ihahatid na kita sa kwarto mo!”
“Galit ka?”
“HINDI!”
Scary ha!
Leave some comments!!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro