34. I Miss Raindy
34. I miss Raindy
Syndi
Kanina pa kami sa Coffee shop na ito peru itong si Rain mukhang wala yatang balak magsalita at panay lang pagkuting-ting nung cellphone niya. Sino naman kayang ka txt ng isang ito at di ako pinapansin ng bongga! I sipped on my mango shake at pabagsak pa talaga yung ibinaba.
Yan! Huli ka rin!
Umangat yung tingin niya saken “Hmm?”
“Habit mo na ba talaga ang mag-aksaya ng oras?”
“Hindi naman, bakit mo na tanong?”
Sarap talagang pektusan ng isang ito! Ibuhos ko sayo itong iniinum ko eh! Hmmp!
“Kasi ako mahalaga ang oras ko… kung wala kang balak kausapin ako o sabihin saken ang mga rules mo aalis na po ako, pwede ba?”
Ngumiti naman ito “Ah.. pasensiya na may inasikaso lang ako” itinaas muna nito ang cellphone bago yun inilapag sa table. Pinagsalikop nito ang dalawang kamay sa table at… tinitigan ako?
Tumaas lang tuloy ang isang kilay ko “Anong trip yan Rain?”
“Masama bang titigan kita?”
“Oo dahil matutunaw ako!” may ismid kong balik sa kanya.
“Bakit nakakatunaw ba ang titig ko?”
“Yah right,”
Yung pase-seduce ko sa kanya hindi yung landi-landian ang style. Yung patay malisya lang. Sa mga susunod na mga araw ko nalang edi-demonstrate yun.
“Ang taray mo talaga kahit kailan”
“May paki ka doon… at saka pwede ba, spill out those rules at nang maka-alis na ako.”
He leaned on his seat first. Bahagya pang bukas ang ilang butones ng polo niya kaya clear na clear ang view ng malapad nitong dibdib. Naks! Kailan ka pa nagka-interes sa dibdib niya? Aish, focus! Napansin ko pa yung silver necklace na may pendant na susi.
“Liking what you see?”
Pag-angat ng tingin ko sa kanya merong nakakalokong ngiti ito sa mukha. Di ko pinahalata yung pisngi kong nagsisimula ng mamula. Hindi ko naman kasi sinasadya yun.
“W-what?” sabi ko nalang.
“Anyways, hindi naman marami ang rules na meron ako. Unang-una, you need to stay in my place.”
“W-what?! Hindi pwe—“
“Ops! Before you say anything else let me finish first.” Hindi na rin ako nagsalita pa “Second I take the shots, meaning ako ang masusunod, and I don’t wanna hear any side comments or complains with you. Lastly, kung may kailangan ka or tanong feel free to approach me dahil di naman ako ganoon kasama kung yan ang inaakala mo. May pinagsamahan naman tayo kahit papaano.” He smiled “You’ll be my maid, my cook, my driver and my personal assistant.”
“Hanggang kailan?”
He leaned closer to me “Darling, hanggang kaya mo. Isa itong kasunduang walang ano mang petsa kung kailan magtatapos.”
“You mean..”
“You’ll be with me in a short time yun ay kong ma convince mo ako about the painting.” He smirk and our gaze met dahil sobrang lapit na ng mga mukha namin “or pwede ding sukuan mo ang painting at umalis nalang sa poder ko. I’m giving you all the freedom babe.”
Freedom my foot!
“FINE! May magagawa pa ba ako?”
“So we’re settled then?” as he leaned back on his seat he crossed his arms over his chest “Bukas susunduin kita sa condo mo ng 7”
“7, bukas? Agad-agad talaga?”
“Time is gold and it’s not like wala akong trabaho… diba sinabi ko na sayo na I will be busy for the upcoming days?”
“Hmmp!”
May magagawa pa ba ako? Hala! Pagbigyan na yan!
Tok..Tok..Tok..
Sabay pa kaming napatingin sa labas. Kakagulat naman!
“Ma! Pa! Ryan… Jueryne, anong ginagawa nyo diyan?” napakamot sa ulo si Rain na parang nawe-weirduhan sa pamilya nito. Sa bagay! Matagal naman ng weird ang family nila.
Itinaas ni Ryan ang isang sketchpad..
ANG TAGAL NYO NAMANG MAG-USAP
Flip
GUTOM NA KAMI
Flip
LABAS NA DIYAN BAGO KO PASABUGIN ITONG COFFEESHOP!
Ano bang pinagsasabi ng isang ito. I mouthed “W-What?”
Nagsulat ito ulit sa sketchpad nito.
LUNCH TAYO :P
Sabay peace sign na pacute lang. Anyaree sa isang ito? Nalipasan ng gutom?
Bumaling ako ng tingin kay Rain “Lunch daw?”
“Nabasa ko nga” nauna na itong tumayo “Halika na, nagugutom na rin ako” bigla nalang niyang hinawakan ang kamay ko sabay hila saken “Hindi pala nakakabusog ang kape..tst!”
“Kung makahila naman ang isang ito parang teddy bear lang ako..” bulong ko ng mahina.
“Speaking of teddy bear” nahawakan na nito ang glass door at akmang epu-push na nito yun nang huminto ito at tignan ako “Kumusta na pala ang anak natin?”
“Ha? A-Anak natin?”
“Yup si Raindy,” ngumiti siya saken sabay gulo ng buhok ko “Na miss ko na rin ang baby ko eh, dalhin mo bukas ha” he winked at me sabay hila saken palabas. “Waa, gutom na akoo..”
Teka, na dala ko ba ang anak namin? Este, si Raindy?
Myka
“Karing naman eh! Saan ka na ba sunduin mo na ako dito?”
“Ateeng luz valdez itech nasiraan ako ng gulong. Nandito pa me sa talyer ni Kiko wait mo lang ako diyan.”
“Naman eh! Kapag di ka pa pumunta dito within 30 minutes magta-taxi nalang ako!”
“Mabuti pa ateeng medyo matatagalan pa ito eh.”
“Hmmp! Type na type mo talaga akong pahirapan eh!” pinatayan ko na siya ng phone “Bwesit talaga ang baklang yun.”
Naghihintay ako kay Karing dito sa park ng hospital. Buti nalang at may waiting area dito kaya di ako maiinitan. Balik Ospital ako dahil ang baklang yun kung saan-saan inilalagaya ng pakete ng shampoo kaya nang magbanyo ako nadulas ako at naitapak ang nasaktan kong paa. At nabasa pa dahil di pinatay ng baklang yun ang shower. Kapag minamalas ka nga naman. Namaga pa lalo ang paa ko.
“Ang sakit pa naman ding maglakad.”
“Anong ginagawa mo dito?”
“Ay kabayo!” nasapo ko ang dibdib “Ryan?!”
“Yup ako nga” naka doctor uniform ito at mas lalong naging gwapo ito sa suot nito. “Oh tama na yang titig at baka matunaw ako.” tumabi ito ng upo saken.
“Excuse me di po kita tinititigan..” slight lang.
“Okay, so bakit nabalik ka dito?” tinignan nito ang nakabenda kong paa “Masama ang gumala ngayon pa’t may pilay ka. Teka, namamaga ba yan?”
“Magang-maga! Na dulas kasi ako kanina sa banyo dahil yung baklang si Karing napakaburara.”
“Bat kasi di nag-iingat”
“Kaya nga aksidente eh.. hmp! Ako na nga itong nasaktan ako pang pinapagalitan mo.”
“May susundo ba sayo?”
“Bakit?”
“Meron ba?”
“Hmm… mukhang wala eh, tatawag nalang ako ng taxi.”
“Huwag na,” tumayo na ito “Hintayin mo ko dito kukunin ko lang ang kotse ko. Ako na ang maghahatid sayo pauuwi.”
Tama ba ang narinig ko? Siya ang maghahatid saken. Naks! Kapag sinuswerte ka nga naman! Itong dalawang paa ko nalang kaya ang ipapilay ko? Ouch! Never mind nalang baka di pa ako makalakad sa isle kasama si Ryan ko.
“Ayoko nga!”
“Aish, huwag ng matigas ang ulo. Wait for me,”
Bago pa ako makapagprotesta na drama ko lang ay umalis na siya sa harap ko. Denial ko agad si Karing.
“Hoy Bruha huwag mo na akong sunduin!”
“Talaga?! Good News!”
“Ihahatid ako ni Ryan ko hahaha”
“Huwaaat! Yung super na doctor..si Doc Ryan?!”
“Aha, kaya mainggit ka!”
“Bruha ka talaga sister! Bad News yan!”
“Bye”
Saya! Ihahatid ako ni Ryan! Hahaha… Party na ito!
Sorry! Short lang ang UD hahaha... dedicated kay Ron_Chiks hahaa.. pagpasensiyahan nyo na ang UD ko...comments? - WeirdyGurl
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro