Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

30. A New Beginning

30. A New Beginning

Syndi

After 7 years…

Nililipad ng hangin ang mahahaba at kulot ko ng buhok… trying to spot someone behind my sunglasses. Saan na ba ang unggoy na yun?

“Syndi!!”

Hayun pala eh! I run to him at patalon pang niyakap siya “RYAN!!”

“Woah!” mukhang nagulat pa siya sa biglang pagyakap ko sa kanya “Chill okay, masyado ka namang obvious hahaha” ibinaba na niya ako saka ginulo ang buhok ko.

“Arte!” tinampal ko yung kamay niya “Uyy ano yun ha,” I gave him a teasing smile “Lalo ka yatang nagiging gwapo ah… tsk! Iba talaga ang nagagawa ng pagiging Doctor ah! Naks naman!” bigla ko namang ipinakita ang magazine na cover siya sa isang health magazine “Lume-level up ka eh! Ganda katawan!”

“Kulit mo!” inisa-isa na nitong ilagay ang mga maleta ko sa likod ng sasakyan niya “Yan ba ang nagagawa ng hangin ng Japan sayo Syndi?”

“Hmmp! Yabang!”

Napangiti nalang ako.. Ang daming nagbago sa pitong taon. Hindi ko inakalang magiging sobrang close namin ni Ryan. Unexpected ngang nagkita kami ni Ryan sa Japan, that was 5 years ago. Hindi na ako naka-attend ng graduation dahil biglang dumating ang mama ni Daddy. Isang purong hapon peru pure pinoy ang napangasawa, si lolo. Nalaman namin na itinakwil pala si Daddy noon dahil tutol sila kay mama. Peru dahil sa pagsisikap ni Daddy ay nakaahon kami. Huli na ng marealize nila lola na mali ang ginawa nila. Hinanap nila kami peru wala na si Daddy.

Bumawi sila at isinami kami nila mama at Aki sa Japan. Doon ko na rin itinuloy ang pag-aaral. Parang kelan lang yun. Ito namang si Ryan nakabunggo ko sa train station doon sa Japan. Nakatulog eh, di ko sana papansinin kaso nakonsensiya ako. Alam mo na, move on ang peg ko noon. Kaso baka ano pang mangyari sa isang yun kapag di ko ginising.

Wala palang sense of direction itong si Ryan. Kanina pa pala nawawala ito sa Tokyo, deadbatt pa ang cellphone. Isa kasi ito sa mga estudyanteng isinama ng prof nito para sa isang seminar na related sa degree nito.

Simula ng umuwi ito sa Pilipinas ay lagi na kaming nagska-skype at chat. Viola! We became best of friends!

“Halika na,” inilalayan niya ako papasok ng kotse nito.

“Wow gentleman ah” ngumisi lang ako bago isinara ang pinto. Mabilis din itong nakapasok at pinaandar agad ang sasakyan “Musta ka na Ryan?”

“Heto gwapo pa rin”

“Naks! Na magazine ka nga eh!” itinapon ko sa likod ang magazine “Musta ang lovelife mo?!”

“Sasagutin ko yang tanong mo kong sasabihin mong inlove ka parin sa kambal ko.” Binigyan pa ako ng nakakalokong ngiti.

Inismiran ko siya “Huwag mo ngang mabanggit-banggit saken yang kambal mo!”

“O bakit?” dahil nakatuon siya sa pagda-drive side glances lang ang nabibigay niya saken “Let me guess? Napapakanta ka ng Muling Ibalik ang tamis ng pag-ibig, no?”

“Bwesit ka!” pinalo ko yung braso niya.

“Oh! Huwag ka ngang magulo at baka mabangga tayo!”

“E ikaw kasi!” I leaned on my seat sabay crossed arms “Ganitong bwesit pa ako sa buhay!”

“Pansin ko nga… akala ko nga di ka na babalik ng Pilipinas, anong nangyari?”

“It’s because I need Rain”

“Naks! Di inamin mo rin na di mo na kayang mabuhay na wala si Rain. Ayee!”

“Akala ko ba matalino ka? Saan na napunta ang utak mo.” I pouted my lips “E kaya lang naman ako bumalik sa Pilipinas ay dahil sa lintik na painting na gawa niya.”

Tama, Rain is one of the most famous artists in Europe. Nagulat nga ako eh, di ko naman alam na magaling pala iyun magpinta. Ang alam ko lang ay painter ang mommy nila. Puro inis parin ako! Hmmp!

“So what’s with Rain’s painting?”

“My lola saw one of his artworks in an online auction last month and had actually liked his piece. Kaya lang yung nagustuhan niya hindi naman pala ibinibenta ni Rain. Ewan ko!” isinandal ko yung isang braso ko sa salamin ng kotse and rested my head “Hindi ko alam kung anong meron sa painting na yun at gustong makuha yun ni Lola, for pete’s sake! Why did they post it online if they don’t have any plans of selling it in the first place?!” now I have to face that jerk again!

“Oh bakit? You’re just going to talk to him and it’s not like you’re still affected of him?” he glanced at me “O baka naman di ka pa nakaka-move on”

“Dah! Matagal na noh!”

“Just enjoy your stay, anyways, how long are you gonna stay here?”

“Depende kung kailan ko makakausap ang kapatid mo”

“He’s coming back this Friday, want me to sent an appointment to him?”

“Wow! Naga-apply ka ba bilang secretary ko?”

“I’m a famous doctor and I owned most of the well known hospitals here in Manila. I think being a secretary would not make me poor” I saw him grin.

“Yabang mo!”

One of Ryan’s hidden personalities na nalaman ko. Hay naku! Malayong-malayo sa Ryan na iniisip ko noon. Ang daldal pala, patay gutom, of course matalino at sobrang belib sa sarili. Hindi nakaka-bored kausap.

“Anyways, don’t bother alam na ng kambal mo na kakausapin ko siya.”

“Wow? So you two have talked?”

“Not yet, si lola lang naman ang nakikipagtelebabad sa isang yun.”

“Ow, I’m sure you can handle him. I haven’t seen him for quite some time now, medyo masama talaga ang loob nun saken. Hindi din ako nakiki-join sa skype session nila. I only see him in broadsheets and magazines.”

“Ma pride din naman kasi ang isang yun”

“Right, maybe this time we’ll have some time to talk”

“Grabeh noh, I never imagined Rain would be such a great painter. Papiteks-piteks lang kasi yun noon.”

“Wala pa naman yun sa isip niya na e-persue ang arts, why the change of heart? Hindi ko alam.”

“Huwag na nga nating pag-usapan si Rain! Naihanap mo na ba ako ng condo?”

“Kitams, ginawa mo nga akong secretary mo. Oo, tapos na, doon na nga tayo didiretso.”

“Wow! Thanks Ryan!”

“Welcome”

“Teka nga, nakasalamin ka pa rin?”

Hindi parin nagsasawa itong si Ryan sa get up niyang yun.

“Hindi na trip ito,” inayos nito ang salamin “Nahipan yata ng masamang hangin kaya lumabo itong mata ko.”

“Really?! Hahaha!”

“Sama nito… hindi naman gaanong kalala.”

“Right,”

“Goodluck nalang sa pagkikita nyo ni Rain”

“Parang ayokong dumating ang araw na yun”

“Face it! Kung di mo kaya bitter ka pa”

“Hmmp!”

Bakit ba kasi sa dinami-dami ng mga pintor sa mundo si Rain pa talaga! Great! Ayos din itong si Tadhana eh di man lang nagbibigay ng warning… Kayo talaga ni Lord lage nyo nalang ako sinu-surprise, tsk!

Ryan

Montague Mancion

Pabagsak na naupo ako sa sofa sa sala. Parang ang sarap nalang matulog lage. I sighed, Kailan kaya siya babalik? Hmmm… Ipinikit ko ang mga mata. Tuesday ngayon peru ilang araw na rin akong dumidiretso sa bahay kahit na may condo ako malapit sa Ospital. Nakakabored kasing mag-isa.

Na mi-miss ko na rin siya…

“HOY RYAN SAAN KA GALING BATA KA!!”

Anak ng pata naman oh! Bigla akong napadilat. Hay naku, napaupo ako ng matuwid. Heto na naman kami, dadaldal na naman itong mama ko. Naman!

“Ma namaaan..”

“Tumawag ako sa Ospital wala ka daw doon?”

“Aalis ng ako diba? That means, I’m not referring to a certain place”  I rested my arms on the arms rest of the couch na parang bored lang.

“Pilosopo ka talaga!” pinihit nito bigla ang tenga ko “Hmp!”

“Araay naman! Aish, hindi na po ako bata” kawawa naman itong tenga ko..tsk! Dapat kasi kasama sa pambru-brutal ni mama si Rain. Unfair!

“Saan ka galing ha?”

“Yung totoo ma, nanay ba kita o imbestigador ka dito?”

Isang malutong na kurot sa tagiliran “Naman Maaa… Aish, napaka-brutal mo talaga Ma”

“Anak ba kita o nanay mo si Vice?! Sa sagot ka lang eh ang dami mo pang satsat! Saan ka galing?!”

“Fine! Sinundo ko lang si Syndi”

“Si Syndi?!” atat na tumabi bigla saken si mama na parang sasagap ng tsismis, nakakagulat naman itong si mama ang lapad lang ng ngiti eh “Bumalik na ang girlfriend ni Rain?”

Umisod ako ng konti “Syndi is not Rain’s girlfriend”

Peru umisod din si mama “Ano ka ba! Magkasintahan sila..” napa-isip ito saglit “Anak ng! Tapatin mo nga ako Ryan,” ang sama ng tingin saken “Ikaw bay nilalandi ang girlfriend ng kambal mo?!”

Bigla naman akong naubo dun “Nilalandi talaga ma?”

“Naku, Naku Ryan! Hindi ako makakapayag diyan sa iniisip mo! Makakalaban mo talaga ako!”

Mabiro nga ito “Ayaw nyo nun my TWINS Love Triangle?”

“Mahabagin! Yang utak mo ha Ryan! Hindi kita pinalaking ganyan!”

I waved my hand dismissively saka tumayo “We’re just friends ma, no need to fuss about it”

“Make sure of it!”

“Matutulog na nga lang ako nakakabored kang kausap”

“Aba’t” binato na naman ako ng throw pillow “Hoy ikaw! Mas malala ka pa pala sa kambal mo!”

“Ma, ngayon nyo lang napansin yun?”

I yawned and stretched my arms, umakyat na rin ako sa hagdan.

“Mag love life ka na kasi anak… You’re not getting younger!”

“Remind me to give you your medical prescreption later mom, mukhang tumatagilid na naman ang utak mo eh. Kailangan mo ng maka-inum ng mas matapang na gamit pampanormal!”

“Langya ka talagang anak!”

Hay naku kahit kailan… Minsan ang sarap ipasok sa mental itong nanay ko. Tsk!

“Ang tagal mo kasing bumalik eh… demanding pa naman itong mama ko”

Anyways… I have a feeling na babalik ka na rin…

“Kuyaaa ang sakit!” bigla naman akong sinalubong ng yakap ni Jueryne sa bewang “Yung crush ko kuya crush ng lahaaaaatt!! Waaa!”

“Malamang,” inilayo ko ang mukha nito gamit ang isang kamay “Crush mo nga eh, ikaw lang may karapatan dun? Selfish mo rin eh” inalis ko na yung kamay niya sa bewang ko at iniwan na ito sa gitna ng hagdan. Hay naku! Isa pa ito eh!

“Kua anong gagawin kooooo!!”

“Tumawag ka sa Ospital and set an appointment”

“Bakit?”

“TUTURUKAN KITA NG KARAYUM AT NANG MATIGIL KA!”

“WAAAA!! Mommy ohh si Kuyaaaa!!”

Mga Pasaway!

Friday: A I R P O R T

Rain

“I’m HOME!!”

Napatingin ako sa paligid, all were looking at me. Okay lang, ganito talaga kapag nakauwi na sa bayang tinubuan. Naks! Excited lang Rain? Oo naman! Ngayon pa’t may dahilan ako para umuwi sa Pilipinas. Naala ko tuloy …

“Yes Mrs. Aguilar what can I do for you?”

“Hijo, pinagtataka ko lang, paanong may painting ka ng apo ko”

“Po?”

“Remember the painting that you’re not selling? It’s Syndi right? Correct me if I’m wrong hijo but the girl in the painting really looks like my grandaugther? Do you happen to know each other?”

“Actually, the painting is very important to me. I don’t really sell it madam, but yes, Syndi nga po ang pangalan niya.” Peru di ko alam na may lola pala si Syndi at isa pa sa mga mayayamang tao sa sa Japan. Sa bagay wala ka naman talagang alam na kahit konti sa kanya Rain. Nakakahiya ka! “You know, this girl is very dear to my heart but I did something terrible and broke her heart.”

“Oh, I’m sorry to hear it hijo”

Akala ko noon yun na ang huling pagkakataong makakausap ko si Mrs. Nissa Yamada Aguilar but to my disbelief she called again last week. She made a deal to me, na may ngiting sinang-ayunan ko.

“Hindi ko alam ang totoong kwento nyo ng apo ko hijo but something in me wanted to do something. Hindi naman din ako tumatanda and I have this great feeling that you and my grandaughther has something… something, may be love? Ilang taon ko na ring nakikita ang lungkot sa mga mata niya. At sa palagay ko ikaw lang ang makakabalik ng dating saya ng mga mata ng apo ko.”

“What do you mean po?”

“I’m sending Syndi in the Philipphines to talk to you”

“But Madam-“

“Lola nalang hijo”

“I mean lola, hindi nyo po mapapayag si Syndi dahil galit siya saken.”

“She will, anyways… hindi niya naman malalaman na may iba akong rason bukod sa gusto kong makuha ang painting mo na hindi mo ibinebenta. When you meet her, ikaw na ang bahalang dumiskarte hijo.”

“Why are you doing this lola? Hindi mo pa din naman ako kilala? At nasaktan ko din siya noon?”

“Everybody deserves a second chance hijo, kung may panahon dapat huwag ipahuli ang lahat. Marami ng nasayang na panahon kaya dapat kumilos ka na.” she paused for a while “Hijo, Do you love my apo?”

“I already wasted a lot of time Lola, and yes, I really love her… so much, that I’ve regreted denying it before and hurting her..”

“Well then, Make her happy… You know she can be so stubborn but please have patience on her”

“Hehehe, matagal ko ng alam yun Lola”

“I’m really counting on you… huwag mo na siyang paiyakin pa.”

“I will, salamat po”

“Ito lang ang maitutulong ko sa ngayon.. Ikaw na ang bahala”

“Makakaasa po kayo!”

“Paano na ba yan? Balitaan mo nalang ako”

“Yes po”

Ang swerte mo talaga Rain! 

Tadaaan!! Dedicated kay  WinaClarisseRox...

Ohaa!! First Chapter ng Season 2!

Ano sa tingin nyo?

Comment kayo dali!!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro