28. Singing Party
28. Singing Party
Syndi
Ilang araw ko ng pinag-iisipan ang sinasabi saken ni Ryan. I sighed, tama naman siguro ang ginagawa ko. Okay lang yan Syndi wala namang masama sa ginagawa mo. Bibigyan mo lang naman siya ng chance na magsabi sayo ng totoo. Kung aamin siya o hindi saka ko na pag-iisipan ang susunod kong hakbang.
Isinara ko na ang locker ko at napabuntonghininga. Isinandal ko muna ang noo sa locker at napapikit. Bukas graduation na, ang dali lang ng araw… ngayong araw nalang ang huling pagkakataon para aminin ni Rain ang kasalanan niya.
Peru bakit may isang bahagi ng puso ko na umaasa na magiging tapat siya at mapapatawad ko rin siya, peru ang isang bahagi naman ng puso ko ay matagal ng sumuko. Ang hirap! Kung sana hindi naging ganito ang naging takbo ng lahat.
“HULI KA!”
“AY KABAYO!” sa gulat ko ba naman “ANO BA NAMAN ULAN!!”
Bigla nalang akong napasandal sa locker nang isandal nito bigla ang dalawang kamay sa locker, me in between. Ano ba naman kasing position ito… trap na nga ako inilapit pa nito ang mukha saken. Anak ni Chukie nga naman! Kung pwede lang ako mag-melt dito matagal ko ng ginawa.
Ayoko sana siyang tignan sa mata peru sa uri pa ng ngiti nito di ko magawa.
Pinilit ko nalang pakalmahin ang sarili “Hoy Ulan anong kabalbalan na naman ba ito?!”
He tilted his head “Pinapasabi ni mama na dapat maaga ka sa birthday niya”
My brows furrowed “Ay talaga?!”
“At saka pinabibigay ng…” biglang may nag-appear na isang rosas sa isang kamay nito “iyung one true love” sabay kindat.
Hay naku! Paano ba ako makaka-move on sa isang ito?! Pwede bang mamatay na ako ngayon tapos mabubuhay pagkalipas ng one hundred years? Baka sipain ako ni Sleeping Beauty dahil ginagaya ko siya.
Marahas na kinuha ko ang rosas “Hmp! Maypa-Rosas ka pang nalalaman”
“Hahaha, muntik na nga akong sipain ni mama sa bakuran eh dahil pinakailaman ko ang mga rosas niya buti nalang nasabi ko ka agad sa kanya na sayo ko ito ibibigay. Alam mo bang pagkarinig niya nun kulang nalang ay ipadala niya saken ang buong garden niya..tsk! Women.”
“Sino ba naman kasing nag-utos sayong pitasan mo ko ng rosas ha?” inalis ko yung nakaharang niyang braso and walked past him “Kundi ka pa naman talaga engot eh, ano?”
“Ito naman oh,” sumunod siya saken “Hindi mo naman lang ba na appreciate ang ginawa ko?”
I glanced at him “Thanks”
“Thanks lang wala man lang kiss?” there was a big grin in his handsome face “Kahit isa lang, plss?” pinagsalikop pa nito ang dalawang kamay na parang nagdadasal.
“Masyado kang namimihasa di pa naman tayo ah…behave!”
“Hmp! Sige na nga…”
Silence ang naging sumunod… walang nag-salita… Ito na yun Syndi, tanongin mo na si Rain. Baka naman kailangan mo lang talaga siyang tanongin.
“Ahm, Rain?”
“Hmm?”
“M-May gusto ko bang sabihin saken?”
Pls! Pls… maging honest ka saken Ulan…
“Ha?” ngumiti ito “W-Wala naman… bakit mo naman na tanong?”
Napayuko ako at napahugot ng hangin saka iyun ibinuga ng mahina. Wala na talaga, syet! Ayoko ng umiyak! Kaya ko ito. Pinilit kong maging masaya sa harap niya.
“Ah eh, wala naman, bigla ko lang naisip..”
Napakamot ito sa ulo “Akala ko pa naman…di bale nalang,”
“Hoy mga lovers in the air!”
“MR. LAKAMBINI!!” sabay naming dalawa
“NAKS! Kung maka MR. LAKAMBINI naman kayo WAGAS! KALOKA! Di bale, pinaalahanan ko lang kayo sa Advance Party natin mamaya at bawal ang late ha! CLEARING BA?!”
Clearing? ANo yun bagong gay word? Hehehe
“Ah, Opo, kayo pa” si Rain ang sumagot
“Bueno huwag na kayo masyadong magsalita”
“Bakit po?”
“Baka maobus agad ang boses niyo, NAKA! Mahaba-habang concert pa naman ang gagawin natin. Kayong dalawa, dapat sing kayo mamaya ha, walang KJ, ang KJ ipapatapon sa Sabah! Understanding?”
“Ah eh, Okay po”
“O sha! Aalis muna ako at bibili pa ako ng MEDEYLS!” slang na slang lang eh “Tirik na Tirik ang Sun ako ang pinabibili ng MEDEYLS, shuks!” reklamo pa nito habang papalayo samen.
“Kung maka slang naman itong si Sir sobrang slang… pahinge tissue” natatawang komento ni Rain.
“Oh ito piso” tapos na una na ako sa kanya
“Samahan mo ko!”
“Ayoko nga!”
“SYNDI!!”
“CHE MANAHIMIK KA ULAN!!”
ADVANCE PARTY NG CLASS-A
Nagkakasayahan ang lahat, madaming pagkain at sobrang ingay. Naupo lang ako sa isang gilid, napatingin ako sa gawi ni Myka. Buti pa siya masaya samantalang ako nagluluksa ng bongga! Patamad na inabot ko ang baso ng coke at ininum yun.
Gusto ko ng umuwi…
“O bakit mukhang binagsakan ka ng buko sa itsura mo?”
Napalingon ako sa nagsalita “Buko talaga?!” si Ryan “O bakit di ka naman mukhang nage-enjoy?” napagawi ang tingin ko kina Rain, buti pa ang isang yun parang walang problema. Nakakabwesit!
“May pagka-wild talaga yang kambal mo, ano?”
“Galing yan sa Kingdom Animalia, what do you espect?”
Natawa naman ako dun “Anong klaseng animal?”
“Panda”
“Haahaha, bakit naman Panda?”
He shrugged his shoulders then smiled “Para kasing mas bagay kay Rain ang dalawang blackeye sa mata, what ya think?”
“Hmm… mukha siyang adik hehehe”
“Maiba ako Syndi,”
“Ano yun?”
“Alam kong alam mo na ang lahat…” napatingin ako sa kanya “diba?”
“A-Anong ibig mong sabihin?”
“Nakita kita..” uminom muna ito “doon sa garden, alam kong narinig mo ang pinag-awayan namin ni Rain, tama ako diba?”
Bumalik na naman ang mga ala-alang yun, napangiti ako ng mapait.
“Mahal mo ang kambal ko, nakikita ko yun… but I don’t think he loves you back”
“Naks naman! Tagos sa bato naman yan Ryan” gusto ko ng maiyak ngayon na!
“Peru belib din ako sayo eh,” he paused “Nagawa mong kausapin at harapin si Rain na parang wala lang… it takes a lot of courage, ya know?”
“Yun pala ang ibig sabihin ng sinabi mo saken noong nakaraan..”
Palayaan mo muna ang sarili mo sa kung ano mang sakit. Kapag okay ka na ulit, love him back..
“Siguro”
“Ano bang dapat kong gawin Ryan?” tinignan ko siya sa mata “Alam mo kasi, masakit saken ito, lalo na’t niloko lang pala ako ni Rain…”
“Ikaw lang naman ang makakasagot niyan Syndi,” nilagay niya ang isang kamay sa ulo ko “Kaya mo yan!”
Nangalumbaba ako “Ryan, libre mo naman ako ng anesthesia oh..” I glanced at him “Sige na”
“Anong tingin mo saken drug store?”
“Hehehe,” I glanced at him again “Malabo ba talaga ang mata mo?”
“Hindi,”
“E bakit nagsasalamin ka?”
“May pakialam ka sa trip ko?”
“Hehehe, ewan ko sayo” I sighed nang mapansin kong nakatingin samen sina Rain at Myka “Ryan, nakatingin ba sa atin sila Rain at Myka?”
“Ginawa mo pa akong mata”
Umayos ako ng upo.
“Pilosopo ka talaga eh,” tumayo ako “Halika ka, kanta tayo”
“Ayoko”
“Hmmp! KJ”
“Dominggo!”
Biglang tinawag nito ang isang klasmet namin na kanina pa kumakanta doon sa makeshift stage. Mukha yatang wala ng balak bitawan ang mic ng isang yun. Masama ang tingin na ibinigay sa kanya ni Ryan at mukhang natakot kaya lumapit sa amin.
“Bakit Ryan?”
“Kakanta ako akin na yang mic”
“HAA?”
Gulat lahat ah.. natawa naman ako. Paano ba naman kasi di yan showy at di mahilig magkakanta sa harap ng tao. Si Rain lang naman ang audience lover at talented nga naman. I wonder, kung si Ryan din ganoon.
Bigla namang lumapit si Rain.
“Kakanta ka?”
“Walang basagin ng trip”
Ngumisi naman bigla si Rain “Need back-up?”
Inihagis nalang bigla ni Ryan ang isa pang mic kay Rain at pareho ng nasa stage ang dalawa. Naghiyawan na ang lahat. May dalawa pang back-up na pumunta sa likod nila, window-window ang apat.
Bigla namang tumugtug ang kanta.. (play the song sa right)
Humihiyaw na ang lahat hindi pa nga sila kumakanta. Naks naman! May itinatago pala ang isang ito oh. Sabay silang kumunta sa intro (RYAN) (RAIN)
It's tearin' up my heart when I'm with you
But when we are apart I feel it too
And no matter what I do I feel the pain
With or without you
Hayun lalong lumakas ang sigawan! Kumanta ba ang dalawang pinakasikat na lalaki sa school with matching dance pa.
Hey..
Baby I don't understand
Just why we can't be lovers
Things are gettin' out of hand
Tryin' too much but baby we can't win
Let it go
If you want me girl let me know
I am down on my knees
I can't take it anymore
Baby don't misunderstand
What I'm tryin' to tell ya
In the corner of my mind
Baby it feels like we're running out of time
“WOOOO!! RYAN! RYAN! RYAN!!”
“RAIN! RAIN! RAIN! RAIN!”
Grabeh! Mukhang concert na ang party. Nagsasayawan na ang lahat pati ang mga crew napa-party na talaga! Iba talaga ang charisma ng dalawa.
“WOAH!” parang tanga lang eh
Baby don't misunderstand
What I'm tryin' to tell ya
In the corner of my mind
Baby it feels like we're running out of time
Let it go
If you want me girl let me know
I am down on my knees
I can't take it anymore
Tearin' up my heart my soul
We're apart I feel it too
And no matter what I do I feel the pain
With or without you
“RAIN! RAIN! RAIN!”
“RYAN! RYAN! RYAN!”
And no matter what I do I feel the pain
With or without you
“WOAAH!!!”
Bigla namang umakyat si Mr Lakambini at may pa-pose pang nalalaman “Pls Welcome The Montague Brothers!! Welcome to the Philippines!”
“HAHAHHAHAHA..”
Buhay na buhay ang loob… wow!
Bumalik na sa pwesto si Ryan “WOW! Hindi ko alam na may itinatago ka palang hidden talent ah”
Ngumiti lang ito bago inubos ng inum ang isang bottled water “KJ pala ha”
“Ito naman, di na ma-joke” ngumiti na rin ako “Ang dami nyo ng fans”
“Nah, bahala sila” bigla nalang nitong hinawakan ang kamay ko at hinila sa harap “It’s your turn” ibinigay niya saken ang mic.
“Ha?!”
“Ikaw naman ang kumanta”
Ibinalik ko sa kanya ang mic “AYOKO NGA!” aalis na sana ako ng pigilan niya ako sa balikat. Kainis!
“IKAW PALA ANG KJ EH!” ibinigay niya saken ulit ang mic “Now, sing”
“Hmm…” sobrang asim na yata ng mukha ko..
“Ryan may problema ba?” nakalapit na pala si Rain samen.. Hay naku! Kakanta na nga lang ako kainis! Pagkabaling ni Rain saken umakyat na ako sa stage. “Kakanta lang siya Rain huwag kang praning” nakita ko pang tinapik ni Ryan ang balikat ni Rain bago bumalik sa kinauupuan.
“Uyy! Si Syndi kakanta!!”
“Ayeeee!! Dedicated ba yan kay Rain?”
“Witweew!!”
Che! Sipain ko kayong lahat eh!
At dedicated ko nga ito kay Ulan… di ko masabi eh, kaya heto at idadaan ko nalang sa kanta.
Aherm!
Kung pwede lang ayoko na sanang masaktan
Kung pwede lang damdamin ko ngayo'y pipigilan
Kung pwede lang ang puso ko'y huwag mo ng lapitan
Kung pwede lang
Kung pwede lang naman
Dahil minsan ang puso kong ito ay nagmahal
Dahil minsan nagtiwala at umaasam
Kung pwede lang
Akala ko'y wala ng hangganan
Kung pwede lang hindi pala ganyan
This time, itinuon ko ang tingin kay Rain…kung pwede lang
Kung di rin lang naman tapat sa sasabihin mo
Kung di mo rin naman aalagaan itong puso ko
Kung pwede lang ngayon palang damdamin ko'y iwasan
Dahil ang puso ko'y takot ng masaktan
Ibinuhos ko lahat ng emosyon ko sa kanta. Relate na relate ako eh. Ayokong umiyak sa harap nila kaya kung todo pigil ako sa mga luha ko. Ano ba namang buhay ito! Rain naman kasi bakit kasi pina-ibig mo ko ng ganito. Yan tuloy hulog na hulog na ako sayo… langya ka talaga!
Takot ng masaktan Oh--hooh
Kung di mo rin lang gagawin mga pangako mo
Kung di mo rin ipaglalaban sa iba ang puso ko
Kung pwede lang ngayon palang damdamin ko'y iwasan
Iwasan mo nalang ako Rain… Baka di ko na kayanin pa..
Dahil ang puso ko'y takot ng masakatan
Dahil ang puso ko'y takot ng masaktan
WOAH ANG HABA!! Sana nagustuhan at nag-enjoy kayo sa party! Naks naman! Ngayon lang ako nakapag-UD.. love ko talaga ang story na ito ever! Relate na relate ako eh! Comment kayo ha! Ano na kaya ang mangyayari sa love story ng RAINDY? What's the real score between Ryan and Rain... e kmusta naman si Myka?
WeirdyGurl<3MontagueBrothers
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro