27. Meant to be Pendant
-Pls, play the song on side in Syndi's POV
27. Meant to be Pendant
Rain
“Saan ka ngayon?”
Napapangiting tinanaw ko ang pwesto ni Syndi sa malayo. Mag-isa lang na naka-upo si Syndi sa swing sa playground. Lalapitan ko na siya kaya lang naisip kong tawagan na muna siya at surprisahin. Naks! May alam ka ng ganyan ngayon Rain ah!
“Bakit?”
“Wala lang, na miss kasi kita eh”
“Kaadikan mo itago mo… “
“Ayan ka na naman eh… saan ka ba ngayon?”
Napansin ko ngang medyo iwas saken si Syndi, pati din si Myka. Hindi din nagkaka-usap ang dalawa simula kanina. May connection kaya iyun sa nangyari kahapon?
“Ah.. busy ako ngayon eh”
“Busy?”
Ano bang busy sa ginagawa niyang pag-upo?!
“Ahm.. Rain, I’ll call you later pinapatawag ako ni Sir Lakambini”
“Wait! Syndi…”
Naputol na ang linya… napatingin ulit ako sa pwesto ni Syndi at ganoon nalang ang inis na naramdaman ko. My fist tightened.
“Kailan pa naging si Mr. Lakambini si Ryan?!”
So mas gusto pa niyang kausapin ang kambal ko!
Syndi
Ayoko pa talagang kausapin si Rain kaya nagsinungaling ako sa kanya. Hindi ko pa kaya, baka kasi kapag kinausap ko siya traydurin na naman ako ng puso ko. I sighed, ang hirap naman ng ganito? Sino ba naman kasi ang nag-imbento ng pag-ibig na yan at nang matadyakan ko!
“Kainis!”
“Orange juice pampaalis ng inis”
May titrapack ng orange juice sa harap ko at pag-angat ng tingin ko ay si Ryan. Isa pa ito! Hindi ko na sana siya papansinin peru ang mokong ang ginawa ay ibinato saken ang juice kaya nasalo ko nalang ng di oras.Wala talagang manners ang isang ito.
Naupo ito sa bakanteng swing at saka ipinagpatuloy ang pag-inum nito sa juice din nito.
Hay naku Ryan kota na ako sayo! Sa inyong magkakambal..
Bigla namang sumagi sa isip ko ang sinabi ni Myka. Na may gusto saken si Ryan. Crap! Dapat layuan ko na ang isang ito at baka magalit lang lalo si Myka saken. Anoo ba namang lyp to!
“May sasabihin ka?”
At ako pa talaga ang tinanong mo ng ganyan Ryan ha?
“Tatapatin na kita Ryan,” bumaling ako ng tingin sa kanya “Kung ano man ang nararamdaman mo sa akin. I’m sorry peru hindi ko iyun masusuklian ng kagaya ng nararamdaman mo saken.”
Tumaas muna ang isang kilay nito, kagat-kagat ang straw.
“HINDI KITA GUSTO!”
Silence..
“Hahahahaa…” tawanan ba naman ako?
“May nakakatawa ba sa sinabi ko Ryan?!” pektusan ko itong taong ito eh “I’m serious okay, ang mabuti mong gawin ay ibaling ang attention mo sa iba.”
“Sino ba naman kasi ang nagsabi sayong may gusto ako sayo?” di mapuknat ang ngiti nito, kaasar!
“Hindi na importante kung sino ang nagsabi saken.” Contious na binutasan ko nalang ang juice.
“Si Myka, no?”
Marahas na napatingin ako sa kanya.
“Huwag kang maniwala doon, di naman totoo ang huling sinabi ko sa kanya.”
“Ha?!”
“Hindi totoo na gusto kita” in slow motion pa nitong ulit “Gets?”
“Anak ng!” sinipa ko yung paa niya “Adik ka! Ginamit mo ang pangalan ko?!” umapaw na tuloy ang pagka-inis ko! Kakaasar! Nag-away tuloy kami ni Myka dahil doon. Gusto kong sigawan ang isang ito sa inis!
“Wala akong ibang maisip na pangalan eh, sorry”
Nakakasar yung aura niya na parang NO BIG DEAL ang lahat.
“Hindi mo ba alam na dahil sa sinabi mo ay nag-away kami?! Ngayon masaya ka na?”
“Hindi ako masaya” itinapon nito ang pack na juice sa malayo at nagsimulang mag swing “Ang totoo niyan Syndi naguguluhan din ako.”
Naguguluhan? Ano bang problema ng isang ito?
“Ikaw mukhang may problema ka ah?” pag-iiba nito.
“P-Paano mo naman nasabi?”
“Malungkot ka eh”
“Purke bat malungkot may problema na ka agad?”
“Package kasi yan, di bale nalang, kumusta naman kayo ni Rain?”
Pagkabanggit palang ni Ryan sa pangalan ni Rain ay bigla nalang tumibok ng malakas ang puso ko. Aish, tantanan mo na ako puso ko at medyo nababaliw na ako.
“So kailan mo sasagutin?”
“Hindi ko pa alam… marami pa kasi akong iniisip”
“Ano naman ang mga iniisip mo?”
“Mga bagay-bagay”
“Anong mga bagay-bagay?”
“Tulad ng.. teka nga muna!” tinaasan ko ng kilay si Ryan “Bakit ba ang dami mong tanong ha?”
“Sinasagot mo naman eh,” sabay kindat saken “So ano na, mahal mo na ba ang kambal ko?”
“Wala ka na doon! It’s not part of ur business”
“Sa bagay di naman ako yayaman sa inyo” he sighed “Alam mo minsan naisip kong masyadong ma drama ang buhay”
“Ano namang alam mo sa drama ng buhay?”
Kailan pa nagka-interes ang isang to sa buhay e puro naman science ang pinaniniwalaan nito. Tinitigan ko ng mabuti si Ryan. Mukhang problemado nga ito, ano naman kaya ang problema nito?
“Ano bang nararamdaman mo ngayon Ryan?”
“I don’t know”
“Ibahin natin, ano bang gusto mong maramdaman?”
Natahimik ito bigla at napa-isip.
“Gusto kong maging manhid”
“Hindi ka pa naman talaga manhid sa lagay mong yan?”
Nasaktan mo nga si Myka tapos wala pang guilt yang nakikita sa mukha mo.
Ngumisi ito “I guess so,”
“Hayaan mo’t ibibili kita ng anesthesia”
“Mamumulubi ka saken Syndi”
“Bakit naman?”
“Hindi kasi effective ang isang turukan, dapat marami… mga… isang libo hahaha”
“Kaadikan mo! Di ka kaya lumipad sa langit sa gagawin mong yan?”
“Hehehe, siguro”
“Alam mo naisip ko lang,” napangiti ako sabay baling sa kanya “Masarap ka palang kausap Ryan”
“Talaga?”
I nodded “Ngayon ko nga lang alam kasi ito ang pinakamataas nating pag-uusap since makilala kita. Noong una yung tinulungan mo ko sa pagdadala ng karton.”
“Tinulungan ba kita?”
Napansin kong parang na-confuse pa ito sa sinabi ko, ay nagjo-joke lang cguro yun. Ngayon, alam ko na kung bakit gusto ka ni Myka, Ryan. Weird ka nga lang peru mabait ka din naman pala. Blunt? Yes, peru dahil gusto mo lang itama ang lahat.
“Basta yun na yun… at saka, thanks dito” itinaas ko yung juice.
“Wala yun, ibinigay lang din naman saken yan nung isang estudyante.”
“May ganun talaga Ryan?”
“Hahahaa, grasya yan kaya dapat e-share”
“Right…”
“Ay wait,” may parang kinuha ito sa bulsa “Here” kinuha niya ang isang palad ko at inilagay doon ang isang bracelet na may lock na pendant. Napatingin ako sa kanya.
“Ano ito?”
“Keep it,” ngumiti siya saken “Isuot mo nalang kapag handa ka ng magmahal”
“Hindi mo naman kailangang –“
He closed my palm pagkatapos ay hinawakan niya yun with his two hands “Graduation gift ko nalang din sayo. Alam kong hindi na tayo magkikita at baka di na din kita papansinin hehehe, kidding, just keep it Syndi, sa oras na isuot mo ang bracelet na yan at mahanap mo ang may hawak ng susi ng lock na yan let him open it…”
“May kapares ito?!”
“Yup, peru di ko alam kong na kanino… basta”
“Ryan?”
“You’ll meet him in the right time..”
“Thanks”
“Tinanong mo ako kanina kung ano ang nararamdaman ko diba?”
“Yup, bakit?”
“It’s my turn to ask, ano ang nararamdaman mo Syndi?”
I can feel na hindi kami ang para sa isa’t isa ni Rain… and I should accept it.
“Pwede bang anong gusto kong maramdaman na lang ang itanong mo saken?”
“O sige, ano?”
“Gusto kong maging manhid kagaya mo”
Ngumiti siya saken “Piliin mo ang kung ano ang tama para sayo… yung choice na hindi makakasakit sayo.”
“Meron bang ganun?”
Parang gusto ko ng maiyak…
“Meron, nandiyan sa puso mo”
“Di ba ako pwedeng humingi ng tulong kay Google?”
“Magmahal ka nalang kapag handa ka na” tumayo na ito “Sa ngayon, palayaan mo muna ang sarili mo sa kung ano mang sakit. Kapag okay ka na ulit, love him back”
“Ha?!”
Palayaan mo muna ang sarili mo sa kung ano mang sakit. Kapag okay ka na ulit, love him back
Anong ibig niyang sabihin doon?
Hanggang tingin nalang ang nagawa ko sa papalayong si Ryan.
MYKA
Binuksan ko ang locker ko at biglang may nahulog na pink note. Kinuha ko yun at binasa… nagulat pa ako kung kanino galing.
Keep it! Till we meet again –RYAN
May isang pink na box.. Binuksan ko yun… isang necklace na may lock na pendant. Itinaas ko yun at sinipat ng tingin. Bakit naman ako bibigyan ng ganito ni Ryan?
Binasa ko ulit ang note… sa likod nun may malaking smiley… napangiti naman ako.
“Right, ‘Till we meet again Ryan”
Ryan
Kumatok ako sa pinto ni Rain.
“PASOK!”
Pagkapasok ko ay magulong-magulo ang kwarto nito. Kahit kailan napakakalat ng isang ito.TSK! Regaluhan ko nalang kaya ang isang ito ng katulong!
“Anong ginagawa mo dito?!” nakaharap ito sa laptop nito “Kung ano man ang gusto mong sabihin, spit it out!”
Lumapit ako sa pwesto niya at itinaas yung nakakuyum kong kamay.
“Ano naman yan?”
Sabay buka nun, mga keys pendant yun nakalawit sa mga daliri ko.
“Choose one”
“Pwede ba Ryan wala akong panahon sa mga ganyan mo!”
“Just choose one!”
“Para saan ba yan?!”
“Just choose one!”
“Fine!” kinuha nito ang nasa right key“Happy?!”
“Keep it, just keep it Rain”
“Ano bang nasa susi na ito ha?”
“You’ll know when you find the right lock”
He was left dumbfounded, umalis na rin ako sa kwarto niya.
They keys may look similar in size and shape but it only fits to one. Hindi ko na alam kong kanino sa mga lock naibigay ko kay Myka at Syndi ang magfi-fit sa mga keys na ito. I look at it again…
“Sana lang sa akin ang kapares ng lock niya..”
“RYAN!”
I stop..
“Na kanino ang kapares ng susi na ito?”
Hindi na ako tumingin pa kay Rain “Na sa taong nakatadhana sayo…”
“SINO?”
“HANAPIN MO SA PUSO MO, TANGA!”
“MAS TANGA KA UY!!”
“HAHAHHAHA”
COMMENT NA KAYO!! DALI!...
ano na kaya ang mangyayari sa kanilang apat? huhuhu
M O N T A G U E B R O T H E R S
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro