25. Broken Heart
25. Broken Heart
Ryan
Ilang araw ko na ring pinag-iisipan ang gagawin kong ito. Inayos ko muna ang salamin saka nagpatuloy sa pag-iisip sa pwedeng mangyayari sa gagawin kong ito ngayon. Shit! Bakit ba kasi ako napasok sa ganitong sitwasyon? Napapikit ako… sumasakit na naman ang ulo ko.
Kung bakit kasi…
“Ryan!”
Napatingin agad ako “Myka,” sabay ngiti sa nakangiti din nitong mukha “Andito ka na pala”
This is it Ryan, wala ng atrasan. Tumayo na ako at hinarap siya.
“Kumusta?”
“Ah, o-okay lang naman..” nahihiya pa nitong sagot “Bakit mo pala ako pinapunta dito?”
“May sasabihin lang ako”
“Ano?”
“Na naalala na kita”
“Talaga?! As in! Wow!”
“Kaya sabi ng pangako ko sayo noon kakausapin na kita ng matino,” kung kanina nakangiti pa ako ngayon sumeryoso na ang anyo ko “Kaya lang,”
“Kaya lang ano?” may pag-aalala nitong balik
“Ang totoo niyan hindi ako ang lalaking nakilala mo noon”
“Ha? A-Anong ibig mong sabihin Ryan?”
“Hindi ako ang lalaking nagustuhan mo…” I pause “It was Rain”
“P-Paanong na…nangyari yun?!” nasa mukha nito ang naguguluhan “H-Hindi kita maintindihan Ryan… Si Rain yun? Paano napunta si Rain doon?” pumiyok pa ng boses nito.
Sinabi ko sa kanya ang lahat, kung paano naging si Rain si Ryan sa panahong yun. As expected ay gulat na gulat si Myka. Hindi ako masamang tao, ayoko ring makasakit, peru lahat ng maling bagay ay dapat e-tama. OO mahal nga siguro ako ni Myka, maa-appreciate ko yun, peru sa palagay ko hindi talaga ako ang tunay na mahal niya…kundi si Rain. Kung totousin hindi nga kami nagkausap ng panahong yun, kilala niya lang ako sa pangalan.
“H-Hindi ako m-makapaniwala…”
“Tatapatin kita Myka, with all the things I’ve told you… Gusto mo pa rin ba ako?”
Tumutok siya sa mga mata ko but did not said a word.
“Ipipilit mo pa rin ba ang pagmamahal mo saken?”
“IKAW ANG MAHAL KO!!”
“Peru hindi ako ang taong nakilala mo!”
“KAHIT NA! IKAW LANG ANG GUSTO KO!”
“HINDI KITA MAHAL!”
Mahina at may diin kong sabi sa kanya.
MYKA
Paulit-ulit na nag-echo sa utak ko ang sinabi Ryan… Kahit na! Siya lang ang mahal ko! Mas marunong pa siya sa puso ko? Peru ang sakit-sakit pala marinig mula sa kanya na hindi niya ako gusto. Hindi ko tuloy napigil ang pagdaloy ng mga luha ko.
Bakit nagagawa niya pang gawing kalmante ang mukha niya. Ganoon ba ako ka hindi importante sa buhay niya? Kahit man lang sympathy sa pagmamahal ko sa kanya wala akong makukuha. AWA, masakit man yun peru kahit konti wala akong makitang awa at concern sa mukha niya.
“Wala akong pakialam kung hindi ka yun… basta” pinahid ko ang mga luha ko “Basta ikaw talaga ang mahal ko.”
“Huwag mo ng bulagin ang puso mo Myka”
“Bakit ba mas marunong ka pa saken ha?! Ikaw ba ang nagmamahal?”
“Dahil alam ko ang totoo!”
“Anong totoo?”
“Na hindi ikaw ang gusto ko”
May gusto siyang iba? S-Sino? Parang may sakit na naramdaman na naman ako sa puso ko. Quotang-quota na talaga ako sa araw na ito. Ang sakit!
“SINO?!”
“Si Syndi… Si Syndi ang gusto ko!”
“Si Syndi?”
Bakit si Syndi pa?
“Bakit ang kaibigan ko pa?” wala na akong lakas pa… hindi ko na kaya ang sakit. “Bakit siya pa?”
“I’m sorry..” inalayo nito ang tangin..
Nakagat ko ang ibabang labi ko… ang sakit talaga! Ano bang meron kay Syndi at gusto siya nila Rain at ni Ryan! Anooo?!!
“Makakanap ka pa—“
“STOP!” kung ano man ang sasabihin mo Ryan ayoko ng marinig pa “Pls..stop..” tumakbo na ako papalayo sa kanya.
Hindi ko alam ang gagawin ko, sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Gusto kong sumigaw at magalit. Nag-uumapaw ang sakit na nararamdaman ko. Ahhhhh!! Ayoko na! Huhuhu.. bakit naging ganito?
SYNDI BAKIT SAYO PA!
“MYKA!!”
Rain
“Ano na naman kaya ang ginagawa ng isang yun sa biology garden?” napatid ko ang nakaharang na bato palayo at nakapamulsa. Hmmm… naisip ko naman bigla si Syndi at napangiti.
Inilibot ko ang tingin at nakita ko si Myka…na tumatakbo papalapit saken.
“MYKA!”
Peru sa halip na mapansin ako ay dumiretso lang ito.
“Umiiyak ba siya?”
Shit! Mukhang galing si Myka sa garden. Bigla akong kinabahan.
“Si Ryan!”
Patakbong tinungo ko ang garden, hinihingal na naabutan ko pa si Ryan na naka tayo at parang may malalim na iniisip. What did he do this time?
“RYAN!!”
Walang emosyon na tinignan niya ako sa mata.
“Bakit?”
“ANONG GINAWA MO KAY MYKA!!”
“Wala akong ginawa,”
“RYAN!”
Naging matalim ang tingin niya saken “I told her the truth!”
“DAMN IT! You told her about the TRUCE!!”
“Hindi… sinabi ko sa kanya na hindi ako ang taong nakilala niya noon…na IKAW yun.”
“ARE YOU CRAZY?!” I walked closer to him and pushed hard his shoulder but he didn’t budge “Ano bang iniisip mo ha?!”
“Iniisip ko ang tama!”
“Anong mararamdaman niya? Hindi mo alam ang magiging epekto nun sa kanya!”
“AYOKONG MAGSINUNGALING! KAYA TAMA NA RAIN!”
“YOU PROMISED ME!”
“OO! Hindi ko pa nakakalimutan ang truce natin! Alam kong pumayag na si Syndi na ligawan mo siya at NANALO KA! HAPPY? Congrats ha!” with sarcasm “Huwag kang mag-alala liligawan ko pa rin si Myka.”
“Peru sinaktan mo siya!”
“SINAKTAN MO SIYA RAIN!”
My fist tightened… umaapaw na ang pagka-inis at galit ko sa ginawa ni Ryan. Hindi man lang ba siya nag-iisip? He could have hurt Myka!
“Mahal mo siya diba?”
Paanong…
“Tama ako diba? Mahal mo si Myka…” marahas na napabuntong hininga ito “PERU BAKIT MO GINAGAWA ITO?!!”
“DAHIL IKAW ANG MAHAL NIYA!”
“MAHAL?! MINAHAL AKO SA PANGALAN!”
Katahimikan
“Naisip mo ba ang mararamdaman ko? Ang mararamdaman ni Syndi, Rain?!” may panunumbat sa boses nito “Did it ever occur in your mind… na pwede kaming masaktan?”
Natahimik ako… Crap!
“Rain naiintindihan kita peru sana hindi umabot sa ganito!”
“You don’t understand…”
“You want this game, right?”
“STOP IT!”
“I’ll stick to our truce, total pinagpipilitan mo saken si Myka… kukunin ko siya sayo!”
“DAMN IT!”
“Syndi doesn’t deserved this”
“I know”
“Just let her go”
“I can’t”
“Dahil sa truce? You got ur wish granted, bakit mo pa paasahin si Syndi?”
“Dahil…” tinignan ko siya mata “WALA KANG ALAM”
“You know what,” itinaas nito ang dalawang kamay “You’re a jerk!”
“Huwag mo lang sasaktan si Myka”
“Yeah right, sana ganyan din ang iniisip mo para kay Syndi”
Syndi
Sa malayo..
“MAHAL MO SIYA DIBA?”
“TAMA AKO DIBA? Mahal mo si Myka”
Parang binuhusan ako ng balde-baldeng tubig.. all a long pinaasa lang pala ako ni Rain. Hindi ko mapigilang maiyak sa narinig. Sobrang sakit… si Myka pala ang mahal niya at hindi ako. Ginawa niya pala ang lahat ng ito para ligawan ni Ryan si Myka, dahil mahal na mahal niya si Myka.
Napasandal ako sa pinagtataguan.
Sapo ang dibdib ay napahikbi ako sa sakit.
Kung paano ako pinaasa ni Rain sa mga sinabi niya…
Kung paano ako nahulog sa kanya…
Peru…peru mahal ko talaga siya…
“Bakit Rain? … P-paano mo nagawa saken ito?”
Malayo pa ang end mga tets so chill lang kayo hahaha... drama ng tsapter na to! Ano kaya ang gagawin ni Syndi lalo na't nalaman na niya ang totoo? Would she still give Rain a chance at maniwala siya sa mga sasabihin pa ni Ulan sa kanya? Hmmm... mahal ba talaga ni Ryan si Syndi? Dedicated siya kay ganda! -WeirdyGurl
Our New Cover para sa Season Two ng Montague Brothers!!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro