24. Officially Yes
24. Officially Yes
Syndi
Minsan talaga mas mahirap pa ang calculations ng mga bayarin sa bahay kaysa sa math. Grr! Nakakaloka! Paano ko naman mababayaran ang lahat ng ito? I sighed. Nangalumbaba ako saka ibinalance ang lapis sa nguso ko. Nakakainis na talaga mag-isip.
Kung bakit kasi ang dami naming bayarin sa bahay? Di ba pedeng one at a time lang kasi mahina ang kalaban? E estudyante palang ako ah, at kulang na kulang ang sahud ko sa store ni ate Maria pambayad sa bago at nakaraan naming utang.
Kung sana di namatay si Daddy edi sana hindi namin mararanasan ang lahat ng ito. Nag-culculate na ulit ako ng mga bayarin. Kailangan ko na yatang kumuha ng isa pang trabaho.
“Tama, yun ang dapat kong gawin. Go Syndi!”
“Hayy!!”
“Ay kabayo!” napatingin ako sa bigla nalang nag-appear sa gilid ko “Naku naman Ulan! Ba’t ka ba nanggugulat ha?” muntik na akong atakahin dun ah! “Next time –“ he glanced at me and give me his most sweetest smile. Syet na naman! Tulo na naman laway mo Syndirella!
“Next time ano?” hindi talaga mapuknat yang ngiting mong yan Ulan?
“Ano.. I mean, next time huwag ka ng manggulat!” saka ko itunuon ang atensyon sa pagcalculate ng mga utang ko na di ko din naman matapos-tapos dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. Bwesit! Bakit sa tuwing kasama ko itong si Ulan lage akong uneasy saka parang pusa na di maanak-anak. Inlove ka nga kasi mahfriend kaya magdusa ka diyan!
Nak ng kalabaw naman talaga oh! Saan na nga ba ako?
Naramdaman kong sumilip si Rain sa notebook ko. Ang ginawa ko ay inilapit ko yung ulo ko sa note at ibinagsak ang buhok ko sa gilid para di niya makita ang ginagawa ko. Bigla nalang kasi siyang umupo sa katabing seat sa gilid ko kanina, nagulo ang arrangements kaya sobrang lapit niya saken.
Walang tao sa classroom kasi lunch time.
“Ano ba yan?” basag ni Rain sa katahimikan.
“Wala”
“Patingin naman…” inilapit pa niya talaga ng sobra ang mukha niya “Damot naman nito oh”
“Ang kulit mo—“ napatigil ako nang paglingun ko ay sobrang lapit nalang ng mukha namin. Wrong move Syndi dahil konting kilos mo lang mahahalikan mo na talaga siya…este mahahalikan ka na niya. Our gaze met and no one said a word. I took a deep breath.. kahit parang lalabas na ang puso ko sa ribcage “Titigan mo nalang ba ako buong araw Ulan?”
“Pwede ba?”
Itinaas ko yung isang kilay ko…taray lang ang peg, kinikilig naman ito..aysus!
“Hindi pwede”
He smiled, yung nakakatunaw na ngiti “Hmmm…” then he started tapping the table with his fingers “Hmmm…mmm…mmmm…” he was humming a song which is very familiar to me. Inalayo ko ng bahagya ang mukha ko sa kanya.
“Anong ginagawa mo?”
He just raised his index finger, sign na pinapatahimik niya ako. Ano na naman kaya ang trip nito sa buhay ngayon?
Heto na naman
Sulyap ng 'yong mata
Na nagsasabing, ika'y nag-iisa
Ganun nalang ang panlalaki ng mga mata ko. H-How.. that song? Paanong…
Pinilit kong sabihin
Ngunit di ko magawa
Na magsabing gusto kita
Tuwing makikita ka
Ang damdamin ay hindi mapigilan
Lord noong isang araw ko pa lang yun hiningi ang sign ah bakit ibinigay nyo agad? Aga-agad talaga Lord? Di naman kayo excited ng sobra no?
May nagmamahal naba sayo?
Kung wala'y ako nalang
Lahat ibibigay sayo
Na walang alinlangan
Sana'y bigyan naman ng pansin
Ang puso kong ito
Kaya tanong ko lang
Kung may nagmamahal naba?
Sana'y ako nalang
“P-Para saan iyun?”
He shrugged his shoulders “I don’t know, bigla nalang pumasok sa isip ko eh.” Ngumisi siya “Ngayon ko lang nga napansin na bagay na bagay saken ang kanta.”
“B-Bakit?”
“Itatanong ko kasi kung may nagmamahal na sayo?”
“Ha?”
“Pwede bang ako nalang?”
Jus Mio naman talaga Syndirella! Ang haba na talaga ng buhok mo ikaw na! Hayan napapangiti na ako. Kinikilig na ako eh.
“Ikaw na talaga ang pinaka-korneng taong nakilala ko”
“Okay lang saken yun… basta ba mapa-OO kita eh.”
Ipinagpatuloy ko nalang yung ginagawa ko “Kaya nga OO na”
“Hay naku kailan kaya…what?!” bigla naman itong napatayo at pabagsak na inilapag ang dalawang palad sa table ko “Pakiulit nga nung sinabi mo? I mean, did you just yes?”
“Ito naman parang ewan kong maka-react…” ngiting-ngiti naman ako “Paulit-ulit talaga?”
“Woah!!” wala na hayun at nagtatalon na si Ulan “Wow! Grabeh ito!”
“Para kang ewan di pa naman kita sinasagot ah… manliligaw ka palang!”
“Okay lang yun!” lumapit siya saken at bigla ba naman akong itinayo “Ang importante may go signal na ako mula sa Boss.” Sabay kindat.
“Adek ka talaga!” tinampal ko yung balikat niya “Patunayan mo kundi masasapak kita.”
“Hahaha, nang halik ba edi okay na ako diyan.”
“You wish!” babalik na sana ako sa pagkakaupo nang bigla niya akong hapitan sa bewang at inilapit pa lalo ang sarili ko sa kanya. As in, sobrang lapit na namin. Rinig na rinig ko na ang tibok ng puso naming dalawa. Mukhang titiklop na talaga ang tuhod ko dito!
“Liligawan kita,” with a smile
“Sabi mo nga…”
“Peru bago yan, pwede ba kitang maging ka date sa birthday ni mama?”
“Ha? Nakakahiya…wala akong magandang damit..”
“No problem, akong bahala sayo.”
“Ah eh..”
“No worries Syndi, mama will be glad to see you there, request niya saken yun.”
“Ahm…o sige, susubukan ko.” Lalayo na sana ako sa kanya kasi masyado ng kilig ang eksena naming yun peru sa halip na hapitin ako ay inilagay niya lang ang dalawang kamay sa magkabila kong balikat at ngiting-ngiti na ginulo ang bangs ko. “Ano ba!” pinalis ko yung kamay niya at inayos ang nagulong bangs “Huwag mo ngang pagtripan ang bangs ko.”
“Ang cute mo kasi eh!”
“Che! Bolahin mo ang sarili mo.”
“Okay lang maging Bola basta ba shoot agad ako diyan sa puso mo eh.”
“Korney mo! Mahindik ka nga sa mga sinasabi mo Ulan” kilig toda bones ka naman diyan Syndi eh.
“Hahaha,” binulsa nito ang dalawang kamay “Let’s have lunch?”
“Ikaw nalang wala akong pera”
“My treat”
“Is that a date?”
“Hmm, pwede rin? So, okay ka?”
“Basta ba libre eh,”
“Hahaha, mukhang mamumulubi ako sayo nito ah”
“Ikaw may gusto nito eh.”
“Right,”
Ryan
Sa malayo ay sinundan ko nalang ng tingin ang papalayong sina Rain at Syndi. Mukhang nakuha ng ng kakambal ko ang gusto niya. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at hinanap ang contact number ni Myka at tinext siya.
Napangiti ako sa naisip… Sorry, brad…
Let’s meet later sa biology garden –Ryan
I took a deep breath
“Oh well,” umalis na rin ako “Hindi naman siguro masama ang gagawin ko… “
Hello! I know its short but hope yah still enjoyed it :D Mukhang may malalim na iniisip itong si Ryan ah? Ano kaya yun? Susundin niya kaya ang pinagkasunduan nila ni Ulan o may gagawin siyang iba? Hmm… mukhang bagyo ang dala nitong si Rain ah..
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro