Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

23. Fallin For You

23. Fallin For You

Syndi

Tumambay muna ako sa library doon ako sa pinakadulo na shelves naupo. Tahimik at walang tao di ka masisita ng librarian kong matutulog ka. Naging hide out ko na rin yun, may general meeting kasi ang mga teachers at baka matagalan pa. Kaya magpapahinga muna ako dito.

Peru di naman ako makatulog! Hmp! Si Rain na naman kasi ang iniisip ko. Hindi ko talaga ma gets ang ugali ng isang iyun. Nayakap ko yung mga binti ko. Hindi mo naman siguro iniisip na nami-miss mo ang isang yun noh?

“Gosh!” sinampal-sampal ko yung pisngi ko “Hayan! Para magising ka sa kagagahan mong yan Syndi!”

Peru nakakainis kasi eh! Para kasing mahal ko na siya na iwan. Grr! Bwesit! Huhuhu, ano ba kasi itong nararamdaman ko?

“Ano ba talaga Syndi?” I sighed “I don’t know…”

Ayoko namang masali sa mga babaeng nagkakagusto kay Rain. I’m sane enough to stay away from Rain, dahil sa pangalan palang nang Ulan na yun ay complications na agad ang dala nun. Peru bakit iba ang gusto ng puso ko?

“Mabuti pang itulog mo nalang yan Syndi”

“Can I join you?”

I saw a pair of shoes in front of me peru kahit di ko pa nakikita ang mukha ng nagmamay-ari nun ay bigla nalang akong kinabahan na parang iwan. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Nang iangat ko ang tingin ay ganun nalang ang reaksyon ko. Sobrang OA dahil naibuka ko pa ng slight ang bibig ko.

Bakit ang gwapo niya?

“Are you okay?”

Bigla naman akong natauhan. Woah! Kakahiya ka talaga Syndirella! Inayos ko yung sarili ko.

“I-Ikaw pala..” shuks! Act natural Syndi, si Rain lang yan “Anong ginagawa mo dito?”

Bago pa niya ako sagutin ay naupo na siya sa tabi ko, kinukutinting yung Ipod niya while putting his headset sa isang ear palang nito, then he glanced at me “Dito ako dinala ng mga paa ko, must be because you’re here.” Diskyateng smile na yan Ulan. Hindi ko na talaga gusto to.

“Ipadala kita sa Sabah sa kaadikan mong yan Ulan. Hindi mo na ako madadaan diyan.”

Peru ang mokong lumapad lang ang ngiti “Na miss mo ko noh?”

“Miss? Kapal! Never! Wala akong pakialam kong di mo ko kausapin forever.”

“Na miss mo nga ako”

“Hindi nga kasi, ang kulit!”

“Dito na muna ako ha”

“Bahala ka”

Awkward silence ang sumunod. Kung hindi ko pa naririnig ang malakas na pagtibok ng puso ko aakalain kong pareho kaming patay sa sobrang tahimik. Nobody wanted to talk; neither do I. Ano naman kasi ang sasabihin ko kay Rain? Kesho ganun o ganyan. Ewan ko ba, gulong-gulo na ang isip at puso ko.

“Ahmm Rain,”

Nagulat ako nang maramdaman ko ang ulo niya sa balikat ko. Mas lalo pang nagrambulan ang puso ko sa loob. Jus ko po! Nababaliw ka na Syndi.

“Okay lang ba?” narinig ko pang tanong niya “Wala kasi akong tulog ka kagabi, marami kasing inasikaso sa birthday ni mama.”

“Ah..sige, okay lang”

Relax Syndi…pagod lang si Rain and you’re just friends.Period.

“Kapag kasama kita Syndi nare-relax ako, alam mo ba?”

“Ha?”

“Kapag kasi ang kambal ko ang kasama ko puro nalang kagaguhan ang iniisip ng isang yun. Iba din naman kasi ang ikot ng utak nun. You know he’s different from others and to ours, his family. Kaya minsan naiinis na din ako.”

“Ahhh, na gets ko na.”

“Kapag kasi kasama kita parang at peace ako kahit na inaaway mo ako. Hindi ko alam kung bakit peru iba ang hatid mo saken, you’re like a drug to me, a painkiller to be exact hehehe.. ang korney ko.” I glance at him, nakapikit lang siya peru may ngiti ang labi. Pati ako napangiti, okay lang di naman niya nakikita. I sighed dreamily.

Mukhang malaki ang tama mo sa Ulan na ito ah! Congrats! In love ka na nga, yan na Syndi tiklop na lahat ng defenses mo. Okay lang yun, di naman alam ni Rain eh.

“Ikaw siguro ang gising na gising noong nagpasabog ng Mais ang Panginoon, ang korney mo eh.”

“Hahahha, iba pala talaga noh kapag sayo nanggaling ang punchline?” pagtingin ko sa kanya dagling nagkatitigan kami at may lumitaw na ngiti sa kanyang labi “Mukhang Totoo”

Lalabas na yata ang puso ko sa ribcage sa titig niya “E totoo naman talaga ah.”

He shrugged his shoulder with a grin, sumiksik pa siya lalo saken “I guess so” saka ipinikit ang mata ulit.

“Alam mo Ulan”

“Hmmm?”

“Hindi ka naman pala as bad as what I think of –“

“I told you”

“Ngeks! Di pa nga ako tapos eh..”

“Hahaha, go on”

“Simula nang makilala ko kayo ni Ryan alam kong gulo na ang maidudulot nyo sa buhay ng mga taong madidikit sa pangalan nyo. Tama nga ako, kaya ayoko talagang mapabilang sa mga taong yun. Kaya sobrang inis ko nang simulan mo akong asarin at suyuin.”

 I pause…

 “Naisip ko, ano na naman kayang trip mo sa buhay at ako ang pinagti-tripan mo? Naubos yata lahat ng neurons ko sa utak sa kakaisip na pwedeng dahilan. Kaya tinigilan ko nalang, total magsasawa ka lang din naman at titigil.”

I sigh…

 “Lalo na nang bigla kang tumigil… feeling ko ako na ang pinakamasamang tao kasi lahat ng tao sa campus galit saken. Naiinis ako sa iyo nun kasi ginawa mong komplikado ang buhay ko na nanahimik lang. But when you saved me from Gian, na di ko ine-expect… Na realize ko na mabait ka naman pala eh, madami ka ng naitulong saken… at saka wala pang nakakagawa nun saken.”

I smile…

“Kaya susubukan kong maging mabait sayo.”

“Ikaw lang kasi ang hindi naniniwalang sincere ako sayo eh. At saka lahat ng pinangako ko sayo totoo yun, lahat ng mga sinabi ko sayo… lahat ng iyun totoo…”

“Kapag ba hinayaan kitang ligawan ako… anong klaseng boyfriend ka naman kaya?”

Pagtingin ko sa kanya sakto namang bumuka ang mata niya, mukhang nagulat yata sa tanong ko. Ako naman lihim na napangiti.

“Bakit pumapayag ka na?”

“Nagtatanong lang naman ako ah, ito naman masyadong excited hehehe”

“Ahhh, akala ko naman…”

“So, anong sagot mo?”

Malayo ang tingin ni Rain “Actually, hindi ako naging perfect boyfriend sa mga ex ko kaya hindi ko rin maipapangako sayo na magiging perpekto akong boyfriend.” Tumingin siya saken “If given a chance, hindi man ako ang pinapangarap mo ay gagawin ko namang Masaya ang bawat panahon na magkasama tayo. Mag-aaway tayo, magkakabati, normal naman na yun. Understanding lang ang maipapangako ko sayo. Uunawain kita at pagbibigyan sa gusto mo. Dahil ganun kita…ganun ka kalahaga sa buhay ko.”

Ilang minutong katahimikan ang namayani sa aming dalawa.

Ano bang sasabihin ko?

“Rain?”

Bumalik siya sa pagkakasandal sa balikat ko.

“Hindi ako pala-pangako na tao Syndi kasi alam kong nababali din naman yun. What I can assure you is I’m serious and I’m not giving up.”

I sighed…

“Rain? Rain…” I check on him “Naks! Tinulugan lang ako ng mokong…” inayos ko ang pagkakasandal sa shelves at hayun, kinilig ako ng sobra. I never thought na magiging honest si Ulan saken ng ganoon. At least isa lang ang ipinangako niya saken, an assurance na seryoso talaga siya… Hmm, Naku Ulan, full of surprises ka talaga, ikaw na!

“Ang drama talaga ng isang ito,” kinuha ko yung isang headset at pinakinggan ang kanta.

May nagmamahal na ba sayo

Kung wala’y ako nalang

Lahat ibibigay sayo

Na walang alinlangan

Sana’y bigyan naman ng pansin

Ang puso kong ito

Kaya tanong ko lang

May nagmamahal na ba?

Sana’y ako nalang….

 

Kapag kinanta niya saken ito, papayag na ako.

Dedicated to Pau_Chan!! Owaa!! Ginanahan sa pag-update so here it goes! Comment naman diyan oh! Woooo! Ang ingay ko :3 Enjoy saka salamat -- WeirdyGurl


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro