Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

21. I'm Dying to Kiss You

21. I'm Dying to Kiss You




Syndi's P.O.V






Inihatid talaga ako ni Rain peru naglakad lang kami. Dala ko naman ang bike ko kaso nakakahiya naman kung ako nakasakay siya naglalakad. Hindi din naman kasi pwedeng angkasan yun kasi medyo luma na baka ko masira. Peru dahil GENTLEMAN di umano itong si Rain ay nagprisenta pang siya nalang ang magdala ng bike ko. 



Nagtaka naman ako. Bakit kaya hindi dala ni Rain ang sasakyan niya or yung motor bike niya? Peru bakit ang tahimik naman yata namin?



"Alam mo hindi mo naman ako kailangang  ihatid pauwi eh. Kaya ko naman na Rain."


"Ano ako baliw? Muntik ka na ngang mapahamak kanina. Mas mabuti ng safe kang maka-uwi sa inyo."


"Safe naman na akong makaka-uwi, ah? At saka wala ng Gian. Kaya huwag kang nega okay, Rain."


"Ito, naman chance ko na nga ito para makasama ka. Inaalis mo naman..tsk!" nahaplos ni Rain ang nasaktang panga "Sayang naman yung effort ko kanina. Ang sakit pa naman ng panga ko."


"Ano itong narirnig ko sayo? Ikaw bay nagpapa-konsensiya saken Ulan?"


"Bakit effective ba?" ngising-ngisi pa siya saken "Kiss mo nga ako ulit"


"Che! Ano ka sinu-swerte? Tigilan mo nga ako Ulan."


Ano ba naman kasing pumasok sa utak mo Syndi at hinalikan mo pa ang lalaking yan. Iyan tuloy namimihasa na. Baka kung ano pang isipin ng Ulan na yan. Aissh! Ay teka may naalala ako.

"Sabihin mo nga saken ang totoo Ulan," tinignan ko siya ng seryoso "Noong nawala ka ng isang linggo nakipag-away ka ba kay Gian?"

Napakamot ito sa ulo "Well, ahm... hmp! Sige na nga! Sasabihin ko na sayo ang totoo. Narinig mo na kami kanina eh."

"So nakipag-away ka talaga sa kanya?"

"Hindi ako nakipag-away, actually."

"Huh? Oo na hindi ka nakipag-away? Ang labo mo naman yata Ulan."

"Matagal ko ng kilala si Gian. Classmate ko siya noong grade 5 kami nila Ryan. May tililing yata yun sa utak. Ang yabang-yabang nun akala mo kung sino. In fact, wala nga kaming pakialam doon ni Ryan kaso iyang si Gian ang nauna. Gawan ba kami ng kung ano-anong kwentong hindi naman totoo. Nainis kami kaya bumawi kami ni Ryan. Actually, mild lang yung ginawa namin sa kanya peru mukhang panig samen ang buong school kaya mas napasama si Gian. Kaya hayun, nag-transfer ng ibang school. Since that wala na kaming balita sa kanya."

"At hindi mo man lang napansin si Gian na taga-ibang section?"

"Napapansin naman, peru mukhang harmless naman siya with his new look and personality kaya pinabayaan nalang namin ni Ryan. Hindi naman kami ganoon kasama noh. Hindi kami barbaric na sugod lang ng sugod. Hahaha. Aray!" nahawak nito ang panga "Ang sakit.."

"Peru teka nga... linawin mo nga yung nakipag-away ka na hindi?"

"E kasi nga nalaman kong siya pala si Teddy Bear yung manliligaw mo. Palalagpasin ko sana yun kaso ang gagong yun mukhang may masamang plano sayo. Kaya kinausap ko siya. Bigla ba naman akong bugbugin. Tsk..tsk.."

"Peru lumaban ka naman diba?"

"Hindi"

"Ha?! E ano lang ang ginawa mo?!"

"Hinayaan ko lang siyang bugbugin ako. Kapag hinayaan ko siya hanggang sa mag-sawa siya hindi ka na niya pakikialaman. Pinabug-bug ka na nga ang gwapo kong mukha at makisig kong katawan ang walangyang yun ginawan ka pa ng masama! Gago talaga yun!! Pasalamat siya hindi ko na yun tinuluyan kundi sa morgue talaga ang bagsak nun."

Ginawa yun ni Rain..p-para saken?

P-peru bakit?

"Oh bakit natahimik ka na diyan bigla?" ngumisi siya saken "Papasa na ba akong bayani sa Luneta?"

Sa halip na matuwa ay sinuntok ko siya sa balikat "Nakakainis ka!!" hindi sa galit ako kundi naiinis ako dahil ginawa niya yun dahil saken. Wala pang nakakagawa nun sa akin. "Nakakainis kaa!"

"O bakit?" he shield his self kaya natumba yung bike "Uyy...huwag ka namang ganyan Syndi kita mo ngang ang dami ko pang bugbug dadagdagan mo na naman. Chill okay, ano bang kasalan ko sayo."

"Bakit mo kasi ginawa yun?!"

"Hala! Sa lahat ng taong tinulungan mo na nga ikaw pa itong galit?"

"Hindi mo naman kasi dapat ginawa yun eh!"

He sighed, lumapit siya saken "Diba sinabi ko sayo na magkaibigan na tayo...natural na protektahan kita. Hindi kita pwedeng pabayaan Syndi..." seryosong-seryoso siya.

Tinignan ko siya sa mata "Why are you doing this to me Rain?"

Why are you making me like this?

"Sinabi ko na sayo ang dahilan," lumayo siya at binalikan ang natumabang bike "Kaibigan kita... at saka padag-dag narin ng pogi points sayo." kinindatan pa niya ako.

Nagsimula ulit kaming maglakad.

"Isang linggo akong nawala kasi marami ang pasa ko sa katawan at hindi din ako pinapayagan ni Daddy na pumasok hanggat hindi naghihilum ang mga sugat ko. You see, ayoko namang mag-appear bigla na mukhang sinipa ng kabayo." ngumiti siya saken "Baka mag-alala ka pa saken eh hehehe"

"Kapal!" 

Nagawa mo pa talagang e-sigway yan Ulan ha?

Peru amininin mo Syndi kinilig ka sa ginawa ni Rain. Isipin mo, kaya niyang e-sacrifice ang sarili para lang sayo? Ang haba ng hair mo ate! Nakakatuwa lang, the person you least expected na makakagawa nun, willl be the first person na magtanggol pa sayo. How ironic. Ikaw na talaga Ulan.

"So saang village kita ihahatid?"

"Village ka diyan?! Diyan lang ako sa eskinita uyy." inigaw ko na sa kanya ang bike ko "Salamat sa paghahatid."

"Nagbibiro ka ba? Sa squatters ka nakatira? Mahirap ka ba?"

"Kung makapagsalita to oh.. e ano ba kasing mali kong sa squatters lang kami nakatira?"

Napakamot ito sa ulo "Wala kasi sa mukha mo eh... mukha kang mayaman."

"Hay naku mukha lang yan.. ano ba naman kasing basihan mo sa mga mahihirap, yung may grasa na talaga sa mukha at may akay-akay na lata? Exag ka ha."

"Hahaha, hindi ah.. di bale na nga, ihahatid na kita hanggang sa pinto ng bahay nyo."

"Naku huwag na! Sige na ayos na ako dito, umuwi ka na at gabi na" pumara ako ng taxi "Mag-taxi ka nalang para maka-uwi ka kaagad." binuksan ko yung pinto ng taxi at pinilit na ipasok doon si Rain "Umuwi ka na ha, okay. Manong sa..." binalingan ko si Rain na mukhang may sasabihin pa yata peru hindi ko na binibigyan ng chance "Saan nga ba sa inyo?"

"Ahmm...sa Verona Village"

"Ay kuya sa Verona Village po daw" binalingan ko ulit si Rain "Hindi ako papasok bukas kaya huwag mo na akong hanapin kung papasok ka. Goodbye, ingat ka" isinara ko na yung pinto.

Umandar na yung taxi peru hindi pa man yun nakakalayo ay lumabas yung ulo ni Rain sa bintana ng taxi at sumigaw.

"Hindi din ako papasok bukas! Kita nalang tayo bukas Syndiii!! Ingaaat kaaa!"

Kinawayan ko lang siya. 

Saan naman kaya kami magkikita?

Adik talaga yun...tssst.

***

"Good morning po ate Maria..." may sumilip na bata "Oww..Hello Yeshua" kumaway ako doon sa 3 year old na bata, anak ni ate Maria.

"Bleeeh! Bad kaa!"

"Ano ba yan...hindi talaga ako gusto ni Yeshua"

Lumapit sila saken "Hayaan mo na sadyang woman hater ang batang ito. Ako lang ang kinikilalang babae nitong anak ko. Parang hayop ang ugali, choosy masyado."

"Ang cute-cute ni Yeshua peru hindi ko man lang malapitan at mahalikan." nangalumbaba ako sa counter desk. Wala gaanong customer kaya chill-chill lang muna "May lakad po ba kayo ate Maria?"

"Wala naman.." nag-bibilang ito ng pera sa lalagyanan "Ide-deliver na kasi mamaya ang in-order kong birthday give away kaya hinihintay ko lang dito. Saka boring sa bahay nakaka-bad-vibes. Laruin mo muna yang si Yeshua, Syndi."

Napangiwi naman ako "E hindi nga ako kinikilalang tao ng batang yan eh."

"Hahaha, try mo lang"

"Hmm...sige na nga" nilapitan ko na si Yeshua na paikot-ikot lang sa isang shelves "Yeshuaaa... halika laro tayo."

Huminto ito sa harap ko, ngumiti siya saken.. sa wakas! 

Peru sa gulat ko pa naman ay bigla nalang hinila ang nakatirintas kong buhok.

"Araaay naman Yeshuaaa ang sakit!" hinawakan ko sa magkabilang braso para awatin "Naku naman ang sakiit ahh... huwag naman ganyan baby."

"Bad ka! Bad ka!"

"Shhsst! Yeshua bitiwan mo ang buhok ng ate Syndi mo!"

Napatingin kami pareho sa nag-salita. Sure akong hindi si ate Maria ang nag-salita. Boses lalaki eh. Pagtingin ko si Rain, nakangisi siya.

"Hello Yeshua boy" 

Tumingkayad si Rain at inilahad ang mga braso. Tumakbo naman agad si Yeshua kay Rain at yumakap.

"Kyaa Rainn!! I misshh yow pow!!"

Ginulo naman ni Rain ang buhok nung bata "Ikaw ha, diba sinabi kong huwag mong sasaktan ang mga babae. Tsk..tsk..tsk.."

"I don't like her," itinuro pa ako ni Yeshua 

"Good,"

Ano yun? Good dahil hindi ako gusto ni Yeshua?

"Mabuti na yun at least wala akong karibal hahaha" tumayo ito habang karga-karga si Yeshua "Dahil akin lang yang si Ate Syndi mo, okay?"

"Ngeee... usto mo siya pow?"

"Yup, kaya dapat pakabait ka sa kanya"

"don't like"

Dumaan sa harap ko si Rain "Hi Syndi, miss me?"

"Ewan ko sayo!" bumalik na lang ako sa counter at inayos doon ang nagulo kong buhok.

"Napadalaw ka Rain?"

"Hello Ninang.. ang laki-laki na nitong si Yeshua ah" pina-upo nito ang bata sa counter.

"At napaka-woman hater parin ng kulit na yan."

 "Hahaha, okay lang yan...at least kapag lumaki itong si Yeshua ay hindi maging playboy, diba?"

"What is playboy, kuya?"

"Hmmm... e-google natin mamaya ah.."

"Yan kasi ang daming itinuturo sa bata" bulong ko lang peru si Rain ang pinariringgan ko.

Bigla namang nag-ring yung cellphone ni ate Maria "Hello...oh Julie...ha? agad-agad? ano? hindi ako pwedeng magdala ng bata?....nababaliw ka ba?...teka, e sinong magbabantay kay Yeshua? SI Rain? paano mo nalaman andito si Rain?" napakamot ito sa ulo "Talaga naman ikaw Julie napaka-lightning mong mag-desisyon...Oo na! pupunta na..bye." Maria sighed.

"Si Mommy po?"

"Naku iyang mama mo Rain binibigyan talaga ako ng stress," kinuha na nito ang bag "Kailangan daw naming planohan ang birthday niya and strictly no kids allowed kasi bonding moments narin namin nila Kim. Pasalamat lang sila't malalaki ng mga anak nila, e 3 years old palang saken." binalingan niya ang anak "Baby, aalis mo na si mommy ha, si kuya Rain na muna ang bahala sayo. okay lang ba?"

"Opow..."

"Oh Rain alagaan mo muna itong si kulit at pupuntahan ko pa yung mama mong makulit din. And Syndi, ikaw na ang bahala sa delivery mamaya ha."

"Opo ate"

"Huwag kayong mag-alala ninang ako na ang bahala kay Kulit. Ingat."

"O sha, mauuna na ako sa inyo." hinalikan muna nito ang anak "Behave baby..bye"

"Byee meeee"

Nang maka-alis na si ate Maria ay binalingan ko naman si Rain na ngising-ngisi parin.

"Uyy, ikaw anong ginagawa mo dito?"

"Diba sinabi kong magkikita tayo ngayon? Edi tinutupad ko lang ang pangako ko sayo."

"Ayy ganun, paano mo naman nalaman na nandito ako, aber?"

"E saan ka pa naman pupunta kong wala ka sa school kundi sa trabaho mo. Kaya viola IM HERE! hehehe galing ko noh? Diba, Kulit?"

Kumunot naman yung noo ko "Bakit Kulit?"

"Makulit kasi ang batang ito kaya palayaw Kulit. At kita mo naman Syndi baby, ang liit lang ng mundo nagtatrabaho ka pala sa shop ni Ninang Maria na matalik na kaibigan ni mommy. Is this what they called YOU'RE MY DESTINY, YOU AND I ARE MEANT TO BE?"

"Yuck ha! Hehehe...ang corney mo talaga Ulan."

"Hahaha...maiba ako, bakit ka ba nagtatrabaho, 16 ka palang ah? Naghihirap ba talaga kayo?"

"Nagtatrabaho ako dahil marami kaming pangangailan."

"Bakit wala bang trabaho ang papa mo?"

Yumuko ako "Wala na ang papa ko, matagal na siyang patay."

"Oh, I'm sorry..."

"Pwede ba Rain,  huwag na nating pag-usapan ang tungkol sa buhay ko."

Ngumiti siya "SURE, yun lang pala aking Syndi."

"Oh bakit Syndi na naman ang tawag mo saken?"

"Naisip ko lang kasi na hindi bagay sayo ang Ella, kaya Syndi nalang ulit hehehe."

"Adik ka talaga, mag-stick ka na diyan...baka sa susunod maging Sin, Andy o Rella na ang itawag mo saken ha."

"Baka gusto mong Mine nalang ang tawag ko sayo?"

"Mine? Ang layo naman niyan sa pangalan ko."

"E syempre naman... kapag officially dating na tayo, AKIN KA NA, kaya Mine..ayee ang sweet ko talaga ano? Grabeh ako na talaga, diba Kulit? High five nga...APIR!" nag-high five talaga silang dalawa. Magkasundong-magkasundo talaga sila. At teka anong kabalbalan na naman itong pinagsasabi nitong si Ulan?!

"Ang ewww ha...Mine, Mine mo yang mukha mo." kinuha ko na yung box sa tabi ko. Masimulan na nga yung trabaho ko.

"Kulit gutom ka na ba? Gusto mo order nalang tayo ng pizza?"

"Yeepeeii! Pizzaaa!! guto koo pizza!!"

"Hahhaa, okay, order na ako...maglaro ka muna diyan at huwag kang lalabas kundi wala kang pizza, sige ka.."

"Opow! Prowmise!!"

Grabeh! Takutin ba ang bata? Hayy naku kahit kailan itong si Ulan.

"Meron ba akong maitutulong sa iyo aking Mine?"

Hindi ko siya pinansin "Meron"

"Ano yun?"

"Tumahik ka, pwede?"

"Ano ba naman yan... oh, ito" napatingin ako sa kanya at saka doon sa nakalahad niyang kamay na may cellphone. Tumingin ulit ako sa kanya.

"Ano yan?"

"Cellphone," ibinaba nito ang box na hawak ko at nilagay sa isa kong kamay ang cellphone "Alam ko kasing nasira ang cellphone mo, kaya yan ang bago mo."

"Paano mo naman nalaman na nasira ang cellphone ko?"

"Well, " nagkamot muna ito sa noo "Nadaganan ko kasi at naitapon ko kay Gian noong nag-away kami. Akala ko kasi bato kaya binato ko nalang hehehe...Sorry." nag-peace sign pa.

Nanlaki talaga yung mata ko "AKALA MO SA CELLPHONE KO BATO?! grabeh ka naman kung manlait Ulan, wagas na wagas!"

"Hindi bale, luma naman na yun kaya kalimutan mo na yun. Yan nalang gamitin mo, okay ba? Mahal yan, at saka don't worry akin yan... bigay ko na sayo. Huwag ka ng mag-alala saken mayaman naman ako kaya makakabili padin naman ako ng bago."

"E mayaman ka naman pala eh, edi hindi ko na ito tatanggihan. Madali naman akong kausap." ang yabang talaga ng Ulan na ito. Peru nag-smile ka parin Syndi dahil napaka-thoughtful niya. Ibinulsa ko na yung cellphone niya. "Salamat Ulan."

"Pleasure is mine.."

Dumating kaagad yung pizza kaya kumain na kami. Nag-close muna kami ng shop kasi lunch time na. Kaya tambay muna kami sa counter at kumakain lang ng pizza.

"Ano ba yan pareho lang kayo ni Kulit" kulit narin ang tawag ko kay Yeshua "Hindi kumakain ng toppings puro pan lang pizza. Sana pan nalang yung binili nyo."

"E yun lang ang masarap eh, diba kulit?"

"Yup..yup..yup.."

"Akin na nga lang yan," kinuha ko kang yung may cheese toppings "Nag-aakasaya lang kayo ng pagkain eh. Madaming nagugutom na tao sa mundo."

"Ate Syndi you so daldal" napatingin ako kay Kulit na ngising-ngisi pa saken "You so daldal" ulit pa nito. Napatingin naman ako kay Rain na panay ang pigil ng tawa. Alam kong siya ang nagturo kay kulit nun. Ang Ulan talagang ito!!

Ibinato ko nalang kay Rain yung tissue paper "Punasan mo nga si Kulit at mukha na yang gusgusing bata."

"Wow naman! Para naman tayong mag-pamilya," tumaas yung kilay ko sa narinig "Ako ang Daddy, ikaw ang mommy at si Kulit ang baby natin. Oh diba, one happy family!!"

"Manahimik ka Ulan, ha. Kung ano-ano na yang pumapasok sa isip mo."

Noong una girlfriend at boyfriend ngayon naman pamilya. Masyado yatang advance kong mag-isip itong si Ulan at gusto ng magkaanak...at take note, ako pa talaga ang mommy. Kaloka! Peru naisip ko lang. Ano naman kaya ang magiging istsura ng anak namin kung magkaganun? Sana makuha niya yung blue eyes ni Rain. At syempre kamukha ko din...Hala ka!! Ano ito Syndirella Aguilar marunong ka na ding lumandi?!! Nooo...erase!

"Oh Kulit dapat matutunan mong magustuhan si Ate Syndi mo ha, para masaya tayong lahat! At syempre kapag lumaki ka na at hindi parin ako sinasagot ni Syndi huwag mo siyang liligawan ha. Hanggang doon lang yun sa ate relationship. ha. Kasi hindi kayo bagay. Masyado siyang matanda para sayo. Hahaha... " nakikinig naman sa kanya si Kulit "Okay ba?"

At siraan ba ako? Ganoon ba ako katanda?

"Okay!!"

"So friends na kayo?"

"Okay!!"

"Cmon Give ate Syndi a hug."

Dahil nasa counter lang naman naka-upo si Kulit ay inabot nalang niya ako. Ako na yung lumapit at hayun binigyan nga ako ng mahigpit na yakap. Napangiti naman ako. Akalain mong may power pala ito sa mga bata itong si Ulan? Mukhang marami pa akong hindi alam sa lalaking ito ah.

"Aww..ang sweet naman"

"Ako din sweet...pwede din ako pa-hug?" 

At nagpa-cute pa talaga si Ulan? Hindi ko alam kong maiinis ako o matatawa sa kung paano siya magpa-cute. Masyadong effort.. cute naman na siya kahit hindi na siya magpa-cute. 

Sinabi ko talagang cute siya?

My gosh! I must be out of my mind.

"Tigilan mo nga ako Ulan at nahihindik ako sayo."

"Ate Syndi will you pwease give kuya Rain a huwg?"

Napatingin ako kay Kulit. Sino ba namang hindi makakahindi sa batang ito? Ang cute-cute! Nagdadalawang isip pa ako.

"If you downt.. will not be fwends anymore!"

At talagang namana niya ang pagba-blockmail nitong si Ulan. Kahit kailan bad influence talaga itong si Rain. O ano may magagawa ka pa ba Syndi? Alangan namang magalit ulit sayo ang bata? Tinignan ko nalang ng masama si Rain.

"Alam mo kasi mahal ako ng batang iyan hahaha" kinindatan pa ako "Oh ano pwede na ba akong yumakap sayo?"

"Tsansing kamo! O sha! May magagawa pa ba ako... Oh sige yakap na!"

Galit ka ba? O excited Syndi.

Che! manahimik ka nga isip koo!

Na-excite lang ng konti... gosh!! BUWANG na yata ako?

"Saya!!"

Amoy na amoy ko yung pabango ni Rain. Parang ang sarap simhhutin..ang bango. Bagay na bagay sa kanya. Ako naman parang nag-enjoy sa yakap niya. At hinigpitan pa talaga niya. Kahit na may nakapagitang counter table sameng dalawa.

Peru bakit parang may kung anong gumagalaw sa pagitan namin?

"Knaaa!! I can't breathe!!"

Napahiwalay kami ni Rain.

Naipit pala si Yeshua.

"Naku sorry baby.." alo ko kaagad sa bata "Ito kasing ---" 

Sumabad agad si Rain "Daddy mo atat na atat yakapin ang mommy mo." kinindatan niya ulit ako "Sagutin mo na nga ako Syndi at nang makagawa na tayo ng pamilya. I want to settle down with you. Sabihin mo lang kong saang simbahan at kailan mo ako pakakasalan. I'll immediately buy you a ring."

"Alam mo Rain..."

"Na You love me too?"

"No, that I'm dying to..."

"You're dying to be with me forever?"

"I'm dying to KILL you. Umayos ka nga kung ayaw mong masipa kita ng hindi oras!"

"Hahaha.. peru alam mo ba Syndi... I'm also dying to..."

"Dying to kill me too?!!"

"NO, I'm dying to KISS you."

"Ewaaan koo sayo!"

Sige subukan mo lang at makakatikim ka saken. Ng ano Syndi? Well, pwede namang halikan ko nalang siya para magtigil siya. Nakuu!! Nababaliw na talaga ako. Bakit ko ba sinasakyan itong mga punchline ng kolokoy na ito.

Kasi siguro nagugustuhan mo na rin siya?

Ha? Hindi ah..

Medyo lang...

MERRY CHRISTMAS PO SA INYO!! <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro